Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Acts 24 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Five days later the high priest Ananias came down with some elders and a lawyer, Tertullus, and they brought charges against Paul before the governor. Makalipas ang limang araw, pumunta sa Cesarea ang punong pari na si Ananias. Kasama niya ang ilang pinuno ng mga Hudyo at ang abogadong si Tertulo. Humarap sila kay Gobernador Felix at sinabi nila sa kanya ang kanilang akusasyon laban kay Pablo.
2 When Paul was summoned, Tertullus began his accusation: "Through you we enjoy great peace, and reforms have come to this nation through your foresight, Pagkatawag kay Pablo, inumpisahan ni Tertulo ang pag-aakusa sa kanya. Sinabi niya, “Kagalang-galang na Gobernador, dahil sa inyong magandang pamamalakad, naging mapayapa ang aming bansa. At maraming pagbabagong naganap na nakabuti sa aming bansa.
3 we acknowledge this in every way and everywhere, most excellent Felix, with all gratitude. Kaya lubos ang pasasalamat namin sa inyo, kagalang-galang na Felix, at hindi namin ito makakalimutan.
4 But so as not to detain you any further, I ask you to hear us kindly, in a few words. Ngayon, hindi namin gustong maabala kayo, kaya nakikiusap po ako sa inyong kagandahang-loob na pakinggan ninyo ang maikli naming salaysay.”
5 We found this man a plague, stirring up riots among all the Jews worldwide, and a ringleader of the Nazarene sect. “Nakita namin na ang taong itoʼy nakakaperwisyo. Nagdadala siya ng kaguluhan sa mga Hudyo sa buong mundo, at namumuno siya sa sekta na tinatawag na Nazareno.
6 He even tried to desecrate the temple, so we seized him. Kahit ang Templo namin ay tinangka niyang dungisan kaya hinuli namin siya. [Hahatulan na sana namin siya ayon sa aming Kautusan,
7 Not in this edition ngunit dumating ang kumander na si Lisias at sapilitan niyang kinuha sa amin si Pablo.
8 By examining him yourself, you can learn all we accuse him of." At sinabi niya na kung sino ang may akusasyon laban kay Pablo ay kinakailangang pumunta sa inyo.] Kung iimbestigahan nʼyo ang taong ito, malalaman nʼyo ang lahat ng akusasyon namin sa kanya.”
9 The Jews also joined in the attack, insisting that these things were so. At sinang-ayunan din ng mga Hudyo ang lahat ng sinabi ni Tertulo.
10 The governor motioned him to speak. Paul answered: "Knowing you've judged this nation for many years, I gladly defend myself. Sinenyasan ng gobernador si Pablo na siya naman ang magsalita. Kaya nagsalita si Pablo, “Alam kong matagal na po kayong naging hukom sa bansang ito. Kaya ikinagagalak kong ipagtanggol ang aking sarili sa inyong harapan.
11 You can confirm it's no more than twelve days since I went up to worship in Jerusalem. Kung mag-iimbestiga kayo, malalaman ninyo na halos labindalawang araw na ang lumipas nang dumating ako sa Jerusalem para sumamba.
12 They found me arguing with no one, stirring up no crowd—not in the temple, the synagogues, or anywhere in the city. Kailanmaʼy hindi ako nakita ng mga Hudyong ito na nakikipagdiskusyon kahit kanino o kayaʼy nanggugulo sa Templo o sa sinagoga, o kahit saan sa lungsod.
13 Nor can they prove to you the charges they are now bringing against me. Hindi nga po nila mapatunayan sa inyo na totoo ang kanilang akusasyon sa akin.
14 But I confess to you: following the Way—they call it a sect—I worship the God of our ancestors, believing all that agrees with the Law and is written in the Prophets. Subalit, inaamin kong sinasamba ko ang Diyos ng aming mga ninuno bilang alagad ng Daan na itinuturing nilang kulto. Pinaniniwalaan ko ang lahat ng nakasaad sa Kautusan at sa isinulat ng mga Propeta.
15 I have hope in our Father—one these men also hold—that the righteous and unrighteous alike will rise. Ang pag-asa ko sa Diyos ay katulad din ng pag-asa nila, na ang lahat ng tao, mabuti man o masama, ay muli niyang bubuhayin.
16 So I always strive to keep my conscience clear before our Father and before people. Kaya pinagsisikapan ko na laging maging malinis ang aking konsensiya sa harapan ng Diyos at ng mga tao.
17 After several years I came to bring charitable gifts for my nation's poor, and offerings. “Pagkalipas ng ilang taóng wala po ako sa Jerusalem, bumalik po ako doon upang magdala ng tulong para sa aking mahihirap na kababayan, at upang mag-alay ng handog.
18 Amid this, they found me purified in the temple—no crowd, no uproar. At nadatnan nila ako doon sa Templo na naghahandog matapos kong gawin ang seremonya ng paglilinis. Wala akong kasamang maraming tao, at wala ring kaguluhan.
19 Some Jews from Asia should be here before you to accuse, if they have anything against me. Ngunit may mga Hudyo roon na galing sa lalawigan ng Asia. Sila sana ang dapat humarap sa inyo kung talagang may akusasyon sila laban sa akin.
20 Or let these men themselves say what wrongdoing they found when I stood before the council, At dahil wala sila rito, ang mga tao na lang na naririto ang magsasabi kung anong kasalanan ang nakita nila sa akin nang imbestigahan ako sa harap ng Sanhedrin.
21 except this one thing I shouted standing among them: 'It's over the resurrection of the dead that I'm on trial before you today.'" Sapagkat wala akong ibang sinabi sa harapan nila kundi ito: ‘Inaakusahan ninyo ako ngayon dahil naniniwala ako na muling bubuhayin ang mga patay.’ ”
22 Felix, who knew the Way fairly well, adjourned the hearing: "When Lysias the commander arrives, I will decide your case." Dahil sa marami nang nalalaman noon si Felix tungkol sa Daan, ipinatigil niya ang paglilitis. Sinabi niya, “Hahatulan ko lang ang kasong ito kapag dumating na rito si kumander Lisias.”
23 He ordered the centurion to guard Paul but allow him some freedom, not stopping any of his friends from serving him. Pagkatapos, inutusan niya ang kapitan na bantayan si Pablo ngunit huwag higpitan, at payagan ang kanyang mga kaibigan na tumulong sa mga pangangailangan niya.
24 Some days later, Felix came with his wife Drusilla, a Jew, sent for Paul, and heard him about faith in Christ Jesus. Pagkaraan ng ilang araw, bumalik si Felix kasama ang kanyang asawang si Drusila na isang Hudyo. Ipinatawag niya si Pablo at nakinig sa mga pahayag nito tungkol sa pananampalataya kay Kristo Hesus.
25 As Paul discussed righteousness, self-control, and the coming judgment, Felix grew frightened and said, "That's enough for now; go. When I find time, I'll call for you." Ngunit nang magpaliwanag si Pablo tungkol sa matuwid na pamumuhay, sa pagpipigil sa sarili, at tungkol sa darating na Araw ng Paghuhukom, natakot si Felix at sinabi niya kay Pablo, “Tama na muna iyan! Ipapatawag na lang kitang muli kung sakaling may pagkakataon ako.”
26 He also hoped Paul would give him money, so he sent for him often and talked with him. Dahil umaasa siyang susuhulan siya ni Pablo, palagi niya itong ipinapatawag para makipag-usap sa kanya.
27 After two years, Porcius Festus succeeded Felix. Wanting to please the Jews, Felix left Paul in prison. Pagkalipas ng dalawang taon, pinalitan si Felix ni Porcio Festo bilang gobernador. At dahil sa nais ni Felix na magustuhan siya ng mga Hudyo, pinabayaan niyang nakakulong si Pablo.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]