Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Acts 25 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Now three days after Festus had arrived in the province, he went up to Jerusalem from Caesarea. Tatlong araw matapos dumating si Festo sa Cesarea, pumunta siya sa Jerusalem.
2 There the chief priests and Jewish leaders presented their case against Paul and kept urging him, Lumapit sa kanya ang mga namamahalang pari at mga pinuno ng mga Hudyo para iharap ang kanilang paratang laban kay Pablo.
3 requesting a favor against him—that he summon Paul to Jerusalem. They were setting an ambush to kill him on the road. At hiniling nila kay Festo bilang pabor, na ipadala niya si Pablo sa Jerusalem. Ngunit balak pala nilang tambangan si Pablo sa daan at patayin.
4 Festus replied that Paul was held at Caesarea, and he himself would leave shortly. Sumagot si Festo, “Nakabilanggo sa Cesarea si Pablo at babalik ako roon sa lalong madaling panahon.
5 "So," he said, "let those among you who are able go down with me and accuse the man, if there is anything wrong with him." Kaya pasamahin ninyo sa akin ang ilan sa inyong mga pinuno at doon ninyo siya akusahan kung may nagawa siyang masama.”
6 Festus stayed with them no more than eight or ten days, then went down to Caesarea. The next day he took the judge's seat and ordered Paul brought in. Mahigit isang linggong nanatili si Festo sa Jerusalem, at pagkatapos, bumalik siya sa Cesarea. Kinabukasan, umupo siya sa hukuman at iniutos na dalhin sa kanya si Pablo.
7 When Paul arrived, the Jews from Jerusalem surrounded him, bringing many serious charges they couldn't prove. Pagpasok ni Pablo, pinaligiran agad siya ng mga pinuno ng mga Hudyo na galing sa Jerusalem, at inakusahan siya ng mabibigat na kasalanan, ngunit hindi naman nila ito kayang patunayan.
8 Paul answered in his defense: "I have done no wrong against the Jewish law, the temple, or Caesar." Ipinagtanggol ni Pablo ang kanyang sarili. Sinabi niya, “Wala akong nagawang kasalanan laban sa Kautusan ng mga Hudyo, sa Templo, o kayaʼy sa Emperador ng Roma.”
9 But Festus, wanting to please the Jews, asked Paul, "Will you go up to Jerusalem and be tried there before me on these charges?" Dahil nais ni Festo na magustuhan siya ng mga Hudyo, tinanong niya si Pablo, “Gusto mo bang pumunta sa Jerusalem, para doon kita litisin tungkol sa mga paratang na ito?”
10 Paul said, "I stand before Caesar's tribunal, where I must be judged. I've done the Jews no wrong, as you yourself know very well. Sumagot si Pablo, “Nandito na ako sa korte ng Emperador, kaya dito nʼyo ako dapat litisin. Wala akong nagawang kasalanan sa mga Hudyo at alam naman ninyo ʼyan.
11 If I've done wrong, done something deserving death, I won't refuse to die. But if these men's charges against me are groundless, no one can hand me over to them. I appeal to Caesar." Kung totoong lumabag ako sa kautusan at dapat akong parusahan ng kamatayan, tatanggapin ko ang hatol sa akin. Ngunit kung walang katotohanan ang kanilang akusasyon sa akin, hindi ako dapat ipagkatiwala sa kanila. Aapela ako Emperador ng Roma!”
12 After consulting his council, Festus answered, "You appealed to Caesar; to Caesar you will go." Nakipag-usap agad si Festo sa mga miyembro ng kanyang korte, at pagkatapos ay sinabi niya kay Pablo, “Dahil gusto mong umapela sa Emperador, ipapadala kita sa kanya.”
13 Some days later, King Agrippa and Bernice came to Caesarea and greeted Festus. Pagkalipas ng ilang araw, dumating sa Cesarea si Haring Agripa at ang kanyang kapatid na si Bernice dahil gusto nilang magbigay-galang kay Festo.
14 As they spent many days there, Festus presented Paul's case to the king: "Felix left a man here as a prisoner. Sa kanilang pananatili doon ng ilang araw, isinalaysay ni Festo sa hari ang kaso ni Pablo. Sinabi niya, “May bilanggong iniwan dito si Felix.
15 While I was in Jerusalem, the chief priests and elders of the Jews accused him, asking me for his conviction. Noong pumunta ako sa Jerusalem, inakusahan ang taong ito ng mga namamahalang pari at ng mga pinuno ng mga Hudyo. Hiniling nila sa akin na hatulan ko siya.”
16 I told them it's not Roman custom to hand over anyone before the accused faces his accusers in person and gets a chance to defend himself against the charge. “Sinabi ko sa kanila na hindi kaugaliang Romano na parusahan ang kahit sino na hindi humaharap sa mga nag-aakusa sa kanya, at hindi pa nabibigyan ng pagkakataon na masagot ang mga akusasyon laban sa kanya.
17 So when they gathered here, I delayed nothing—next day I sat on the judgment seat and ordered the man brought in. Kaya nang sumáma sila sa akin pabalik dito, hindi na ako nag-aksaya ng panahon. Kinabukasan din ay umupo ako sa hukuman at iniutos kong dalhin sa akin ang taong ito.
18 When his accusers stood up, they raised none of the criminal charges I had expected. Ngunit ang mga paratang sa kanya ay hindi naman talaga mabibigat gaya ng inaasahan ko.
19 Instead, they had some disputes with him about their own religion and a dead man named Jesus, whom Paul kept claiming was alive. Sa halip, ang mga bagay na pinagtatalunan nila ay tungkol lang sa relihiyon nila at sa isang taong ang pangalan ay Hesus. Patay na ang taong ito, ngunit iginiit ni Pablo na buháy siya.
20 Unsure how to investigate this, I asked if he was willing to go to Jerusalem and be tried there on these charges. Hindi ko alam kung anoʼng gagawin sa kasong ito, kaya tinanong ko si Pablo kung gusto niyang pumunta sa Jerusalem para doon mismo litisin ang kaso.
21 But since Paul appealed to be held for the Emperor's decision, I ordered him held until I could send him to Caesar." Ngunit sinabi ni Pablo na lalapit na lang siya sa Emperador upang siya na mismo ang magpasya. Kaya nag-utos ako na bantayan siya hanggang maipadala ko siya sa Emperador.”
22 Agrippa told Festus, "I'd like to hear the man myself." "Tomorrow," Festus said, "you will hear him." Sinabi ni Agripa kay Festo, “Gusto kong mapakinggan ang taong ito.” “Sige, bukas mapapakinggan mo siya,” sagot ni Festo.
23 The next day Agrippa and Bernice arrived with great show and entered the hall with the military commanders and the city's prominent men. On Festus's order, Paul was brought in. Kinabukasan, marangyang parada ang pagdating sa korte nina Agripa at Bernice. Maraming opisyal ng mga sundalo at mga kilalang tao sa lungsod ang sumáma sa kanila. Pagkatapos, nag-utos si Festo na dalhin doon si Pablo.
24 Festus said, "King Agrippa, and all here with us—you see this man. The whole Jewish community petitioned me about him, both in Jerusalem and here, shouting he must not live any longer. Sinabi ni Festo, “Haring Agripa at kayong lahat na naririto ngayon, narito ang taong pinapahatulan sa akin ng mga Hudyo rito sa Cesarea at sa Jerusalem. Isinisigaw nila na ang taong ito ay walang karapatang mabuhay.
25 But finding nothing deserving death, and since he himself appealed to the Emperor, I decided to send him. Ngunit wala naman akong nakitang dahilan upang parusahan siya ng kamatayan. At dahil nais niyang lumapit sa Emperador, nagpasya akong ipadala siya sa Roma.
26 I have nothing definite to write my lord about him, so I brought him before you all, especially before you, King Agrippa, so that after this examination I may have something to write. Subalit wala akong maisulat sa Emperador na malinaw na paratang tungkol sa taong ito. Kaya iniharap ko siya sa inyong lahat, at lalong-lalo na sa inyo Haring Agripa, upang pagkatapos ng pag-iimbestiga natin sa kanya ay mayroon na akong maisusulat.
27 For it seems unreasonable to me to send a prisoner without indicating the charges against him." Sapagkat hindi ko maaaring ipadala sa Emperador ang isang bilanggo nang walang malinaw na paratang laban sa kanya.”
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]