Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Acts 26 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Agrippa told Paul, "You may speak for yourself." Then Paul stretched out his hand and began his defense. Pagkatapos, sinabi ni Agripa kay Pablo, “Maaari ka nang magsalita upang ipagtanggol ang iyong sarili.” Kaya sumenyas si Pablo na magsasalita na siya. Sinabi niya,
2 King Agrippa, I count myself fortunate to defend myself before you today against all the Jews' accusations, “Haring Agripa, mapalad po ako dahil binigyan ninyo ako ng pagkakataong tumayo sa inyong harapan upang maipagtanggol ang aking sarili sa lahat ng akusasyon ng mga Hudyo laban sa akin.
3 especially since you know all Jewish customs and disputes well, so I ask you to hear me out patiently. Lalo naʼt alam na alam ninyo ang lahat ng kaugalian at mga pinagtatalunan ng mga Hudyo. Kaya hinihiling ko na kung maaari ay pakinggan nʼyo ang sasabihin ko.
4 All Jews know my life from youth, spent from the start among my own nation and in Jerusalem. “Alam ng mga Hudyo kung paano ako namuhay mula sa aking pagkabata, sa aking sariling bayan at sa Jerusalem.
5 They've long known me, and if willing to testify, that according to our religion's strictest sect I lived as a Pharisee. Matagal na nila akong kilala, at kung gugustuhin nilaʼy sila mismo ang makapagpapatunay na namuhay ako ayon sa pinakamahigpit na sekta ng aming relihiyon, ang sekta ng mga Pariseo.
6 And now I stand on trial for hope in the promise our Father made to our fathers. At ngayon, nililitis ako sa korteng ito dahil umaasa akong tutuparin ng Diyos ang kanyang pangako sa aming mga ninuno.
7 Our twelve tribes hope to reach this promise, worshiping him fervently night and day. For this hope, king, I am accused by the Jews. Ito ang pangakong inaasam na matupad ng aming labindalawang lahi. Kaya masigasig kaming naglilingkod sa Diyos araw at gabi. At dahil rin sa pag-asang ito, Haring Agripa, akoʼy pinaparatangan ng mga Hudyong ito.
8 Why is it judged incredible by any of you that our Father raises the dead? Bakit hindi makapaniwala ang mga naririto na binubuhay muli ng Diyos ang mga patay?
9 I myself thought I must do many things against the name of Jesus of Nazareth. “Noong una, napag-isipan ko mismo na dapat kong gawin ang aking makakaya para kalabanin ang taong si Hesus na taga-Nazaret.
10 That's what I did in Jerusalem: with authority from the chief priests, I locked many of the holy ones in prison, and voted against them when they were being put to death. Ganito ang aking ginawa noon sa Jerusalem. Sa pamamagitan ng kapangyarihang ibinigay sa akin ng mga namamahalang pari, maraming mga hinirang ng Diyos ang ipinabilanggo ko. At noong hinatulan sila ng kamatayan, sumang-ayon ako.
11 In every synagogue I often punished them, trying to force them to speak against God; enraged against them, I hunted them even to foreign cities. Maraming beses na inikot ko ang mga sinagoga para hanapin sila, parusahan, at piliting lapastanganin si Hesus. Sa tindi ng galit ko sa kanila, nakarating ako sa malalayong lungsod sa pag-uusig sa kanila.
12 On one such journey I went to Damascus with authority and commission from the chief priests. “Iyan ang dahilan kung bakit ako pumunta sa Damasco taglay ang kapangyarihan at pahintulot ng mga namamahalang pari.
13 At midday, O king, I saw on the road a light from heaven, brighter than the sun, blazing around me and my fellow travelers. Tanghaling-tapat po noon, Haring Agripa, at habang naglalakbay ay nakakita ako ng liwanag mula sa langit na nakakasilaw pa kaysa sa araw. Nagningning ang liwanag sa palibot namin ng mga kasama ko.
14 We all fell to the ground, and I heard a voice speaking to me in Hebrew: 'Saul, Saul, why are you persecuting me? It's hard for you to kick against the goads.' Natumba kaming lahat, at may narinig akong tinig na nagsalita sa akin sa wikang Arameo: ‘Saulo, Saulo! Bakit mo ako inuusig? Sinasaktan mo lang ang iyong sarili gaya ng bakang sumisipa sa matulis na kahoy.’
15 I asked, 'Who are you, Lord?' The Lord said, 'I am Jesus, whom you are persecuting.' “Nagtanong ako, ‘Sino po kayo, Panginoon?’ ” “Sumagot ang Panginoon, ‘Ako si Hesus na inuusig mo.
16 But get up, stand on your feet—I appeared to you for this reason: to appoint you a servant and witness both of what you have seen of me and of what I will yet appear to you, Bumangon ka at tumayo. Nagpakita ako sa iyo dahil pinili kita na maging lingkod ko. Ipahayag mo sa iba ang tungkol sa pagpapakita ko sa iyo ngayon, at tungkol sa mga bagay na ipapakita ko pa sa iyo.
17 rescuing you from your people and from the Gentiles—to whom I am sending you, Ililigtas kita sa mga kapwa mo Hudyo at sa mga Hentil. Isusugo kita sa kanila
18 to open their eyes, so they turn from darkness to light and from Satan's power to our Father, and receive forgiveness of sins and a place among those made holy by faith in me.' para imulat mo ang kanilang mga mata at mula sa kadiliman ay dadalhin mo sila sa liwanag, at ililigtas mo sila sa kapangyarihan ni Satanas patungo sa Diyos, nang sa gayoʼy mapatawad ang kanilang mga kasalanan, at mapabilang sila sa mga taong hinirang ng Diyos sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya sa akin.’
19 Therefore, King Agrippa, I was not disobedient to the heavenly vision, “Kaya Haring Agripa, sinunod ko po ang pangitain na ipinakita sa akin mula sa langit.
20 but I declared first to those in Damascus, then in Jerusalem and all the region of Judea, and to the Gentiles too, to repent and turn to our Father, doing deeds that match their repentance. Ang una kong ginawa ay nangaral ako sa Damasco at pagkatapos ay sa Jerusalem. Mula sa Jerusalem inikot ko ang buong Judea, at pinuntahan ko rin ang mga Hentil. Ipinangaral ko na dapat pagsisihan at talikuran ang kanilang mga kasalanan at lumapit sa Diyos, at ipakita nila sa pamamagitan ng kanilang mga gawa na silaʼy totoong nagsisisi.
21 For this reason the Jews seized me in the temple and tried to kill me. Iyan po ang dahilan kung bakit hinuli ako ng mga Hudyo roon sa Templo at tinangkang patayin.
22 With help from our Father, I stand to this day testifying to both small and great, saying nothing beyond what the prophets and Moses said would happen: Ngunit tinulungan ako ng Diyos hanggang sa araw na ito. Kaya narito ako ngayon para sabihin sa lahat, sa mga kilalang tao o hindi, ang sinabi noon ng mga propeta at ni Moises na mangyayari:
23 that the Christ must suffer, and, first to rise from the dead, proclaim light to both our people and the Gentiles. na ang Mesias ay dapat magdusa at mamatay, at unang mabubuhay mula sa kamatayan para magbigay ng liwanag sa mga Hudyo at sa mga Hentil.”
24 As Paul defended himself, Festus shouted, "Paul, you're insane! Your vast learning is driving you mad." Habang nagsasalita pa si Pablo, sumigaw si Festo, “Pablo, nababaliw ka na yata! Sinira na nang labis mong karunungan ang ulo mo!”
25 But Paul said, "I'm not insane, most excellent Festus; I speak words of truth and sound judgment. Sumagot si Pablo, “Kagalang-galang na Festo, hindi po ako baliw. Totoo ang mga sinasabi ko.
26 The king knows these things—I speak to him freely. I'm sure none of this escaped him, since it wasn't done in a corner. Ang mga bagay na ito ay alam ni Haring Agripa. Kaya hindi ako natatakot magsalita sa kanya. Natitiyak kong alam niya talaga ang mga bagay na ito, dahil hindi ito nangyari nang palihim.
27 King Agrippa, do you believe the prophets? I know that you believe." Haring Agripa, naniniwala po ba kayo sa mga sinasabi ng mga propeta? Alam kong naniniwala kayo.”
28 Agrippa said, "So quickly you'd persuade me to be a Christian?" Sinabi ni Agripa kay Pablo, “Akala mo baʼy mahihikayat mo akong maging Kristiyano sa loob lamang ng maikling panahon?”
29 Paul said, "Whether short or long, I pray to our Father that not only you but all who hear me today might become as I am—except these chains." Sumagot si Pablo, “Ang kahilingan ko sa Diyos, mangyari man ito agad o hindi ay hindi lang po kayo kundi ang lahat ding nakikinig sa akin ngayon ay maging katulad ko, maliban sa aking pagiging bilanggo.”
30 Then the king rose, and the governor and Bernice and those seated with them. Pagkatapos, tumayo ang hari, ang gobernador, si Bernice, at ang lahat ng mga kasama nilang nakaupo roon.
31 As they left, they told each other, "This man deserves neither death nor imprisonment." Nang makalabas na sila, sinabi nila sa isaʼt isa, “Wala namang ginawang anuman ang taong iyon para hatulan ng kamatayan o ibilanggo.”
32 Agrippa told Festus, "This man could have been freed if he hadn't appealed to Caesar." Sinabi ni Agripa kay Festo, “Kung hindi sana siya umapela na ilalapit niya ang kanyang kaso sa Emperador, maaari na sana siyang palayain.”
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]