Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Acts 27 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Once it was decided we would sail to Italy, they handed Paul and some other prisoners to a centurion named Julius of the Imperial Cohort. Nang mapagpasyahan nilang papuntahin kami sa Italya, ipinagkatiwala nila si Pablo at ang iba pang mga bilanggo kay Julio. Si Julio ay isang kapitan ng mga sundalong Romano na tinatawag na Batalyon ng Imperyo.
2 We boarded a ship from Adramyttium bound for the ports along the coast of Asia and put out to sea. Aristarchus, a Macedonian from Thessalonica, was with us. Sumakay kami sa isang barkong galing ng Adramicio at papunta sa mga daungan ng lalawigan ng Asia, at naglayag kami kasama si Aristarco na taga-Macedonia at mula sa Tesalonica.
3 The next day we docked at Sidon. Julius treated Paul kindly, letting him go to friends for care. Kinabukasan, dumaong kami sa Sidon. Napakabuti ni Julio kay Pablo at pinahintulutan niyang dumalaw si Pablo sa kanyang mga kaibigan doon para matulungan siya sa kanyang mga pangangailangan.
4 From there we put to sea and sailed along Cyprus's sheltered side, since the winds opposed us. Mula roon ay naglayag muli kami. At dahil salungat sa amin ang hangin, doon kami dumaan sa kabilang bahagi ng isla ng Cyprus na kubli sa hangin.
5 Having sailed across the open sea off Cilicia and Pamphylia, we came to Myra in Lycia. Nilakbay namin ang karagatan ng Cilicia at Pamfilia, at dumaong kami sa Mira na sakop ng Licia.
6 There the centurion found an Alexandrian ship sailing for Italy and put us aboard it. Dooʼy nakakita si Kapitan Julio ng isang barko na galing sa Alejandria at papunta sa Italya, kaya pinalipat niya kami roon.
7 Sailing slowly for many days, we barely reached Cnidus. Since the wind blocked us, we sailed along the sheltered side of Crete, off Salmone. Mabagal ang biyahe namin. Tumagal ito ng maraming araw, at talagang nahirapan kami hanggang sa nakarating kami malapit sa Cinido. At dahil salungat ang hangin, hindi kami makatuloy sa pupuntahan namin. Kaya naglayag kami sa kabila ng isla ng Creta na kubli sa hangin sa tapat ng Salmone.
8 Barely coasting along, we reached Fair Havens, a place near the town of Lasea. Nahirapan kami sa pamamaybay bago makarating sa lugar na tinatawag na Magagandang Daungan, malapit sa bayan ng Lasea.
9 Much time was lost—even the Fast had passed, making sailing dangerous now. So Paul warned them, Maraming araw ang nagugol namin sa paglalakbay, hanggang sa naging mapanganib ang panahon para magpatuloy dahil nakalipas na ang Araw ng Pag-aayuno. Kaya sinabi ni Pablo sa aming mga kasama,
10 "Men, I see this voyage will bring disaster and heavy loss—not only to the cargo and ship, but also to our lives." “Sa palagay koʼy mapanganib na kung magpapatuloy tayo, at hindi lang ang mga kargamento at ang barko ang mawawala baka pati na rin ang ating buhay.”
11 But the centurion trusted the pilot and shipowner more than Paul's words. Ngunit mas naniwala ang kapitan ng mga sundalo sa sinabi ng kapitan ng barko at ng may-ari nito kaysa sa payo ni Pablo.
12 Since the harbor was unfit for winter, most decided to sail on, hoping somehow to reach Phoenix, a Crete harbor facing southwest and northwest, and winter there. At dahil hindi ligtas sa malakas na hangin ang daungan doon, karamihan sa mga kasama namin ay sumang-ayon na maglayag. Nagbakasakali silang makakarating kami sa Fenix at doon magpapalipas ng taglamig. Sapagkat ang Fenix ay isang daungan sa Creta na may magandang kublihan kung taglamig.
13 When a south wind blew gently, thinking they'd gained their purpose, they weighed anchor and sailed close along Crete. Nang umihip ang mahinang hangin mula sa timog, ang akala ng mga kasamahan namin ay maaari na kaming maglayag. Kaya itinaas nila ang angkla at naglayag malapit sa baybayin ng isla ng Creta.
14 But before long, a hurricane-force wind called the Northeaster swept down from the island. Hindi nagtagal, bumugso ang malakas na hilagang-silangang hangin mula sa isla ng Creta.
15 The ship was caught and couldn't face the wind, so we gave way and drifted. Pagtama ng malakas na hangin sa amin, hindi na kami makaabante kaya nagpatangay na lang kami kung saan kami dalhin ng hangin.
16 Running under a small island called Cauda, we barely managed to secure the ship's lifeboat. Nang nasa bandang timog na kami ng maliit na isla ng Cauda, nakapagkubli kami nang kaunti. Kahit nahirapan kami, naisampa pa namin ang maliit na bangka na dala ng barko upang hindi ito mawasak.
17 Once hoisted aboard, they used ropes to brace the hull. Fearing they'd run aground on Syrtis's sandbars, they lowered the sea anchor and were driven along. Nang mahatak na ang bangka, itinali ito nang mahigpit sa barko. Dahil natatakot sila na baka sumayad ang barko malapit sa Libya, ibinaba nila ang layag at nagpatangay sa hangin.
18 The storm battered us so violently that the next day they began throwing cargo overboard. Tuloy-tuloy pa rin ang malakas na bagyo, kaya kinabukasan, nagsimula silang magtapon ng mga kargamento sa dagat.
19 On the third day, with their own hands they threw the ship's gear overboard. Nang sumunod pang araw, ang mga kagamitan na mismo ng barko ang kanilang itinapon.
20 For many days sun and stars didn't appear, the fierce storm kept raging, and we finally lost all hope of being saved. Sa loob ng ilang araw, hindi na namin nakita ang araw at mga bituin, at tuloy-tuloy pa rin ang bagyo, hanggang sa nawalan na kami ng pag-asang makakaligtas pa.
21 After they had gone a long time without food, Paul stood among them and said, "Men, you should have obeyed me and not sailed from Crete; then you would have spared yourselves this disaster and loss. Ilang araw nang hindi kumakain ang mga tao, kaya sinabi ni Pablo sa kanila, “Mga kaibigan, kung nakinig lang kayo sa akin na hindi tayo dapat umalis sa Creta, naiwasan sana natin ang mga pinsala at kapahamakang ito.
22 Now I urge you to stay encouraged: none of you will lose your life, only the ship will be lost. Ngunit ngayon, hinihiling ko sa inyo na lakasan ninyo ang inyong loob dahil walang mamamatay sa atin; ang barko lang ang masisira.
23 Last night an angel of our Father—the one I belong to and serve—stood beside me, Nagpakita sa akin kagabi ang isang anghel ng Diyos, ang Diyos na humirang sa akin at aking pinaglilingkuran.
24 and said, 'Don't be afraid, Paul. You must stand before Caesar, and look—our Father has given you the lives of all sailing with you.' Sinabi niya, ‘Pablo, huwag kang matakot. Dapat kang humarap sa Emperador sa Roma. At sa kagandahang-loob ng Diyos, ang lahat ng kasama mo dito sa barko ay maliligtas dahil sa iyo.’
25 So take courage, men—I trust our Father: it will be just as I was told. Kaya mga kaibigan, tibayan ninyo ang inyong loob, dahil nananalig ako sa Diyos na matutupad ang kanyang sinabi sa akin.
26 But we must run aground on some island." Subalit tayoʼy kailangang mapadpad sa isang isla.”
27 On the fourteenth night, still driven across the Adriatic Sea, the sailors sensed near midnight that land was approaching. Ikalabing-apat na gabi na noon at patuloy pa rin kaming tinatangay ng bagyo sa Dagat Adriatico. At nang mga hatinggabi na, napansin ng mga tripulante na malapit na kami sa lupa.
28 They sounded and found 120 feet; going a little farther, they sounded again and found ninety feet. Kaya sinukat nila ang lalim ng dagat at nalaman nilang mga 40 metro ang lalim. Maya-mayaʼy sinukat nilang muli ang lalim, at mga 120 talampakan na lang
29 Afraid of hitting rocks, they dropped four anchors from the stern and prayed for daylight. At dahil sa takot na sumadsad kami sa mga batuhan, naghulog sila ng apat na angkla sa hulihan ng barko. At nanalangin sila na mag-umaga na sana.
30 The sailors tried to escape from the ship, lowering the lifeboat into the sea, pretending to run out anchors from the bow. Gusto sana ng mga tripulante na lisanin na ang barko. Kaya ibinaba nila sa dagat ang maliit na bangka at kunwariʼy maghuhulog lang sila ng mga angkla sa unahan ng barko.
31 Paul told the centurion and soldiers, "Unless these men stay in the ship, you can't be saved." Ngunit sinabi ni Pablo sa kapitan at sa mga sundalo, “Kung aalis ang mga tripulante sa barko, hindi kayo makakaligtas.”
32 So the soldiers cut the ropes holding the lifeboat and let it drift away. Kaya pinutol ng mga sundalo ang mga lubid ng bangka at pinabayaan itong maanod.
33 Just before dawn, Paul urged everyone to eat, saying, "This is the fourteenth day you've waited anxiously, without food, having eaten nothing. Nang madaling-araw na, pinilit silang lahat ni Pablo na kumain. Sinabi niya, “Labing-apat na araw na kayong naghihintay na lumipas ang bagyo, at hindi pa kayo kumakain.
34 So I urge you to eat—this is for your survival. Not a hair from any of your heads will be lost." Kaya pakiusap, kumain kayo. Kailangan ninyo ito para makaligtas kayo dahil walang mamamatay sa inyo kahit isa.”
35 Saying this, he took bread, thanked our Father before them all, broke it, and began to eat. Pagkatapos magsalita ni Pablo, kumuha siya ng tinapay, at sa harapan ng lahat ay nagpasalamat siya sa Diyos. Pinira-piraso niya ang tinapay at kumain.
36 They were all encouraged and ate some food themselves. Lumakas ang kanilang loob at kumain silang lahat.
37 Altogether there were 276 of us on board. Kaming lahat na sakay ng barko ay 276 na katao.
38 Once satisfied with food, they lightened the ship by tossing the grain into the sea. Nang makakain na ang lahat at mabusog, itinapon nila sa dagat ang kanilang mga dalang trigo para gumaan ang barko.
39 At daylight they did not recognize the land, but noticed a bay with a sandy beach, and planned, if possible, to run the ship aground there. Nang mag-uumaga na, hindi alam ng mga tripulante kung saang isla kami napadpad, pero may nakita silang isang look na may dalampasigan, kaya nagkasundo sila na doon nila isadsad ang barko.
40 They cut the anchors loose, leaving them in the sea, and at the same time untied the rudder ropes. Then they hoisted the foresail to the wind and headed for the beach. Kaya pinutol nila ang mga lubid na nakatali sa angkla. Kinalag din nila ang mga tali ng timon. At itinaas nila ang layag sa unahan para tangayin ng hangin ang barko papuntang dalampasigan.
41 But hitting a sandbar where two currents met, they ran the ship aground—the bow stuck fast, unmoving, while the waves' force broke the stern apart. Ngunit sumayad ang barko sa mababaw na parte ng tubig. Bumaon ang unahan nito at hindi na makaalis. Ang hulihan naman ay nawasak dahil sa salpok ng malalakas na alon.
42 The soldiers planned to kill the prisoners so that none of them could swim away and escape. Papatayin na sana ng mga sundalo ang lahat ng bilanggo upang walang makalangoy papuntang dalampasigan at makatakas.
43 But the centurion, wanting to save Paul, stopped them from their plan, and ordered those who could swim to jump in first and get to shore, Ngunit pinigilan sila ng kanilang kapitan dahil gusto niyang mailigtas si Pablo. Nag-utos siya na tumalon muna ang lahat ng marunong lumangoy, at mauna na sa dalampasigan.
44 and the rest—some on planks, some on ship debris. So everyone reached land safely. Pagkatapos, pinasunod niya ang iba na nakakapit sa tabla at sa mga parte ng barko. Ganoon ang aming ginawa, at lahat kami ay ligtas na nakarating sa dalampasigan.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]