Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Acts 28 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Once we were brought safely through, we learned that the island was called Malta. Nang makaligtas na kami sa panganib, nalaman namin na ang islang iyon ay tinatawag na Malta.
2 Local people showed us unusual kindness: they lit a fire and welcomed us all, since rain had started and it was cold. Napakabait sa amin ng mga tagaroon at mabuti ang kanilang pagtanggap sa aming lahat. Nagpaningas sila ng apoy dahil umuulan at maginaw.
3 When Paul gathered a bundle of sticks and put them on the fire, a viper came out from the heat and fastened onto his hand. Kumuha si Pablo ng isang bigkis ng kahoy na panggatong. Ngunit nang mailagay na niya ang mga kahoy sa apoy, may makamandag na ahas na biglang lumabas dahil sa init ng apoy, at tinuklaw ang kanyang kamay.
4 Seeing the creature hanging from his hand, the natives said to each other, "This man must be a murderer—though he escaped the sea, Justice won't let him live." Nang makita ng mga tagaroon ang ahas na nakabitin sa kamay ni Pablo, sinabi nila, “Tiyak na kriminal ang taong ito. Nakaligtas siya sa dagat pero ayaw pumayag ng diyosa ng katarungan na mabuhay pa siya.”
5 But he shook the creature off into the fire and suffered no harm. Ngunit ipinagpag lang ni Pablo ang ahas doon sa apoy at walang masamang nangyari sa kanya.
6 They expected him to swell up or suddenly fall dead. But after watching a long time and seeing nothing wrong happen to him, they changed their minds, calling him a god. Hinihintay ng mga tao na mamaga ang kamay ni Pablo o kayaʼy matumba siya at mamatay. Ngunit matapos nilang maghintay nang matagal, walang nangyari kay Pablo. Kaya nagbago ang isip nila at nasabi na isa siyang diyos.
7 Near that place were estates belonging to the island's chief official, named Publius, who welcomed us and hosted us kindly for three days. Si Publio ang pinuno ng lugar na iyon at malapit sa kanyang lupa ang lugar na napuntahan namin. Mabuti ang kanyang pagtanggap sa amin, at doon kami tumuloy sa kanila sa loob ng tatlong araw.
8 Publius's father lay sick with fever and dysentery. Paul went in, prayed, laid hands on him, and healed him. Nagkataon noon na ang ama ni Publio ay may sakit na lagnat at disenteriya. Kaya pumasok si Pablo sa silid nito, nanalangin, at ipinatong niya ang kanyang kamay sa maysakit at gumaling ito.
9 After this, the rest of the sick on the island came and were healed. Dahil sa pangyayaring iyon, ang lahat ng maysakit sa isla ay pumunta sa amin at napagaling din sila.
10 They paid us many honors, and when we sailed, loaded us with everything we needed. Marami silang ibinigay sa amin na regalo. At nang paalis na kami, binigyan pa nila kami ng mga kakailanganin namin sa paglalakbay.
11 After three months we sailed in an Alexandrian ship that had wintered at the island, marked with the Twin Brothers. Makalipas ang tatlong buwan sa Malta, sumakay kami sa isang barkong doon nagpalipas ng taglamig. Galing sa Alejandria ang barko at may nakalagay na imahen ng kambal na diyos sa unahan nito.
12 We put in at Syracuse and stayed there three days. Mula sa Malta, pumunta kami sa Siracusa kung saan tumigil kami nang tatlong araw.
13 From there we sailed around and arrived at Rhegium. A day later a south wind rose, and on the second day we reached Puteoli. Mula roon, naglayag kami hanggang sa nakarating kami sa Regio. Kinabukasan, umihip ang habagat, at sa loob ng dalawang araw ay nakarating kami sa Puteoli.
14 There we found brothers and sisters and were urged to stay with them seven days; so we came to Rome. Doon, may nadatnan kaming mga kapatiran. Hiniling nilang manatili kami roon ng isang linggo. Pagkatapos, dumiretso kami sa Roma.
15 The brothers and sisters there heard about us and came to meet us as far as the Forum of Appius and Three Taverns. Seeing them, Paul thanked our Father and took courage. Nang marinig ng mga kapatid sa Roma na dumating kami, sinalubong nila kami sa Liwasang Apio at sa Tres Tabernas. Nang makita ni Pablo ang mga kapatid, nagpasalamat siya sa Diyos at lumakas ang kanyang loob.
16 When we entered Rome, Paul was allowed to stay by himself, with the soldier who guarded him. Pagdating namin sa Roma, pinahintulutan si Pablo na tumira kahit saan niya gusto, pero may isang sundalong magbabantay sa kanya.
17 Three days later he gathered the Jewish leaders. When they assembled, he said to them, "Brothers, though I'd done nothing against our people or our ancestors' customs, I was handed over as a prisoner from Jerusalem into Roman hands. Pagkalipas ng tatlong araw, ipinatawag ni Pablo ang mga pinuno ng mga Hudyo sa Roma. Nang nagkatipon-tipon na sila, sinabi niya, “Mga kapatid, kahit na wala akong nagawang kasalanan laban sa ating bayan o sa mga kaugaliang mula sa ating mga ninuno ay dinakip nila ako sa Jerusalem at inakusahan sa gobyerno ng Roma.
18 After examining me, they wanted to release me, since I had no charge deserving death. Nilitis ako ng mga Romanong opisyal, at nang malaman nila na wala akong nagawang masama upang hatulan ng kamatayan, ninais nilang palayain ako.
19 When the Jews objected, I was forced to appeal to Caesar—though I had no charge to bring against my nation. Ngunit tumutol ang mga Hudyo kaya napilitan akong umapela sa Emperador ng Roma kahit wala akong balak na paratangan ang aking mga kababayan.
20 That's why I asked to see and speak with you—I wear this chain because of Israel's hope." Ito ang dahilan kung bakit hiniling kong makita at makausap kayo, sapagkat nakakadena ako ngayon dahil sa pananampalataya ko sa pag-asa ng Israel.”
21 They said to him: "We received no letters from Judea about you, nor has any brother who came reported or said anything bad about you. Sinagot nila si Pablo, “Wala kaming natanggap na sulat mula sa Judea tungkol sa iyo. Ang mga kapwa nating Hudyo na dumating dito galing sa Jerusalem ay wala ring ibinalita o sinabi laban sa iyo.
22 We'd like to hear what you think, since we know this sect is spoken against everywhere." Ngunit gusto rin naming marinig kung ano ang iyong sasabihin, dahil alam namin na kahit saang lugar, minamasama ng mga tao ang sekta mong iyan.”
23 They set a day and came to his lodging in greater numbers. From morning to evening he explained, testifying about the kingdom of our Father and trying to persuade them about Jesus from the Law of Moses and the Prophets. Kaya nagtakda sila ng araw para magtipong muli. Pagdating ng araw na iyon, lalong dumami ang pumunta sa bahay na tinutuluyan ni Pablo. Pinatunayan niya sa kanila ang tungkol sa paghahari ng Diyos, at ipinaliwanag niya ang tungkol kay Hesus gamit ang Kautusan ni Moises at ang isinulat ng mga propeta para sumampalataya sila sa kanya.
24 Some were convinced by what he said, but others would not believe. Ang iba ay naniwala sa kanyang sinabi, ngunit ang iba naman ay hindi.
25 Disagreeing among themselves, they left after Paul added one final word: "The Holy Spirit spoke rightly to your ancestors through Isaiah the prophet, saying, At dahil sa hindi sila magkasundo, nagsiuwian sila. Ngunit bago sila umalis, sinabi ni Pablo sa kanila, “Totoo ang sinabi ng Banal na Espiritu sa ating mga ninuno sa pamamagitan ni Propeta Isaias.
26 "'Go to this people and say: You will indeed hear but never understand, and you will indeed see but never perceive. Sapagkat sinabi niya: ‘Puntahan mo ang mga taong ito at sabihin mo sa kanila na kahit makinig sila, hindi sila makakaunawa, at kahit tumingin sila, hindi sila makakakita,
27 For this people's heart has grown dull, and their ears are hard of hearing, and they have closed their eyes—otherwise they might see with their eyes, and hear with their ears, and understand with their heart, and turn, and I would heal them.' sapagkat matigas ang puso ng mga taong ito. Tinakpan nila ang kanilang mga tainga at ipinikit nila ang kanilang mga mata. Dahil baka makakita sila at makarinig, at maunawaan nila kung ano ang tama, at magbalik-loob sila sa akin, at pagalingin ko sila.’ ”
28 So know: our Father's salvation was sent to the nations—they will listen." “Ibig ko ring malaman ninyo na ang salita ng Diyos tungkol sa kaligtasan ay naibahagi na sa mga Hentil, at sila ay talagang nakikinig.” [
29 Not in this edition Pagkasabi nito ni Pablo, nag-uwian ang mga Hudyo na mainit na nagtatalo.]
30 He stayed two whole years in his own rented place and welcomed all who came to him, Sa loob ng dalawang taon, nanatili si Pablo sa bahay na kanyang inuupahan. At tinanggap niya ang lahat ng dumadalaw sa kanya.
31 proclaiming our Father's kingdom and teaching about the Lord Jesus Christ, boldly and unhindered. Buong tapang niyang ipinangaral ang tungkol sa paghahari ng Diyos at ang tungkol sa Panginoong Hesu-Kristo, at wala namang pumigil sa kanya.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]