Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Romans 1 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Paul, a servant of Christ Jesus, called to be an apostle, set apart for the gospel of our Father, Mula kay Pablo na lingkod ni Kristo Hesus, na pinili at tinawag ng Diyos na maging apostol upang ipangaral ang kanyang Magandang Balita.
2 the gospel he promised beforehand through his prophets in the holy Scriptures, Ang Magandang Balitang itoʼy ipinangako ng Diyos noon sa pamamagitan ng mga propeta at nakasulat sa Banal na Kasulatan.
3-4 concerning his Son, who in his earthly life was descended from David, Ang balitang itoʼy tungkol sa kanyang Anak, ang ating Panginoong Hesu-Kristo. Sa kanyang pagiging tao ay isinilang siya sa lahi ni Haring David. At sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu, siya ay binuhay mula sa mga patay at ibinigay sa kanya ang kapangyarihang nararapat sa kanya bilang Anak ng Diyos.
4 and was declared to be the Son of our Father in power according to the Spirit of holiness by his resurrection from the dead—Jesus Christ our Lord. Not in this edition
5 Through him we received grace and apostleship for the obedience of faith among all the nations, for his name's sake, Sa pamamagitan ni Kristo ay tinanggap namin ang pribilehiyong maging apostol, alang-alang sa kanya, upang madala namin sa pananampalataya at pagsunod sa kanya ang mga Hentil.
6 and you also are among those called to belong to Jesus Christ. At kayong mga mananampalataya diyan sa Roma ay kabilang din sa kanyang mga tinawag na maging pag-aari ni Hesu-Kristo.
7 To all in Rome, loved by our Father and called his holy people: Grace to you and peace from our Father and the Lord Jesus Christ. Sa inyong lahat na nasa Roma na minamahal ng Diyos at hinirang niyang maging banal na mga tao niya, sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang nagmumula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Hesu-Kristo.
8 First, I thank my Father through Jesus Christ for all of you, since your faith is reported worldwide. Una sa lahat, nagpapasalamat ako sa aking Diyos sa pamamagitan ni Hesu-Kristo dahil sa inyong lahat, sapagkat balitang-balita ang inyong pananampalataya sa buong mundo.
9 For our Father is my witness, whom I serve with my spirit in the gospel of his Son, that I constantly remember you in my prayers, Ang Diyos, na pinaglilingkuran ko nang buong puso sa pamamagitan ng pangangaral ko ng Magandang Balita tungkol sa kanyang Anak, ang aking saksi sa kung gaano ko kayo kadalas idinadalangin.
10 asking that somehow by our Father's will I may now at last succeed in coming to you. Palagi kong hinihiling sa Diyos na sanaʼy loobin niyang makapunta na rin ako diyan sa wakas.
11 For I long to see you, to share a spiritual gift that strengthens you, Nananabik akong makita kayo dahil nais kong ibahagi sa inyo ang espirituwal na kaloob na magpapatatag sa inyong pananampalataya.
12 that is, that we may be mutually encouraged by each other's faith, both yours and mine. Ang ibig kong sabihin, magtutulungan tayo sa pagpapalakas ng pananampalataya ng isaʼt isa.
13 I want you to know, brothers and sisters: I often planned to visit you, but was kept from it until now—to reap some harvest among you too, as among the rest of the nations. Mga kapatid, nais kong malaman ninyo na ilang ulit ko nang binalak na pumunta riyan upang mayroon din akong maakay sa pananampalataya kay Kristo, tulad ng ginawa ko sa mga Hentil sa mga napuntahan kong lugar ngunit laging may humahadlang.
14 I'm obligated to Greeks and non-Greeks, to wise and foolish. Sapagkat obligado akong mangaral sa lahat ng tao: sa mga sibilisado at sa mga hindi, sa mga edukado at sa mga mangmang.
15 So I am eager to preach the gospel to you also who are in Rome. Iyan ang dahilan kung bakit nais ko ring maipangaral ang Magandang Balita diyan sa inyo sa Roma.
16 I'm not ashamed of the gospel—it is our Father's power for salvation to everyone who believes, to the Jew first, and also the Greek. Hindi ko ikinakahiya ang Magandang Balita, dahil ito ang kapangyarihan ng Diyos sa ikaliligtas ng lahat ng sumasampalataya, una ang mga Hudyo at gayon din ang mga Hentil.
17 For in it our Father's righteousness is revealed, from faith to faith, as it is written: "The righteous will live by faith." Sapagkat ipinapahayag sa Magandang Balita kung paano itinuturing ng Diyos na matuwid ang tao sa paningin niya. Itoʼy sa pamamagitan ng pananampalataya buhat sa simula hanggang sa wakas; gaya ng sinasabi sa Kasulatan, “Mabubuhay sa pananampalataya ang matuwid.”
18 For our Father's wrath is revealed from heaven against all human godlessness and injustice, people who suppress the truth by injustice. Ipinapakita ng Diyos mula sa langit ang kanyang poot sa lahat ng kasamaan at kalapastanganang ginagawa ng mga tao, na pumipigil sa katotohanan sa pamamagitan ng kanilang kasamaan.
19 What can be known about our Father is evident to them, for he has made it evident to them. Sapagkat ang katotohanan tungkol sa Diyos ay malinaw sa kanila dahil inihayag ito sa kanila ng Diyos.
20 Since the world's creation, his invisible qualities—eternal power and divine nature—are clearly seen, understood from what he made. So they have no excuse. Totoong hindi nakikita ang Diyos, pero mula pa nang likhain niya ang mundo, ang kanyang walang hanggang kapangyarihan at pagka-Diyos ay naipahayag na sa mga bagay na ginawa niya; kaya wala silang maidadahilan.
21 Though they knew our Father, they didn't honor him as God or thank him—instead their thinking became empty, and their senseless hearts grew dark. At kahit alam nilang may Diyos, hindi nila siya pinarangalan o pinasalamatan man lang. Sa halip, ibinaling nila ang kanilang pag-iisip sa mga bagay na walang kabuluhan, kaya napuno ng kadiliman ang mga hangal nilang pag-iisip.
22 Claiming to be wise, they became fools, Nagmamarunong sila, ngunit lumilitaw na silaʼy mga mangmang.
23 and exchanged our immortal Father's glory for images shaped like mortal man and birds and animals and reptiles. Sapagkat ipinagpalit nila ang kapuri-puri at walang kamatayang Diyos sa mga diyos-diyosang kawangis ng tao, mga ibon, mga hayop na may apat na paa, at mga hayop na gumagapang.
24 So our Father gave them over to their hearts' desires, to impurity, dishonoring their bodies among themselves, Kaya hinayaan na lang sila ng Diyos sa maruruming hangarin ng kanilang puso, hanggang sa gumawa sila ng kahalayan at kahiya-hiyang mga bagay sa isaʼt isa.
25 because they traded the truth about our Father for a lie, worshiping and serving the creation instead of the Creator, who is blessed forever. Amen. Pinalitan nila ng kasinungalingan ang katotohanan tungkol sa Diyos. Sumamba at naglingkod sila sa mga nilikha, sa halip na sa Manlilikha na siyang karapat-dapat papurihan magpakailanman. Amen!
26 Because of this, our Father gave them over to shameful desires. Their women exchanged natural relations for unnatural ones. Dahil ayaw nilang kilalanin ang Diyos, hinayaan na lang sila ng Diyos na gawin ang kanilang malalaswang pagnanasa. Ipinagpalit ng mga babae ang natural na pakikipagrelasyon nila sa lalaki sa pamamagitan ng pakikipagrelasyon sa kapwa babae.
27 Likewise, men too abandoned natural relations with women, burning with lust for each other—men committing indecency with men, and receiving in themselves the penalty their error deserved. Ganoon din ang mga lalaki. Tinalikuran nila ang natural na pakikipagrelasyon sa babae, at sa halip ay nahumaling sa kapwa lalaki. Kahiya-hiya ang ginagawa nila sa isaʼt isa. Dahil dito, pinarusahan sila ng Diyos ng nararapat sa kanilang masasamang gawa.
28 Since they refused to keep our Father in their knowledge, he handed them over to an unfit mind, to do improper things. At dahil sa ayaw talaga nilang kilalanin ang Diyos, hinayaan niya na sila sa kanilang kaisipang hindi makapili ng tama. Kaya ginagawa nila ang mga bagay na hindi nararapat.
29 They were filled with all injustice, evil, greed, and malice; full of envy, murder, conflict, deceit, and spite; they are gossips, Naging alipin sila ng lahat ng uri ng kasamaan, kalikuan, kasakiman at masasamang hangarin. Silaʼy mainggitin, mamamatay-tao, mapanggulo, mandaraya, at laging nag-iisip ng masama sa kanilang kapwa. Silaʼy mga tsismosoʼt tsismosa,
30 slanderers, haters of our Father, insolent, arrogant, boastful, inventors of evil, disobedient to their parents, mapanirang-puri, galit sa Diyos, walang galang, mayabang at mapagmataas, mga pasimuno ng kasamaan, at suwail sa mga magulang nila.
31 foolish, faithless, heartless, ruthless. Silaʼy mga hangal, walang isang salita, walang puso, at walang awa.
32 Though they know our Father's righteous decree that those who do such things deserve death, they not only do them but applaud those who do them. Alam nila ang utos ng Diyos na dapat parusahan ng kamatayan ang mga taong gumagawa ng mga kasalanang ito, subalit patuloy pa rin sila sa paggawa nito, at natutuwa pa sila na ginagawa rin ito ng iba.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]