Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Romans 2 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 So you have no excuse, whoever you are, when you judge another—in judging them you condemn yourself, since you do the same things. Ngayon, masasabi mong dapat lang hatulan ang mga taong ito dahil sa kanilang kasamaan. Ngunit maging ikaw na humahatol ay walang maidadahilan. Sapagkat sa iyong paghatol sa iba ay hinahatulan mo rin ang iyong sarili, dahil ginagawa mo rin ang mga bagay na iyon.
2 Now we know that our Father's judgment rightly falls on those who do such things. Alam nating makatarungan ang hatol ng Diyos sa mga taong gumagawa ng kasamaan.
3 Do you think, whoever judges others for such things while doing them yourself, that you'll escape our Father's judgment? Ngunit sino ka para humatol sa iba kung ikaw mismo ay gumagawa rin ng mga iyon? Akala mo baʼy makakaligtas ka sa hatol ng Diyos
4 Or do you despise the riches of his kindness and restraint and patience, not realizing that our Father's kindness is meant to lead you to repentance? dahil alam mong siyaʼy mabuti, matiyaga at mapagtimpi? Dapat mong malaman na ang Diyos ay mabuti sa iyo dahil binibigyan ka niya ng pagkakataong magsisi sa mga kasalanan mo.
5 But because of your hard, unrepentant heart, you are storing up wrath for yourself, for the day of wrath when our Father's righteous judgment will be revealed. Ngunit dahil matigas ang ulo mo at ayaw mong magsisi at tumalikod sa iyong mga kasalanan, pinabibigat mo ang parusa ng Diyos sa iyo sa araw na ihahayag niya ang kanyang poot at makatarungang paghatol.
6 He will repay each person according to what they have done. Sapagkat ibibigay ng Diyos sa bawat isa ang nararapat ayon sa kanyang mga gawa.
7 To those who through persistent good work seek glory, honor, and immortality, he will give eternal life. Bibigyan niya ng buhay na walang hanggan ang mga taong nagpapatuloy sa paggawa ng mabuti, na ang hangad ay makamtan ang karangalan, kaluwalhatian, at buhay na walang hanggan.
8 But those who are self-seeking, reject the truth, and follow wickedness face wrath and rage. Ngunit sa iba naman na walang ibang iniisip kundi ang sarili at ayaw sumunod sa katotohanan kundi sa kasamaan, ibubuhos sa kanila ng Diyos ang kanyang matinding galit.
9 Trouble and distress for everyone who does evil—the Jew first, then the Greek, Lahat ng taong gumagawa ng masama ay magdurusa at maghihirap; ang mga Hudyo muna bago ang mga Hentil.
10 but glory, honor, and peace for all who do good—Jew first, then Greek too. Ngunit bibigyan ng Diyos ng kaluwalhatian, karangalan at kapayapaan ang lahat ng gumagawa ng kabutihan, una ang mga Hudyo bago ang mga Hentil.
11 For our Father shows no favoritism. Sapagkat pantay-pantay ang pagtingin ng Diyos sa lahat ng tao.
12 Sinners without the law also perish without it; sinners under the law will be judged by it. Ang mga Hentil, dahil wala sa kanila ang Kautusan ay hahatulan na hindi ayon sa Kautusan kapag silaʼy nagkasala. Ang mga Hudyo naman, dahil nasa kanila ang Kautusan ay hahatulan ayon sa Kautusan kapag silaʼy nagkasala.
13 For not those who hear the law are righteous before our Father, but those who obey it will be justified. Sapagkat hindi ang nakikinig sa Kautusan ang itinuturing ng Diyos na matuwid kundi ang tumutupad nito.
14 Indeed, when Gentiles, who do not have the law, do by nature what the law requires, the law is at work within them, even though they do not have the law. Sa katunayan, wala ang Kautusan sa mga Hentil. Ngunit kapag kusa nilang ginagawa ang hinihiling ng Kautusan, ito na ang nagiging tuntunin nila, kahit hindi nila narinig ang Kautusan.
15 They show the law's work written on their hearts, their conscience bearing witness, and their conflicting thoughts accusing or defending them. Ang mabubuting gawa nila ay nagpapakita na ang iniuutos ng Kautusan ay nakaukit sa kanilang puso. Pinatutunayan ito ng kanilang konsensiya, dahil kung minsaʼy inuusig sila nito at kung minsan namaʼy ipinagtatanggol.
16 This happens on the day our Father judges everyone's secrets through Jesus Christ—so my gospel says. At ayon sa Magandang Balitang itinuturo ko, ang konsensiya ay pagbabatayan din sa araw na hahatulan ng Diyos, sa pamamagitan ni Hesu-Kristo, ang lahat ng lihim ng mga tao.
17 But if you call yourself a Jew, rely on the law, and boast in our Father, Sinasabi ninyo na mga Hudyo kayo, nagtitiwala kayo sa Kautusan at ipinagmamalaki ang inyong kaugnayan sa Diyos.
18 if you know our Father's will and approve what is excellent because you are instructed by the law, Alam ninyo kung ano ang kalooban ng Diyos at alam din ninyo kung ano ang dapat gawin, dahil itinuro ito sa inyo ng Kautusan.
19 if you're convinced you are a guide for the blind, a light for those in darkness, Ipinapalagay ninyong tagaakay kayo ng mga bulag, ilaw sa mga taong nasa kadiliman,
20 a corrector of the foolish, teacher of the immature, holding in the law the shape of knowledge and truth. at tagapagturo ng mga kulang ang pang-unawa at ng mga bata pa. Ganito nga ang tingin ninyo sa inyong sarili, dahil naniniwala kayo na sa pamamagitan ng Kautusan ay nakamit na ninyo ang lahat ng kaalaman at katotohanan.
21 You teach others—do you not teach yourself? You preach against stealing—do you steal? Tinuturuan ninyo ang iba, ngunit bakit hindi ninyo maturuan ang inyong sarili? Nangangaral kayong huwag magnakaw, ngunit kayo mismoʼy nagnanakaw.
22 You who tell others not to commit adultery—do you commit it? You who detest idols—do you rob temples? Sinasabi ninyong huwag mangalunya, ngunit kayo mismo ay nangangalunya. Kinasusuklaman ninyo ang mga diyos-diyosang sinasamba ng mga Hentil, ngunit ninanakawan naman ninyo ang kanilang mga templo.
23 You who boast in the law, do you dishonor our Father by breaking the law? Nagmamalaki kayo na nasa inyo ang Kautusan, ngunit ginagawa naman ninyong kahiya-hiya ang Diyos dahil sa paglabag ninyo sa Kautusan.
24 As it is written: "Our Father's name is blasphemed among the nations because of you." Tulad nga ng sinasabi sa Kasulatan, “Dahil sa inyo, nilalapastangan ng mga Hentil ang pangalan ng Diyos.”
25 Circumcision helps if you keep the law; break it, and your circumcision becomes being uncircumcised. May halaga lang ang pagiging tuli kung sinusunod ninyo ang Kautusan. Subalit kung nilalabag naman ninyo ang Kautusan, para na rin kayong mga hindi tuli.
26 So if the uncircumcised keep the law's requirements, won't their uncircumcision be counted as circumcision? At kung sinusunod naman ng isang hindi tuli ang Kautusan, ituturing siya ng Diyos na para na ring tuli.
27 The physically uncircumcised who keep the law will judge you who, with the letter and circumcision, break the law. Kahit na kayo ay mga Hudyo at tuli, papatunayan ng mga Hentil na dapat kayong parusahan. Sapagkat kahit na hindi sila tuli at wala sa kanila ang Kautusan, sinusunod naman nila ito, samantalang kayong mga may hawak ng Kautusan ay lumalabag dito.
28 For being a Jew isn't merely about the outside, nor circumcision merely about the body. Ang pagka-Hudyo ng isang tao ay hindi dahil sa Hudyo ang kanyang mga magulang at tuli siya sa laman.
29 Rather, one is a Jew inwardly, circumcision being of the heart, by the Spirit, not the written code; that one's praise is not from people but from our Father. Ang tunay na Hudyo ay ang taong nabago ang puso sa pamamagitan ng Espiritu, at hindi dahil tuli siya ayon sa Kautusan. Ang ganyang tao ay pinararangalan ng Diyos kahit hindi pinupuri ng tao.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]