Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Romans 3 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 What advantage, then, does the Jew have? Or what is the value of circumcision? Kung ganoon, ano ang kalamangan ng pagiging isang Hudyo? At ano ang kahalagahan ng pagiging tuli?
2 Much in every way. First of all, they were entrusted with the very words of our Father. Totoong nakahihigit ang mga Hudyo sa maraming bagay. Una sa lahat, ipinagkatiwala sa kanila ang salita ng Diyos.
3 What then? If some were unfaithful, will their unfaithfulness nullify the faithfulness of our Father? Paano kung hindi naging tapat ang iba sa kanilang pagsunod sa Diyos? Nangangahulugan ba iyon na hindi na rin magiging tapat ang Diyos sa pagtupad sa kanyang mga pangako?
4 No! Let our Father be true, though every person is a liar. As it is written: "You are proven right in your words, and win when judged." Aba hindi! Sapagkat tapat ang Diyos sa kanyang mga salita, kahit sinungaling pa ang tao. Gaya nga ng sinasabi sa Kasulatan: “Mapapatunayang tapat ka sa iyong salita, at laging tama sa iyong paghatol.”
5 But if our wrongdoing highlights our Father's righteousness, what do we say? Is our Father unjust to bring wrath on us? (I speak in human terms.). Kung sa pamamagitan ng mga ginagawa naming masama ay makikita ang kabutihan ng Diyos, hindi makatarungan ang Diyos kung parurusahan niya kami. (Ganyan ang pangangatwiran ng mundo.)
6 Certainly not! For then how could our Father judge the world? Ngunit maling-mali ʼyan, sapagkat makatarungan ang Diyos. Nararapat lamang na hatulan niya ang sanlibutan!
7 But if my lie makes our Father's truth overflow to his glory, why am I still judged as a sinner? Maaari ding may magsabi, “Kung sa aking pagsisinungaling ay lumalabas na hindi sinungaling ang Diyos, at dahil dito ay papupurihan pa siya, bakit niya ako parurusahan bilang isang makasalanan?”
8 Why not say, as some slander us as saying, "Let's do evil so good may come"? Their judgment is deserved. Kung ganito ang iyong pangangatwiran, para mo na ring sinasabi na gumawa tayo ng masama upang lumabas ang mabuti. At ayon sa mga taong naninira sa amin, ganyan daw ang aming itinuturo. Ang mga taong iyan ay nararapat lamang na parusahan ng Diyos.
9 What then? Are we better off? Not at all—we've already charged that Jews and Greeks alike are all under sin's grip, Ano ngayon ang masasabi natin? Tayo bang mga Hudyo ay nakalalamang sa mga Hentil? Hindi! Sapagkat ipinaliwanag ko nang ang lahat ng tao ay makasalanan, Hudyo man o hindi.
10 as it is written: "There is no one righteous, not even one; Gaya nga ng sinasabi sa Kasulatan: “Walang matuwid sa paningin ng Diyos, wala kahit isa;
11 no one understands; no one seeks our Father. Walang nakakaunawa tungkol sa Diyos, walang nagsisikap na makilala siya.
12 All have turned away; together they have become worthless; no one does good, not even one. Ang lahat ay tumalikod sa Diyos, at pare-parehong naging walang kabuluhan; Walang gumagawa ng mabuti, wala kahit isa.”
13 Their throat is an open grave; they use their tongues to deceive." "The venom of snakes is under their lips. “Ang kanilang pananalita ay hindi masikmura tulad ng bukas na libingang nakakasuka. Ang kanilang sinasabiʼy puro pandaraya.” “Parang kamandag ng ahas ang nasa labi nila.”
14 Their mouth is full of cursing and bitterness. “Ang lumalabas sa kanilang bibig ay panay pagmumura at masasakit na salita.”
15 Their feet are swift to shed blood; “Sa kaunting dahilan lang ay pumapatay agad sila;
16 ruin and misery mark their ways, kapahamakan at hinagpis ang lagi nilang dala.
17 and the way of peace they have not known. Hindi nila alam ang mamuhay nang mapayapa.”
18 There is no fear of our Father before their eyes." “Walang bahid ng takot sa Diyos sa kanilang mga mata.”
19 We know whatever the law says applies to those under it, so every mouth is silenced and the whole world stands accountable to our Father. Ngayon, alam natin na ang lahat ng sinasabi ng Kautusan ay para sa ating mga Hudyo na namumuhay sa ilalim ng Kautusan, upang walang maidahilan ang sinuman na hindi siya dapat parusahan. Ang lahat ng tao sa mundo ay mananagot sa Diyos.
20 No one is made right before him by works of the law; the law brings awareness of sin. Sapagkat walang sinuman ang ituturing ng Diyos na matuwid sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan. Sa halip, ipinapakita ng Kautusan sa tao na makasalanan siya.
21 But now, apart from the law, our Father's righteousness has been revealed, testified to by the Law and the Prophets. Ngunit ngayon, inihayag na kung paano itinuturing ng Diyos na matuwid ang tao. Itoʼy hindi sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan. Ang Kautusan at ang isinulat ng mga propeta ang nagpapatotoo rito.
22 This righteousness of our Father comes through faith in Jesus Christ, to all who believe, for there's no distinction, Ang taoʼy itinuturing ng Diyos na matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya kay Hesu-Kristo. At walang kinikilingan ang Diyos. Kaya ang sinumang sumasampalataya kay Hesu-Kristo ay itinuturing niyang matuwid.
23 since all have sinned and fall short of the glory of our Father, Sapagkat ang lahat ay nagkasala at hindi naging karapat-dapat sa kaluwalhatian ng Diyos.
24 and are justified freely by his grace through the redemption that is in Christ Jesus. Ngunit dahil sa kagandahang-loob ng Diyos, itinuring niya tayong matuwid sa pamamagitan ni Kristo Hesus na siyang tumubos sa atin.
25 Our Father presented him as the atoning sacrifice, through faith in his blood, to show his righteousness, since in his patience he had passed over sins committed before, Isinugo ng Diyos si Kristo Hesus sa mundo upang ialay ang kanyang buhay, nang sa gayoʼy mawala ang galit ng Diyos sa atin, at sa pamamagitan ng kanyang dugo ay mapatawad ang ating mga kasalanan kung sasampalataya tayo sa kanya. Ginawa iyon ng Diyos upang ipakita na siya ay matuwid, sapagkat noong unaʼy nagtimpi siya at pinalampas ang mga kasalanang ginawa ng mga tao, kahit na dapat sanaʼy pinarusahan na sila.
26 to show his righteousness now, so he is both just and the justifier of whoever trusts in Jesus. Ito rin ay upang ipakita sa kasalukuyang panahon na siya ay matuwid. At dahil dito, itinuturing niyang matuwid ang mga makasalanang sumasampalataya kay Hesus.
27 Where then is boasting? Excluded. By what law? Of works? No—by the law of faith. Kaya wala tayong maipagmamalaki, dahil ang pagturing sa atin na matuwid ay hindi sa pamamagitan ng ating pagsunod sa Kautusan, kundi sa ating pananampalataya kay Hesus.
28 For we maintain that a person is justified by faith apart from works of the law. Sapagkat naniniwala tayo na itinuturing ng Diyos na matuwid ang tao sa pamamagitan ng kanyang pananampalataya kay Kristo at hindi sa pagsunod sa Kautusan.
29 Or is our Father the Father of Jews only? Not the Father of Gentiles too? Yes, of Gentiles too, Ang Diyos ba ay Diyos lamang ng mga Hudyo? Hindi baʼt Diyos din siya ng mga Hentil? Oo, siyaʼy Diyos din nila,
30 since our Father is one, he will justify the circumcised by faith and the uncircumcised through faith. sapagkat iisa lamang ang Diyos, at ituturing niyang matuwid ang sinuman batay sa pananampalataya nito kay Kristo, Hudyo man ito o Hentil.
31 Do we cancel the law through this faith? Never—we confirm the law. Nangangahulugan bang binabalewala namin ang Kautusan sa pamamagitan ng pananampalataya? Hindi! Sa halip, lalo pa nga naming tinutupad ang layunin ng Kautusan.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]