Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Romans 4 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 What then should we say that Abraham, our physical forefather, has found? Bilang halimbawa kung paano itinuturing ng Diyos na matuwid ang tao, isipin ninyo si Abraham na ama ng mga Hudyo sa laman.
2 For if Abraham was justified by works, he has something to boast about—but not before our Father. Kung itinuring ng Diyos si Abraham na matuwid dahil sa mga nagawa niya, sanaʼy may maipagmamalaki siya. Ngunit wala siyang maipagmamalaki sa Diyos,
3 For what does Scripture say? Abraham believed our Father, and it was counted to him as righteousness. dahil sinasabi ng Kasulatan, “Sumampalataya si Abraham sa Diyos, at dahil ditoʼy itinuring siyang matuwid ng Diyos.”
4 To the one who works, wages aren't credited as a gift but as what's owed. Ang ibinibigay sa isang taong nagtatrabaho ay hindi regalo kundi bayad sa kanyang pagod.
5 But to one who does not work, but trusts him who justifies the wicked, his faith is counted as righteousness. Ngunit itinuring tayong matuwid ng Diyos sa kabila ng ating mga kasalanan hindi dahil sa ating mabubuting gawa kundi dahil sa pananampalataya natin sa kanya.
6 As David also speaks of the blessing of the person our Father credits righteousness to, apart from works: Ito rin ang ibig sabihin ni David nang sabihin niyang pinagpala ang mga taong itinuring na matuwid ng Diyos nang hindi dahil sa kanilang sariling gawa.
7 "Blessed are those whose lawless deeds are forgiven, and whose sins are covered; Sinabi niya, “Pinagpala ang taong pinatawad at kinalimutan na ng Diyos ang kanyang kasalanan.
8 blessed is the one whose sin our Father will never count against him." Pinagpala ang tao na hindi na papanagutin ng Panginoon sa kanyang kasalanan.”
9 Is this blessing only for the circumcised, or also the uncircumcised? We say Abraham's faith was credited as righteousness. Ang pagpapala bang ito ay para lamang sa mga Hudyo, o para din sa mga Hentil? Alam natin ito dahil binanggit na namin na, “itinuring ng Diyos na matuwid si Abraham dahil sa kanyang pananampalataya.”
10 How then was it credited? While he was circumcised, or uncircumcised? Not while circumcised, but while uncircumcised. Kailan ba siya itinuring na matuwid? Matapos ba o bago siya tuliin? Hindi baʼt noong hindi pa siya tuli?
11 He received circumcision as a sign, a seal of the righteousness he had by faith while still uncircumcised, so he would be father of all who believe though uncircumcised, with righteousness credited to them too, Tinuli siya bilang tanda na itinuring na siyang matuwid dahil sa kanyang pananampalataya. Kaya si Abraham ay naging ama ng lahat ng mga mananampalatayang hindi tuli. At dahil nga sa kanilang pananampalataya, itinuring silang matuwid ng Diyos.
12 and father of the circumcised who are not only circumcised but also walk in the footsteps of the faith our father Abraham had while uncircumcised. Siya rin ang ama ng mga Hudyong tuli, hindi lang dahil silaʼy tuli, kundi dahil sumasampalataya rin sila tulad ng ating ninunong si Abraham noong hindi pa siya tuli.
13 For the promise to Abraham and his offspring that he would inherit the world did not come through the law, but through faith's righteousness. Ipinangako ng Diyos kay Abraham at sa kanyang lahi na mamanahin nila ang mundo. Ang pangakong ito ay ibinigay ng Diyos kay Abraham hindi dahil sa pagsunod niya sa Kautusan, kundi dahil itinuring siya ng Diyos na matuwid sa pamamagitan ng kanyang pananampalataya.
14 For if those who live by the law are heirs, faith is emptied and the promise nullified. Kung ang mga nasasakop lamang ng Kautusan ang magiging tagapagmana, walang kabuluhan ang pananampalataya at ganoon din naman ang pangako ng Diyos.
15 Law brings wrath; where there is no law, there is no violation. Ang Kautusan ang siyang naging dahilan kung bakit may parusa mula sa Diyos. Kung walang Kautusan, wala ring paglabag.
16 So it comes by faith, to be by grace, guaranteeing the promise to all the offspring—not only those tied to the law but also those who share Abraham's faith, father of us all, Samakatuwid, nakabatay ang pangako ng Diyos sa pananampalataya upang itoʼy maging biyaya ng Diyos at tiyak na matatanggap ng lahat ng lahi ni Abraham; hindi lamang ng mga sakop ng Kautusan, kundi maging ng mga Hentil na sumasampalataya ring tulad ni Abraham, sapagkat siya ang ama nating lahat.
17 as it is written, "I have made you father of many nations"—before our Father, in whom he believed, who gives life to the dead and calls things that do not exist into being. Gaya nga ng sinasabi sa Kasulatan, “Ginawa kitang ama ng maraming bansa.” Kaya sa paningin ng Diyos, si Abraham ang ating ama. At ang Diyos na pinaniwalaan ni Abraham, ang siya ring Diyos na bumubuhay sa mga patay at lumilikha ng mga bagay na wala pa.
18 Against hope, he believed in hope, becoming father of many nations, as he'd been told: "So will your offspring be." Kahit na wala nang pag-asang maging ama si Abraham, nanalig pa rin siyang magiging ama siya ng maraming bansa; gaya nga ng sinabi ng Diyos sa kanya, “Magiging kasindami ng bituin ang bilang ng mga anak mo.”
19 Not weak in faith, he considered his own body already as good as dead—he was about one hundred—and Sarah's womb lifeless. Mag-iisang daang taóng gulang na siya noon. Alam niyang matanda na siya at mahina na ang katawan. Alam din niyang si Sara ay baog at hindi maaaring magkaanak. Ganoon pa man, hindi nanghina ang kanyang pananampalataya.
20 He did not doubt our Father's promise in lack of faith, but was strengthened in faith, giving glory to our Father, Hindi siya nag-alinlangan sa pangako ng Diyos, kundi lalo pang tumibay ang kanyang pananampalataya. Pinapurihan niya ang Diyos
21 fully convinced that what our Father had promised he was also able to do. dahil lubos siyang umasa na tutuparin ng Diyos ang kanyang pangako.
22 That is why "it was credited to him as righteousness." Kaya nga, itinuring ng Diyos na matuwid si Abraham dahil sa kanyang pananampalataya.
23 But the words "it was credited to him" were written not for his sake alone, Ngunit ang katagang, “itinuring na matuwid,” ay hindi lamang para kay Abraham,
24 and also for us who will be credited with it—those trusting the one who raised our Lord Jesus from the dead, kundi para rin sa atin. Tayo man ay itinuturing ng Diyos na matuwid kung sumasampalataya tayo sa kanya na muling bumuhay sa ating Panginoong Hesus.
25 who was delivered over for our sins and raised to make us right with our Father. Pinatay si Hesus dahil sa ating mga kasalanan, at muling binuhay upang tayoʼy maituring na matuwid.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]