Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Romans 5 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 So, since we are made right by faith, we have peace with our Father through our Lord Jesus Christ. Samakatuwid, ngayong itinuturing na tayong matuwid dahil sa pananampalataya natin kay Kristo, mayroon na tayong kapayapaang dulot ng magandang relasyon natin sa Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Hesu-Kristo.
2 Through whom we've gained access by faith into this grace we stand in, and we rejoice in hope of our Father's glory. Dahil sa pananampalataya natin sa kanya, tinatamasa natin ang kagandahang-loob ng Diyos at nagagalak tayo dahil sa ating pag-asang makakabahagi tayo sa kaluwalhatian ng Diyos.
3 Not only that, but we also boast in our suffering, since suffering produces endurance, At hindi lamang iyon, nagagalak din tayo kahit na dumaranas tayo ng mga paghihirap, dahil natututo tayong magtiis.
4 and endurance produces character, and character produces hope. Alam natin na ang pagtitiis ay nagpapabuti sa ating pagkatao. At kung mabuti ang ating pagkatao, nagbubunga ito ng pag-asa.
5 Hope doesn't put us to shame, because our Father's love has been poured into our hearts through the Holy Spirit given to us. At hindi tayo mabibigo sa ating pag-asa dahil ibinuhos sa atin ng Diyos ang kanyang pagmamahal sa pamamagitan ng Banal na Espiritu na ibinigay niya sa atin.
6 While we were still weak, at the right time Christ died for the wicked. Noong tayoʼy walang kakayahang sundin ang kalooban ng Diyos, namatay si Kristo para sa atin na mga makasalanan sa panahong itinakda ng Diyos.
7 Rarely would anyone die for a righteous person, though for a good person someone might even dare to die. Bihira ang taong mag-aalay ng kanyang buhay para sa isang taong matuwid, bagamaʼt maaaring mayroong maglakas-loob na ibigay ang kanyang buhay para sa isang mabuting tao.
8 But our Father shows his own love for us: while we were still sinners, Christ died for us. Ngunit ipinakita ng Diyos sa atin ang kanyang pag-ibig sa ganitong paraan: Kahit noong tayoʼy makasalanan pa, namatay si Kristo para sa atin.
9 Much more then, now made right by his blood, we will be saved through him from the wrath. At ngayong itinuring na tayong matuwid sa pamamagitan ng dugo ni Kristo, tiyak na maliligtas tayo sa parusa ng Diyos dahil kay Kristo.
10 If, as enemies, we were reconciled to our Father through the death of his Son, how much more, now reconciled, will his life save us? Dati, kaaway tayo ng Diyos, pero ngayon, tinanggap na niya tayong mga kaibigan sa pamamagitan ng pagkamatay ng kanyang Anak. At ngayong mayroon na tayong magandang relasyon sa Diyos, tiyak na ililigtas niya tayo sa kaparusahan sa pamamagitan ng buhay ni Kristo.
11 Not only that—we also rejoice in our Father through our Lord Jesus Christ, through whom we have now received reconciliation. At hindi lang iyan, nagagalak din tayo sa Diyos ngayon dahil sa ginawa ng ating Panginoong Hesu-Kristo. Sa pamamagitan niyaʼy naibalik ang magandang relasyon natin sa Diyos.
12 So, as sin entered the world through one man, and death through sin, death spread to everyone, since all sinned. Noong nagkasala si Adan, pumasok ang kasalanan sa mundo. Ang kasalanan niya ay nagdulot ng kamatayan. Kaya mula noon, ang lahat ng tao ay namamatay dahil ang lahat ay nagkasala.
13 Before the law, sin was already in the world; but sin isn't counted where there's no law. Nasa mundo na ang kasalanan bago pa man ibigay ng Diyos ang Kautusan. Ngunit hindi pinapanagot ang mga tao sa kanilang mga kasalanan kung wala namang Kautusan.
14 Still, death ruled from Adam to Moses, even over those whose sin didn't match Adam's wrongdoing—Adam foreshadows the one to come. Ganoon pa man, naghari pa rin ang kamatayan mula kay Adan hanggang kay Moises, kahit sa mga taong hindi naman nagkasala nang tulad ni Adan na lumabag sa utos ng Diyos; si Adan na larawan ng Kristo na nooʼy inaasahang darating.
15 But the gift is not like the sin: if many died through one man's sin, much more has our Father's grace and the gift by the grace of the one man Jesus Christ overflowed to many. Ngunit magkaiba ang idinulot ng kasalanan ni Adan sa kaloob ng Diyos. Sapagkat dahil sa kasalanan ng isang tao, marami ang namatay. Ngunit nakahihigit pa rin ang kagandahang-loob ng Diyos at ang kaloob niya sa maraming tao sa pamamagitan din ng isang tao na walang iba kundi si Hesu-Kristo.
16 And the gift is not like the result of that one man's sin: judgment from one sin brought condemnation, but the gift from many sins brought justification. Ibang-iba ang idinulot ng kaloob ng Diyos sa idinulot ng kasalanan ni Adan. Ang kasalanan ni Adan ay nagdulot ng kaparusahan, ngunit ang kaloob ng Diyos sa kabila ng maraming kasalanan ay nagdulot ng kapatawaran.
17 For if death reigned through that one man because of one trespass, how much more will those receiving grace's overflow and the gift of righteousness reign in life through the one man, Jesus Christ. Dahil sa kasalanan ng isang tao, naghari ang kamatayan sa buong mundo. Ngunit dahil sa ginawa ng isa pang tao na si Hesu-Kristo, ang mga tumanggap sa masaganang biyaya ng Diyos at itinuring niyang matuwid ay mamumuhay nang matagumpay.
18 So then, as one trespass condemned everyone, one righteous act brings everyone justification and life. Kayaʼt dahil sa kasalanan ng isang tao, nahatulan ng kaparusahan ang lahat. Ganoon din naman, dahil sa matuwid na ginawa ng isang tao, ang lahat ay maituturing na matuwid at mabibigyan ng bagong buhay.
19 As one man's disobedience made the many sinners, so one man's obedience will make the many righteous. Kung dahil sa pagsuway ng isang tao ay marami ang naging makasalanan, ganoon din naman, dahil sa pagsunod ng isang tao ay marami ang ituturing na matuwid.
20 Now the law came in so that the trespass might increase, but where sin increased, grace abounded all the more, Ang Diyos mismo ang nagbigay ng Kautusan. Ngunit habang sinisikap ng taong sundin ang Kautusang ito, lalo lang nila itong nilalabag. At habang nadadagdagan ang kanilang kasalanan ay lalo namang nadadagdagan ang kagandahang-loob ng Diyos sa kanila.
21 so that as sin reigned in death, grace might reign through righteousness to eternal life, through Jesus Christ our Lord. Kaya kung paanong naghari ang kasalanan at nagdulot ng kamatayan, ganoon din naman, naghahari ang biyaya ng Diyos at nagdudulot ng buhay na walang hanggan. At dahil sa ginawa ng ating Panginoong Hesu-Kristo, itinuring tayong matuwid ng Diyos.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]