Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Romans 6 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 What should we say, then? Should we go on sinning so that grace may increase? Ano ngayon ang masasabi natin? Magpapatuloy ba tayo sa kasalanan para lalong madagdagan ang biyaya ng Diyos sa atin?
2 Absolutely not! How can we who died to sin still live in it? Siyempre hindi! Wala nang kapangyarihan ang kasalanan sa atin kaya hindi na tayo dapat magpatuloy sa pagkakasala.
3 Or are you unaware that all of us baptized into Christ Jesus were baptized into his death? Hindi ba ninyo alam na noong binautismuhan tayo kay Kristo Hesus, nangangahulugan ito na kasama tayo sa kanyang kamatayan?
4 So we were buried with him through baptism into death, that as Christ was raised from the dead through our Father's glory, we too might walk in newness of life. Kaya noong binautismuhan tayo, namatay tayo at inilibing na kasama niya. Kung paanong binuhay muli si Kristo sa pamamagitan ng dakilang kapangyarihan ng Ama, tayo rin ay magkakaroon ng panibagong buhay.
5 For if we've been joined to his death's likeness, we'll surely also be joined to his resurrection. At kung nakasama tayo sa kanyang kamatayan, tiyak na mabubuhay tayong muli tulad ng muli niyang pagkabuhay.
6 We know our old self was crucified with him to destroy sin's body, so we'd no longer be enslaved to sin. Alam natin na ang dati nating pagkatao ay ipinako na sa krus kasama ni Kristo upang mamatay ang ating makasalanang pagkatao at nang hindi na tayo alipinin pa ng kasalanan.
7 For anyone who has died has been set free from sin. Sapagkat ang taong patay na ay malaya na sa kasalanan.
8 Now if we died with Christ, we believe that we will also live with him. At kung namatay tayong kasama ni Kristo, naniniwala tayong mabubuhay din tayong kasama niya.
9 For we know Christ, raised from the dead, never dies again; death no longer rules him. Sapagkat alam nating si Kristoʼy muling nabuhay at hindi na muling mamamatay. Wala nang kapangyarihan sa kanya ang kamatayan.
10 For the death he died, he died to sin once for all; but the life he lives, he lives to our Father. Minsan lang siyang namatay para sa kasalanan ng mga tao; at nabubuhay siya ngayon para sa Diyos.
11 In the same way, count yourselves dead to sin but alive to our Father in Christ Jesus. At dahil nakay Kristo Hesus na kayo, ituring ninyo ang inyong mga sarili na patay na sa kasalanan at nabubuhay na para sa Diyos.
12 Therefore do not let sin reign in your mortal body so that you obey its desires. Huwag na ninyong paghariin ang kasalanan sa inyong katawang namamatay, upang hindi na ninyo sundin ang masasamang hilig nito.
13 Do not offer your body's parts to sin as weapons for wrongdoing; instead, offer yourselves to our Father as those brought from death to life, and your body's parts to him as weapons for righteousness. Huwag na ninyong gamitin ang alinmang bahagi ng inyong katawan sa paggawa ng kasamaan. Sa halip, ialay ninyo ang inyong sarili sa Diyos bilang mga taong binigyan ng buhay. Ilaan ninyo sa Diyos ang inyong katawan sa pamamagitan ng paggawa ng nararapat sa kanyang harapan.
14 For sin will not have mastery over you, because you are not under law but under grace. Sapagkat hindi na dapat maghari pa sa inyo ang kasalanan, dahil wala na kayo sa ilalim ng Kautusan kundi nasa ilalim na ng biyaya ng Diyos.
15 What then? Should we sin because we are not under law but under grace? Absolutely not! Ngayon, dahil wala na tayo sa ilalim ng Kautusan kundi nasa biyaya na ng Diyos, nangangahulugan bang magpapatuloy pa rin tayo sa paggawa ng kasalanan? Siyempre hindi!
16 Don't you know that offering yourselves to someone as slaves to obey makes you slaves of whoever you obey—whether sin, leading to death, or obedience, leading to righteousness? Hindi ba ninyo alam na alipin tayo ng anumang sinusunod natin? Kaya kung sinusunod natin ang kasalanan, alipin tayo ng kasalanan at ang dulot nitoʼy kamatayan. Ngunit kung sumusunod tayo sa Diyos, mga alipin tayo ng Diyos at ang dulot nitoʼy pagiging matuwid.
17 Thanks to our Father: you were slaves of sin, but you obeyed from the heart the teaching pattern you were entrusted to. Noong una, alipin kayo ng kasalanan. Ngunit salamat sa Diyos dahil ngayon, buong puso ninyong sinusunod ang mga aral na itinuro sa inyo.
18 Having been set free from sin, you became slaves of righteousness. Pinalaya na kayo sa kasalanan at ngayoʼy mga alipin na kayo ng katuwiran.
19 I speak humanly, since your flesh is weak. As you offered your body's parts as slaves to impurity and lawlessness, resulting in more lawlessness, now offer them as slaves to righteousness, resulting in holiness. Ginagamit kong halimbawa ang tungkol sa mga alipin upang madali ninyong maunawaan ang ibig kong sabihin. Noong unaʼy nagpaalipin kayo sa karumihan at kasamaan, at naging masama nga kayo. Ngayon namaʼy magpaalipin kayo sa kabutihan upang maging banal kayo.
20 For when you were slaves of sin, you were free from righteousness. Noong alipin pa kayo ng kasalanan, wala kayong pakialam sa matuwid na pamumuhay.
21 What did you gain then from what you're now ashamed of? For those things end in death. Ano nga ba ang napala ninyo sa dati ninyong gawain na ikinakahiya nʼyo na ngayon? Ang dulot ng mga iyon ay kamatayan.
22 But now, freed from sin and enslaved to our Father, your fruit leads to holiness, and the end, eternal life. Ngunit pinalaya na kayo sa kasalanan at alipin na kayo ng Diyos. At ang dulot nitoʼy kabanalan at buhay na walang hanggan.
23 For the wages of sin is death, but our Father's gift is eternal life in Christ Jesus our Lord. Sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan, ngunit ang kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Kristo Hesus na ating Panginoon.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]