Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Romans 7 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Or don't you know, brothers—I'm speaking to people who know the law—that the law rules over a person only while he lives? Mga kapatid, alam naman ninyo ang tungkol sa batas kaya nauunawaan ninyo na ang taoʼy nasasakop lamang nito habang nabubuhay siya.
2 A married woman is bound by law to her husband while he lives; if he dies, she is free from the law of the husband. Halimbawa, ayon sa batas, ang isang babaeng may asawa ay nakatali sa kanyang asawa habang nabubuhay ito. Ngunit kung namatay na ang kanyang asawa, malaya na siya sa batas na nagtatali sa kanya sa asawa niya.
3 While her husband lives, she's called an adulterous woman if she becomes another man's wife; but if he dies, she's free from that law—not an adulterous woman if she marries another. Kaya kung sisiping siya sa ibang lalaki habang buháy pa ang kanyang asawa, nagkakasala siya ng pangangalunya. Ngunit kung patay na ang kanyang asawa, malaya na siya sa batas na ʼyon. At kung mag-asawa man siyang muli, hindi siya nagkakasala ng pangangalunya.
4 So, my brothers and sisters, you too were put to death to the law through Christ's body, to belong to another—the one raised from the dead—so we might bear fruit for our Father. Ganyan din ang nangyari sa inyo, mga kapatid. Malaya na kayo sa Kautusan sa pamamagitan ng pagkamatay ni Kristo. Muli siyang nabuhay at kayoʼy pinag-isa sa kanya upang maging kapaki-pakinabang sa paglilingkod sa Diyos.
5 For when we were in the flesh, sin's passions, stirred by the law, worked in our bodies to produce fruit for death. Noong namumuhay pa tayo sa dati nating pagkatao, ang masamang pagnanasa ang naghahari sa ating katawan, at pinukaw pa ng Kautusan, kaya gumawa tayo ng mga bagay na hahantong sa kamatayan.
6 But now we're released from the law, dead to what held us bound, so we serve in the new way of the Spirit, not the old way of the written code. Ngunit ngayon ay malaya na tayo sa Kautusan, dahil namatay na tayo sa Kautusang dating umalipin sa atin. Ang ating paglilingkod ngayon sa Diyos ay hindi na ayon sa dating buhay na dulot ng Kautusan kundi sa bagong buhay na dulot ng Espiritu.
7 What then should we say? Is the law sin? Never! Yet I wouldn't have known sin except through the law—nor would I have known craving, had the law not said, "Do not crave what isn't yours." Ang ibig ko bang sabihin ay masama ang Kautusan? Aba, hindi! Sapagkat kung wala ang Kautusan, hindi ko malalaman kung ano ang kasalanan. Kung hindi sinabi ng Kautusan, “Huwag kang magnasa,” hindi ko malalaman na masama pala ang pagnanasa.
8 But sin, seizing an opening through the commandment, produced in me every covetous craving. For apart from law, sin is dead. Ngunit ginamit ng kasalanan ang kautusang ito upang gisingin sa akin ang lahat ng uri ng kasakiman. Sapagkat kung walang Kautusan, walang kapangyarihan ang kasalanan.
9 I once lived apart from law; but when the commandment came, sin revived, and I died. Noong una, nabuhay ako nang walang Kautusan. Ngunit nang malaman ko ang Kautusan, nalaman kong ako palaʼy makasalanan at nahatulan na ng kamatayan.
10 I found that the very commandment that was meant to bring life actually brought death. Kaya ang Kautusan na dapat sanaʼy magbibigay ng buhay ang siya pang nagdulot sa akin ng kamatayan.
11 For sin, seizing the opportunity through the commandment, deceived me, and through the commandment killed me. Sapagkat ginamit ng kasalanan ang Kautusan upang dayain ako, at dahil dito nahatulan ako ng kamatayan dahil hindi ko masunod ang Kautusan.
12 So then, the law is holy, and the commandment is holy and righteous and good. Ngunit sa kabila nito, banal pa rin ang Kautusan; ang bawat utos nito ay banal, matuwid at mabuti.
13 Did the good, then, bring death to me? Absolutely not! Rather, sin—to be exposed as sin—produced death in me through the good, so that through the commandment sin might become extremely sinful. Nangangahulugan bang mabuting bagay pa ang siyang nagdulot sa akin ng kamatayan? Aba, hindi! Ang kasalanan ang siyang nagdulot nito. Ginamit ng kasalanan ang Kautusan, na isang mabuting bagay, upang akoʼy mahatulan ng kamatayan. At dahil dito, nalaman ko kung gaano talaga kasama ang kasalanan.
14 For we know the law is spiritual, but I am fleshly, sold under sin. Alam nating ang Kautusan ay espirituwal; ngunit akoʼy tao lamang, at alipin ng kasalanan.
15 I don't understand what I do; for I don't do what I want, but what I hate I do. Hindi ko maunawaan ang aking sarili. Sapagkat hindi ko ginagawa ang mabubuting bagay na gusto kong gawin, sa halip, ang kinasusuklaman ko ang siya kong ginagawa.
16 If I do what I don't want, I agree the law is good. At kung ayaw ko ang mga ginagawa kong masama, ibig sabihin nitoʼy sumasang-ayon ako na tama nga ang sinasabi ng Kautusan.
17 So now, it's no longer I who do it, but sin living in me. Kaya hindi talaga ako ang gumagawa ng masama, kundi ang kasalanang likas sa akin.
18 For I know nothing good lives in me—that is, in my flesh. For I want to do good but can't carry it out. Alam kong walang mabuti sa akin; ang tinutukoy ko ay ang makasalanan kong pagkatao, dahil kahit gusto kong gumawa ng mabuti, hindi ko ito magawa.
19 For I don't do the good I want, but the evil I don't want—that I keep doing. Dahil dito, ang mabubuting bagay na gusto kong gawin ay hindi ko magawa, pero ang mga bagay na kinasusuklaman kong gawin ang siya kong ginagawa.
20 Now if I do what I don't want, it's no longer I doing it, but sin living in me doing it. Kung ginagawa ko man ang ayaw kong gawin, hindi na ako ang talagang gumagawa nito kundi ang kasalanang likas sa akin.
21 So I find this law: when I want to do good, evil lies close at hand. Kaya naiintindihan ko na ang prinsipyong ito: Kapag gusto kong gumawa ng mabuti, hinahadlangan ako ng kasamaang likas sa akin.
22 For in my inner being I delight in the law of our Father. Sa kaibuturan ng aking puso, nalulugod ako sa Kautusan ng Diyos,
23 But I see another law in my body, warring against the law of my mind and taking me captive to the law of sin at work in my body. pero may napapansin akong ibang kapangyarihan na kumikilos sa aking pagkatao, na sumasalungat sa pagsunod ko sa Kautusan na alam ko. Dahil dito, naging alipin ako ng kapangyarihan ng kasalanang likas sa aking pagkatao.
24 What a wretched man I am! Who will rescue me from this body of death? Kawawa naman ako! Sino ang magliligtas sa akin sa makasalanan kong pagkatao na nagdudulot sa akin ng kamatayan?
25 Thanks to our Father through Jesus Christ our Lord! So then, I myself serve the law of our Father with my mind, but with my flesh, the law of sin. Salamat sa Diyos, na nagliligtas sa akin sa pamamagitan ni Hesu-Kristo na ating Panginoon! Ito ang aking kalagayan: Ang kaisipan ko ay nagpapasakop sa Kautusan ng Diyos, ngunit ang aking makasalanang pagkatao ay nagpapasakop sa kapangyarihan ng kasalanan.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]