Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Romans 8 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 There is therefore now no condemnation for those who are in Christ Jesus. Kaya ngayon, hindi na hahatulan ng kaparusahan ang mga nakay Kristo Hesus.
2 In Christ Jesus, the Spirit's law of life freed you from sin and death's law. Sapagkat sa pakikipag-isa natin kay Kristo Hesus, pinalaya na tayo sa kapangyarihan ng kasalanan at kamatayan sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu na nagbibigay-buhay.
3 What the law couldn't do, weakened by the flesh, our Father did: sending his own Son in the likeness of sinful flesh, as a sin offering, he condemned sin in the flesh, Hindi nagawang alisin ng Kautusan ang kapangyarihan ng kasalanan dahil sa kahinaan ng tao na sundin ang mga utos. Ngunit nagawa ito ng Diyos nang isugo niya ang sarili niyang Anak sa anyo ng isang taong makasalanan upang alisin ang kapangyarihan ng kasalanan.
4 so the law's righteous requirement would be fulfilled in us, who walk not according to the flesh but according to the Spirit. Ginawa ito ng Diyos upang ang itinakda ng Kautusan ay matupad nating mga namumuhay sa patnubay ng Espiritu at hindi ayon sa ating makasalanang pagkatao.
5 Those who live by the flesh focus on what the flesh wants; but those who live by the Spirit, on what the Spirit wants. Sapagkat ang mga taong namumuhay ayon sa kanilang makasalanang pagkatao ay walang ibang iniisip kundi ang nais ng kanilang pagkatao. Ngunit ang tao namang namumuhay ayon sa Espiritu ay walang ibang iniisip kundi ang nais ng Espiritu.
6 For a mind fixed on the flesh is death; a mind fixed on the Spirit is life and peace. Ang pagsunod sa nais ng makasalanang pagkatao ay hahantong sa kamatayan, ngunit ang pagsunod sa nais ng Espiritu ay hahantong sa buhay at kapayapaan.
7 For the flesh-ruled mind is hostile to our Father; it doesn't submit to our Father's law—indeed it cannot. Sapagkat ang taong sumusunod sa nais ng kanyang makasalanang pagkatao ay kalaban ng Diyos. Hindi siya sumusunod sa kautusan ng Diyos, at talagang hindi niya magawang sumunod.
8 Those ruled by the sinful nature cannot please our Father. Kaya ang mga taong nabubuhay ayon sa kanilang makasalanang pagkatao ay hindi maaaring kalugdan ng Diyos.
9 But you are not in the flesh but in the Spirit, if indeed the Spirit of our Father lives in you. Whoever lacks the Spirit of Christ does not belong to him. Ngunit hindi na kayo nabubuhay ayon sa makasalanang pagkatao kundi ayon na sa patnubay ng Espiritu, kung totoo ngang nananahan sa inyo ang Espiritu ng Diyos. Kung wala sa isang tao ang Espiritu ni Kristo, siyaʼy hindi kay Kristo.
10 But if Christ is in you, the body is dead from sin, but the Spirit is life from righteousness. Ngunit kung nasa inyo na si Kristo, mamatay man ang katawan ninyo dahil sa kasalanan, binubuhay naman kayo ng Espiritu dahil itinuring na kayong matuwid ng Diyos.
11 So if the Spirit of our Father who raised Jesus from the dead lives in you, he who raised Christ from the dead will also make your mortal bodies alive through his Spirit living in you. At kung nananahan sa inyo ang Espiritu ng Diyos na muling bumuhay kay Hesu-Kristo, siya rin ang magbibigay ng buhay sa inyong mga katawang namamatay. Gagawin niya ito sa pamamagitan ng kanyang Espiritung nananahan sa inyo.
12 So then, brothers and sisters, we are debtors—but not to the flesh, to live by it. Kaya nga mga kapatid, may tungkulin tayo, ngunit hindi sa pagsunod sa kagustuhan ng ating makasalanang pagkatao.
13 For if you live by the flesh, you will die; but if by the Spirit you put to death the body's deeds, you will live. Sapagkat mamamatay kayo kapag namuhay kayo ayon sa inyong makasalanang pagkatao. Ngunit mabubuhay kayo kung susupilin ninyo ang inyong makasalanang pagkatao sa pamamagitan ng Espiritu.
14 For all who are led by the Spirit of our Father are children of our Father. Ang mga taong pinapatnubayan ng Espiritu ng Diyos ay mga anak ng Diyos.
15 You did not receive a spirit of slavery, to fall back into fear, but received the Spirit of sonship, by whom we cry, "Abba! Father!" At ang Espiritu na tinanggap ninyo mula sa Diyos ay hindi ibinigay upang magkaroon muli kayo ng takot, sa halip, upang kayoʼy maging mga anak ng Diyos. Ngayon, sa pamamagitan niya, matatawag na ninyong, “Abba, Ama” ang Diyos.
16 The Spirit himself bears witness with our spirit that we are children of our Father. Ang Espiritu at ang ating espiritu ay parehong nagpapatunay na tayoʼy mga anak ng Diyos.
17 If children, then heirs—heirs of our Father, co-heirs with Christ, if we suffer with him, so we may also be glorified with him. At bilang mga anak, mga tagapagmana tayo ng lahat ng pagpapalang inilaan ng Diyos para sa mga anak niya. At tayoʼy kasama ni Kristo na magmamana ng mga inihanda ng Diyos para sa kanya. Sapagkat kung magtitiis tayo kasama ni Kristo, makakasama rin tayo sa kanyang kaluwalhatian.
18 I count this era's suffering as nothing next to the glory to be revealed to us. Para sa akin, ang mga paghihirap sa buhay na ito ay hindi maihahambing sa kaluwalhatiang ihahayag sa atin balang araw.
19 For the creation waits with eager longing for the children of our Father to be revealed. Maging ang buong nilikha ay sabik na naghihintay na ihayag ng Diyos ang mga anak niya.
20 For creation was subjected to frustration—not by choice, but by him who subjected it—in hope, Sapagkat ang buong nilikha ay nabigong tuparin ang layuning para sa kanila. Nangyari ito hindi dahil ito ang gusto nila, kundi dahil ito ang kalooban ng Diyos. Subalit may pag-asa pa,
21 that creation itself will be freed from its slavery to decay, into the freedom of the glory of our Father's children. dahil palalayain din niya ang buong nilikha mula sa kabulukang umaalipin dito, at makakasama ito sa kalayaan at kaluwalhatian ng mga anak ng Diyos.
22 For we know the whole creation has groaned together in labor pains until now. Alam natin na hanggang ngayon, ang buong nilikha ay dumaraing dahil itoʼy dumaranas ng matinding paghihirap na tulad ng isang babaeng nanganganak.
23 And not only the creation, but we too—who hold the Spirit's firstfruits—groan within ourselves, waiting eagerly for our full rights as sons to be restored, the redemption of our bodies. At hindi lamang ang buong nilikha, kundi pati tayong mga tumanggap ng Espiritu na siyang unang kaloob ng Diyos ay dumaraing din habang hinihintay natin ang pagpapahayag sa ganap na katayuan natin bilang mga anak ng Diyos at ang pagpapalaya sa ating mga katawan.
24 In this hope we were saved. Hope seen isn't hope—who hopes for what he already sees? Sapagkat ito ang inaasahan natin noong tayoʼy naligtas. Umaasa tayo dahil hindi pa ganap na natupad ang inaasahan natin. Aasa pa ba tayo kung nakamit na natin ito?
25 But if we hope for what we do not see, we wait for it with patience. Ngunit kung ang inaasahan natiʼy wala pa, maghihintay tayo nang may pagtitiyaga.
26 So too the Spirit helps our weakness: we don't know what to pray for as we should, but the Spirit himself pleads for us with wordless groans. Tinutulungan tayo ng Espiritu sa kahinaan natin. Hindi natin alam kung ano ang dapat nating ipanalangin, kaya ang Espiritu na rin ang namamagitan sa Diyos para sa atin sa pamamagitan ng mga daing na hindi natin kayang sabihin.
27 He who searches hearts knows the Spirit's mind, since the Spirit intercedes for the saints according to our Father's will. At ang anumang nais sabihin ng Espiritu ay alam ng Diyos na siyang sumisiyasat sa puso ng mga tao. Sapagkat namamagitan ang Espiritu para sa mga tinawag na maging banal, kung ano ang ayon sa kalooban ng Diyos.
28 We know all things work together for good for those who love our Father, who are called according to his purpose. Alam natin na sa lahat ng bagay, gumagawa ang Diyos para sa ikabubuti ng mga umiibig sa kanya, na kanyang tinawag ayon sa kanyang layunin.
29 Those he foreknew, he also predestined to be shaped to his Son's image, so he would be firstborn among many brothers and sisters. Sapagkat alam na ng Diyos noon pa man kung sino-sino ang kanyang magiging mga anak. At silaʼy itinalaga niyang matulad sa kanyang Anak na si Hesus upang siya ang maging panganay sa maraming magkakapatid.
30 Those he predestined, he also called; those he called, he also justified; those he justified, he also glorified. Kaya ang mga taong pinili niya noong una pa ay tinawag din niya, at ang mga tinawag niya ay itinuring niyang matuwid, at ang itinuring niyang matuwid ay niluwalhati rin niya.
31 So what do we say to these things? If our Father is for us, who can be against us? Ngayon, kung iisipin natin ang mga bagay na ito, masasabi nating panig sa atin ang Diyos, at dahil dito, walang magtatagumpay laban sa atin.
32 He didn't spare his own Son but gave him up for us all—won't he also freely give us everything with him? Kung ang sarili niyang Anak ay hindi niya ipinagkait sa halip ay ibinigay para sa atin, tiyak na ibibigay rin niya sa atin ang lahat ng bagay.
33 Who should bring any charge against our Father's chosen ones? Our Father is the one who justifies. Sino ang maaaring mag-akusa sa mga pinili ng Diyos? Ang Diyos na mismo ang nagturing sa atin na matuwid.
34 Who condemns? Christ Jesus—who died, more than that, was raised, who is at our Father's right hand, who indeed intercedes for us. Wala ring makakahatol sa atin ng kaparusahan, dahil si Kristo Hesus na mismo ang hinatulang mamatay para sa atin. At hindi lang iyan, muli siyang binuhay at nasa kanang kamay na ngayon ng Diyos at namamagitan para sa atin.
35 Who can separate us from Christ's love? Suffering, hardship, persecution, famine, nakedness, danger, sword? Walang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ni Kristo, kahit dumanas pa tayo ng mga pagsubok, paghihirap, pag-uusig, gutom, kawalan, panganib, o maging kamatayan.
36 As it is written: "For your sake we are killed all day long; we are counted as sheep to be slaughtered." Gaya nga ng sinasabi sa Kasulatan: “Alang-alang sa iyo, palaging nasa panganib ang aming buhay; para kaming mga tupang kakatayin.”
37 No, in all these things we are more than conquerors through him who loved us. Ngunit kahit ganito ang kalagayan natin, ganap ang ating tagumpay sa tulong ni Kristo na nagmamahal sa atin.
38-39 For I am convinced neither death nor life, neither angels nor rulers, neither present nor future, nor powers, Sapagkat natitiyak ko na walang makakapaghiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos na ipinakita sa atin sa pamamagitan ni Kristo Hesus na ating Panginoon. Maging kamatayan o buhay, mga anghel o anumang makapangyarihang espiritu, ang kasalukuyang panahon o ang hinaharap, ang mga kapangyarihan, ang mga nasa itaas o mga nasa ibaba, o kahit ano pang mga bagay sa buong mundo ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos.
39 neither height nor depth, nor anything else in all creation, can separate us from the love of our Father in Christ Jesus our Lord. Not in this edition
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]