Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Romans 9 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 I speak truth in Christ, not lying—my conscience testifies with me in the Holy Spirit, Ngayon, bilang mananampalataya kay Kristo, may sasabihin ako sa inyo. Totoo ito at hindi ako nagsisinungaling. Sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, ang aking konsensiya ang nagpapatunay na
2 that I have great sorrow and unceasing anguish in my heart. labis akong nalulungkot at nababalisa
3 I could wish myself cursed, cut off from Christ, for my brothers and sisters, my own people by blood. dahil sa mga kalahi at kababayan kong Hudyo. Kung puwede lang sanaʼy ako na lang ang sumpain ng Diyos at mahiwalay kay Kristo, maligtas lang sila.
4 They are Israelites: theirs the full rights as sons, the glory, the covenants, the lawgiving, the worship, the promises. Bilang mga Israelita, itinuring sila ng Diyos na kanyang mga anak. Ipinakita niya sa kanila ang kanyang kadakilaan. Gumawa ang Diyos ng mga kasunduan sa kanila at ibinigay rin ang Kautusan sa kanila. Tinuruan sila ng tunay na pagsamba at maraming ipinangako ang Diyos sa kanila.
5 The ancestors are theirs; from them, by human descent, comes the Christ, who is God over all, blessed forever. Amen. Ang kanilang mga ninunoʼy mga pinili ng Diyos, at sa kanilang lahi nagmula ang Mesias nang siyaʼy maging tao. Siya ang Diyos na makapangyarihan sa lahat na dapat purihin magpakailanman! Amen.
6 This doesn't mean our Father's word has failed, for not all descended from Israel are Israel. Hindi ito nangangahulugan na hindi natupad ang mga pangako ng Diyos sa lahi ni Israel dahil hindi sila sumampalataya, sapagkat hindi lahat ng mga Israelita ay kabilang sa mga taong pinili ng Diyos.
7 Not all Abraham's offspring are his children; rather, "Your offspring will be named through Isaac." At hindi rin naman lahat ng nagmula kay Abraham ay maituturing na mga anak ni Abraham. Sapagkat sinabi ng Diyos kay Abraham, “Si Isaac na iyong anak ang pagmumulan ng ibibilang na lahi mo.”
8 That is, the children of the flesh are not children of our Father, but children of the promise count as offspring. Ang ibig sabihin, hindi lahat ng anak ni Abraham ay maituturing na anak ng Diyos, kundi ang mga anak lamang na ipinanganak ayon sa pangako.
9 For the promise says: "At this time next year I will come, and Sarah will have a son." Sapagkat ganito ang ipinangako ng Diyos sa kanya, “Babalik ako rito sa ganito ring panahon sa susunod na taon at magkakaroon ng anak na lalaki si Sara.”
10 Not only that, but Rebekah too conceived by one man, our father Isaac, Ang anak na ito ay ang ating ninunong si Isaac. At nangyari nga na ang asawa niyang si Rebeca ay nagdalang-tao ng kambal.
11-12 though not yet born, having done nothing good or bad—so our Father's purpose by election might stand, Bago pa man ipanganak ang kambal, sinabi na ng Diyos kay Rebeca, “Maglilingkod ang nakatatanda sa nakababatang kapatid.” Sinabi ito ng Diyos noong wala pa silang nagagawang mabuti o masama, bilang patunay na ang pagpili niya ay batay sa sarili niyang pasya at hindi sa mabubuting gawa ng tao.
12 not from works, but from him who calls, she was told: "the older will serve the younger." Not in this edition
13 As it is written, "Jacob I loved, but Esau I hated." Gaya nga ng sinabi ng Diyos sa Kasulatan, “Minahal ko si Jacob, ngunit si Esau ay kinapootan ko.”
14 What should we say then? Is there injustice with our Father? By no means! Kung gayon, ano ang dapat nating sabihin? Masasabi ba nating hindi makatarungan ang Diyos? Aba, hindi!
15 For he tells Moses, "I will have mercy on whom I have mercy, and I will have compassion on whom I have compassion." Sapagkat sinabi niya kay Moises: “Mahahabag ako sa gusto kong kahabagan; maaawa ako sa gusto kong kaawaan.”
16 So then it depends not on human will or exertion, but on our Father, who has mercy. Kaya ang pagpili ng Diyos ay hindi batay sa kagustuhan ng tao o sa paggawa niya ng mabuti, kundi sa awa ng Diyos.
17 For the Scripture says to Pharaoh: "I raised you up for this very reason, to show my power in you, and to have my name proclaimed in all the earth." Sapagkat ayon sa Kasulatan, sinabi ng Diyos sa Faraon, “Ginawa kitang hari para sa layuning ito: upang maipakita ko ang aking kapangyarihan sa pamamagitan mo at makilala ang pangalan ko sa buong mundo.”
18 So then he has mercy on whomever he wills, and he hardens whomever he wills. Nangangahulugan ito na kinaaawaan ng Diyos ang gusto niyang kaawaan, at pinatitigas niya ang puso ng iba kaya hindi na talaga sila nakikinig.
19 So you'll ask me, "Why does he still find fault? Who resists his will?" Maaaring may magsabi sa akin, “Kung ganoon, bakit pa niya pinapanagot ang mga tao sa kanilang mga kasalanan? Ginagawa lang naman nila ang ayon sa kanyang kalooban?”
20 But who are you, mere human, to argue with our Father? Does the molded say to its molder, "Why did you make me like this?" Ngunit sino ka para magreklamo sa Diyos? Tayoʼy mga nilikha lang ng Diyos, kaya hindi tayo dapat magreklamo. Nararapat bang sabihin ng nilikha sa lumikha sa kanya, “Bakit mo ako nilikha nang ganito?”
21 Does the potter not have authority over the clay, making from one lump a vessel for honor, another for dishonor? Tulad ng isang magpapalayok, may karapatan siyang hubugin ang putik ayon sa gusto niya. May karapatan siyang gumawa ng dalawang uri ng sisidlan mula sa iisang tumpok ng putik: Ang isa ay espesyal, at ang isa naman ay karaniwan lang.
22 What if our Father, wanting to show his wrath and make known his power, patiently endured vessels of wrath prepared for destruction, Ganoon din naman ang Diyos. Nais niyang ipakita ang kanyang kapangyarihan at matinding galit sa mga makasalanan, subalit minabuti niyang tiisin muna nang buong tiyaga ang mga taong dapat sanang parusahan at lipulin.
23 to reveal his glory's riches for vessels of mercy he prepared beforehand for glory, Ginawa niya ito upang ipakita kung gaano siya kadakila sa mga taong kinaaawaan niya, na inihanda na niya noon pa para sa kaluwalhatian.
24 even us whom he has called, not from the Jews only but also from the Gentiles? Itoʼy walang iba kundi tayong mga tinawag niya, hindi lang mula sa mga Hudyo kundi mula rin sa mga Hentil.
25 As he says in Hosea, "I will call those not my children, my children, and her not beloved, beloved." Ito ang sinabi ng Diyos sa aklat ni Hosea: “Ang dating hindi ko bayan ay tatawagin kong, ‘bayan ko’. At ang dating hindi ko mahal ay tatawagin kong ‘mahal ko’.”
26 "And in the very place where it was said to them, 'You are not my people,' there they will be called 'children of the living Father.'" At, “Sa mismong lugar kung saan silaʼy sinabihang, ‘Kayoʼy hindi ko mga mamamayan,’ silaʼy tatawaging, ‘Mga anak ng Diyos na buháy.’ ”
27 Isaiah cries out about Israel: "Though Israel's children number like sand of the sea, only a remnant will be saved, Tungkol naman sa mga Israelita, sinabi ni Propeta Isaias: “Kahit maging kasindami man ng buhangin sa tabing-dagat ang lahi ni Israel, kaunti lang ang maliligtas sa kanila.
28 for our Father will carry out his sentence upon the earth, fully and without delay." Sapagkat mabilis at matindi ang gagawing paghatol ng Panginoon sa mundo.”
29 And as Isaiah predicted: "Had the Father of heaven's armies not left us offspring, we'd have become like Sodom, made like Gomorrah." Sinabi rin ni Isaias, “Kung ang Panginoong Makapangyarihan ay walang itinira sa ating lahi, natulad na sana tayo sa Sodoma at Gomora.”
30 What then should we say? Gentiles not pursuing righteousness attained righteousness, righteousness by faith; Ano ngayon ang ating masasabi? Ang mga Hentil na hindi nagsikap na maging matuwid ay itinuring ng Diyos na matuwid nang dahil sa kanilang pananampalataya.
31 but that Israel, who pursued a law of righteousness, did not reach that law. Ngunit ang sambayanang Israel na nagsikap na maituring na matuwid sa pamamagitan ng pagsunod nila sa Kautusan ay nabigo.
32 Why? Because they pursued it not through faith but as though through works. They stumbled on the stumbling stone, Bakit sila nabigo? Sapagkat nagtiwala sila sa kanilang mga gawa at hindi sila sumampalataya kay Hesu-Kristo. Natisod sila sa “batong nakakatisod.”
33 as it is written, "See, I am placing in Zion a stumbling stone, a rock that offends; whoever trusts him won't be put to shame." Gaya nga ng sinabi ng Diyos sa Kasulatan: “Maglalagay ako sa Zion ng batong katitisuran sa mga tao, at magpapadapa sa kanila. Ngunit hindi mapapahiya ang mga sumasampalataya sa kanya.”
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]