Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Acts 17 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 After traveling through Amphipolis and Apollonia, they came to Thessalonica, where there was a Jewish synagogue. Dumaan sila sa Amfipolis at sa Apolonia hanggang sa nakarating sila sa Tesalonica kung saan mayroong sinagoga ng mga Hudyo.
2 Paul, as usual, went in to them and reasoned with them from the Scriptures on three Sabbaths. At katulad ng nakagawian ni Pablo, pumunta siya sa sinagogang iyon. At sa loob ng tatlong magkakasunod na Araw ng Pamamahinga, nakipagtalakayan siya sa mga tao roon. Ginamit niya ang Kasulatan
3 Opening and explaining the Scriptures that the Christ must suffer and rise from the dead, he said, "This Jesus I proclaim to you is the Christ." upang patunayan sa kanila na ang Mesias ay kinakailangang magtiis at muling mabuhay. Sinabi ni Pablo, “Itong Hesus na aking ipinapahayag sa inyo ay ang Mesias.”
4 Some of them were persuaded and joined Paul and Silas, along with a great many devout Greeks and quite a few leading women. Ang iba sa kanilaʼy naniwala at sumáma kina Pablo at Silas. Marami ring mga Griyego na sumasamba sa Diyos at mga kilalang babae ang sumáma sa kanila.
5 But the Jews grew jealous, gathered evil men from the marketplace, formed a mob, and threw the city into chaos. They stormed Jason's house, seeking to bring them out to the crowd. Ngunit nainggit ang mga ibang Hudyong naroon kaya pinagsama-sama nila ang mga basagulero sa lansangan. Nang dumami na ang mga iyon, nagsimula silang manggulo sa buong lungsod. Nilusob nila ang bahay ni Jason sa paghahanap kina Pablo at Silas para iharap sila sa mga tao.
6 Not finding them, they dragged Jason and some brothers before the city officials, shouting, "These men who have turned the world upside down have come here too, Ngunit nang hindi nila makita sina Pablo at Silas, kinaladkad nila si Jason at ang iba pang mga mananampalataya papunta sa mga opisyal ng lungsod, at sumigaw sila, “Ang mga taong itoʼy nagdadala ng gulo kahit saan sila pumunta dahil sa kanilang itinuturo. At ngayon, narito na sila sa ating lungsod.
7 Jason welcomed them. They all defy Caesar's decrees, claiming there is another king—Jesus. Pinatuloy ni Jason sina Pablo at Silas sa kanyang bahay. Silang lahat ay kumakalaban sa mga kautusan ng Emperador, dahil sinasabi nilang may iba pang hari na ang pangalan ay Hesus.”
8 And they stirred up the crowd and the city authorities who heard these things." Nang marinig iyon ng mga tao at ng mga opisyal, nagkagulo sila.
9 And when they had taken bail from Jason and the rest, they let them go. Bago nila pinakawalan si Jason at ang kanyang mga kasama, pinagpiyansa muna sila.
10 The brothers at once sent Paul and Silas off by night to Berea; on arrival they went to the Jewish synagogue. Kinagabihan, pinapunta ng mga mananampalataya sina Pablo at Silas sa Berea. Pagdating nila roon, pumunta sila sa sinagoga ng mga Hudyo.
11 These Jews were more open-minded than those in Thessalonica, receiving the word eagerly and examining Scripture daily to see if these things were true. Mas bukas ang isipan ng mga Hudyong taga-Berea kaysa sa mga taga-Tesalonica. Gustong-gusto nilang makinig sa mga itinuturo nina Pablo. At araw-araw nilang sinasaliksik ang Kasulatan upang alamin kung totoo nga ba ang mga sinasabi nina Pablo.
12 So many of them believed, along with many prominent Greek women and men. Marami sa kanila ang sumampalataya kabilang dito ang mga Griyegong babae na kilala sa lipunan at mga Griyegong lalaki.
13 When Jews from Thessalonica learned Paul proclaimed the word of our Father in Berea too, they went there also, agitating and stirring up the crowds. Ngunit nang marinig ng mga Hudyo sa Tesalonica na nangaral si Pablo ng salita ng Diyos sa Berea, pumunta sila roon at sinulsulan ang mga tao na manggulo.
14 The brothers immediately sent Paul off to the sea, but Silas and Timothy stayed there. Kaya inihatid ng mga mananampalataya si Pablo sa tabing-dagat. Ngunit sina Silas at Timoteo ay nagpaiwan sa Berea.
15 Paul's escorts brought him to Athens, then left with orders for Silas and Timothy to join him as soon as possible. Ang mga taong naghatid kay Pablo ay sumáma sa kanya hanggang sa Atenas. Pagkatapos, bumalik sila sa Berea taglay ang bilin niya na pasunurin sa kanya sa Atenas sina Silas at Timoteo.
16 While Paul waited for them in Athens, his spirit was provoked within him, seeing the city full of idols. Habang hinihintay ni Pablo sina Silas at Timoteo sa Atenas, nakita niyang maraming diyos-diyosan doon. At lubos niyang ikinabahala ito.
17 So he debated in the synagogue with Jews and worshipers of God, and daily in the marketplace with whoever was there. Kaya pumasok siya sa sinagoga ng mga Hudyo at nakipagdiskusyon sa kanila at sa mga Griyegong sumasamba rin sa Diyos. Araw-araw pumupunta rin siya sa plasa at nakikipagdiskusyon sa sinumang makatagpo niya roon.
18 Some of the Epicurean and Stoic philosophers also debated with him. Some asked, "What's this babbler trying to say?" Others said, "He seems to promote foreign gods"—since he preached the good news of Jesus and the resurrection. Dalawang pangkat ng mga tagapagturo ang nakipagtalo kay Pablo. Ang isa ay tinatawag na mga Epicureo, at ang isa naman ay mga Estoico. Sinabi ng ilan sa kanila, “Ano kaya ang pinagsasabi ng nagmamagaling na ʼyan?” Ang sabi naman ng iba, “Ibang mga diyos yata ang ipinapangaral niya.” Ganoon ang sinabi nila dahil nangangaral si Pablo tungkol kay Hesus at sa kanyang muling pagkabuhay.
19 They took him and brought him to the Areopagus, asking, "Can we know what this new teaching you're presenting is? Isinama nila si Pablo sa isang pagtitipon ng Areopago. Sinabi nila sa kanya, “Puwede ba naming malaman ang mga bagong aral na itinuturo mo?
20 For you bring strange things to our ears, so we want to know what they mean." Bago kasi sa aming pandinig ang mga sinasabi mo, kaya gusto naming malaman kung ano iyan.”
21 Now all the Athenians and foreigners living there spent their time on nothing but telling or hearing something new. (Ang mga taga-Atenas at mga dayuhang naninirahan doon ay mahilig magdiskusyon tungkol sa mga bagong aral.)
22 Paul stood in the middle of the Areopagus and said, "Athenians, I see that you are extremely religious in every way. Kaya tumayo si Pablo sa gitna ng pagtitipon ng Areopago at sinabi, “Mga taga-Atenas! Nakikita kong napakarelihiyoso ninyo.
23 For as I passed through and examined your sacred objects, I found an altar inscribed: 'To an unknown god.' What you worship without knowing it, I now proclaim to you. Sapagkat sa aking paglilibot dito sa inyong lungsod, nakita ko ang mga sinasamba ninyo. May nakita pa akong altar na may nakasulat na ganito: Para sa Hindi Nakikilalang Diyos. “Itong Diyos na inyong sinasamba na hindi pa ninyo nakikilala ay ang Diyos na aking ipinapangaral sa inyo.
24 Our Father, who made the world and everything in it, being Sovereign of heaven and earth, doesn't live in temples made by hands, “Siya ang lumikha ng mundo at ng lahat ng narito. Siya ang Panginoong nagmamay-ari ng langit at lupa, kaya hindi siya nakatira sa mga templo na gawa ng mga tao.
25 nor served by human hands, as if he needed anything—he himself gives everyone life, breath, and everything. Hindi siya nangangailangan ng tulong mula sa tao dahil siya mismo ang nagbibigay ng buhay sa atin, maging ng lahat ng pangangailangan natin.
26 From one man he made every nation of mankind live across the whole earth, fixing their set times and the boundaries of their homelands, Mula sa isang tao, nilikha niya ang lahat ng lahi at ipinangalat sa buong mundo. Noon paʼy itinakda na niya ang hangganan ng tirahan ng mga tao at ang panahon na silaʼy mabubuhay dito sa lupa.
27 so they might seek our Father, perhaps reach for him and find him—though he is not far from each of us, “Ginawa ito ng Diyos para hanapin natin siya, at baka sakaling matagpuan natin siya. Ngunit ang totoo, ang Diyos ay hindi malayo sa atin.
28 for 'In him we live and move and have our being'; as even some of your own poets have said, 'We too are his descendants.' ‘Sapagkat sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan tayoʼy nabubuhay at nakakakilos.’ Katulad din ng sinabi ng ilan sa inyong mga makata, ‘Tayo ngaʼy mga anak niya.’
29 So as our Father's children, we shouldn't think the divine is like gold, silver, or stone—an image shaped by human skill and imagination. “Dahil tayo nga ay mga anak ng Diyos, hindi natin dapat isipin na ang banal na Diyos ay katulad ng diyos-diyosang ginto, pilak, o bato na likha lamang ng isip at kamay ng tao.
30 The times of ignorance our Father overlooked, but now he commands all people everywhere to repent. Noong una, nang hindi pa kilala ng mga tao ang Diyos, hindi niya pinansin ang kanilang mga kasalanan. Ngunit ngayon, inuutusan ng Diyos ang lahat ng tao sa lahat ng lugar na magsisi at talikuran ang kanilang masamang gawain.
31 He set a day to judge the world justly, through a man he appointed—proving it to all by raising him from the dead." Sapagkat itinakda na ng Diyos ang araw kung kailan niya ipapataw ang kanyang makatarungang hatol sa lahat ng tao dito sa mundo sa pamamagitan ng taong pinili niya. Pinatunayan niya ito sa lahat, nang buhayin niyang muli ang taong iyon.”
32 Hearing of the resurrection of the dead, some mocked; others said, "We'll hear you on this again." Nang marinig nila ang sinabi ni Pablo tungkol sa muling pagkabuhay, pinagtawanan siya ng ilan. Ngunit sinabi naman ng iba, “Bumalik ka ulit dito, dahil gusto pa naming makinig tungkol sa mga bagay na ito.”
33 So Paul left them. Pagkatapos nito, umalis na si Pablo.
34 But some men joined him and believed, including Dionysius the Areopagite, a woman named Damaris, and others. May ilang lalaking sumáma kay Pablo at sumampalataya kay Hesus. Ang isa sa kanila ay si Dionisio na miyembro ng Areopago, at ang babaeng si Damaris, at may iba pa.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]