Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Acts 16 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Paul went on to Derbe and Lystra. A disciple was there named Timothy, son of a believing Jewish woman, but his father was a Greek. Nagpatuloy sina Pablo sa paglalakbay sa Derbe at Listra. May alagad si Hesus doon sa Listra na ang pangalan ay Timoteo. Ang kanyang ina ay Hudyo at mananampalataya rin, ngunit ang kanyang ama ay Griyego.
2 He was well thought of by the brothers at Lystra and Iconium. Ayon sa mga kapatid doon sa Listra at sa Iconio, si Timoteo ay isang mabuting tao.
3 Paul wanted him to travel with him, so he took and circumcised him, because of the Jews in those places, for they all knew his father was Greek. Gusto ni Pablo na isama si Timoteo, kaya tinuli niya ito para walang masabi ang mga Hudyo laban kay Timoteo, dahil ang lahat ng Hudyo na nakatira sa lugar na iyon ay nakakaalam na Griyego ang ama nito.
4 Traveling through the towns, they delivered the decisions the apostles and elders in Jerusalem had made, for them to keep. Pagkatapos, pumunta sila sa mga bayan at ipinaalam nila sa mga mananampalataya ang mga patakarang napagkasunduan ng mga apostol at ng mga pinuno ng iglesya sa Jerusalem. Sinabihan nila ang mga mananampalataya na sundin ang mga patakarang ito.
5 So the churches were strengthened in the faith and grew in numbers daily. Kaya lalong tumibay ang pananampalataya ng mga iglesya, at araw-araw ay nadadagdagan pa ang bilang nila.
6 They crossed the Phrygian and Galatian region, since the Holy Spirit had stopped them from speaking the word in Asia. Pumunta sina Pablo sa mga lugar na sakop ng Frigia at Galacia, dahil hindi sila pinahintulutan ng Banal na Espiritu na mangaral ng salita ng Diyos sa lalawigan ng Asia.
7 Reaching Mysia, they tried entering Bithynia, but the Spirit of Jesus wouldn't let them. Pagdating nila sa hangganan ng Misia, gusto sana nilang pumunta sa Bitinia, ngunit hindi ipinahintulot ng Espiritu ni Hesus.
8 So passing by Mysia, they went down to Troas. Kaya dumaan na lang sila sa Misia at pumunta sa Troas.
9 Paul saw a vision in the night: a Macedonian man stood pleading with him, "Cross over to Macedonia and help us." Nang gabing iyon, nagkaroon si Pablo ng isang pangitain. Nakita niya ang isang taga-Macedonia na nakatayo at nagmamakaawa sa kanya. Sinabi ng tao, “Puntahan mo kami rito sa Macedonia at tulungan.”
10 When he had seen the vision, we tried at once to leave for Macedonia, concluding our Father had called us to tell them the good news. Pagkatapos makita ni Pablo ang pangitaing iyon, naghanda kami agad papuntang Macedonia, dahil naramdaman naming pinapapunta kami roon ng Diyos upang mangaral ng Magandang Balita sa mga tagaroon.
11 So we set sail from Troas and sailed straight to Samothrace, and the next day to Neapolis, Naglayag kami mula Troas papuntang Samotracia, at kinabukasan ay dumating kami sa Neapolis.
12 and from there to Philippi, a leading city of that district of Macedonia, a Roman colony. We stayed there several days. Mula Neapolis, pumunta kami sa Filipos, ang pangunahing lungsod ng Macedonia. Maraming nakatira doon na taga-Roma. Tumigil kami roon ng ilang araw.
13 On the Sabbath we went outside the gate to a river, supposing there was a place of prayer. We sat and spoke with the women gathered there. Pagdating ng Araw ng Pamamahinga, lumabas kami sa lungsod at pumunta sa tabi ng ilog sa pag-aakalang may lugar doon na pinagtitipunan ng mga Hudyo upang manalangin. Nagkataong may mga babaeng nagtitipon doon, kaya nakiupo kami at nakipag-usap sa kanila.
14 A woman named Lydia, from Thyatira, who sold purple cloth and worshiped our Father, was listening. The Lord opened her heart to Paul's words. Isa sa mga nakikinig sa amin ay si Lydia na taga-Tiatira. Siyaʼy isang negosyante ng mga mamahaling telang kulay lila, at sumasamba siya sa Diyos. Binuksan ng Panginoon ang kanyang puso upang tanggapin ang mga sinasabi ni Pablo.
15 When she and her household were baptized, she urged us: "If you judge me faithful to the Lord, come to my house and stay." And she persuaded us. Nagpabautismo siya at ang kanyang pamilya. Pagkatapos, sinabi niya, “Kung naniniwala kayo na ako ay isa nang tunay na mananampalataya sa Panginoon, doon na kayo tumuloy sa aking bahay.” At nakumbinsi niya kami.
16 As we went to the place of prayer, we met a slave girl possessed by a spirit of divination; she earned her owners great profit through fortune-telling. Isang araw, habang papunta kami sa lugar na pinagtitipunan para manalangin, sinalubong kami ng isang dalagitang alipin. Ang dalagitang iyon ay sinasaniban ng masamang espiritu na nagbibigay sa kanya ng kakayahang manghula. Malaki ang kinikita ng kanyang mga amo dahil sa kanyang panghuhula.
17 She followed Paul and us, shouting, "These men are servants of the Most High God, announcing to you the way of salvation." Palaging sinusundan ng babae si Pablo at kami habang sumisigaw ito ng, “Ang mga taong ito ay mga lingkod ng Kataas-taasang Diyos! Ipinangangaral nila sa inyo kung paano kayo maliligtas!”
18 She did this for many days. Paul, deeply annoyed, turned and told the spirit, "I command you in the name of Jesus Christ to come out of her." It came out instantly. Araw-araw, iyon ang ginagawa niya hanggang sa tuluyang nainis si Pablo. Kaya hinarap niya ang babae at sinabi sa masamang espiritung sumasanib dito, “Sa pangalan ni Hesu-Kristo, inuutusan kitang lumabas sa kanya!” At agad naman itong iniwan ng masamang espiritu.
19 When her owners saw their hope of profit was gone, they seized Paul and Silas, dragged them to the marketplace before the rulers. Nang makita ng mga amo nito na nawalan sila ng pagkakakitaan, hinuli nila sina Pablo at Silas at kinaladkad sa plasa upang iharap sa mga opisyal ng lungsod.
20 Bringing them to the magistrates, they said, "These men are Jews, disturbing our city. Sinabi nila sa mga opisyal, “Ang mga taong ito ay mga Hudyo at nanggugulo sa ating lungsod.
21 They advocate customs that are not lawful for us as Romans to accept or practice." Nagtuturo sila ng mga kaugaliang labag sa batas nating mga Romano. Hindi natin puwedeng sundin ang mga itinuturo nila.”
22 The crowd joined the attack, and the magistrates ripped off Paul and Silas's clothes and ordered them beaten with rods. Nakiisa ang mga tao sa pag-uusig kina Pablo at Silas. Pinahubaran sila ng mga opisyal at ipinahagupit.
23 After beating them severely, they threw them into prison, ordering the jailer to guard them securely. At nang mahagupit na sila nang husto, ikinulong sila. At inutusan ang guwardiya na bantayan silang mabuti.
24 Given that order, he locked them in the inner cell and clamped their feet in stocks. Kaya ipinasok sila ng guwardiya sa kaloob-loobang selda at ikinabit ang kanilang mga paa sa mabibigat na kahoy.
25 About midnight Paul and Silas prayed and sang hymns to our Father while the prisoners listened to them. Nang maghahatinggabi na, nananalangin at umaawit ng mga papuri sa Diyos sina Pablo at Silas. Nakikinig naman sa kanila ang ibang mga bilanggo.
26 Suddenly a violent earthquake shook the prison's foundations; instantly all doors opened and everyone's chains loosened. Walang anu-anoʼy biglang lumindol nang malakas at nayanig kahit ang mga pundasyon ng bilangguan. Nabuksan ang lahat ng pintuan ng bilangguan at natanggal ang mga kadena ng lahat ng bilanggo.
27 The jailer woke, saw the prison doors open, drew his sword meaning to kill himself, thinking the prisoners had escaped. Nagising ang guwardiya at nakita niyang bukas ang mga pintuan. Akala niyaʼy tumakas na ang mga bilanggo, kaya hinugot niya ang kanyang espada at magpapakamatay na sana siya.
28 But Paul shouted, "Don't harm yourself, for we are all here!" Ngunit sumigaw si Pablo, “Huwag kang magpakamatay! Narito kaming lahat!”
29 The jailer called for lights, rushed in, and fell trembling before Paul and Silas. Nagpakuha ng ilaw ang guwardiya at dali-daling pumasok sa loob at nanginginig na lumuhod sa harapan nina Pablo at Silas.
30 Then he brought them outside and said, "Sirs, what must I do to be saved?" Pagkatapos, dinala niya sina Pablo sa labas at tinanong, “Mga ginoo, ano ang dapat kong gawin upang maligtas?”
31 And they said, "Believe in the Lord Jesus, and you will be saved, you and your household." Sumagot sila, “Sumampalataya ka sa Panginoong Hesus at maliligtas ka at ang iyong pamilya.”
32 They spoke the Lord's word to him and everyone in his house. At ipinangaral nina Pablo ang salita ng Panginoon sa kanya at sa lahat ng miyembro ng kanyang pamilya.
33 In that hour of the night, he took them and washed their wounds; then he and his whole household were baptized at once. Kahit malalim na ang gabi, isinama sila ng guwardiya at hinugasan ang mga sugat nila. Pagkatapos nito, agad siyang nagpabautismo kasama ang kanyang buong pamilya.
34 He brought them up into his house, set food before them, and was overjoyed with his whole household at believing in our Father. Pagkatapos, isinama niya sina Pablo sa kanyang bahay at pinakain. Puno ng kagalakan ang guwardiya at ang kanyang buong pamilya na silaʼy sumampalataya na sa Diyos.
35 But when morning came, the magistrates sent the police, saying, "Release those men." Kinaumagahan, inutusan ng mga opisyal ang mga pulis na palayain na sina Pablo.
36 The jailer told Paul, "The magistrates sent orders to release you. Come out now and go in peace." At itoʼy ibinalita ng guwardiya kay Pablo. Sinabi niya, “Iniutos ng mga opisyal na palayain na kayo. Kaya maaari na kayong lumabas at umalis nang mapayapa.”
37 But Paul said to them, "They beat us publicly, without trial, Roman citizens that we are, and threw us into prison. Now they want to send us off secretly? No! Let them come themselves and lead us out." Ngunit sinabi ni Pablo sa mga pulis na inutusan, “Ipinahagupit nila kami sa publiko at ipinabilanggo nang walang paglilitis, kahit na mga Romano kami. At ngayon gusto nilang palayain kami nang palihim. Hindi maaari! Sila mismong mga opisyal ang dapat pumunta rito at magpalaya sa amin.”
38 The officers reported these words to the magistrates, who were afraid to hear they were Roman citizens. Kaya bumalik ang mga pulis sa mga opisyal at ipinaalam sa kanila ang sinabi ni Pablo. Nang malaman nilang mga Romano pala sina Pablo, natakot sila.
39 They came, apologized, led them out, and asked them to leave the city. Kaya pumunta sa bilangguan ang mga opisyal at humingi ng paumanhin kina Pablo. Pagkatapos, pinalabas sila at pinakiusapang umalis na sa lungsod na iyon.
40 So they left the prison and went to Lydia's house. There they saw the brothers, encouraged them, and left. Nang makalabas na sina Pablo at Silas sa bilangguan, pumunta sila agad sa bahay ni Lydia. Nakipagkita sila roon sa mga kapatiran, at pinalakas nila ang pananampalataya ng mga ito. Pagkatapos, umalis na sila.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]