Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Numbers 36 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 The family heads of Gilead's clan—descendants of Machir son of Manasseh, from Joseph's clans—approached and spoke before Moses and the leaders, heads of Israel's family clans. Pumunta kay Moises at sa mga pinuno ng Israel ang pamilya ni Gilead na anak ni Maquir at apo ni Manases, na anak ni Jose,
2 They said, "Our Father commanded my lord to give the land as an inheritance by lot to Israel's people, and my lord was commanded by our Father to give our brother Zelophehad's inheritance to his daughters. at sinabi, “Ginoo, nang nag-utos sa inyo ang Panginoon na hatiin ang lupa bilang mana ng mga Israelita sa pamamagitan ng palabunutan; nag-utos din siya na ibigay ang bahagi ng aming kapatid na si Zelofehad sa mga anak niyang babae.
3 If they marry men from other Israelite tribes, their inheritance will be removed from our fathers' inheritance and added to their new tribe's, shrinking our allotted inheritance. Ngunit halimbawang nag-asawa po sila galing sa ibang lahi at dahil ditoʼy napunta ang kanilang lupain sa lahi ng kanilang napangasawa, hindi baʼt mapupunta na ang bahagi ng aming lahi sa iba?
4 When Israel's jubilee comes, their inheritance joins the inheritance of the tribe they marry into, taken from our fathers' tribe's inheritance." Pagsapit ng Taon ng Pagpapalaya at Pagsasauli, ang kanilang lupa ay mapupunta sa lahi kung saan sila nakapag-asawa, at mawawala na ito sa lahi ng aming mga ninuno.”
5 So Moses commanded the Israelites at our Father's word, saying, "The tribe of Joseph speaks rightly. Kaya ayon sa utos ng Panginoon, sinabi ni Moises sa mga Israelita, “Tama ang sinabi ng angkan ng mga salinlahi ni Jose.
6 This is what our Father commands about Zelophehad's daughters: they may marry whoever they think best, only within their father's tribal clan. Kaya ito ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa mga anak na babae ni Zelofehad: Malaya silang makakapag-asawa sa kung sinong kanilang magugustuhan basta manggagaling lang sa lahi nila.
7 No Israelite inheritance may pass from tribe to tribe; each Israelite must keep their ancestral tribe's inheritance. Ang lupang mamanahin ng bawat lahi ay hindi maaaring mapunta sa ibang lahi dahil kailangang manatili sa bawat lahi ang lupa na kanilang namana sa kanilang mga ninuno.
8 Every daughter who inherits in an Israelite tribe must marry within her father's tribal clan, so every Israelite keeps his ancestral inheritance. Ang lahat ng babaeng nakamana ng lupa sa kahit saang lahi ay kailangang mag-asawa ng mula sa kanilang lahi para hindi mawala sa bawat Israelita ang lupang namana niya sa kanyang mga ninuno.
9 No inheritance may pass from one tribe to another; each tribe of Israel must hold to its own inheritance." Ang lupang namana ng bawat lahi ay hindi maaaring mapunta sa ibang lahi, dahil kailangang manatili sa bawat lahi ng Israel ang lupa na kanilang namana.”
10 Just as our Father commanded Moses, so the daughters of Zelophehad did. Kaya sinunod ng mga anak na babae ni Zelofehad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises.
11 Mahlah, Tirzah, Hoglah, Milcah, and Noah, the daughters of Zelophehad, married their cousins on their father's side. Ang mga anak na babae ni Zelofehad ay sina Mahlah, Tirza, Hogla, Milca, at Noe. At ang kanilang napangasawa ay ang kanilang mga pinsan sa ama,
12 They married into the clans of Manasseh son of Joseph's descendants, and their inheritance stayed in their father's tribal clan. na mga lahi ni Manases na anak ni Jose. Kaya ang lupain na kanilang namana ay nanatili sa sambahayan at angkan ng kanilang ama.
13 These are the commands and rulings our Father commanded through Moses to Israel's people on the plains of Moab, by the Jordan at Jericho. Ganito ang mga utos at tuntunin na ibinigay ng Panginoon sa mga Israelita sa pamamagitan ni Moises habang naroon sila sa kapatagan ng Moab sa tabi ng Jordan malapit sa Jerico.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]