Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Numbers 35 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Our Father spoke to Moses on the plains of Moab by the Jordan across from Jericho: Sinabi ng Panginoon kay Moises doon sa kapatagan ng Moab sa tabi ng Jordan malapit sa Jerico,
2 "Command the Israelites to give the Levites, from the inheritance they hold, cities to live in, and pastureland around them, for the Levites. “Sabihin mo sa mga Israelita na bigyan nila ang mga Levita ng mga bayan na titirhan ng mga ito mula sa mga lupaing matatanggap nila.
3 The cities are theirs to live in; the pasturelands are for their cattle, livestock, and all their living creatures. Sa ganitong paraan, may matitirhang bayan ang mga Levita at may pastulan para sa kanilang mga hayop.
4 "The pasturelands of the cities you give the Levites reach about 1,500 feet out from the city wall on every side. “Ang agwat ng pastulang inyong ibibigay sa palibot ng kanilang bayan ay mga 450 metro mula sa pader ng kanilang mga bayan.
5 Measure outside the city: about 3,000 feet on the east side, 3,000 on the south side, 3,000 on the west side, 3,000 on the north side, with the city in the middle. This is the pastureland for their cities. Pagkatapos, sumukat kayo ng 900 metro sa bawat direksyon ng bayan – sa silangan, sa timog, sa kanluran at sa hilaga – kaya nasa gitna ang bayan nito. Ito ang pastulan para sa mas malalaking bayan.
6 "Of the cities you give the Levites, six are to be cities of refuge, for a killer to flee to; besides these, give forty-two cities. “Bigyan din ninyo ang mga Levita ng anim na bayan na magiging lungsod na tanggulan, kung saan makakatakas papunta roon ang taong makakapatay nang hindi sinasadya. Hindi ito kasama sa apatnapuʼt dalawang bayan na inyong ibibigay sa kanila.
7 "All the cities that you give the Levites are to be forty-eight cities, together with their pasturelands. Kaya apatnapuʼt walong lahat ang mga bayan na inyong ibibigay sa mga Levita kasama ang kanilang mga pastulan.
8 From Israel's territory, give the Levites cities—more from large tribes, fewer from small; each gives in proportion to the inheritance it received." Ang mga bayang ibibigay sa mga Levita ay manggagaling sa mga lupain ng mga lahi ng Israel. Ang lahi na may maraming parte ay magbibigay ng maraming bayan at ang lahi na may kaunting parte ay magbibigay ng kaunti.”
9 Our Father spoke to Moses: Pagkatapos, sinabi ng Panginoon kay Moises,
10 "Speak to the Israelites and tell them: When you cross the Jordan into the land of Canaan, “Sabihin mo sa mga Israelita na kapag tumawid na sila sa Jordan papunta sa Canaan,
11 choose cities for yourselves, cities of refuge, where anyone who kills a person unintentionally may flee there. pumili sila ng mga bayan na magiging lungsod na tanggulan kung saan makakatakas papunta roon ang taong makakapatay nang hindi sinasadya.
12 These cities are a refuge for you from the blood avenger, so the killer won't die until standing before the assembly for judgment. Mapoprotektahan siya ng lungsod na ito laban sa mga taong gustong gumanti sa kanya. Hindi siya dapat patayin hanggaʼt hindi pa siya nahahatulan sa harap ng kapulungan.
13 The cities you give are to be six cities of refuge for you. Ang anim na bayan na ito ang magiging lungsod ninyong tanggulan.
14 Give three cities beyond the Jordan and three cities in the land of Canaan; they are to be cities of refuge. Ilagay ninyo sa silangan ng Jordan ang tatlong lungsod at tatlo sa Canaan.
15 These six cities are a refuge for Israelites, the foreigner, and the temporary resident among them, so anyone who kills a person by accident may flee there. Ang anim na bayan na ito ay magiging tanggulan hindi lang ng mga Israelita kundi pati ng mga dayuhan na naninirahan kasama ninyo para ang sinuman sa kanila na makapatay nang hindi sinasadya ay makakatakas papunta dito.
16 "But if someone strikes another with an iron object and the victim dies, the attacker is a murderer—the murderer must be put to death. “Pero kung hinampas ng isang tao ang sinuman ng bakal at namatay ito, ituturing na kriminal ang nasabing tao at kailangang patayin din siya.
17 If he struck him with a stone in his hand that could kill, and he died, he is a murderer; the murderer must be put to death. Kung binato ng isang tao ang sinuman at namatay ito, ituturing na kriminal ang nasabing tao at kailangang patayin din siya.
18 Or if he struck him with a deadly wooden tool in hand, and he died, he is a murderer; the murderer must be put to death. O halimbawa, hinampas ng kahoy ng isang tao ang sinuman at namatay ito, ituturing din na kriminal ang taong iyon, at kailangang patayin din siya.
19 The avenger of blood is to kill the murderer himself; when he meets him, he is to kill him. Ang malapít na kamag-anak ng pinatay ang may karapatang pumatay sa kriminal. Papatayin niya ang kriminal kung siyaʼy makikita niya.
20 If he pushed him from hatred, or threw something at him in ambush, so he died, “Kung napatay ng isang tao dahil sa kanyang galit ang sinuman sa pamamagitan ng panunulak, o paghahagis ng kahit anong bagay,
21 or if he struck him with his hand out of hatred and he died, the striker must be put to death—he is a murderer. The avenger of blood is to kill the murderer when he finds him. o pagsuntok, ituturing na kriminal ang nasabing tao at kailangang patayin din siya. Ang malapít na kamag-anak ng napatay ang may karapatang pumatay sa kriminal. Papatayin niya ang kriminal kung siyaʼy makikita niya.
22 "But if he shoved him suddenly without hostility, or threw anything at him without ambush, “Ngunit halimbawang ang isang taong walang sama ng loob ang nakapatay sa isang tao na nahagisan niya ng kahit anong bagay o natulak na hindi sinasadya,
23 or, without seeing him, dropped on him a stone able to kill, and he died—not his enemy, not seeking his harm, o nahulugan niya ng bato nang hindi niya nakikita, at dahil nga napatay niya ang tao, kahit hindi niya kaaway, at hindi niya sinasadya ang pagkakapatay sa kanya,
24 then the assembly is to judge between the slayer and the avenger of blood according to these rules. dadalhin pa rin siya sa kapulungan kasama ng taong gustong maghiganti sa kanya, at hahatulan siya ayon sa mga tuntuning ito.
25 The assembly must rescue the killer from the blood avenger's hand and return him to the city of refuge he fled to; he must stay there until the high priest anointed with holy oil dies. Kung mapatunayan na hindi niya sinasadya ang pagpatay, kailangang proteksyunan ng sambayanan ang taong nakapatay laban sa mga tao na gustong maghiganti sa kanya, at ibabalik siya sa lungsod na tanggulan, kung saan siya tumakas. Kailangang magpaiwan siya doon hanggang hindi pa namamatay ang punong pari na itinalaga sa paglilingkod.
26 "But if the killer ever leaves the border of his refuge city, where he fled, “Ngunit kapag lumabas sa lungsod na tanggulan ang nakapatay
27 if the avenger of blood finds him outside his city of refuge's border and kills the killer, he incurs no bloodguilt. at makita siya ng taong gustong gumanti sa kanya, maaari siyang patayin ng taong iyon. Walang pananagutan ang taong nakapatay sa kanya.
28 The killer must stay in his city of refuge until the high priest dies; only after the high priest's death may he return to his own land. Kaya dapat na magpaiwan ang taong nakapatay sa lungsod na tanggulan hanggang hindi pa namamatay ang punong pari, at pagkatapos ay makakauwi na siya sa kanila.
29 These are to be a permanent law for you throughout your generations, in every place where you live. “Ito ang mga tuntuning dapat ninyong sundin hanggang sa susunod pang mga henerasyon, kahit saan kayo manirahan.
30 "Anyone who kills a person is to be executed as a murderer, on witnesses' testimony; one witness alone cannot testify against a person to cause death. “Ang sinumang pumatay sa kanyang kapwa ay kailangang patayin, ngunit kailangang may mga saksi na magpapatotoo na siyaʼy nakapatay. Kung isang saksi lang ang magpapatotoo, hindi papatayin ang nasabing tao.
31 "Take no ransom for a murderer's life who deserves death—he must be executed. “Huwag kayong tatanggap ng bayad para sa buhay ng isang kriminal. Kailangang patayin siya.
32 Take no ransom for someone who fled to his city of refuge, letting him return to live in the land before the priest dies. “Huwag din kayong tatanggap ng bayad para sa buhay ng taong tumakas sa lungsod na tanggulan upang makabalik siya sa kanyang lugar bago mamatay ang punong pari.
33 "Don't pollute the land you live in—blood pollutes the land, and the land can have no atonement for blood shed on it except by the blood of the one who shed it. “Sa pamamagitan nito, maiiwasan ang pagdanak ng dugo sa lupaing inyong tinitirhan. Dahil ang pagpatay ay makakapagparumi sa lupain na inyong tinitirhan at walang makapaglilinis nito maliban sa dugo ng taong nakapatay.
34 Don't make the land unclean—you live there, and I live among you; for I, your Father, live among Israel's people." Kaya huwag ninyong dudungisan ang lupaing inyong tinitirhan, dahil ako mismo ang Panginoon, ay naninirahan kasama ninyong mga Israelita.”
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]