Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Deuteronomy 1 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Moses spoke these words to all Israel across the Jordan, in the wilderness, in the Arabah opposite Suph, between Paran and Tophel, Laban, Hazeroth, and Dizahab. Ang aklat na ito ay naglalaman ng mga mensaheng sinabi ni Moises sa lahat ng Israelita noong naroon pa sila sa ilang, sa silangan ng Ilog Jordan. Nagkampo sila sa Kapatagan ng Jordan malapit sa Suf, sa gitna ng Paran, Tofel, Laban, Hazerot at Dizahab.
2 It is eleven days' journey from Horeb by the way of Mount Seir to Kadesh-barnea. (Aabot ng labing-isang araw ang paglalakbay mula sa Bundok ng Sinai papunta sa Kades-barnea kung dadaan sa Bundok ng Seir.)
3 In the fortieth year, on the eleventh month's first day, Moses told Israel all our Father had commanded him for them, Nang unang araw ng ikalabing-isang buwan, sa ika-apatnapung taon mula nang umalis ang mga Israelita sa Ehipto, sinabi sa kanila ni Moises ang lahat ng iniutos ng Panginoon na sabihin sa kanila.
4 after he defeated Sihon king of the Amorites, who lived in Heshbon, and Og king of Bashan, who lived in Ashtaroth and Edrei. Nangyari ito matapos matalo ni Moises si Sihon na hari ng mga Amoreo, na nakatira sa Hesbon, at si Haring Og ng Bashan na nakatira sa Astarot at Edrei.
5 Beyond the Jordan, in the land of Moab, Moses began to explain this instruction, saying: Habang silaʼy nasa lupain ng Moab, doon sa silangan ng Jordan, sinimulang ipaliwanag ni Moises ang mga kautusan ng Panginoon:
6 Our Father spoke to us at Horeb, saying, "You have stayed long enough at this mountain. Noong naroon tayo sa Horeb, sinabi sa atin ng Panginoon na ating Diyos, “Matagal na kayong naninirahan sa bundok na ito,
7 Turn and travel to the Amorite hills and all their neighbors—the Arabah, hills, lowland, Negev, seacoast—the Canaanite land, Lebanon, as far as the great Euphrates River. kaya ipagpatuloy na ninyo ang inyong paglalakbay. Pumunta kayo sa kaburulan ng mga Amoreo at sa mga lugar sa palibot nito – sa Kapatagan ng Jordan, sa kabundukan, sa kaburulan sa kanluran, sa Negeb, at sa mga lugar sa tabing-dagat. Pumunta kayo sa lupain ng Canaan at sa Lebanon, hanggang sa malaking Ilog ng Eufrates.
8 Look, I have set the land before you. Go possess the land I swore to give your fathers—Abraham, Isaac, and Jacob—and their descendants after them." Ibinibigay ko ang mga lupaing ito sa inyo. Humayo na kayo at angkinin ang mga lugar na ito na ipinangako ko, ang Panginoon, sa inyong mga ninunong sina Abraham, Isaac, at Jacob, at sa kanilang salinlahi.”
9 At that time I said to you, "I am not able to carry you by myself. Nang panahong iyon, sinabi ko sa inyo, “Hindi ko kayo kayang pamunuan nang mag-isa.
10 Your Father has multiplied you, and today you are as numerous as the stars of heaven. Pinarami kayo ng Panginoon na inyong Diyos. At ngayon, kasindami na kayo ng mga bituin sa langit.
11 May our Father multiply you 1,000 times over and bless you, as he promised you. Paramihin nawa kayo ng Panginoon na siyang Diyos ng inyong mga ninuno, at pagpalain kayo ayon sa kanyang pangako.
12 How can I bear by myself the weight and burden of you and your strife? Ngunit paano ko aayusing mag-isa ang inyong mga away at problema?
13 Choose for your tribes wise, understanding, and experienced men, and I will appoint them as your heads." Kaya pumili kayo sa bawat lahi ninyo ng mga taong marunong, maunawain at iginagalang, at pamamahalain ko sila sa inyo.”
14 And you answered me, "The thing that you have spoken is good for us to do." Sumagot kayo, “Maganda ang sinabi mo.”
15 So I took your tribal heads—wise, experienced men—and made them leaders over you: commanders of thousands, hundreds, fifties, tens, and officers for your tribes. Kaya pinamahala ko sa inyo, bilang mga hukom at mga opisyal, ang mga taong marunong at iginagalang na mula sa inyong lahi. Ang ibaʼy responsable sa isang libong tao, ang ibaʼy sa isang daan, ang ibaʼy sa limampu, at ang ibaʼy sa sampu.
16 At that time I instructed your judges: "Hear cases between your brothers, and judge justly between a man, his brother, or the foreigner with him. Nang panahong iyon, iniutos ko sa inyong mga hukom, “Mamagitan kayo sa mga alitang idinudulog sa inyo ng mga tao, at humatol nang makatarungan, hindi lang sa mga Israelita kundi pati na rin sa mga dayuhang naninirahang kasama ninyo.
17 Show no favoritism in judgment; hear small and great alike. Fear no one, for judgment belongs to our Father. Bring me any case too hard for you; I will hear it." Wala dapat kayong papanigan sa inyong paghatol; parehas ninyong pakinggan ang mga mahihirap at mayayaman. Huwag kayong matatakot kahit kanino, dahil galing sa Diyos ang mga desisyong ginagawa ninyo. Kung mahirap para sa inyo ang kaso, dalhin ninyo ito sa akin at ako na ang bahala sa paghatol nito.”
18 And I commanded you at that time all the things that you should do. At sinabi ko rin sa inyo noon ang lahat ng dapat ninyong gawin.
19 We left Horeb and went through that whole vast, frightening wilderness you saw, toward the Amorite hill country, as our Father commanded us, and came to Kadesh-barnea. Ayon sa iniutos ng Panginoon na ating Diyos, umalis tayo sa Bundok ng Sinai, at naglakbay sa malawak at nakakatakot na ilang na nakita mismo ninyo, at pumunta tayo sa kaburulan ng mga Amoreo. Pagdating natin sa Kades-barnea,
20 I said to you: You have reached the Amorites' hill country, which our Father is giving us. sinabi ko sa inyo, “Nakarating na tayo sa kaburulan ng mga Amoreo na ibinibigay sa atin ng Panginoon na ating Diyos.
21 See, your Father has put the land before you. Go up, take it, as our Father promised. Don't fear or lose heart. Tingnan ninyo ang lupaing ibinigay niya sa inyo. Angkinin ninyo ito ayon sa sinabi ng Panginoon, ang Diyos ng inyong mga ninuno. Huwag kayong matakot o panghinaan ng loob.”
22 All of you came to me and said, "Let's send men ahead to scout the land for us and bring back word on the route to take and the cities we'll reach." Pagkatapos ay lumapit kayong lahat sa akin at nagsabing, “Magpadala muna tayo ng mga lalaking magmamanman sa lupain at mag-uulat kung saan tayo dadaan at kung saan ang mga bayang pupuntahan natin.”
23 The plan seemed good to me, so I took twelve of your men, one from each tribe. Napag-isip-isip kong mabuti ang planong iyon kaya pumili ako ng labindalawang tao, isa sa bawat lahi.
24 They turned and went up into the hill country, reached the Valley of Eshcol, and explored it. Lumakad sila at dumaan sa kaburulan, at nakarating sa Lambak ng Eshcol at nagmanman sila roon.
25 They took some of the land's fruit in their hands, brought it down to us, and reported: "The land our Father is giving us is good." Sa kanilang pagbalik, may dala sila sa ating mga prutas galing doon, at ibinalita nila na masagana ang lupaing ibinibigay ng Panginoon na ating Diyos.
26 Yet you would not go up, and you rebelled against the command of your Father. Subalit ayaw ninyong pumunta doon, sinuway ninyo ang utos ng Panginoon na inyong Diyos.
27 And you grumbled in your tents and said, "Because God hates us, he brought us out of the land of Egypt to put us in the Amorites' hands, to destroy us. Nagreklamo kayo sa inyong mga tolda at sinabi, “Kinasusuklaman tayo ng Panginoon, kaya pinaalis niya tayo sa Ehipto para ibigay sa kamay ng mga Amoreo at kanilang patayin.
28 Where are we going up? Our brothers melted our hearts, saying, 'A people bigger and taller than us; huge cities walled to the sky; and we saw Anakim's sons there too.'" Paano tayo makakapunta roon? Tinakot tayo ng mga nagmanman sa lupain. Sinasabi nilang mas malalakas at mas matataas pa sa atin ang mga tao roon, at ang mga lungsod nila ay malalaki at napapalibutan ng mga pader na parang umabot na sa langit ang taas. At nakita pa nila roon ang mga higanteng mula sa lahi ni Anak.”
29 Then I said to you, "Do not be terrified or afraid of them. Pagkatapos, sinabi ko sa inyo, “Huwag kayong masindak o matakot sa kanila.
30 Your Father, going before you, will himself fight for you, as he did for you in Egypt, before your eyes, Ang Panginoon na inyong Diyos ang mangunguna at makikipaglaban para sa inyo, kagaya ng nakita ninyong ginawa niya sa Ehipto
31 and in the wilderness, where you saw your Father carry you, as a father carries his son, all the way you traveled until you reached this place." at sa ilang. Nakita ninyo kung paano kayo inalagaan ng Panginoon na inyong Diyos, katulad ng ama na nag-aalaga sa kanyang anak, hanggang sa makarating kayo sa lugar na ito.”
32 Yet in spite of this word you did not believe your Father, Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, hindi pa rin kayo nagtiwala sa Panginoon na inyong Diyos
33 going ahead of you on the road to scout your campsite—fire by night, cloud by day—showing you the way to go. na nanguna sa inyong paglalakbay, sa pamamagitan ng apoy sa gabi at ulap kung araw. Inihanap niya kayo ng mga lugar na mapagkakampuhan ninyo at itinuro sa inyo kung saan kayo dadaan.
34 And our Father heard what you said, and he was angry, and he swore, Nang marinig ng Panginoon ang pagrereklamo ninyo, nagalit siya at sumumpang,
35 "None of these men, this evil generation, will see the good land I swore to give your fathers, “Wala kahit isa sa masamang henerasyong ito ang makakakita ng magandang lupaing ipinangako ko sa kanilang mga ninuno,
36 except Caleb son of Jephunneh. He will see it, and I will give him the land he walked on, and his children, because he fully followed our Father.' maliban kay Caleb na anak ni Jefune. Makikita niya ito, at ibibigay ko sa kanya at sa angkan niya ang lupaing ito na kanyang minanmanan, dahil buong puso niyang sinunod ang Panginoon.”
37 "our Father was angry with me too because of you, saying, 'You also will not enter there.' Dahil sa inyo, nagalit din ang Panginoon sa akin. Sinabi niya sa akin, “Kahit ikaw ay hindi rin makakapasok sa lupaing iyon.
38 Joshua son of Nun, who stands before you, will enter there. Strengthen him; he will give Israel its inheritance. Ngunit ang iyong lingkod na si Josue na anak ni Nun ay makakapasok doon. Palakasin mo ang kanyang loob sapagkat siya ang mamumuno sa mga Israelita sa pag-angkin ng lupain.
39 Your little ones, who you said would be plunder, and your children, who today don't know good from evil—they will enter it. I will give it to them; they will possess it. Makakapasok sa lupaing iyon ang inyong mga anak na wala pang muwang. Natatakot kayo na baka bihagin sila, ngunit sa kanila ko ibibigay ang lupaing iyon at maaangkin nila iyon.
40 But you—turn and set out into the wilderness by the road to the Red Sea." Ngunit kayo, babalik kayo sa ilang papunta sa Dagat na Pula.”
41 Then you answered me, "We sinned against our Father. We will go up and fight, as our Father commanded us." Each of you strapped on his weapons, thinking it easy to go up into the hill country. At sinabi ninyo, “Nagkasala kami sa Panginoon. Lalakad kami at makikipaglaban ayon sa iniutos sa amin ng Panginoon naming Diyos.” Kaya inihanda ng bawat isa sa inyo ang kanyang mga armas, at inisip ninyo na madali lang ang pag-agaw sa mga kaburulan.
42 Our Father said to me, "Tell them: 'Don't go up or fight, for I'm not among you, or you'll be struck down before your enemies.'" Ngunit sinabi ng Panginoon sa akin, “Sabihin mo sa kanila na huwag munang lumakad at makipaglaban, dahil hindi ko sila sasamahan. Matatalo sila ng kanilang mga kaaway.”
43 I spoke to you, but you didn't listen. You rebelled against our Father's command, acted arrogantly, and went up into the hill country. Kaya sinabihan ko kayo, subalit hindi kayo nakinig sa akin. Sinuway ninyo ang utos ng Panginoon, at dahil sa inyong kayabangan sumalakay kayo sa kaburulan.
44 The Amorites living in that hill country came out against you, chased you like bees, and crushed you in Seir as far as Hormah. At nakipaglaban sa inyo ang mga Amoreo na naninirahan doon, at para silang mga pukyutang humabol at tumalo sa inyo mula sa Seir hanggang sa Horma.
45 You returned and wept before our Father, but our Father didn't hear your voice or listen to you. Nagbalik kayo at nag-iyakan sa Panginoon, ngunit hindi siya nakinig o sumagot man lang sa inyo.
46 So you stayed at Kadesh many days, the many days that you remained there. Iyan ang dahilan kaya nanirahan kayo nang matagal sa Kades.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]