Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Deuteronomy 2 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Then we turned and traveled toward the wilderness by way of the Red Sea, as our Father told me, and circled Mount Seir for many days. At bumalik tayo at pumunta sa ilang patungo sa Dagat na Pula, ayon sa iniutos ng Panginoon sa akin. At sa matagal na panahon, nagpaikot-ikot tayo sa kaburulan ng Seir.
2 Then our Father said to me, Pagkatapos, sinabi sa akin ng Panginoon,
3 "You have gone around this hill country long enough. Turn northward. “Matagal na kayong nagpapaikot-ikot sa kaburulang ito. Ngayon, dumiretso kayo sa hilaga.
4 Command the people: You are crossing the territory of your brothers, Esau's descendants, who live in Seir. They will fear you—be very careful. Sabihin mo sa mga tao, ‘Dadaan kayo sa teritoryo ng inyong mga kamag-anak na mga lahi ni Esau, na naninirahan sa Seir. Matatakot sila sa inyo, ngunit mag-ingat kayo sa kanila.
5 Do not provoke them; I will not give you any of their land, not even a footstep's width, since I have given Mount Seir to Esau as his possession. Huwag nʼyo silang pakikialaman, dahil ibinigay ko na sa kanila ang mga kaburulan ng Seir bilang kanilang ari-arian, at ni kapiraso man ng lupain nila ay hindi ko ibibigay sa inyo.
6 Buy food from them for silver to eat, and also buy water from them for silver to drink. Babayaran ninyo ng pilak ang pagkain at inuming manggagaling sa kanila.’ ”
7 "For your Father has blessed you in all the work of your hands. He has known your journey through this great wilderness. These forty years your Father has been with you; you have lacked nothing." Sapagkat pinagpala ng Panginoon na inyong Diyos ang lahat ng mga ginawa ninyo. Binantayan niya kayo sa inyong paglalakbay sa malawak na ilang na ito. Sa loob ng apatnapung taon, sinamahan niya kayo at hindi kayo kinulang ng mga bagay na kailangan ninyo.
8 So we passed by our brothers, the descendants of Esau who live in Seir, away from the Arabah road that comes up from Elath and Ezion-geber. Then we turned and went on toward the wilderness of Moab. Kaya dumaan tayo sa ating mga kadugo na lahi ni Esau, na naninirahan sa Seir. Hindi tayo dumaan sa daan ng Araba, na nanggagaling sa mga bayan ng Elat at Ezion-geber. Nang naglalakbay na tayo sa daan sa ilang ng Moab,
9 And our Father said to me, "Do not harass Moab or provoke them to battle, for I will not give you any of their land as a possession, since I have given Ar to Lot's descendants as a possession." sinabi sa akin ng Panginoon, “Huwag ninyong guguluhin o lulusubin ang mga Moabita na lahi ni Lot, dahil ibinigay ko sa kanila ang Ar bilang lupain nila, at ni kapiraso ng lupain nila ay hindi ko ibibigay sa inyo bilang ari-arian.”
10 (The Emim formerly lived there, a large and powerful people, as tall as the Anakim. (Noong una, naninirahan sa Ar ang marami at malalakas na tao na tinatawag na Emita. Silaʼy matatangkad katulad ng mga lahi ni Anak.
11 Like the Anakim, they too are counted as Rephaim, but the Moabites call them Emim. Tinatawag din silang Refaim katulad ng mga lahi ni Anak, ngunit tinatawag silang Emita ng mga Moabita.
12 Horites once lived in Seir, but Esau's descendants drove out and destroyed them, settling in their place—just as Israel did in the land our Father gave them.). Sa Seir dati nakatira ang mga Horeo, ngunit pinalayas sila ng mga lahi ni Esau, at sila na ang nanirahan doon, katulad ng ginawa ng mga Israelita sa mga Cananeo sa lupaing ibinigay ng Panginoon bilang ari-arian nila.)
13 Now get moving and cross the Wadi Zered." So we crossed the Wadi Zered. Pagkatapos, iniutos ng Panginoon, “Humayo kayo at tumawid sa lambak ng Zered.” Kaya tinawid natin ang Lambak ng Zered.
14 From Kadesh-barnea to crossing the Wadi Zered took thirty-eight years, until the whole generation of fighting men had died out of the camp, as our Father had sworn to them. Itoʼy pagkalipas ng tatlumpuʼt walong taon mula noong umalis tayo sa Kades-barnea at makatawid sa Lambak ng Zered. Nang mga panahong iyon, namatay na ang mga sundalong Israelita sa henerasyong iyon, ayon sa isinumpa ng Panginoon sa kanila.
15 Indeed, the hand of our Father was against them, rooting them out from the camp until they perished. Pinarusahan sila ng Panginoon sa loob ng kampo hanggang sa tuluyang malipol silang lahat.
16 So when all the fighting men had finally perished and died from among the people, Nang pumanaw na ang lahat ng sundalo,
17 our Father said to me, sinabi sa akin ng Panginoon,
18 "Today you are to cross the boundary of Moab at Ar. “Sa araw na ito, tumawid kayo sa hangganan ng Moab sa Ar.
19 When you come near the Ammonites, do not attack or provoke them, for I will not give you any of their land as a possession—I gave it to Lot's descendants as their possession." Kapag nakarating na kayo sa mga Amonita, na mga lahi ni Lot, huwag ninyo silang guguluhin o lulusubin dahil ibinigay kong ari-arian sa kanila ang lupaing iyon, at hindi ko kayo bibigyan kahit na maliit na bahagi nito.”
20 (That too counts as Rephaim land—Rephaim lived there before, though Ammonites call them Zamzummim, (Ang lupaing iyon ay kilala rin noong una bilang lupain ng mga Refaim, ngunit tinawag silang Zamzumeo ng mga Amonita.
21 a large and powerful people, tall as the Anakim. But our Father destroyed them before the Ammonites, who drove them out and settled in their place, Napakarami nila at napakalalakas, at matatangkad katulad ng mga lahi ni Anak. Subalit pinuksa sila ng Panginoon at silaʼy itinaboy ng mga Amonita at sinakop ang kanilang lupain.
22 as he did for Esau's descendants living in Seir, when he destroyed the Horites before them; they drove them out and settled in their place, remaining to this day. Ito rin ang ginawa ng Panginoon sa mga lahi ni Esau na nakatira sa Seir; pinagpapatay niya ang mga Horeo at itinaboy para makapanirahan ang mga lahi ni Esau sa kanilang lupain. Hanggang ngayon, naninirahan pa rin sila sa lupaing iyon.
23 The Avvim lived in villages as far as Gaza; Caphtorim, who came from Caphtor, destroyed them and settled in their place.). Ito rin ang nangyari nang sinalakay ng taga-Caftor ang mga taga-Avim na naninirahan sa mga baryo ng Gaza. Nilipol nila ang mga taga-Aveo at tinirhan ang lupain ng mga ito.)
24 "Set out and cross the Wadi Arnon. Look, I have given Sihon the Amorite, king of Heshbon, and his land into your hand. Begin to take possession—engage him in battle. “Ngayon, tumawid na kayo sa Lambak ng Arnon. Ibinibigay ko sa inyo ang Amoreong si Haring Sihon ng Hesbon, at ang kanyang lupain. Salakayin ninyo siya at angkinin ang kanyang lupain.
25 Today I will begin putting dread and fear of you on every people under heaven. They will hear the report of you, tremble, and writhe in anguish because of you." Mula ngayon, loloobin kong matakot sa inyo ang lahat ng bansa sa buong mundo. Manginginig sa takot ang makakarinig ng tungkol sa inyo.”
26 I sent messengers from the wilderness of Kedemoth to Sihon king of Heshbon with words of peace, saying, Kaya noong naroon tayo sa ilang ng Kedemot, nagsugo ako ng mga mensahero kay Haring Sihon ng Hesbon upang sabihin sa kanya ang mensaheng para sa kapayapaan. Sabi ko,
27 "Let me pass through your land. I will stay only on the road, turning aside neither right nor left. “Kung maaari, payagan nʼyo kaming dumaan sa inyong lupain. Sa pangunahing daan lamang kami dadaan, hindi kami lilihis ng daan.
28 Sell me food for money to eat, give me water for money to drink—only let me pass through on foot, Babayaran namin ng pilak ang aming makakain at maiinom. Ang pakiusap lang namin sa inyo, payagan nʼyo kaming dumaan sa inyong lupain
29 as Esau's descendants who live in Seir and the Moabites who live in Ar did for me, until I cross the Jordan into the land our Father is giving us." katulad ng ginawa ng mga lahi ni Esau na naninirahan sa Seir at ng mga Moabita na naninirahan sa Ar. Payagan nʼyo kaming dumaan hanggang sa makatawid kami sa Ilog Jordan papunta sa lupaing ibinibigay sa amin ng Panginoon naming Diyos.”
30 But Sihon king of Heshbon refused to let us pass, for our Father hardened his spirit and stiffened his heart, to hand him over to you, as he has done this day. Ngunit hindi pumayag si Haring Sihon ng Hesbon na padaanin tayo dahil pinatigas ng Panginoon na inyong Diyos ang kanyang puso para ibigay niya siya sa ating mga kamay, kagaya ng ginawa niya ngayon.
31 And our Father said to me, "Look, I've begun giving you Sihon and his land. Begin now taking possession—possess his land." Pagkatapos, sinabi ng Panginoon sa akin, “Ito na ang simula ng pagbagsak ni Sihon dahil ipagkakaloob ko siya at ang kanyang kaharian sa inyo. Simulan na ninyong sakupin at angkinin ang kanyang lupain.”
32 Then Sihon came out against us, he and all his people, to fight at Jahaz. Nang nakikipaglaban si Sihon at ang kanyang mga sundalo sa atin doon sa Jahaz,
33 And our Father gave him to us, and we struck him down, his sons, and all his people. ibinigay siya ng Panginoon na ating Diyos sa atin at pinatay natin siya, pati ang mga anak niya at ang lahat ng sundalo niya.
34 At that time we captured all his cities and completely destroyed every city—men, women, children—leaving no survivor. Nang panahong iyon, sinakop natin ang lahat ng kanyang bayan at nilipol sila nang lubusan – mga lalaki, babae at mga bata. Wala tayong itinirang buhay.
35 We plundered only the livestock for ourselves, plus the spoil of the cities we captured. Dinala natin ang kanilang mga hayop at mga ari-ariang nasamsam natin mula sa kanilang mga bayan.
36 From Aroer on the Wadi Arnon's edge, and from the town in the valley, to Gilead, no town was too strong for us; Our Father gave them all to us. Tinulungan tayo ng Panginoon na ating Diyos sa pag-agaw sa Aroer, ang lugar sa tabi ng Lambak ng Arnon at ng mga bayan sa paligid ng lambak na ito, at ng mga lugar hanggang sa Gilead. Walang bayang may matibay na mga pader ang hindi natin kayang pasukin.
37 But you did not go near the Ammonites' land, all along the banks of the Wadi Jabbok and the hill country's towns, just as our Father commanded us. Ngunit hindi tayo lumapit sa kahit aling lupain ng mga Amonita, gaya ng iniutos sa atin ng Panginoon na ating Diyos, kahit sa Lambak ng Jaboc o sa mga bayan sa palibot ng mga kaburulan.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]