Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Deuteronomy 3 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 We turned and took the road to Bashan, and Og king of Bashan, with all his people, came out to fight us at Edrei. Pagkatapos, tumuloy tayo sa Bashan ngunit pagdating natin sa Edrei, sinalakay tayo ni Haring Og ng Bashan at ng kanyang hukbo.
2 And our Father told me, "Don't fear him, for I've given him, all his people, and his land to you; do to him as you did to Sihon king of the Amorites, who lived at Heshbon." Ngunit sinabi sa akin ng Panginoon, “Huwag kang matakot sa kanya dahil tiyak na ibibigay ko siya sa iyo pati ang kanyang mga sundalo at ang kanyang lupain. Gagawin mo sa kanya ang ginawa mo kay Sihon na hari ng mga Amoreo, na naghari sa Hesbon.”
3 So our Father also gave us Og king of Bashan and all his people, and we struck them down, leaving no survivor. Kaya ibinigay sa atin ng Panginoon na ating Diyos si Haring Og ng Bashan at ang lahat ng kanyang sundalo. Pinatay natin sila at wala tayong itinirang buháy.
4 At that time we captured all his cities—all sixty, none untaken—the whole region of Argob, Og's kingdom in Bashan. Inagaw natin ang lahat ng animnapung lungsod niya – ang buong teritoryo ng Argob kung saan naghahari si Haring Og ng Bashan.
5 All these were cities fortified with high walls and barred gates, besides a great many unwalled villages. Ang lahat ng lungsod na ito ay napapalibutan ng matataas na pader na may pintuan at kandado. Inagaw din natin ang napakaraming mga baryo na walang pader.
6 We devoted them to destruction, as with Sihon king of Heshbon, devoting to destruction every city—its men, women, and children. Nilipol natin sila nang lubusan katulad ng ginawa natin kay Haring Sihon ng Hesbon. Pinatay natin ang lahat ng tao sa bawat lungsod na ating naagaw – mga lalaki, babae at bata.
7 But all the livestock and the plunder of the cities we took as spoil for ourselves. Ngunit dinala natin ang lahat ng hayop at mga ari-ariang nasamsam natin sa kanilang mga lungsod.
8 So at that time we took the land from these two Amorite kings across the Jordan, from the Arnon Valley to Mount Hermon. Kaya naagaw natin mula sa dalawang hari ng mga Amoreo ang lupain sa silangan ng Ilog Jordan mula sa Lambak ng Arnon hanggang sa Bundok ng Hermon.
9 (the Sidonians call Hermon Sirion, while the Amorites call it Senir), (Ang Bundok ng Hermon ay tinatawag ng mga Sidoneo na Sirion at ng mga Amoreo na Senir.)
10 all plateau cities, all Gilead, all Bashan to Salecah and Edrei—Og's kingdom cities in Bashan. Inagaw natin ang lahat ng bayan na nasa talampas, ang buong Gilead at ang buong Bashan hanggang sa Saleca at Edrei, na mga bayan na sakop ng kaharian ni Og ng Bashan.
11 (Only Og king of Bashan was left of the Rephaim's remnant. His bed was an iron bed; isn't it in Rabbah of the Ammonites? It was about thirteen and a half feet long and six feet wide.). (Si Og na hari ng Bashan lamang ang nag-iisang natira sa mga lahi ng Rafa. Ang higaan niyang bakal ay may habang labintatlong talampakan at anim na talampakan ang lapad. Makikita pa ito ngayon sa Rabba na lungsod ng mga Amonita.)
12 This land we took then: from Aroer on the Arnon Valley's edge, plus half the Gilead hill country and its cities, I gave to the Reubenites and Gadites. Nang maagaw natin ang lupaing ito, ibinigay ko sa mga lahi nina Ruben at Gad ang lupain sa hilaga ng Aroer malapit sa Lambak ng Arnon pati na ang kalahati ng kaburulan ng Gilead at ang mga bayan nito.
13 I gave the rest of Gilead and all Bashan—Og's kingdom—to the half-tribe of Manasseh: the whole region of Argob. (All that part of Bashan was called the land of the Rephaim. Ibinigay ko ang natirang bahagi ng Gilead at ng buong Bashan, na kaharian ni Og, sa kalahating lahi ni Manases. (Ang buong Argob sa Bashan ay tinatawag noon na Lupain ng mga Refaim.
14 Jair son of Manasseh took the whole region of Argob to the Geshurite and Maacathite border, and named Bashan after himself, Havvoth-jair, to this day.). Si Jair na mula sa lahi ni Manases, ang nagmamay-ari ng buong Argob na sakop ng Bashan hanggang sa hangganan ng lupain ng mga Gesureo at ng mga Maacateo. Pinangalanan ni Jair ng mismong pangalan niya ang teritoryong ito, kaya hanggang sa ngayon, ang Bashan ay tinatawag na Mga Bayan ni Jair.)
15 And to Machir I gave Gilead. Ibinigay ko ang Gilead sa angkan ni Maquir.
16 To the Reubenites and Gadites I gave from Gilead to the Arnon Valley—its middle the border—to the Jabbok River, the Ammonites' border. Ibinigay ko sa mga lahi nina Ruben at Gad ang mga lupain mula sa Gilead hanggang sa Lambak ng Arnon. Ang gitna ng Arnon ang kanilang hangganan sa timog, at ang kanilang hangganan sa hilaga ay ang Lambak ng Jaboc, na hangganan din ng lupain ng mga Amonita.
17 Also the Arabah, the Jordan its border, from Chinnereth to the Sea of the Arabah (the Dead Sea), below Pisgah's slopes, eastward. Ang hangganan sa kanluran ay ang Kapatagan ng Jordan pati na ang Ilog Jordan, mula sa Lawa ng Galilea hanggang sa Dagat na Patay sa ibabang bahagi ng libis ng Pisga sa silangan.
18 At that time I ordered you: "Your Father gave you this land to possess; all your fighting men must cross armed ahead of your brothers, the Israelites. Nang panahong iyon, inutusan ko ang mga angkan ninyo na naninirahan sa silangan ng Jordan, “Kahit na ibinigay ng Panginoon na inyong Diyos ang lupang ito para angkinin ninyo, kailangang tumawid ang lahat ng sundalo ninyo sa Ilog Jordan na armado at handang manguna sa inyong mga kapatid na Israelita sa pakikipaglaban.
19 Only your wives, children, and livestock—I know you have much livestock—stay in the cities I gave you, Ngunit iiwan ninyo ang inyong mga asawaʼt anak, at ang napakarami ninyong hayop sa mga bayan na ibinigay ko sa inyo.
20 until our Father gives your brothers rest as he has you, and they too take the land your Father is giving them beyond the Jordan. Then each of you returns to the possession I gave you." Kapag naangkin na ng mga kapwa ninyo Israelita ang lupain sa kabila ng Jordan na ibinigay sa kanila ng Panginoon na inyong Diyos, at kapag nabigyan na sila ng kasiguraduhan katulad ng kanyang ginawa sa inyo, makakabalik na kayo sa lupaing ibinigay ko sa inyo bilang ari-arian ninyo.”
21 I commanded Joshua then: "Your own eyes saw all your Father did to these two kings. Your Father will do so to all the kingdoms you're crossing into. At nang panahong iyon, sinabi ko rin kay Josue, “Nakita mo ang lahat ng ginawa ng Panginoon na inyong Diyos sa dalawang Haring iyon. Ganoon din ang gagawin ng Panginoon sa lahat ng kaharian na inyong pupuntahan.
22 Don't be afraid of them, for your Father himself fights for you." Huwag kayong matakot sa kanila; ang Panginoon na inyong Diyos mismo ang makikipaglaban para sa inyo.”
23 And I pleaded with our Father at that time, saying, Nang panahong iyon, nagmakaawa ako sa Panginoon. Sinabi ko,
24 "My Sovereign Father, you've begun showing your servant your greatness and strong hand. What god in heaven or earth can do deeds and mighty acts like yours? “O Makapangyarihang Panginoon, sinimulan na ninyong ipakita sa inyong lingkod ang inyong kadakilaan, dahil walang diyos sa langit o sa lupa na makakagawa ng mga himala na inyong ginawa.
25 Please let me cross over and see the good land beyond the Jordan, this good highland, and Lebanon." Kaya payagan po ninyo akong makatawid para makita ko ang magandang lupain sa kabila ng Jordan, ang magagandang kaburulan at ang mga kabundukan ng Lebanon.”
26 But our Father was angry with me because of you and would not listen to me; our Father said to me, "Enough! Don't speak to me about this again. Ngunit nagalit ang Panginoon sa akin dahil sa inyo, at hindi niya ako pinakinggan. Sinabi niya, “Tama na iyan! Huwag mo na akong kausapin tungkol sa mga bagay na iyan.
27 Climb Pisgah's summit, raise your eyes west, north, south, and east, and see with your own eyes, for you won't cross this Jordan. Umakyat ka sa tuktok ng Bundok ng Pisga at tanawin mo ang lupain sa ibaʼt ibang direksiyon. Pagmasdan mo ito nang mabuti dahil hindi ka na makakatawid sa Ilog Jordan.
28 But commission Joshua, encourage and strengthen him, for he will cross ahead of this people and give them the land you will see as their inheritance." Ngunit turuan mo si Josue sa kanyang gagawin. Palakasin mo ang loob niya dahil siya ang mamumuno sa mga tao sa pagtawid sa Jordan. Ibibigay niya sa kanila bilang mana ang lupaing makikita mo.”
29 So we remained in the valley opposite Beth-peor. Kaya nanatili tayo sa lambak malapit sa Bet-peor.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]