Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Matthew 24 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Jesus was leaving the temple when his disciples came to show him its buildings. At lumabas si Hesus sa Templo, at habang naglalakad, nilapitan siya ng mga alagad niya at itinuro sa kanya ang mga gusali ng Templo.
2 "Do you see all these?" he answered. "Truly I tell you: not one stone here will be left on another; all will be torn down." Sinabi ni Hesus, “Nakikita nʼyo ba ang mga ʼyan? Sinasabi ko sa inyo ang totoo, magigiba ang lahat ng ʼyan at walang maiiwang magkapatong na bato.”
3 While Jesus was sitting on the Mount of Olives, his disciples came to him privately: "Tell us, when will these things happen, and what sign marks your coming and the end of the age?" Habang nakaupo si Hesus sa Bundok ng mga Olibo, lumapit sa kanya ang mga alagad niya at nakipag-usap nang sarilinan. Sinabi nila, “Sabihin nʼyo po sa amin kung kailan mangyayari ang sinabi nʼyo. At ano po ang palatandaan ng muli nʼyong pagparito at ng katapusan ng mundo?”
4 Jesus answered, "Watch out that no one deceives you. Sumagot si Hesus, “Mag-ingat kayo upang hindi kayo malinlang ninuman.
5 "For many will come in my name, claiming, 'I am the Christ,' and they will deceive many. Sapagkat marami ang darating sa aking pangalan at sasabihing sila ang Mesias, at marami ang kanilang ililigaw.
6 You'll hear of wars and rumors of wars—don't be alarmed. This must happen, but the end isn't yet. Makakarinig kayo ng mga digmaan, at usap-usapan na may mga digmaan, ngunit huwag kayong matakot. Kinakailangang mangyari ang mga ito, ngunit hindi pa ito ang katapusan.
7 Nation will rise against nation, and kingdom against kingdom, with famines and earthquakes in place after place. Sapagkat magdidigmaan ang mga bansa at mga kaharian. Magkakaroon ng taggutom at paglindol sa ibaʼt ibang lugar.
8 All these are the beginning of birth pains. Ang lahat ng itoʼy pasimula pa lang ng mga paghihirap na darating na maihahalintulad sa pasimulang sakit na nararanasan ng isang babaeng manganganak.
9 Then they will hand you over to suffering and kill you, hated by all nations because of my name. “Sa panahong iyon, kamumuhian kayo ng lahat ng mga lahi dahil sa pagsunod ninyo sa akin. Dadakpin kayo para parusahan at patayin.
10 At that time many will fall away and will betray and hate one another, Marami ang tatalikod sa kanilang pananampalataya. Kapopootan at ipapahuli nila ang kapwa nila.
11 and many false prophets will appear and deceive many people. Lilitaw ang maraming bulaang propeta at marami ang ililigaw nila.
12 Because lawlessness will increase, the love of most will grow cold, Lalaganap ang kasamaan, at dahil dito, manlalamig ang pag-ibig ng marami.
13 but the one who endures to the end will be saved. Ngunit ang mananatiling tapat hanggang wakas ay maliligtas.
14 This good news of the kingdom will be announced worldwide as a testimony to all nations, and then the end will come. Ipapangaral sa buong mundo ang Magandang Balita tungkol sa kaharian ng Diyos upang malaman ito ng lahat ng tao, at saka darating ang katapusan.
15 So when you see the desolating abomination Daniel the prophet spoke of standing in the holy place—let the reader understand, “At makikita ninyong magaganap ang sinabi ni propeta Daniel tungkol sa kasuklam-suklam na bagay na magiging dahilan ng pag-iwan sa Banal na Lugar. (Kayong mga bumabasa, unawain ninyo itong mabuti!) Kapag nakita na ninyong nasa loob na ito ng banal na lugar,
16 then let those who are in Judea flee to the mountains. ang mga nasa Judea ay dapat nang tumakas papunta sa kabundukan.
17 "Let no one on the rooftop go down to take anything out of the house, Ang nasa labas ng bahay ay huwag nang pumasok para kumuha ng anumang gamit.
18 and let no one in the field go back to get a coat. Ang nasa bukid ay huwag nang umuwi para kumuha ng damit.
19 How dreadful it will be in those days for pregnant women and nursing mothers! Kaawa-awa ang mga buntis at ang mga nagpapasuso sa mga araw na iyon!
20 Pray that your flight will not take place in winter or on the Sabbath. Idalangin ninyo na ang pagtakas nʼyo ay hindi mataon sa taglamig o sa Araw ng Pamamahinga.
21 For then there will be great suffering, unmatched from the world's beginning until now, and never to be matched again. Sapagkat sa mga panahong iyon, makakaranas ang mga tao ng napakatinding kapighatian na hindi pa nararanasan mula nang likhain ang mundo hanggang ngayon, at wala nang mangyayari pang ganoon kahit kailan.
22 If those days had not been cut short, no one would survive; but for the elect's sake, those days will be cut short. “Kung hindi paiikliin ng Diyos ang panahong iyon, walang matitirang buhay. Ngunit alang-alang sa kanyang mga pinili, paiikliin niya ang panahong iyon.
23 Then if anyone tells you, 'Look, here's the Christ,' or 'There he is,' don't believe it. Kapag may nagsabi sa inyo, ‘Narito ang Mesias!’ o ‘Naroon siya!’ huwag kayong maniniwala.
24 False messiahs and false prophets will arise, performing great signs and wonders to deceive, if possible, even the elect. Sapagkat lilitaw ang mga di-tunay na Mesias at mga bulaang propeta. Magpapakita sila ng mga kagila-gilalas na tanda at kababalaghan para manlinlang, kung maaari, pati ang mga pinili ng Diyos.
25 See, I have told you ahead of time. Tandaan ninyo ang mga ito! Binibigyan ko na kayo ng babala habang hindi pa nangyayari ang mga ito.
26 So if they say, 'Look, he's in the wilderness,' don't go out; 'Look, in the inner rooms,' don't believe it. “Kaya kung may magsabi sa inyo, ‘Naroon ang Mesias sa ilang!’ huwag kayong pupunta roon. At kung may magsabing, ‘Nariyan siya sa silid!’ huwag kayong maniniwala.
27 For just as lightning flashes from the east and shows as far as the west, so will the Son of Man's coming be. Sapagkat ang Anak ng Tao ay babalik na tulad ng kidlat na nagliliwanag mula sa silangan hanggang sa kanluran.
28 Wherever there is a carcass, there the vultures will gather. May kasabihan, ‘Kung saan may bangkay, doon nag-uumpukan ang mga buwitre.’
29 Right after the suffering of those days, the sun will go dark, the moon will give no light, stars will fall from the sky, and the powers of the heavens will shake. “Pagkatapos ng mga araw na iyon ng matinding kahirapan, ‘magdidilim ang araw, hindi na magliliwanag ang buwan, at mahuhulog ang mga bituin mula sa langit. Ang mga kapangyarihan sa kalawakan ay mayayanig.’
30 Then the sign of the Son of Man will appear in heaven, and all earth's peoples will mourn, seeing the Son of Man come on heaven's clouds with power and great glory. “Pagkatapos, makikita sa langit ang tanda ng kanyang pagbabalik, at maghihinagpis ang lahat ng tao sa mundo dahil dito. At makikita nila ang Anak ng Tao na dumarating na mula sa ulap na taglay ang kapangyarihan at kaluwalhatian.
31 He will send out his angels with a loud trumpet blast, and they will gather his chosen from the four winds, from one end of the sky to the other. Sa malakas na tunog ng trumpeta ay ipapadala niya ang kanyang mga anghel sa lahat ng lugar sa mundo upang tipunin ang kanyang mga pinili.
32 Learn this from the fig tree: as soon as its branch softens and leafs out, you know summer is near. “Unawain ninyo ang aral na ito mula sa puno ng igos: Kapag nagkakadahon na ang mga sanga nito, alam ninyong malapit na ang tag-init.
33 So also, when you see all these things, know it is near, at the door. Ganoon din naman, kapag nakita ninyong nangyayari na ang lahat ng sinasabi kong ito sa inyo, malalaman ninyong malapit na akong bumalik.
34 Truly I tell you, this generation will certainly not pass away until all these things have happened. Sinasabi ko sa inyo ang totoo, matutupad ang lahat ng ito bago mawala ang henerasyong ito.
35 Heaven and earth will pass away, but my words will never pass away. Ang langit at lupa ay maglalaho, ngunit ang mga salita koʼy mananatili magpakailanman.
36 "No one knows that day or hour—not the angels in heaven, not the Son—only the Father. “Subalit walang nakakaalam tungkol sa araw o oras ng aking pagbabalik, walang nakakaalam nito, kahit ang mga anghel sa langit o ang Anak ng Diyos. Ang Ama lang ang nakakaalam nito.
37 As in Noah's days, so will be the Son of Man's coming. Kung ano ang mga ginawa ng mga tao noong kapanahunan ni Noe ay ganoon din ang gagawin ng mga tao sa pagdating ng Anak ng Tao.
38 For in the days before the flood, people ate and drank, married and gave in marriage, until the day Noah entered the ark; Nang mga araw na iyon, bago bumaha, ang mga taoʼy nagkakainan, nag-iinuman, at nagsisipag-asawa, hanggang sa araw na pumasok si Noe sa barko.
39 and they knew nothing until the flood came and swept them all away. That is how the coming of the Son of Man will be. Wala silang kaalam-alam sa mangyayari hanggang sa dumating ang baha at nalunod silang lahat. Ganyan din ang mangyayari sa pagdating ng Anak ng Tao.
40 Two men will be in the field; one will be taken and the other left. Sa araw na iyon, kung may dalawang lalaking nagtatrabaho sa bukid; kukunin ang isa at iiwan ang isa.
41 Two women will be grinding with a hand mill; one will be taken and the other left. At kung may dalawang babaeng nagtatrabaho sa gilingan, kukunin ang isa at iiwan ang isa.
42 Therefore keep watch, because you do not know on what day your Lord will come. “Kaya maging handa kayong lagi, dahil hindi ninyo alam ang araw o oras ng pagdating ng inyong Panginoon.
43 Understand: had the homeowner known what watch of night the thief was coming, he'd have watched and kept his house from being broken into. Tandaan ninyo ito: Kung alam ng may-ari ng isang bahay kung anong oras sa gabi darating ang magnanakaw, magbabantay siya at hindi niya hahayaang pasukin ng magnanakaw ang kanyang bahay.
44 So you too must be ready, because the Son of Man comes at an hour you don't expect. Kaya maging handa rin kayo, dahil ang Anak ng Tao ay darating sa oras na hindi ninyo inaasahan.
45 Who then is the faithful and wise servant, whom the master put in charge of his household to give them food at the right time? “Ang tapat at matalinong alipin ang siyang pinamamahala ng kanyang amo sa mga kapwa niya alipin. Siya ang nagbibigay sa kanila ng pagkain sa tamang oras.
46 It will be good for that servant whose master finds him doing so when he returns. Mapalad ang aliping iyon kapag nadatnan siya ng amo niya na gumagawa ng kanyang tungkulin.
47 Truly I tell you, he will put him in charge of all his possessions. Sinasabi ko sa inyo ang totoo, pamamahalain siya ng kanyang amo sa lahat ng mga ari-arian nito.
48 But suppose that wicked servant says to himself, 'My master is staying away a long time,' Ngunit kawawa ang masamang alipin na nag-aakalang matatagalan pa ang pagbabalik ng kanyang amo,
49 and then begins to beat his fellow servants and to eat and drink with drunkards. kaya habang wala ang kanyang amo ay pagmamalupitan niya ang ibang mga alipin, makikisalo at makikipag-inuman sa mga lasenggo.
50 That servant's master will come on a day he doesn't expect, at an hour he doesn't know. Darating ang kanyang amo sa araw o oras na hindi niya inaasahan,
51 He will cut him to pieces and place him with the hypocrites, where people weep and grind their teeth." at paparusahan siya nang matindi. Isasama siya sa mga mapagkunwari, at doon siyaʼy tatangis at magngangalit ang kanyang ngipin.”
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]