Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Matthew 25 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 "Then the kingdom of our Father will be like ten virgins who took their lamps and went out to meet the bridegroom. “Sa araw na iyon, ang paghahari ng Langit ay maihahalintulad sa sampung dalagang lumabas na may dalang ilawan para salubungin ang lalaking ikakasal.
2 Five of them were foolish, and five were wise. Ang lima sa kanilaʼy mangmang, at ang limaʼy matatalino.
3 The foolish ones took their lamps but did not take any oil with them. Ang limang mangmang ay nagdala ng ilawan ngunit hindi nagdala ng reserbang langis,
4 But the wise ones took oil in flasks along with their lamps. habang ang limang matatalino naman ay nagdala ng reserbang langis para sa kanilang mga ilawan.
5 When the bridegroom was delayed, they all became drowsy and fell asleep. Natagalan ang pagdating ng lalaking ikakasal kaya ang mga dalaga ay inantok at nakatulog sa paghihintay.
6 But at midnight a cry rang out: 'Look, the bridegroom! Come out to meet him!' “Nang hatinggabi na, biglang may sumigaw, ‘Nariyan na ang ikakasal! Halikayoʼt salubungin ninyo!’
7 Then all the young women woke up and trimmed their lamps. “Nagising ang sampung dalaga at inihanda ang kani-kanilang ilawan.
8 The foolish said to the wise, 'Give us some of your oil, because our lamps are going out.' Sinabi ng mga mangmang sa marurunong, ‘Pahingi naman ng kaunting langis; malapit na kasing mamatay ang mga ilawan namin.’
9 But the wise answered, 'No, there may not be enough for us and you. Go instead to those who sell, and buy for yourselves.' “Sumagot sila, ‘Hindi puwede, dahil hindi magkakasya sa atin ang langis. Pumunta na lang kayo sa tindahan at bumili ng para sa inyo.’
10 While they went to buy it, the bridegroom came. The ready ones went in with him to the wedding feast, and the door closed. “Kaya umalis ang mga mangmang na dalaga para bumili ng kanilang langis. Habang wala sila, dumating ang lalaking ikakasal. Ang limang nakahanda ay sumáma sa kanya sa handaan. Pagpasok nila, isinara ang pintuan.
11 Later the other young women came too, saying, 'Lord, lord, open the door for us!' “Maya-mayaʼy dumating na ang limang mangmang na dalaga at nagsisigaw, ‘Panginoon, panginoon! Papasukin nʼyo po kami.’
12 But he answered, 'Truly I tell you, I do not know you.' “Ngunit sumagot ang lalaki, ‘Hindi ko kayo kilala.’
13 Therefore keep watch, because you do not know the day or the hour. “Kaya magbantay kayo, dahil hindi ninyo alam ang araw o oras ng aking pagbabalik.
14 "For it will be like a man going abroad, calling his servants and entrusting them with his property. “Ang Kaharian ng Langit ay maihahalintulad sa kuwentong ito: May isang taong papunta sa malayong lugar. Kaya tinawag niya ang kanyang mga alipin at ipinagkatiwala sa kanila ang kanyang ari-arian.
15 He gave one five bags of silver, another two, another one—each by his own ability—then set out on his journey. Binigyan niya ang bawat isa ayon sa kani-kanilang kakayahang magnegosyo. Binigyan niya ang isa ng limang libong salaping ginto, ang isa naman ay dalawang libong salaping ginto, at ang isa pa ay isang libong salaping ginto. Pagkatapos ay umalis na siya.
16 The one given five bags of silver went at once, put them to work, and gained five more. Ang alipin na binigyan ng limang libo ay kaagad na umalis at ginamit sa negosyo ang pera. At tumubo siya ng limang libo.
17 In the same way, the one with two bags of silver gained two more. Ganoon din ang ginawa ng alipin na binigyan ng dalawang libo. At tumubo siya ng dalawang libo.
18 But the one who received one bag of silver went off, dug in the ground, and hid his master's money. Ngunit ang alipin na binigyan ng isang libo ay humukay sa lupa at itinago roon ang perang ibinigay ng kanyang panginoon.
19 "After a long time the master of those servants returned and settled accounts with them. “Pagkalipas ng mahabang panahon, bumalik ang amo nila at ipinatawag sila para magbalita tungkol sa perang ipinagkatiwala sa kanila.
20 The man who received five bags of silver came, adding five more: 'Master, you entrusted me with five bags of silver; see, I've gained five more.' Lumapit ang alipin na nakatanggap ng limang libo at sinabi, ‘Panginoon, heto po ang limang libo na ibinigay nʼyo sa akin, at ang karagdagang limang libo na tinubo ko.’
21 "His master said, 'Well done, good and faithful servant! You were faithful over a little; I'll put you over much. Enter your master's joy!' “Sumagot ang amo niya, ‘Magaling! Isa kang mabuti at tapat na alipin! At dahil naging matapat ka sa kakaunting ipinagkatiwala sa iyo, ipapamahala ko sa iyo ang mas malaki pang halaga. Halikaʼt makibahagi sa aking kaligayahan!’
22 "The one with two bags of silver also came and said, 'Master, you gave me two bags of silver; look, I've earned two more.' “Pagkatapos, lumapit naman ang alipin na binigyan ng dalawang libo at sinabi niya, ‘Panginoon, heto po ang dalawang libo na ibinigay nʼyo sa akin, at ang karagdagang dalawang libo na tinubo ko.’
23 "His master told him, 'Well done, good and faithful servant! You were faithful with a little; I'll put you over much. Enter your master's joy!' “Sumagot ang kanyang amo: ‘Magaling! Isa kang mabuti at tapat na alipin! At dahil naging matapat ka sa kakaunting ipinagkatiwala sa iyo, ipapamahala ko sa iyo ang mas malaki pang halaga. Halikaʼt makibahagi rin sa aking kaligayahan!’
24 "Then the one who had received one bag of silver came and said, 'Master, I knew you were a hard man, reaping where you didn't sow, gathering where you didn't scatter seed.' “Lumapit din ang alipin na binigyan ng isang libo at sinabi sa kanyang amo, ‘Alam ko pong mabagsik kayo at walang awa. Inaani ninyo ang hindi ninyo itinanim, at kinukuha ninyo ang pinaghirapan ng iba.
25 Afraid, I went and hid your silver in the ground. Here is what is yours. Natakot po ako kaya ibinaon ko ang pera nʼyo sa lupa. Heto po ang isang libo na ibinigay nʼyo sa akin.’
26 "His master replied, 'You wicked, lazy servant! You knew I harvest where I didn't sow and gather where I didn't scatter seed? “Sumagot ang kanyang amo, ‘Masamá at tamad na alipin! Alam mo palang inaani ko ang hindi ko itinanim, at kinukuha ko ang pinaghirapan ng iba.
27 "You should have deposited my money with the bankers, so on my return I'd get it back with interest. Bakit hindi mo na lang idineposito sa bangko ang pera ko para sa pagbalik ko ay may makuha akong interes?’
28 So take his bag of silver and give it to the one with ten bags of silver. “ ‘Kunin ninyo sa kanya ang isang libo at ibigay sa mayroong sampung libo.
29 For everyone who has will be given more, and he'll overflow; but the one who has nothing will lose even what he has. Sapagkat ang mayroon ay bibigyan pa ng mas marami, ngunit ang wala, kahit ang kaunting nasa kanya ay kukunin pa.
30 Throw out that worthless servant into the outer darkness, where there will be weeping and grinding of teeth.' Itapon ninyo ang walang silbing alipin na ʼyan sa labas, doon sa kadiliman kung saan siyaʼy tatangis at magngangalit ang kanyang ngipin.’
31 "When the Son of Man comes in his glory, with all his angels, he will sit on his glorious throne. “Kapag ang Anak ng Tao ay dumating na bilang Hari, kasama ang lahat ng anghel, uupo siya sa kanyang dakilang trono.
32 All the nations will be gathered before him, and he will separate them from each other as a shepherd separates sheep from goats. Titipunin niya sa kanyang harapan ang lahat ng lahi sa mundo. Pagbubukud-bukurin niya sila, tulad ng ginagawa ng pastol sa mga tupa at kambing.
33 He will put the sheep on his right and the goats on his left. Ang mga tupa ay ilalagay niya sa kanyang kanan, at ang mga kambing, sa kanyang kaliwa.
34 Then the King will say to those on his right, 'Come, you blessed by my Father; inherit the kingdom prepared for you since the foundation of the world. “Pagkatapos, ang Hari ay magsasabi sa mga tao sa kanyang kanan, ‘Halikayo, kayong mga pinagpala ng aking Ama. Tanggapin ninyo ang kahariang inihanda para sa inyo mula pa nang likhain ang mundo.
35 "For I was hungry and you fed me; thirsty, and you gave me a drink; a stranger, and you took me in, Sapagkat nang nagutom ako ay pinakain ninyo ako, at nang nauhaw ako ay pinainom ninyo. Nang naging dayuhan ako ay pinatuloy ninyo ako sa inyong tahanan,
36 I was naked and you dressed me, sick and you cared for me, in prison and you visited me.'" at nang wala akong maisuot ay binihisan ninyo ako. Nang may sakit ako ay inalagaan ninyo ako, at nang nasa kulungan ako ay dinalaw ninyo ako.’
37 "Then the righteous will answer him, 'Lord, when did we see you hungry and feed you, or thirsty and give you drink? “Sasagot ang mga matuwid, ‘Panginoon, kailan po namin kayo nakitang nagutom at aming pinakain, o nauhaw at aming pinainom?
38 "When did we see you a stranger and shelter you, or naked and dress you? Kailan namin kayo nakitang naging dayuhan at aming pinatuloy o walang maisuot at aming binihisan?
39 When did we see you sick or in prison and come to you?'" Kailan namin kayo nakitang may sakit o nasa kulungan at aming binisita?’
40 "And the King will reply, 'Truly I tell you, whatever you did for one of the least of these siblings of mine, you did for me.' “At sasagot ang Hari, ‘Sinasabi ko sa inyo ang totoo, nang ginawa nʼyo ito sa pinakahamak kong mga kapatid, ginawa ninyo ito para sa akin.’
41 Then he'll tell those on his left, 'Away from me, you cursed ones, into the eternal fire prepared for the devil and his angels. “Pagkatapos, sasabihin naman ng Hari sa kanyang kaliwa, ‘Lumayo kayo sa akin, kayong mga isinumpa ng Diyos! Doon kayo sa walang katapusang apoy na inihanda para sa diyablo at sa kanyang mga kampon na mga anghel.
42 For I was hungry and you gave me nothing to eat, thirsty and you gave me nothing to drink, Sapagkat nang nagutom ako ay hindi nʼyo ako pinakain, at nang nauhaw ako ay hindi nʼyo ako pinainom.
43 I was a stranger, and you didn't take me in; naked, and you didn't dress me; sick and in prison, and you didn't visit me.'" Nang naging dayuhan ako ay hindi nʼyo ako pinatuloy sa inyong tahanan, at nang wala akong maisuot ay hindi nʼyo ako binihisan. Nang may sakit ako at nasa kulungan ay hindi nʼyo ako inalagaan.’
44 "Then they too will answer, 'Lord, when did we see you hungry, thirsty, a stranger, naked, sick, or in prison, and not serve you?' “At sasagot naman sila, ‘Panginoon, kailan po namin kayo nakitang nagutom, nauhaw, naging dayuhan, walang maisuot, may sakit o nasa kulungan at hindi namin kayo tinulungan?’
45 "He will answer, 'Truly I tell you: whatever you didn't do for one of the least of these, you didn't do for me.' “At sasagot din ang Hari, ‘Sinasabi ko sa inyo ang totoo, nang hindi ninyo tinulungan ang pinakahamak kong mga kapatid, ako ang hindi ninyo tinulungan.’
46 Then they will go away to eternal punishment, but the righteous to eternal life." “Itataboy ko ang mga taong ito sa walang hanggang kaparusahan, ngunit bibigyan ko ang mga matuwid ng buhay na walang hanggan.”
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]