Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Matthew 23 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Then Jesus spoke to the crowds and to his disciples, Pagkatapos, nagsalita si Hesus sa mga tao at sa kanyang mga alagad.
2 saying, "The scribes and the Pharisees sit on Moses' seat. Sinabi niya, “Ang mga tagapagturo ng Kautusan at ang mga Pariseo ang kinikilalang tagapagpaliwanag ng Kautusan ni Moises.
3 "So do and keep whatever they tell you, but not what they do—they preach, but don't do. Kaya dapat ninyong pakinggan at sundin ang lahat ng itinuturo nila sa inyo. Ngunit huwag ninyong gayahin ang mga ginagawa nila dahil hindi nila ginagawa ang mga itinuturo nila.
4 They tie up heavy, hard-to-carry loads and put them on people's shoulders, but they themselves won't lift a finger to move them. Ipinapatupad nila sa inyo ang napakabibigat nilang kautusan, ngunit sila mismo ay ayaw man lang kayong tulungan kahit na kaunti.
5 They do everything to be seen by others; they widen their phylacteries and lengthen their tassels, “Ang lahat ng ginagawa nila ay pakitang-tao lang. Nilalakihan nila ang kanilang mga pilakterya at hinahabaan ang laylayan ng kanilang mga damit.
6 and they love the place of honor at feasts and the best seats in the synagogues, Mahilig silang umupo sa mga upuang pandangal sa mga handaan at mga sinagoga.
7 and greetings in the marketplaces and being called 'Rabbi' by others. At gustong-gusto nilang batiin silaʼt igalang sa mga mataong lugar at tawaging ‘Rabbi’.
8 You must not be called 'Rabbi,' since you have only one teacher, and you're all brothers. “Ngunit huwag kayong magpatawag na ‘Rabbi’ dahil lahat kayoʼy magkakapatid at iisa lang ang inyong Guro.
9 And call no one on earth your father, for you have one Father, who is in heaven. At huwag ninyong tawaging ‘Ama’ ang sinuman dito sa lupa, dahil iisa lang ang inyong Ama, ang Amang nasa langit.
10 Don't let anyone call you 'instructor,' for you have one instructor, the Christ. Huwag din kayong magpatawag na tagapagturo dahil iisa lang ang inyong Tagapagturo, walang iba kundi ang Mesias.
11 The greatest among you will be your servant. Ang pinakadakila sa inyo ay dapat maging lingkod ninyo.
12 Whoever raises himself will be humbled; whoever humbles himself will be raised. Ang sinumang itinataas ang kanyang sarili ay ibababa ng Diyos, at ang nagpapakababa ay itataas ng Diyos.
13 Woe to you, scribes and Pharisees, hypocrites! For you shut the kingdom of our Father before people, neither entering yourselves nor letting in those trying to enter. “Nakakaawa kayong mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo, kayong mga mapagkunwari! Isinara ninyo ang kaharian ng Langit sa harap ng mga tao. Hindi na nga kayo pumapasok, hinahadlangan pa ninyo ang mga gustong pumasok. [
14 Not in this edition Nakakaawa kayong mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo, kayong mga mapagkunwari. Dinadaya ninyo ang mga biyuda upang makuha ang kanilang mga ari-arian, at pinagtatakpan ninyo ang inyong mga masasamang ginagawa sa pamamagitan ng mahabang pagdarasal. Dahil dito, tatanggap kayo ng mas mabigat na parusa.]
15 Woe to you, scribes and Pharisees, hypocrites! For you cross sea and land to make one convert, then make him twice the child of hell you are. “Nakakaawa kayong mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo, kayong mga mapagkunwari! Nilalakbay ninyo ang dagat at lupa, upang makahikayat ng kahit isang tao sa inyong pananampalataya. Ngunit kapag may nahikayat na kayo, ginagawa ninyo siyang mas masahol pa sa inyo at mas karapat-dapat pang parusahan sa impiyerno!
16 Woe to you, blind guides! You say, 'Swearing by the temple means nothing, but swearing by the temple's gold makes the oath binding.' “Nakakaawa kayong mga bulag na tagaakay! Itinuturo ninyo na kung manunumpa ang isang tao sa Templo, hindi niya ito kailangang tuparin. Ngunit kung manunumpa siya sa gintong nasa Templo, dapat niya itong tuparin.
17 Blind fools! Which is greater: the gold, or the temple that makes the gold sacred? Mga bulag! Mga hangal! Alin ba ang mas mahalaga, ang ginto o ang Templo na nagpapabanal sa ginto?
18 And you say, 'Swearing by the altar is nothing, but swearing by its gift is binding.' Itinuturo rin ninyo na kung manunumpa ang isang tao sa altar, hindi niya ito kailangang tuparin. Ngunit kung manunumpa siya sa handog na nasa altar, dapat niya itong tuparin.
19 You blind men! For which is greater, the gift or the altar that makes the gift sacred? Mga bulag! Alin ba ang mas mahalaga, ang handog o ang altar na nagpapabanal sa handog?
20 So whoever swears by the altar swears by it and by everything on it. Kaya nga, kapag nanumpa ang isang tao sa altar, nanunumpa rin siya pati sa handog na nasa altar.
21 And whoever swears by the temple swears by it and by him who lives in it. At kapag nanumpa siya sa Templo, nanunumpa rin siya sa Diyos na naninirahan doon.
22 And whoever swears by heaven swears by our Father's throne and by him who sits on it. At kapag nanumpa siya sa langit, nanunumpa rin siya sa trono ng Diyos at sa Diyos mismo na nakaupo roon.
23 Woe to you, scribes and Pharisees, hypocrites! You bring the tenth of mint, dill, and cumin, yet neglect the law's weightier matters—justice, mercy, faithfulness. These you should have done, without neglecting the others. “Nakakaawa kayong mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo, kayong mga mapagkunwari! Ibinibigay nga ninyo kahit ang ikapu ng inyong mga pampalasa ng pagkain, ngunit hindi naman ninyo sinusunod ang mga mas mahalagang utos tungkol sa pagiging makatarungan, mahabagin, at pagiging tapat. Dapat ngang magbigay kayo ng inyong mga ikapu, ngunit huwag naman ninyong kaligtaang gawin ang mga mas mahalagang utos.
24 You blind guides, straining out a gnat and swallowing a camel! Mga bulag na tagaakay! Sinasala ninyo ang maliliit na insekto sa inyong inumin, ngunit lumululon naman kayo ng kamelyo!
25 Woe to you, scribes and Pharisees, hypocrites! You clean the cup and dish outside, but inside they're full of greed and excess. “Nakakaawa kayong mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo, kayong mga mapagkunwari! Nililinis ninyo ang labas ng tasa at pinggan, ngunit ang loob ng puso ninyoʼy puno naman ng kasakiman at katakawan.
26 Blind Pharisee! First clean the inside of cup and dish, so the outside is clean too. Mga bulag na Pariseo! Linisin muna ninyo ang loob ng tasa at baso, at magiging malinis din ang labas nito.
27 Woe to you, scribes and Pharisees, hypocrites! You are like whitewashed tombs, appearing beautiful outside but full of dead people's bones and all impurity inside. “Nakakaawa kayong mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo, kayong mga mapagkunwari! Maihahalintulad kayo sa mga libingang pininturahan ng puti at magandang tingnan sa labas, ngunit ang nasa loob ay puro kalansay at iba pang maruruming bagay.
28 So you also outwardly appear righteous to others, but inside you are full of hypocrisy and lawlessness. Ganyang-ganyan kayo, dahil sa paningin ng mga taoʼy pawang kabutihan ang ginagawa ninyo, ngunit ang kalooban ninyoʼy puno ng pagkukunwari at kasamaan.
29 Woe to you, scribes and Pharisees, hypocrites! For you build tombs of the prophets and decorate the monuments of the righteous, “Nakakaawa kayong mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo, kayong mga mapagkunwari! Ipinagtatayo ninyo ng magagandang mga libingan ang mga propeta at ang mga taong matuwid, at pinapalamutian pa ninyo ito.
30 saying, 'Had we lived in our fathers' days, we would not have joined them in killing the prophets.' At sinasabi ninyo na kung buhay sana kayo sa panahon ng inyong mga ninuno, hindi ninyo papatayin ang mga propeta tulad ng ginawa nila.
31 So you testify against yourselves that you are the sons of those who murdered the prophets. Kung ganoon, inaamin nga ninyo na lahi kayo ng mga taong pumatay sa mga propeta!
32 Fill up, then, the measure of your fathers. Sige, tapusin nʼyo ang sinimulan ng inyong mga ninuno!
33 You serpents, you brood of vipers, how are you to escape being sentenced to hell? “Mga ahas! Lahi kayo ng mga ulupong! Hindi nʼyo matatakasan ang kaparusahan sa impiyerno!
34 So I am sending you prophets, wise men, and scribes—some you will kill and crucify, some you will flog in your synagogues and persecute from town to town, Kaya makinig kayong mabuti! Magpapadala ako sa inyo ng mga propeta, marurunong na tao na magtuturo sa inyo ng salita ng Diyos. Papatayin ninyo ang ilan sa kanila, at ang ibaʼy ipapako sa krus. Ang ibaʼy hahagupitin ninyo sa inyong sinagoga, at tutugisin ninyo saan man sila magpunta.
35 so that all righteous blood shed on earth may come upon you—from righteous Abel's blood to Zechariah son of Berekiah's, whom you murdered between the sanctuary and the altar. Dahil dito, mananagot kayo sa pagpatay sa lahat ng taong matuwid mula kay Abel hanggang kay Zacarias na anak ni Baraquias, na pinatay ninyo sa pagitan ng Templo at ng altar.
36 Truly, I say to you, all these things will come upon this generation. Talagang kayong mga nabubuhay sa panahong ito ang mananagot sa lahat ng mga kasalanang ito.
37 Jerusalem, Jerusalem—killing the prophets, stoning those sent to you! How often I wanted to gather your children, as a hen gathers her chicks under her wings, but you refused. “Kayong mga taga-Jerusalem, binabato ninyo at pinapatay ang mga propeta na sinusugo ng Diyos sa inyo. Maraming beses ko na kayong gustong tipunin gaya ng isang inahing manok na nagtitipon at nagkakanlong ng kanyang mga sisiw sa ilalim ng kanyang mga pakpak, ngunit ayaw ninyo.
38 Look, your house is left to you desolate. Kaya ngayon, makinig kayo! Iiwan na ng Diyos ang inyong Templo at lubusang pababayaan na ito.
39 I tell you, you won't see me again till you say, 'Blessed is the one coming in our Father's name.'" Sapagkat hindi nʼyo na ako makikita hanggang sa dumating ang panahon na sabihin ninyo, ‘Pinagpala ang dumarating sa ngalan ng Panginoon.’”
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]