Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Matthew 22 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Jesus spoke to them again in parables, saying: Muling nagsalita sa kanila si Hesus sa pamamagitan ng talinghaga. Sinabi niya,
2 "The kingdom of our Father is like a king who prepared a wedding feast for his son. “Ang paghahari ng Langit ay maihahalintulad sa kuwentong ito: May isang hari na naghanda ng salo-salo para sa kasal ng anak niyang lalaki.
3 He sent his servants to summon the invited guests to the wedding feast, but they refused to come. Sinugo niya ang kanyang mga alipin para tawagin ang mga inimbitahan sa kasalan, ngunit ayaw nilang dumalo.
4 Again he sent other servants, saying, 'Tell those invited: Look, I have prepared my dinner; my oxen and fattened cattle are killed, everything ready. Come to the wedding feast.' “Sinugo niya ang iba pang mga alipin para sabihin sa mga inimbitahan, ‘Handa na ang lahat; nakatay na ang aking mga baka at iba pang pinatabang hayop. Nakahanda na ang pagkain kaya halina kayo!’
5 But they paid no attention and went off, one to his farm, another to his business, “Ngunit hindi ito pinansin ng mga inimbitahan. Ang ibaʼy pumunta sa bukid nila, at ang ibaʼy inasikaso ang negosyo nila.
6 while the rest seized his servants, mistreated them, and killed them. Ang iba namaʼy sinunggaban ang mga alipin ng hari, hiniya, at pinatay.
7 The king was enraged, and he sent his troops, destroyed those murderers, and burned their city. Kaya galit na galit ang hari sa ginawa nilang ito. Sinugo niya ang kanyang mga sundalo para patayin ang mga pumatay sa kanyang mga alipin at sunugin ang lungsod ng mga ito.
8 Then he told his servants, 'The wedding is ready, but those invited weren't worthy. “Pagkatapos, sinabi ng hari sa kanyang mga alipin, ‘Handa na ang salo-salo para sa kasal, ngunit hindi karapat-dapat pumunta ang aking mga naimbitahan.
9 Go therefore to the main roads and invite to the wedding feast as many as you find.' Pumunta na lang kayo sa mga pangunahing lansangan, at imbitahan ninyo ang lahat ng inyong makita.’
10 Those servants went out into the roads and gathered everyone they found, bad and good, and the wedding hall filled with guests. Pumunta nga sa mga lansangan ang mga alipin at inimbitahan ang lahat ng nakita nila, masama man o mabuti. Kaya napuno ng mga panauhin ang pinagdarausan ng handaan.
11 "But when the king came in to see the guests, he saw a man not dressed in wedding clothes. “Nang pumasok ang hari para tingnan ang mga bisita, nakita niya ang isang lalaking hindi nakabihis ng akma para sa kasalan.
12 He asked, 'Friend, how did you get in here without wedding clothes?' He was speechless. Kaya tinanong niya ang lalaki, ‘Kaibigan, bakit pumasok ka rito nang hindi nakabihis ng akma para sa kasalan?’ Ngunit hindi nakasagot ang lalaki.
13 Then the king told the servants, 'Tie his hands and feet, and throw him into the outer darkness, where there will be weeping and grinding of teeth.' “Kaya sinabi ng hari sa kanyang mga alipin, ‘Itali ninyo ang mga kamay at paa niya at itapon sa labas, doon sa kadiliman siyaʼy tatangis at magngangalit ang kanyang ngipin.’
14 For many are called, but few are chosen." “Marami ang tinatawag ng Diyos, ngunit kakaunti ang pinili.”
15 Then the Pharisees went and plotted how to trap him with his own words. Umalis ang mga Pariseo at nagplano kung paano nila mahuhuli si Hesus sa kanyang mga pananalita.
16 They sent their disciples to him, with the Herodians, saying, "Teacher, we know you are truthful and truly teach God's way; you defer to no one, since you don't judge people by rank. Kaya pinapunta nila kay Hesus ang ilan sa kanilang mga kasamahan at ang ilan sa mga alagad ni Herodes. Sinabi ng mga ito, “Guro, alam po namin na totoo ang mga sinasabi ninyo. Itinuturo nʼyo ang katotohanan tungkol sa kalooban ng Diyos. Wala kayong pinapanigan, dahil hindi kayo tumitingin sa katayuan ng tao.
17 Tell us, then, what you think: Is it lawful to pay taxes to Caesar, or not?" Ano sa palagay nʼyo? Nararapat po bang magbayad ng buwis sa Emperador ng Roma o hindi?”
18 But Jesus, knowing their malice, said, "Why are you testing me, you hypocrites? Ngunit alam ni Hesus ang masama nilang balak, kaya sinabi niya, “Mga pakitang-tao! Bakit ninyo ako sinusubok?
19 Show me the coin used for the tax." And they brought him a denarius. Patingin nga ng perang ipinambabayad ng buwis.” Iniabot nila sa kanya ang pera.
20 And he said to them, "Whose image is this, and whose inscription?" Tinanong sila ni Hesus, “Kaninong mukha at pangalan ang nakaukit sa pera?”
21 They said, "Caesar's." Then he said to them, "So pay Caesar what belongs to Caesar, and our Father what belongs to our Father." Sumagot sila, “Sa Emperador.” Kaya sinabi niya sa kanila, “Kung ganoon, ibigay ninyo sa Emperador ang sa Emperador, at sa Diyos ang sa Diyos.”
22 When they heard it, they were amazed; and they left him and went away. Namangha sila nang marinig ang sagot ni Hesus, kaya iniwan nila siya.
23 That same day Sadducees came to him, who say there is no resurrection, and they asked him, Sa araw ding iyon, lumapit at nagtanong kay Hesus ang ilang mga Saduceo. Sila ang mga taong hindi naniniwala sa muling pagkabuhay.
24 saying, "Teacher, Moses said: if a man dies childless, his brother must marry the widow and raise offspring for his brother. Sinabi nila, “Guro, sinabi ni Moises na kapag ang isang lalaki ay namatay na walang anak sa asawa niya, dapat pakasalan ng kanyang kapatid ang naiwan niyang asawa upang magkaanak sila para sa kanya.
25 Now there were seven brothers among us. The first married, died, and, childless, left his wife to his brother. Noon ay may pitong magkakapatid na lalaki rito sa amin. Nag-asawa ang panganay, at namatay na walang anak. Kaya ang biyuda ay napangasawa ng ikalawang kapatid.
26 So too the second and the third, down to the seventh. Ngunit namatay din siya na wala silang anak. Ganoon din ang nangyari sa ikatlo hanggang sa ikapitong kapatid.
27 Last of all, the woman died. At kinalaunan, namatay din ang babae.
28 In the resurrection, then, whose wife of the seven will she be? For they all had her." Ngayon, sa araw ng muling pagkabuhay ng mga patay, sino po sa pito ang magiging asawa ng babaeng iyon dahil naging asawa niya silang lahat?”
29 Jesus answered, "You're mistaken—you know neither the Scriptures nor our Father's power. Sumagot si Hesus, “Maling-mali kayo, dahil hindi ninyo nauunawaan ang Kasulatan at ang kapangyarihan ng Diyos.
30 For in the resurrection people neither marry nor are married off, but are like angels in heaven. Sapagkat sa muling pagkabuhay hindi na mag-aasawa ang mga tao. Magiging tulad sila ng mga anghel sa langit.
31 Now, about the resurrection of the dead, haven't you read what our Father told you: Tungkol naman sa muling pagkabuhay, hindi ba ninyo nabasa sa Kasulatan ang sinabi ng Diyos sa inyo? Sinabi niya,
32 'I'm the God of Abraham, of Isaac, and of Jacob'? He's not God of the dead, but of the living." ‘Ako ang Diyos ni Abraham, Diyos ni Isaac, at Diyos ni Jacob.’ Hindi siya Diyos ng mga patay kundi ng mga buhay.”
33 And when the crowds heard it, they were astonished at his teaching. Nang marinig ito ng mga tao, namangha sila sa kanyang pagtuturo.
34 But when the Pharisees heard that he had silenced the Sadducees, they gathered together. Nang mabalitaan ng mga Pariseo na walang magawa ang mga Saduceo kay Hesus, nagtipon silang muli at lumapit sa kanya.
35 And one of them, an expert in the Law, asked him a question to test him: Ang isa sa kanila, na dalubhasa sa Kautusan, ay nagtanong kay Hesus para subukin siya,
36 "Teacher, which is the great commandment in the Law?" “Guro, ano po ba ang pinakamahalagang utos sa Kautusan?”
37 He said to him, "Love your Father with all your heart, with all your soul, and with all your mind. Sumagot si Hesus, “ ‘Mahalin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong isip.’
38 This is the great and first commandment. Ito ang pinakamahalagang utos sa lahat.
39 And a second is like it: You will love your neighbor as yourself. At ang ikalawang pinakamahalagang utos ay katulad din nito: ‘Mahalin mo ang iyong kapwa tulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili.’
40 On these two commandments depend all the Law and the Prophets." Ang buong Kautusan at ang isinulat ng mga propeta ay nakasalalay sa dalawang utos na ito.”
41 Now while the Pharisees were gathered together, Jesus asked them, Habang nagkatipon-tipon pa ang mga Pariseo, tinanong sila ni Hesus,
42 "What do you think about the Christ? Whose son is he?" They said to him, "David's." “Ano ba ang pagkakakilala ninyo sa Mesias? Kaninong angkan siya nagmula?” Sumagot sila, “Kay David.”
43 He asked them, "How then does David, by the Holy Spirit, call him Lord, saying, Sinabi ni Hesus sa kanila, “Kung gayon, bakit tinawag siya ni David na ‘Panginoon’, sa patnubay ng Espiritu? Ito ang sinabi niya,
44 'Our Father said to my Lord, "Sit at my right hand, until I put your enemies under your feet"'? ‘Wika ng Panginoon sa aking Panginoon: “Umupo ka rito sa aking kanan hanggang sa gawin kong iyong apakan ang iyong mga kalaban.” ’
45 If then David calls the Christ Lord, how can the Christ be David's son?" Kung tinawag siya ni David na ‘Panginoon’, paano siya naging lahi lang ni David?”
46 No one could answer him a word, and from that day no one dared ask him anything else. Wala ni isa mang nakasagot sa tanong ni Hesus. Mula noon, wala nang nangahas na magtanong sa kanya.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]