Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Matthew 21 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 As they neared Jerusalem and reached Bethphage, at the Mount of Olives, Jesus sent two disciples ahead, Malapit na sina Hesus sa Jerusalem. Pagdating nila sa nayon ng Betfage na nasa Bundok ng mga Olibo, pinauna ni Hesus ang dalawa sa kanyang alagad
2 telling them, "Go to the village ahead of you. You'll at once find a donkey tied, with a colt beside her. Untie them and bring them to me. at sinabi, “Pumunta kayo sa susunod na nayon. Pagpasok nʼyo roon, makikita ninyo ang isang asno na nakatali, kasama ang anak nito. Kalagan ninyo ang mga ito at dalhin dito sa akin.
3 If anyone says anything to you, say, 'The Lord needs them,' and the Lord will send them at once." Kapag may sumita sa inyo, sabihin ninyong kailangan ng Panginoon, at hahayaan na niya kayo.”
4 This took place to fulfill what the prophet had said: Nangyari ito para matupad ang sinabi ng propeta:
5 "Say to the daughter of Zion, 'Look, your king is coming to you, humble and mounted on a donkey, on a colt, the foal of a beast of burden.'" “Sabihin ninyo sa mga taga-Zion, ‘Makinig kayo! Paparating na ang inyong hari! Mapagpakumbaba siya, at darating na nakasakay sa asno, sa isang bisirong asno.’ ”
6 The disciples went and did as Jesus had directed them. Lumakad nga ang mga alagad at ginawa ang iniutos ni Hesus.
7 They brought the donkey and colt, put their cloaks on the animals, and Jesus sat on the cloaks. Dinala nila ang asno at ang anak nito kay Hesus. Sinapinan nila ang mga ito ng kanilang mga balabal at sumakay si Hesus.
8 Most of the crowd spread their cloaks on the road; others cut branches from the trees and spread them on the road. Maraming tao ang naglatag ng kanilang mga balabal sa daan. Ang iba naman ay pumutol ng mga sanga ng kahoy at inilatag din sa daan.
9 The crowds ahead of him and behind him kept shouting, "Hosanna to the Son of David! Blessed is he who comes in the name of our Father! Hosanna in the highest!" Ang mga tao sa unahan ni Hesus at ang mga nasa hulihan ay sumisigaw, “Purihin ang Anak ni David!” “Pinagpala ang dumarating sa ngalan ng Panginoon!” “Papuri sa Diyos sa kaitaasan!”
10 And when he entered Jerusalem, the whole city was stirred, asking, "Who is this?" Nang pumasok si Hesus sa Jerusalem, nagkagulo ang buong lungsod, at nagtanungan ang mga tao, “Sino ang taong iyan?”
11 And the crowds said, "This is the prophet Jesus, from Nazareth of Galilee." Sumagot ang mga kasama ni Hesus, “Siya ang propetang si Hesus na taga-Nazaret, na sakop ng Galilea.”
12 Then Jesus entered the temple, drove out all selling and buying there, overturned the money-changers' tables and the dove sellers' seats. Pumasok si Hesus sa patyo ng Templo at itinaboy niya ang mga nagtitinda at namimili roon. Itinaob niya ang mga mesa ng mga nagpapalit ng pera at ang mga upuan ng mga nagtitinda ng mga kalapati.
13 He told them, "It is written: 'My house will be called a house of prayer,' but you're making it a den of robbers." Sinabi niya sa kanila, “Sinasabi ng Diyos sa Kasulatan, ‘Ang aking bahay ay tatawaging bahay-panalanginan.’ Ngunit ginawa ninyong ‘pugad ng mga tulisan!’”
14 And the blind and the lame came to him in the temple, and he healed them. May mga bulag at pilay na lumapit kay Hesus doon sa Templo, at pinagaling niya silang lahat.
15 When the chief priests and teachers of the law saw the wonders he did, and the children shouting in the temple, "Hosanna to the Son of David!" they grew angry, Nagalit ang mga namamahalang pari at mga tagapagturo ng Kautusan nang makita nila ang mga himalang ginawa ni Hesus, at nang marinig nila ang mga batang sumisigaw doon sa Templo ng, “Purihin ang Anak ni David!”
16 and said to him, "Do you hear what these say?" Jesus said to them, "Yes. Have you never read, 'Out of the mouths of infants and nursing babies you have prepared praise'?" Sinabi nila kay Hesus, “Naririnig mo ba ang sinasabi nila?” Sumagot si Hesus, “Oo. Hindi ba ninyo nabasa ang sinasabi ng Kasulatan? Sinabi doon, Kahit ang mga bata at sanggol ay tinuruan ng Diyos na magpuri sa kanya.”
17 He left them, went out of the city to Bethany, and spent the night there. Pagkatapos, iniwan sila ni Hesus. Lumabas siya ng lungsod at nagpunta sa Betania, at doon siya nagpalipas ng gabi.
18 Early in the morning, as he returned to the city, he was hungry. Kinaumagahan, habang pabalik na sina Hesus sa lungsod ng Jerusalem, nagutom siya.
19 Seeing a fig tree by the road, he went to it but found only leaves. He said, "May you never bear fruit again!" At once the tree withered. May nakita siyang puno ng igos sa tabi ng daan, kaya nilapitan niya ito. Ngunit wala siyang nakitang bunga kundi puro mga dahon. Kaya sinabi niya sa puno, “Hindi ka na mamumunga kailanman!” At agad na natuyo ang puno.
20 Seeing this, the disciples were amazed and asked, "How did the fig tree wither so fast?" Namangha ang mga alagad ni Hesus nang makita nila iyon. Sinabi nila, “Paanong natuyo kaagad ang puno?”
21 Jesus answered, "I tell you the truth: with faith, no doubting, you'll not only do what happened to the fig tree—you'll even tell this mountain, 'Be lifted up and thrown into the sea,' and it will happen. Sumagot si Hesus, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, kung may pananampalataya kayo at walang pag-aalinlangan, magagawa rin ninyo ang ginawa ko sa puno ng igos. At hindi lang iyan, maaari rin ninyong sabihin sa bundok na ito, ‘Lumipat ka sa dagat!’ at lilipat nga ito.
22 And whatever you ask in prayer, if you believe, you will receive it." Anumang hilingin ninyo sa Diyos sa panalangin ay matatanggap ninyo kung may pananampalataya kayo.”
23 Entering the temple, he was teaching when the chief priests and elders of the people came and asked, "What authority do you have for these things, and who gave you this authority?" Bumalik sa Templo si Hesus, at habang nagtuturo siya, nilapitan siya ng mga namamahalang pari at ng mga pinuno ng mga Hudyo at tinanong, “Ano ang awtoridad mong gumawa ng mga bagay na ginagawa mo? Sino ang nagbigay saʼyo ng awtoridad na iyan?”
24 Jesus replied, "I'll ask you one thing too. Tell me the answer, and I'll say by what authority I do these things. Sumagot si Hesus, “Tatanungin ko rin kayo. At kapag sinagot ninyo, sasabihin ko kung ano ang awtoridad ko na gumawa ng mga bagay na ito.
25 John's baptism—where was it from? From heaven, or from man?" They discussed among themselves, "If we say, 'From heaven,' he will say to us, 'Then why did you not believe him?' Kanino galing ang awtoridad ni Juan upang magbautismo, sa Diyos o sa tao?” Nag-usap-usap sila, “Kung sasabihin nating mula sa Diyos, sasabihin niya, ‘Bakit hindi kayo naniwala kay Juan?’
26 But if we say, 'From man,' we fear the crowd—they all view John as a prophet." Ngunit kung sasabihin nating mula sa tao, magagalit sa atin ang mga tao, dahil naniniwala silang si Juan ay propeta ng Diyos.”
27 They answered Jesus, "We don't know." He said, "Neither will I tell you by what authority I do these things." Kaya sumagot sila, “Hindi namin alam.” At sinabi ni Hesus sa kanila, “Kung ganoon, hindi ko rin sasabihin sa inyo kung saan nagmula ang awtoridad ko na gumawa ng mga bagay na ito.”
28 "But what do you think? A man had two sons. Coming to the first, he said, 'Son, go work today in the vineyard.' Sinabi pa ni Hesus sa kanila ang talinghagang ito: “Ano sa palagay ninyo ang kahulugan nito? May isang tao na may dalawang anak na lalaki. Lumapit siya sa panganay at sinabi, ‘Anak, pumunta ka ngayon sa ating ubasan at magtrabaho.’
29 And he answered, 'I will not,' but later he changed his mind and went. “Sumagot siya, ‘Ayaw ko po.’ Ngunit maya-maya ay nagbago ang isip niya at pumunta rin.
30 He went to the second and said the same. This one answered, 'I'll go, sir'—but didn't go. “Lumapit din ang ama sa bunso at ganoon din ang sinabi. Sumagot ang bunso, ‘Opo,’ ngunit hindi naman siya pumunta.
31 Which of the two did his father's will?" They said, "The first." Jesus told them, "Truly I tell you, tax collectors and prostitutes enter the kingdom of our Father ahead of you." “Sino ngayon sa dalawa ang sumunod sa kalooban ng kanilang ama?” Sumagot sila, “Ang panganay.” Sinabi ni Hesus sa kanila, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, ang mga maniningil ng buwis at ang mga babaeng bayaran ay nauuna pa sa inyong makapasok sa kaharian ng Diyos.
32 "For John came to you in the way of righteousness, and you didn't believe him, but tax collectors and prostitutes did. Even after seeing that, you didn't change your minds and believe him." Sapagkat dumating sa inyo si Juan na Tagapagbautismo, at itinuro sa inyo ang tamang daan sa matuwid na pamumuhay, ngunit hindi kayo naniwala. Subalit ang mga maniningil ng buwis at ang mga babaeng bayaran ay naniwala sa kanya. At kahit na nakita ninyo ito, hindi pa rin kayo nagsisi sa mga kasalanan ninyo at naniwala sa kanya.
33 "Hear another parable: A landowner planted a vineyard, put a fence around it, dug a winepress in it, built a watchtower, leased it to tenants, and went away on a trip. “Makinig kayo sa isa pang talinghaga: May isang taong may bukid na pinataniman niya ng ubas. Pinabakuran niya ito at nagpagawa ng pisaan ng ubas. Nagtayo rin siya ng isang bantayang tore. At pagkatapos ay pinaupahan niya ang kanyang ubasan sa mga magsasaka at pumunta sa malayong lugar.
34 When the harvest time drew near, he sent his servants to the tenants to collect his fruit. Nang panahon na ng pamimitas ng ubas, pinapunta niya ang kanyang mga alipin sa mga magsasakang umuupa sa ubasan niya para kunin ang kanyang parte.
35 But the tenants seized his servants—they beat one, killed another, and stoned another. “Ngunit sinunggaban ng mga magsasaka ang mga alipin. Binugbog nila ang isa, pinatay ang isa at binato naman ang isa pa.
36 Again he sent other servants, more than the first, and they treated them the same way. Nagsugo ulit ang may-ari ng mas maraming alipin, at ganoon din ang ginawa ng mga magsasaka sa kanila.
37 Finally he sent his son to them, saying, 'They will respect my son.' Nang bandang huli, pinapunta ng may-ari ang kanyang anak. Ang akala niyaʼy igagalang nila ito.
38 But the tenants, seeing the son, said to each other, 'This is the heir; come, let's kill him and seize his inheritance.' “Ngunit nang makita ng mga magsasaka ang anak ng may-ari, sinabi nila, ‘Narito na ang tagapagmana. Halikayo, patayin natin siya para mapasaatin ang lupang mamanahin niya.’
39 So they seized him, threw him out of the vineyard, and killed him. Kaya sinunggaban nila ito, dinala sa labas ng ubasan at pinatay.
40 Now when the owner of the vineyard comes, what will he do to those tenants?" “Ano kaya sa palagay ninyo ang gagawin ng may-ari sa kanyang pagbabalik?”
41 They answered, "He will destroy those evil men horribly, and lease the vineyard to other farmers who will give him the fruit in season." Sumagot ang mga tao, “Tiyak na papatayin niya ang masasamang taong iyon, at pauupahan niya ang kanyang ubasan sa ibang magsasakang magbibigay sa kanya ng parte niya sa bawat panahon ng pamimitas.”
42 Jesus said to them, "Have you never read in the Scriptures: 'The stone the builders rejected became the cornerstone; this came from our Father, and it's marvelous in our eyes'?" Sinabi sa kanila ni Hesus, “Hindi ba ninyo nabasa ang sinasabi ng Kasulatan? ‘Ang batong tinanggihan ng mga tagapagtayo ng bahay ang siyang naging batong pundasyon. Gawa ito ng Panginoon at kahanga-hanga ito sa atin!’
43 "So I tell you: the kingdom of our Father will be taken from you and given to a nation that produces its fruits. “Kaya tandaan ninyo: Ang kaharian ng Diyos ay kukunin sa inyo at ibibigay sa mga taong sumusunod sa kanyang kalooban. [
44 Whoever falls on this stone will be shattered; whoever it falls on will be crushed." Ang sinumang mahulog sa batong ito ay magkakabali-bali, at sinumang mahulugan nito ay madudurog.]”
45 When the chief priests and the Pharisees heard his parables, they realized he was speaking about them. Nang marinig ng mga namamahalang pari at ng mga Pariseo ang talinghagang iyon, alam nilang sila ang tinutukoy ni Hesus.
46 They wanted to arrest him but feared the crowds, who considered him a prophet. Kaya gusto nilang dakpin si Hesus, ngunit natatakot sila sa mga tao na naniniwalang si Hesus ay isang propeta.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]