Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Matthew 20 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 "For the kingdom of our Father is like a landowner who went out at dawn to hire workers for his vineyard. “Ang paghahari ng Langit ay maihahalintulad sa kuwentong ito: Isang araw, maagang lumabas ang isang may-ari ng ubasan para humanap ng mga manggagawa.
2 He agreed to pay the workers a full day's wage and sent them into his vineyard. Nang makakita siya ng mga manggagawa, nakipagkasundo siya sa kanila na makakatanggap sila ng karampatang sahod para sa isang araw na trabaho, at pagkatapos ay pinapunta ang mga ito sa kanyang ubasan.
3 About nine o'clock in the morning he went out and saw others standing idle in the marketplace. “Nang mga alas nuwebe na ng umaga, lumabas siyang muli at may nakita siyang mga taong walang trabaho at nakatambay lang sa may pamilihan.
4 He told them, 'You too, go into the vineyard; I'll pay you whatever's right.' So they went. Sinabi niya sa kanila, ‘Pumunta kayo sa ubasan ko at magtrabaho. Babayaran ko kayo nang nararapat.’
5 Going out again about noon and about three in the afternoon, he did the same. Kaya pumunta ang mga ito sa ubasan. “Muli siyang lumabas bandang tanghali at mga alas tres ng hapon, at ganoon din ang ginawa niya.
6 About five in the afternoon, he went out and found others standing there. He asked, 'Why have you stood here idle all day?'" Nang mag-aalas singko na ng hapon, muli na naman siyang lumabas at nakakita pa ng mga ilan na nakatambay lang. Sinabi niya sa kanila, ‘Bakit maghapon kayong nakatayo diyan at walang ginagawa?’
7 "They said, 'Because no one hired us.' He said, 'You also go into the vineyard.' “Sumagot sila, ‘Dahil wala naman pong nagbigay sa amin ng trabaho.’ “Sinabi niya sa kanila, ‘Pumunta kayo sa ubasan ko at magtrabaho.’
8 "When evening came, the vineyard owner told his foreman, 'Call the workers and pay them their wages, from the last to the first.' “Nang magtatakip-silim na, sinabi ng may-ari sa kanyang katiwala, ‘Tawagin mo na ang mga manggagawa at bigyan ng sahod. Unahin mo ang mga huling nagtrabaho, hanggang sa mga unang nagtrabaho.’
9 And when those hired about five o'clock came, each of them received a full day's wage. “Dumating ang mga nagsimula nang alas singko ng hapon, at tumanggap sila ng sahod para sa isang araw na trabaho.
10 When the first came, they thought they would get more, but each got a full day's wage too. Nang dumating na ang mga naunang nagtrabaho, inakala nilang tatanggap sila ng higit kaysa sa mga huling nagtrabaho. Ngunit tumanggap din sila ng ganoon ding halaga.
11 And on receiving it they grumbled at the landowner, Pagkatanggap nila ng sahod, nagreklamo sila sa may-ari ng ubasan.
12 saying, 'These last worked only one hour, yet you made them equal to us, who bore the day's burden and the scorching heat.' Sinabi nila, ‘Ang mga huling dumating ay isang oras lang nagtrabaho, samantalang kami ay nagtrabaho ng buong araw at nagtiis ng init, ngunit pareho lang ang sahod namin!’
13 "He answered one of them, 'Friend, I'm not wronging you. Didn't you agree with me for a full day's wage?' “Sinagot ng may-ari ang isa sa kanila, ‘Kaibigan, hindi kita dinadaya. Hindi baʼt nagkasundo tayo na bibigyan kita ng sahod para sa isang araw na trabaho?
14 Take what's yours and go. I want to give this last worker the same as you. Kaya tanggapin mo na ang sahod mo, at umuwi ka na. Nagpasya ako na bigyan ng parehong sahod ang mga huling nagtrabaho.
15 Can't I do what I want with what's mine? Or are you jealous because I'm generous? Hindi baʼt may karapatan akong gawin ang gusto ko sa pera ko? O naiinggit lang kayo dahil mabuti ako sa kanila?’ ”
16 So the last will be first, and the first last." Pagkatapos sinabi ni Hesus, “Ang mga hamak ngayon ay magiging dakila, at ang mga dakila ngayon ay magiging hamak.”
17 As Jesus was going up to Jerusalem, he took the twelve aside and said to them on the way, Habang naglalakad sina Hesus papuntang Jerusalem, ibinukod niya ang labindalawang alagad sa mga tao. Sinabi niya sa kanila,
18 "See, we are going up to Jerusalem, and the Son of Man will be given over to the chief priests and scribes, who will condemn him to death, “Pupunta na tayo sa Jerusalem, at ang Anak ng Tao ay ipagkakanulo sa mga namamahalang pari at mga tagapagturo ng Kautusan. Hahatulan nila siya ng kamatayan
19 and hand him over to the Gentiles to mock and flog and crucify—and on the third day he will be raised." at ibibigay sa mga hindi Hudyo para insultuhin, hagupitin at ipako sa krus. Ngunit mabubuhay siyang muli sa ikatlong araw.”
20 Then Zebedee's sons' mother came to him with her sons, kneeling to ask something of him. Pagkatapos nito, lumapit kay Hesus ang ina ni Santiago at ni Juan na mga anak ni Zebedeo, kasama ang kanyang mga anak. Lumuhod siya kay Hesus dahil may gusto siyang hilingin.
21 He asked her, "What do you want?" She said, "Say my two sons will sit one at your right, one at your left, in your kingdom." Tinanong siya ni Hesus, “Ano ang gusto mo?” Sumagot siya, “Kung maaari po sana, kapag naghahari na kayo, paupuin nʼyo ang dalawa kong anak sa tabi nʼyo; isa sa kanan at isa sa kaliwa.”
22 But Jesus replied, "You don't know what you're asking. Can you drink the cup I am about to drink?" "We can," they said. Ngunit sinagot sila ni Hesus, “Hindi ninyo alam kung ano ang hinihingi ninyo. Kaya ba ninyong inumin ang nasa kopang iinuman ko?” Sumagot sila, “Opo, kaya namin.”
23 He said, "You will drink my cup, but seating at my right and left is not mine to give—it belongs to those my Father has prepared it for." Sinabi ni Hesus, “Maaaring iinom nga kayo sa kopang iinuman ko, ngunit hindi ako ang pumipili kung sino ang uupo sa kanan o sa kaliwa ko. Ang mga itoʼy para sa mga taong pinaglaanan ng aking Ama.”
24 When the ten heard this, they were angry at the two brothers. Nang malaman ng sampung alagad kung ano ang hiningi ng magkapatid, nagalit sila sa mga ito.
25 Jesus called them over and said, "You know the rulers of the Gentiles lord it over them, and their powerful men hold authority over them. Kaya tinawag silang lahat ni Hesus at sinabi, “Alam ninyong ang mga pinuno ng mga bansa ay may kapangyarihan sa mga taong nasasakupan nila, at kahit anoʼng gustuhin nila ay nasusunod.
26 Not so among you. Rather, whoever wants to be great among you must be your servant, Ngunit hindi dapat ganyan ang umiral sa inyo. Sa halip, ang sinuman sa inyo na gustong maging dakila ay dapat maging lingkod ninyo.
27 and whoever wants to be first among you must be your slave, At ang sinuman sa inyo na gustong maging pinuno ay dapat maging alipin ninyo.
28 just as the Son of Man came not to be served but to serve, and to give his life as a ransom for many." Maging ang Anak ng Tao ay naparito sa mundo, hindi para paglingkuran kundi para maglingkod at magbigay ng kanyang buhay para maligtas ang maraming tao.”
29 And as they went out of Jericho, a great crowd followed him. Nang papaalis na sa Jerico si Hesus at ang kanyang mga alagad, sinundan sila ng napakaraming tao.
30 Two blind men sitting by the road heard Jesus was passing and cried out, "Lord, have mercy on us, Son of David!" Samantala, may dalawang bulag doon na nakaupo sa tabi ng daan. Nang marinig nilang dumaraan si Hesus, sumigaw sila, “Panginoon, Anak ni David, maawa po kayo sa amin!”
31 The crowd scolded them to be quiet, but they shouted louder, "Have mercy on us, Lord, Son of David!" Ngunit sinaway sila ng mga tao at pinagsabihang manahimik. Ngunit lalo pa nilang nilakasan ang kanilang pagsigaw, “Panginoon, Anak ni David, maawa po kayo sa amin!”
32 And stopping, Jesus called them and said, "What do you want me to do for you?" Tumigil si Hesus, tinawag sila, at tinanong, “Ano ang gusto ninyong gawin ko sa inyo?”
33 They said to him, "Lord, let our eyes be opened." Sumagot sila, “Panginoon, gusto po naming makakita.”
34 And Jesus, moved with compassion, touched their eyes, and immediately they recovered their sight and followed him. Naawa si Hesus sa kanila, kaya hinipo niya ang kanilang mga mata. Agad silang nakakita at sumunod kay Hesus.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]