Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Matthew 19 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 When Jesus finished these words, he left Galilee and went into the region of Judea, across the Jordan. Pagkatapos ipangaral ni Hesus ang mga bagay na ito, umalis siya sa Galilea at pumunta sa lalawigan ng Judea sa kabilang ibayo ng Ilog Jordan.
2 Large crowds followed him, and he healed them there. Maraming tao ang sumunod sa kanya at pinagaling niya sila sa kanilang mga sakit.
3 Pharisees came to test him, asking, "Is it lawful for a man to divorce his wife for any cause?" May mga Pariseong pumunta sa kanya para subukin siya. Kaya nagtanong sila, “Ipinapahintulot ba sa Kautusan na hiwalayan ng lalaki ang asawa niya sa kahit anong dahilan?”
4 He answered, "Haven't you read that our Father, who made them at the beginning, made them male and female, Sumagot si Hesus, “Hindi ba ninyo nabasa sa Kasulatan na sa simula pa lang, nang likhain ng Diyos ang mundo, ‘ginawa niya ang tao na lalaki at babae’?
5 and said, 'So a man will leave his father and mother and cling to his wife, and the two will become one flesh'? At sinabi pa niya, ‘Dahil dito, iiwan ng lalaki ang kanyang amaʼt ina, at magsasama sila ng kanyang asawa. At silang dalawa ay magiging isa.’
6 So they are no longer two but one flesh; therefore, let no one separate what our Father has joined." Hindi na sila dalawa kundi isa na lang. Kaya hindi dapat paghiwalayin ng tao ang pinagsama ng Diyos.”
7 They said to him, "Why then did Moses command that a man give a divorce certificate and send her away?" Nagtanong uli ang mga Pariseo, “Ngunit bakit sinabi ni Moises na pinapayagang hiwalayan ng lalaki ang asawa niya, bastaʼt bigyan niya ito ng kasulatan ng paghihiwalay?”
8 He told them, "Moses let you divorce your wives because your hearts were hard, but it wasn't like that from the beginning. Sumagot si Hesus sa kanila, “Ipinahintulot ito ni Moises sa inyo dahil sa katigasan ng ulo ninyo. Ngunit hindi iyan ang layunin ng Diyos mula sa simula.
9 I tell you: whoever divorces his wife—except for sexual sin—and marries another commits adultery." Kaya sinasabi ko sa inyo, kung hiwalayan ng lalaki ang asawa niya sa anumang dahilan maliban sa seksuwal na imoralidad, at pagkatapos ay mag-asawa ng iba, nagkasala siya ng pangangalunya. [ At ang nag-asawa ng babaeng hiniwalayan ay nagkasala rin ng pangangalunya.]”
10 The disciples said to him, "If that's the case between husband and wife, it's better not to marry." Sinabi ng mga alagad ni Hesus, “Kung ganyan po pala ang panuntunan sa pag-aasawa, mabuti pang huwag na lang mag-asawa.”
11 He said to them, "Not everyone can accept this word—only those it's given to. Sumagot si Hesus, “Hindi matatanggap ng lahat ang katuruang ito, maliban na lang sa mga taong pinagkalooban nito.
12 There are eunuchs born that way from their mother's womb; there are eunuchs made that way by others; and there are eunuchs who made themselves so for the kingdom of our Father. Let the one who can accept this, accept it." May ibaʼt ibang dahilan kung bakit may mga taong hindi nag-aasawa. Mayroong ipinanganak na may kapansanan; ang iba namaʼy sinadyang kapunin ng ibang tao; at ang ibaʼy pinili nilang hindi mag-asawa alang-alang sa kaharian ng Langit. Ang sinumang may kayang tumanggap sa aral na ito, dapat niya itong tanggapin.”
13 Then little children were brought to him so he could lay hands on them and pray, but the disciples rebuked those bringing them. May mga taong nagdala ng maliliit na bata kay Hesus para ipatong niya sa mga ito ang kanyang kamay at ipanalangin. Ngunit sinaway sila ng mga alagad ni Hesus.
14 But Jesus said, "Let the little children come to me—don't stop them, for the kingdom of our Father belongs to ones like these." Sinabi ni Hesus sa mga alagad niya, “Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata. Huwag ninyo silang pigilan, dahil ang mga katulad nila ang makakapasok sa kaharian ng Langit.”
15 And he laid his hands on them and went on from there. Ipinatong nga niya ang kanyang kamay sa mga bata at pinagpala niya sila, at pagkatapos nitoʼy umalis siya.
16 Just then a man approached him and asked, "Teacher, what good must I do to obtain eternal life?" May isang lalaki naman na lumapit kay Hesus at nagtanong, “Guro, ano po ang mabuti kong gawin para magkaroon ng buhay na walang hanggan?”
17 He said to him, "Why ask me about what is good? Only one is good. If you want to enter life, keep the commandments." Sumagot si Hesus, “Bakit itinatanong mo sa akin kung ano ang mabuti? Iisa lang ang mabuti, at walang iba kundi ang Diyos. Kung gusto mong magkaroon ng buhay na walang hanggan, sundin mo ang mga utos niya.”
18 "Which ones?" he asked. Jesus said, "Do not murder, do not commit adultery, do not steal, do not testify falsely, “Alin po sa mga ito?” tanong ng lalaki. Sumagot si Hesus, “Huwag kang papatay, huwag kang mangangalunya, huwag kang magnanakaw, huwag kang sasaksi ng kasinungalingan,
19 honor your father and mother, and love your neighbor as yourself." igalang mo ang iyong mga magulang, at ‘mahalin mo ang kapwa mo tulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili.’”
20 The young man said to him, "All these I have kept. What do I still lack?" Sinabi ng lalaki, “Sinusunod ko po ang lahat ng iyan. Ano pa po ang kulang sa akin?”
21 Jesus told him, "If you want to be complete, go, sell your possessions and give to the poor—you'll have treasure in heaven—then come, follow me." Sumagot si Hesus, “Kung nais mong maging ganap, umuwi ka at ipagbili ang iyong mga ari-arian at ipamigay mo ang mapagbebentahan sa mga mahihirap. At magkakaroon ka ng kayamanan sa langit. Pagkatapos, bumalik ka at sumunod sa akin.”
22 When the young man heard this, he went away grieving, because he had great wealth. Nang marinig iyon ng binata, umalis siyang malungkot, dahil napakayaman niya.
23 Jesus said to his disciples, "Truly, I tell you: a rich person will hardly enter our Father's kingdom. Kaya sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, napakahirap para sa isang mayaman ang makapasok sa kaharian ng Langit.
24 I tell you again: a camel fits through the eye of a needle easier than a rich person enters our Father's kingdom." Mas madali pang makapasok ang kamelyo sa butas ng karayom kaysa sa makapasok ang isang mayaman sa kaharian ng Diyos.”
25 When the disciples heard this, they were greatly astonished and asked, "Who then can be saved?" Nabigla ang mga alagad nang marinig nila ito, kaya nagtanong sila, “Kung ganoon po, sino na lang ang maliligtas?”
26 Jesus looked at them and said, "This is impossible for people, but everything is possible with our Father." Tiningnan sila ni Hesus at sinabi, “Imposible ito sa tao; ngunit sa Diyos, ang lahat ay posible.”
27 Then Peter said to him, "Look, we've left everything and followed you. What then will we have?" Nagsalita si Pedro, “Paano naman po kami? Iniwan namin ang lahat para sumunod sa inyo. Ano po ang mapapala namin?”
28 Jesus told them, "Truly: in the renewal, when the Son of Man sits on his glorious throne, you who followed me will also sit on twelve thrones, judging the twelve tribes of Israel. Sumagot si Hesus, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, darating ang araw na babaguhin ng Diyos ang mundo, at ang Anak ng Tao ay uupo sa kanyang dakilang trono. At kayong mga alagad ko ay uupo rin sa labindalawang trono upang husgahan ang labindalawang lahi ng Israel.
29 "Everyone who has left houses or brothers or sisters or father or mother or children or fields for my name will receive one hundred times more and inherit eternal life. At ang sinumang iniwan ang kanyang bahay, mga kapatid, mga magulang, mga anak, o mga lupa dahil sa akin ay tatanggap ng mas marami pa kaysa sa kanyang iniwan, at tatanggap din siya ng buhay na walang hanggan.
30 But many who are first will be last, and many who are last will be first." Maraming dakila ngayon ang magiging hamak, at maraming hamak ngayon ang magiging dakila.”
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]