Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Matthew 18 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 At that time the disciples came to Jesus, asking, "Who, then, is greatest in the kingdom of our Father?" Nang oras ding iyon, lumapit kay Hesus ang kanyang mga alagad at nagtanong, “Sino po ba ang pinakadakila sa kaharian ng Langit?”
2 Calling a little child to him, he placed the child among them, Tinawag ni Hesus ang isang maliit na bata at pinatayo sa harapan nila,
3 and said, "I tell you truly: unless you turn and become like little children, you'll never enter our Father's kingdom. at sinabi, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, kung hindi kayo magbabago at magiging tulad ng maliliit na bata, hindi kayo makakapasok sa kaharian ng Langit.
4 Whoever therefore humbles himself like this little child is the greatest in the kingdom of our Father. Ang sinumang nagpapakababa tulad ng batang ito ang siyang pinakadakila sa kaharian ng Langit.
5 And whoever welcomes one such little child in my name welcomes me." At ang sinumang tumatanggap sa batang tulad nito dahil sa akin ay tumatanggap din sa akin.
6 "But whoever trips up one of these little ones who believe in me—better to hang a heavy millstone on his neck and drown him in the depths of the sea." “Ngunit ang sinumang magiging dahilan ng pagkakasala ng maski isa sa maliliit na batang ito na sumasampalataya sa akin ay mabuti pang talian ng gilingang bato sa leeg at lunurin sa pusod ng dagat.
7 "Disaster for the world because of things that cause stumbling! They must come, but disaster for whoever brings them. “Nakakaawa ang mundong ito dahil sa mga bagay na naging dahilan ng pagkakasala ng mga tao. Kung sabagay, dumarating naman talaga ang mga ito, ngunit mas nakakaawa ang taong nagiging dahilan ng pagkakasala ng kanyang kapwa.
8 If your hand or foot makes you stumble, cut it off, throw it away. Better to enter life crippled or lame than keep both hands or both feet and be thrown into the eternal fire." Kaya nga, kung ang kamay o paa mo ang dahilan ng iyong pagkakasala, putulin mo ito at itapon. Mas mainam pang isa lang ang kamay o paa mo ngunit mayroon kang buhay na walang hanggan, kaysa sa dalawa ang kamay o paa mo ngunit itatapon ka naman sa walang hanggang apoy.
9 If your eye trips you up, tear it out and throw it away. Better to enter life with one eye than to keep both and be thrown into hell's fire. At kung ang mata mo ang dahilan ng iyong pagkakasala, dukitin mo ito at itapon! Mas mabuti pang isa lang ang iyong mata ngunit mayroon kang buhay na walang hanggan, kaysa sa dalawa nga ang iyong mata ngunit itatapon ka naman sa apoy ng impiyerno.
10 "See that you don't look down on one of these little ones. I tell you, their angels in heaven always see my Father's face in heaven." “Tiyakin ninyong hindi nʼyo hahamakin ang kahit isa sa maliliit na batang ito, dahil tandaan nʼyo: Ang mga anghel na nagbabantay sa kanila ay laging nasa harapan ng aking Ama sa langit. [
11 Not in this edition Sapagkat ang Anak ng Tao ay naparito sa mundo para iligtas ang mga naliligaw.]
12 "What do you think? If a man has one hundred sheep and one wanders off, won't he leave the ninety-nine on the hills and go look for the one that wandered? “Ano sa palagay ninyo? Kung ang isang tao ay may isang daang tupa at nawala ang isa, hindi baʼt iiwan niya ang siyamnapuʼt siyam sa burol at hahanapin ang nawawala?
13 If he finds it, I assure you: he rejoices over it more than over the ninety-nine that never strayed. Sinasabi ko sa inyo ang totoo, kapag nakita na niya ang nawalang tupa, mas matutuwa pa siya rito kaysa sa siyamnapuʼt siyam na hindi nawala.
14 So it is not your Father in heaven's will that one of these little ones perish.' Ganito rin naman ang nararamdaman ng inyong Amang nasa langit. Ayaw niyang mapahamak ang kahit isa sa maliliit na batang ito.
15 "If your brother sins against you, go, show him his fault—you and he alone. If he listens, you've won your brother over. “Kung magkasala sa iyo ang iyong kapatid, puntahan mo siya at kausapin nang sarilinan. Pagsabihan mo siya tungkol sa ginawa niya. Kung makikinig siya sa iyo, magkakaayos kayong muli at mapapanumbalik ang inyong magandang samahan.
16 But if he won't listen, bring one or two more with you, so every matter stands by the mouth of two or three witnesses. Subalit kung ayaw niyang makinig sa iyo, magsama ka ng isa o dalawa pa upang ang lahat ng mapag-usapan ay mapapatotohanan ng dalawa o tatlong saksi.
17 If he won't listen to them, tell the church. If he won't listen to the church either, treat him like an outsider or a tax collector. Kung ayaw niyang makinig sa kanila, ipaalam ito sa iglesya, at kung pati sa iglesya ay ayaw niyang makinig, ituring ninyo siya bilang isang taong hindi kumikilala sa Diyos o isang tiwaling maniningil ng buwis.
18 Truly I tell you, whatever you bind on earth will be bound in heaven, and whatever you loose on earth, loosed in heaven. “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, anuman ang ipagbawal ninyo sa lupa ay ipagbabawal din sa langit, at anuman ang ipahintulot ninyo sa lupa ay ipapahintulot din sa langit.
19 Again, truly I tell you: if two of you on earth agree about anything they ask, my Father in heaven will do it for them. “Sinasabi ko rin sa inyo na kung magkasundo ang dalawa sa inyo rito sa mundo na ipanalangin ang anumang bagay, ipagkakaloob ito ng aking Amang nasa langit.
20 For where two or three are gathered together in my name, there I am among them." Sapagkat kung saan may dalawa o tatlong nagkakatipon dahil sa akin, kasama nila ako.”
21 Then Peter came to Jesus: "Lord, how many times must I forgive my brother who sins against me? Up to seven times?" Lumapit si Pedro kay Hesus at nagtanong, “Panginoon, hanggang ilang beses ko po ba patatawarin ang isang kapatid na nagkakasala sa akin? Hanggang pitong beses po ba?”
22 Jesus answered, "I tell you, not seven times, but seventy-seven times. Sumagot si Hesus, “Hindi lang pitong beses kundi pitumpuʼt pitong beses.
23 So the kingdom of our Father is like a king who wanted to settle accounts with his servants. “Sapagkat ang paghahari ng Langit ay maihahalintulad sa isang hari na ipinatawag ang kanyang mga alipin para singilin sa kanilang mga utang.
24 When he began settling accounts, a man owing a fortune was brought to him. Nang simulan na niya ang paniningil, dinala sa kanya ang isang alipin na nagkautang sa kanya ng milyon-milyon.
25 Since he could not pay, his master ordered him and his wife, children, and all he had sold, and the debt repaid." Dahil hindi siya makabayad, iniutos ng hari na ipagbili siya, pati ang kanyang asawaʼt mga anak, at lahat ng kanyang ari-arian, para mabayaran ang kanyang utang.
26 So the servant knelt before him, pleading, "Be patient with me, and I will repay everything. “Nagmamakaawang nagpatirapa ang aliping iyon sa hari, ‘Bigyan nʼyo pa po ako ng panahon, at babayaran kong lahat ang utang ko.’
27 The master of that servant, his heart moved with compassion, released him and forgave him the debt." Naawa sa kanya ang hari, kaya pinalaya siya at pinatawad na lang sa kanyang utang.
28 "That servant then went out, found a fellow servant who owed him one hundred days' wages, grabbed him, and began choking him: 'Pay back what you owe me!'" “Ngunit pagkaalis ng aliping iyon, nakasalubong niya ang isang kapwa alipin na may utang sa kanya ng ilang libo. Sinunggaban niya ito at sinakal, sabay sabi, ‘Bayaran mo ang utang mo sa akin.’
29 So his fellow servant knelt and pleaded with him, "Be patient with me; I'll repay you. “Nagpatirapa ang kapwa niya alipin at nagmakaawa, ‘Bigyan mo pa ako ng panahon, at babayaran kita.’
30 But he refused, went and threw him into prison until he paid the debt. “Ngunit hindi siya pumayag. Sa halip, ipinakulong niya ang kapwa niya alipin hanggang sa makabayad ito.
31 Seeing what had happened, his fellow servants were deeply grieved, went, and told their master all that had happened." Nang makita ito ng iba pang alipin, sumama ang loob nila, kaya pumunta sila sa hari at isinumbong ang lahat ng nangyari.
32 Then the master summoned him. "Wicked servant," he said, "I forgave you all that debt because you begged me. “Ipinatawag ng hari ang alipin at sinabi sa kanya, ‘Napakasamá mong alipin! Pinatawad kita sa utang mo dahil nagmakaawa ka sa akin.
33 Shouldn't you also have shown your fellow servant mercy, as I showed you mercy? Hindi ba dapat naawa ka rin sa kapwa mo alipin gaya ng pagkaawa ko sa iyo?’
34 Furious, his master handed him to the torturers until he repaid the whole debt. Sa galit ng hari, ipinakulong niya ang alipin hanggang sa mabayaran nito ang lahat ng utang niya.
35 My heavenly Father will do the same to you, unless each forgives his brother from the heart." “Ganyan din ang gagawin ng aking Amang nasa langit kung hindi kayo buong pusong magpapatawad sa inyong kapwa.”
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]