Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Leviticus 6 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Our Father spoke to Moses: Sinabi pa ng Panginoon kay Moises,
2 "If anyone sins, unfaithful to your Father, by deceiving his neighbor about a deposit, a pledge, or stolen goods, or by cheating him, “Kung may taong nagkasala at hindi naging tapat sa Panginoon dahil sa pandaraya nito sa kanyang kapwa tungkol sa bagay na ipinatago o iniwan sa kanya, o pagnanakaw ng mga bagay na iyon, o pagsasamantala,
3 or if he finds lost property and lies about it, swearing falsely—any such act by which a person sins. o pagsisinungaling tungkol sa isang bagay na nawala na hindi raw niya nakita, o pagsumpa ng kasinungalingan na hindi niya nagawa ang alinman sa mga kasalanang nabanggit.
4 When he sins and is guilty, he must return what he stole, or extorted, or the deposit entrusted to him, or the lost item he found, Kapag napatunayan na talagang nagkasala siya, kinakailangang ibalik niya ang kanyang ninakaw, o ang anumang nakuha niya sa pandaraya, o ang mga bagay na iniwan o ipinatago sa kanya, o ang mga bagay na nawala na nakita niya,
5 or whatever he swore falsely about, he must repay it in full, add a fifth to it, and give it to its owner on the day he admits his guilt. o anumang bagay na ayon sa kanyang panunumpa ay wala sa kanya, pero ang totoo ay nasa kanya. Kinakailangan niya itong ibalik sa may-ari na walang kulang at dadagdagan pa ng 20 porsiyento ng halaga nito. Ibibigay niya ito sa may-ari sa araw na maghahandog siya bilang pambayad sa kanyang kasalanan.
6 He must bring his guilt offering to your Father: a ram without defect from the flock, at your valuation, as a guilt offering, to the priest. Magdadala siya sa pari ng isang tupang walang kapintasan, at ihahandog niya ito sa Panginoon bilang kabayaran sa kanyang kasalanan. At kinakailangang ang halaga nito ay ayon sa bigat ng pilak sa timbangan na ginagamit ng mga pari.
7 The priest will atone for him before your Father, and he'll be forgiven for whatever he did that made him guilty." Sa pamamagitan ng gagawing ito ng pari, matutubos ang tao sa kanyang kasalanan, at siyaʼy patatawarin ng Panginoon sa alinmang kasalanang nabanggit na kanyang nagawa.”
8 Then our Father spoke to Moses: Sinabi ng Panginoon kay Moises,
9 "Command Aaron and his sons: This is the law for the burnt offering. It stays on the altar's hearth all night until morning, and the altar fire must keep burning on it. “Ibigay mo kay Aaron at sa mga anak niyang lalaki ang utos na ito: ‘Ito ang mga tuntuning kailangang sundin tungkol sa handog na sinusunog. Ang handog na ito ay kinakailangang iwanan sa altar hanggang umaga, at kinakailangang patuloy ang pagningas ng apoy sa altar; huwag itong pabayaang mamatay.
10 The priest is to wear his linen garment, with linen undergarments against his skin, then remove the ashes left after the fire consumes the burnt offering on the altar, and place them beside the altar. Pagkaumaga, isusuot ng pari ang mga kasuotan niyang gawa sa telang lino: ang damit pang-ilalim na tatakip sa kanyang kahubaran at ang damit-panlabas. Kukunin niya ang abo ng handog na iyon at ilalagay sa tabi ng altar.
11 Then he removes his garments, puts on others, and carries the ashes outside the camp to a clean place. Pagkatapos, magpapalit siya ng damit at dadalhin niya ang abo sa labas ng kampo sa itinuturing na malinis na lugar.
12 The altar fire must keep burning; it must not go out. Every morning the priest adds wood on it, arranges the burnt offering on it, and burns the fat of the peace offerings on it. Kinakailangang ang apoy sa altar ay patuloy na nagniningas. Huwag itong papatayin. Tuwing umagaʼy gagatungan ito ng pari, at aayusin nang mabuti ang mga handog na sinusunog sa itaas ng mga panggatong pati na ang mga taba ng hayop mula sa inialay na handog pangkapayapaan.
13 The fire must be kept burning on the altar continually; it must not go out. Patuloy na paniningasin ang apoy sa altar, at huwag itong pabayaang mamatay.
14 "This is the law of the grain offering: Aaron's sons must bring it before your Father, in front of the altar. “ ‘Ito ang mga tuntuning kailangang sundin tungkol sa handog na pagkaing butil: Ang mga anak ni Aaron ang magdadala nito sa Panginoon sa harap ng altar.
15 The priest takes a handful of the grain offering's fine flour and oil, with all its frankincense, and burns this memorial portion on the altar as a pleasing aroma to your Father. Dadakot ang pari sa handog na harinang may halong langis ng olibo at insenso, dadalhin niya ito sa altar at sunugin bilang tanda na ito ay handog para sa Panginoon. Itoʼy handog na pagkaing nakalulugod ang samyo sa Panginoon.
16-17 Aaron and his sons eat what remains; it must be eaten without yeast in a holy place, eaten in the courtyard of the tent of meeting. Ang natitirang harina ay kakainin ni Aaron at ng kanyang mga anak angkan. Ngunit kailangang itoʼy lulutuin nang walang pampaalsa, at doon nila kakainin sa banal na lugar sa bakuran ng Toldang Tipanan. Inilaan iyon ng Panginoon para sa kanila bilang bahagi ng pagkaing handog na inialay sa kanya. Ito ay napakabanal, katulad ng handog para sa kasalanan, at handog bilang kabayaran ng pagkakasala.
17 Do not bake it with yeast. I've given it as their share of my food offerings, like the sin and guilt offerings; it is most holy. Not in this edition
18 Every male of Aaron's descendants may eat it—a lasting portion through your generations from your Father's food offerings. Whatever touches them becomes holy." Ang lahat ng lalaking mula sa angkan ni Aaron hanggang sa kahuli-hulihang angkan ay maaaring kumain nito, dahil ito palagi ang kanilang bahagi sa pagkaing handog na inialay sa Panginoon hanggang sa susunod pang mga henerasyon. Ang sinumang hahawak ng mga handog na ito ay magiging banal.’ ”
19 Our Father said to Moses: Sinabi pa ng Panginoon kay Moises,
20 "This is Aaron and his sons' offering to your Father on the day he is anointed: about two quarts of fine flour as a regular grain offering, half in the morning, half in the evening. “Ito ang iaalay sa akin ni Aaron at ng kanyang mga anak sa araw ng paghirang sa kanya bilang punong pari, at siya ring gagawin ng angkan niyang papalit sa kanya. Maghahandog siya ng dalawang kilo ng magandang klase ng harina. Ito ay handog na pagkaing butil para sa Panginoon na dapat gawin magpakailanman. Ang kalahati nitoʼy ihahandog niya sa umaga at ang kalahati naman ay sa hapon.
21 Prepare it with oil on a griddle, bring it well-kneaded, present the grain offering in broken pieces—a pleasing aroma to your Father. Ang harinang ito ay hahaluan ng mantika at lulutuin sa kawali, pagpipira-pirasuhin at ihahandog sa Panginoon bilang handog na pagkaing butil. Itoʼy handog na pagkaing nakalulugod ang samyo sa Panginoon.
22 The anointed priest who succeeds him from among his sons must prepare it—a lasting decree before your Father: it must be burned completely. Kinakailangang sunugin itong lahat, dahil itoʼy handog para sa Panginoon. Dapat itong sundin magpakailanman. Kailangang gawin ito ng angkan ni Aaron na papalit sa kanya bilang punong pari.
23 Every grain offering of a priest is to be burned completely; it must not be eaten." Ang lahat ng handog na pagkaing butil ng mga pari ay kinakailangang sunugin, hindi ito maaaring kainin.”
24 Again our Father spoke to Moses: Sinabi pa ng Panginoon kay Moises,
25 "Tell Aaron and his sons: this is the law of the sin offering: slaughter it before your Father, where the burnt offering is slaughtered; it is most holy. “Sabihin mo ito kay Aaron at sa mga anak niyang lalaki: ‘Ito ang mga tuntuning kailangang sundin tungkol sa handog para sa kasalanan: Ang handog para sa kasalanan ay kinakailangang patayin sa harapan ng Panginoon doon sa patayan ng handog na sinusunog. Ang handog para sa kasalanan ay napakabanal.
26 The priest who offers it for sin must eat it; it must be eaten in a holy place, in the tent of meeting's courtyard. Ang paring maghahandog nito ang siyang dapat kumain nito sa isang banal na lugar sa bakuran ng Toldang Tipanan.
27 Whatever touches its flesh becomes holy. If its blood spatters a garment, wash the spattered spot in a holy place. Ang lahat ng hahawak nito ay magiging banal. Ang damit na matatalsikan ng dugo ng handog na itoʼy dapat labhan sa isang banal na lugar.
28 The clay pot it is boiled in must be broken; if boiled in a bronze pot, it must be scoured and rinsed with water. Ang palayok na pinaglutuan ng handog na ito ay dapat basagin. Ngunit kung kaldero, itoʼy dapat kuskusin at hugasang mabuti ng tubig.
29 Every male among the priests may eat it; it is most holy. Ang lahat ng lalaki sa sambahayan ng pari ay maaaring kumain. Itoʼy napakabanal na handog.
30 No sin offering whose blood is brought into the tent of meeting to atone in the Holy Place may be eaten; it must be burned with fire." Ngunit kung ang dugo ng handog para sa kasalanan ay dinala roon sa Banal na Lugar sa loob ng Tolda para sa kapatawaran ng kasalanan, hindi maaaring kainin ang natirang karne na inihandog. Kailangang sunugin ito.’ ”
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]