Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Leviticus 5 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 "If anyone sins by hearing a public call to testify, and is a witness, having seen or known, yet stays silent, he bears his guilt. “ ‘Kung ang isang taoʼy nagkasala dahil tumanggi siyang tumayo bilang saksi sa hukuman para sa pangyayaring kanyang nakita o nalalaman, may pananagutan siya.
2 "Or if someone unknowingly touches any unclean thing, or a carcass—unclean wild animal, unclean livestock, or unclean swarming creature—he becomes unclean and guilty. “ ‘Kung ang isang taoʼy nakahipo ng anumang bagay na itinuturing na marumi, katulad ng mga patay na hayop, maamo man o hindi, o kayaʼy ang mga hayop na gumagapang, siyaʼy naging marumi at nagkasala rin kahit wala siyang malay na nakahipo siya.
3 "Or if he touches human impurity—any impurity that makes one unclean—unknowingly, then learns of it, he is guilty. Kung siyaʼy nakahipo ng mga maruming bagay ng tao, kahit hindi niya alam na siyaʼy naging marumi, ituturing pa ring siyaʼy nagkasala kapag nalaman niya.
4 "Or if anyone rashly swears an oath to do evil or good—whatever people rashly swear—and it's hidden from him, when he realizes it, he's guilty in any of these. Kung ang isang tao ay nanumpa nang padalos-dalos, mabuti man o masama ang isinumpa niya, siyaʼy nagkasala kapag nalaman niya ang kanyang ginawa.
5 When anyone is guilty in any of these matters, he must confess the sin he has committed. Kapag nalaman ng isang tao na nagkasala siya ng alinman sa mga nabanggit, kinakailangang ipahayag niya ang kanyang kasalanan.
6 He must bring our Father a penalty offering for the sin he committed—a female from the flock, a lamb or goat—as a sin offering; the priest will atone for his sin. At bilang kabayaran sa kasalanang nagawa niya, mag-aalay siya sa Panginoon ng babaeng tupa o kambing bilang handog para sa kasalanan. Ihahandog ito ng pari upang matubos ang nag-alay sa kanyang kasalanan.
7 "If he can't afford a lamb, he must bring our Father two turtledoves or two young pigeons as penalty for his sin—one as a sin offering, the other as a burnt offering. “ ‘Ngunit kung walang kakayahan ang isang tao na mag-alay ng tupa, maaari siyang mag-alay ng dalawang kalapati o dalawang ibon na batu-bato sa Panginoon bilang handog para sa kasalanan. Ang isaʼy bilang handog para sa kasalanan at ang isaʼy bilang handog na sinusunog.
8 He brings them to the priest, who presents the sin offering first, wringing its head at the neck without separating it. Dadalhin niya ito sa pari at ang unang ihahandog ng pari ay ang handog para sa kasalanan. Pipilipitin ng pari ang leeg ng ibon pero hindi ito puputulin.
9 He sprinkles some blood from the sin offering on the altar's side; the rest drains at its base. It is a sin offering. At ang dugo nitoʼy iwiwisik niya sa paligid ng altar, at ang natitirang dugo ay ibubuhos sa ilalim ng altar. Ito ang handog para sa kasalanan.
10 The second bird he offers as a burnt offering, per the rule. The priest atones for his sin, and he is forgiven. Ihahandog din ng pari ang isa panghandog bilang handog na sinusunog ayon sa paraan ng paghahandog nito. Ganito ang paraan na gagawin ng pari para matubos ang tao sa kanyang kasalanan at siyaʼy patatawarin.
11 "But if he cannot afford two doves or two young pigeons, he must bring two quarts of fine flour as his sin offering—no oil or incense on it, for it is a sin offering. “ ‘Subalit kung wala siyang kakayahang mag-alay ng dalawang kalapati o dalawang ibon na batu-bato, maaari siyang mag-alay ng dalawang kilo ng magandang klaseng harina bilang handog para sa kasalanan. Hindi niya ito dapat lagyan ng langis ng olibo at insenso dahil itoʼy handog para sa kasalanan.
12 He must bring it to the priest, who takes a handful as its memorial portion and burns it on the altar atop our Father's fire offerings. It is a sin offering. Dadalhin niya ito sa pari at babawasan ng pari ng isang dakot bilang tanda na iyon ay handog sa Panginoon. Ang isang dakot na iyon ay susunugin ng pari sa altar pati ang iba pang mga pagkaing handog na inialay sa Panginoon. Ito ang handog para sa kasalanan.
13 The priest will atone for him for any of these sins he committed, and he'll be forgiven; the rest belongs to the priest, like the grain offering." Sa pamamagitan ng gagawing ito ng pari, matutubos ang tao sa anumang kasalanang nagawa niya at siyaʼy patatawarin. Ang natirang handog na harina ay sa pari na, gaya ng ginagawa sa handog na pagkaing butil.’ ”
14 Then our Father said to Moses, Ibinigay din ng Panginoon ang utos na ito kay Moises:
15 "If anyone is unfaithful and sins unintentionally against any of our Father's holy things, he must bring our Father a ram without defect from the flock as his guilt offering, valued in silver by weight by the sanctuary standard—a guilt offering. “Kapag ang isang taoʼy lumabag sa utos ng Panginoon dahil nakalimutan niyang ibigay ang alin man sa mga bagay na nauukol sa Panginoon, kailangang mag-alay siya ng lalaking tupa na walang kapintasan bilang kabayaran ng kanyang pagkakasala. Maaari rin siyang magbayad ng pilak na katumbas ng halaga ng lalaking tupa ayon sa pamantayan ng Tabernakulo. Itoʼy handog bilang kabayaran ng pagkakasala.
16 He must repay for the holy thing he sinned against, adding a fifth, and give it to the priest. The priest will atone for him with the guilt-offering ram, and he'll be forgiven. Kinakailangan niyang bayaran ang hindi niya naibigay na nauukol sa Panginoon, at dadagdagan pa niya ng 20 porsiyento ng halagang hindi niya naibigay. Ibibigay niyang lahat ito sa paring maghahandog ng tupa bilang kabayaran ng kanyang pagkakasala at siyaʼy patatawarin.
17 "If anyone sins, doing what our Father commanded not to be done, even unknowingly, he is guilty and bears his wrongdoing. “Kung may tao namang lumabag sa utos ng Panginoon nang hindi niya nalalaman, siyaʼy nagkasala pa rin at may pananagutan sa Panginoon.
18 He must bring the priest a flawless ram from the flock, at the assessed value, as a guilt offering; the priest will atone for his unwitting sin, and he'll be forgiven. Bilang handog na kabayaran ng kanyang pagkakasala, kinakailangang magdala ang taong iyon sa pari ng lalaking tupa na walang kapintasan o kayaʼy bumili sa katumbas na halaga ng lalaking tupa ayon sa bigat ng pilak sa timbangan na ginagamit ng mga pari. Sa pamamagitan ng gagawing ito ng pari, lilinisin ang tao sa kanyang kasalanang di-sinasadya upang siyaʼy ituring na matuwid ng Diyos at siyaʼy patatawarin.
19 It is a guilt offering; he was certainly guilty before our Father." Ang handog na itoʼy magsisilbing handog bilang kabayaran ng pagkakasala sapagkat nagkasala ang taong iyon sa Panginoon.”
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]