Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Leviticus 7 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 "This is the law of the guilt offering. It is most holy. “ ‘Ito ang mga tuntunin tungkol sa handog bilang kabayaran ng pagkakasala. Napakabanal ng handog na ito.
2 Where they slaughter the burnt offering, they must slaughter the guilt offering; splatter its blood on all sides of the altar. Ang handog bilang kabayaran ng pagkakasala ay doon papatayin sa patayan ng mga handog na sinusunog. At ang dugo nitoʼy iwiwisik sa paligid ng altar.
3 All its fat is offered: the fat tail and fat covering the inner organs, Ang lahat ng taba nito ay ihahandog – ang matabang buntot, ang tabang bumabalot sa lamang-loob,
4 the two kidneys and their fat at the loins, and the liver's long lobe, removed with the kidneys. ang mga bato at ang taba nito, pati na ang maliit na bahagi ng atay.
5 The priest burns them on the altar as a food offering to our Father; a guilt offering. Lahat ng itoʼy susunugin ng pari sa altar bilang handog sa Panginoon sa pamamagitan ng apoy. Itoʼy handog bilang kabayaran ng pagkakasala.
6 Any male priest may eat it, eaten only in a holy place; it is most holy. Ang matitira ay maaaring kainin ng mga lalaking anak ng mga pari, pero dapat nila itong kainin sa isang banal na lugar dahil napakabanal nito.
7 "The sin offering and guilt offering share one law: it belongs to the priest who makes atonement with it. “ ‘Iisa ang tuntunin sa handog para sa kasalanan at sa handog bilang kabayaran ng pagkakasala. Ang karne sa mga handog na ito ay para sa paring naghandog nito.
8 The priest who offers anyone's burnt offering keeps its hide for himself. Ang balat naman ng hayop na inialay bilang handog na sinusunog ay para rin sa paring nag-alay nito.
9 Any grain offering baked in an oven, and all made in a pan or on a griddle, belongs to the priest who offers it. Ganoon din sa lahat ng handog na butil na inialay bilang handog na pagkaing butil sa Panginoon, na niluto sa hurno o sa kawali.
10 Every grain offering, mixed with oil or dry, belongs equally to all Aaron's sons. At ang lahat ng handog na pagkaing butil, may halo man itong langis ng olibo o wala ay para na sa mga paring mula sa angkan ni Aaron at paghahati-hatian nila ito ng pantay-pantay.
11 "This is the law of the sacrifice of peace offerings that anyone may bring to our Father. “ ‘Ito ang mga tuntunin tungkol sa handog pangkapayapaan na iniaalay sa Panginoon:
12 If he presents it as a thank offering, with it he must offer unleavened cakes mixed with oil, unleavened wafers coated with oil, and cakes of fine flour well kneaded and mixed with oil. “ ‘Kung ang hayop na handog ay inialay bilang handog pasasalamat, sasamahan ito ng makapal na tinapay na hinaluan ng langis ng olibo ngunit walang halong pampaalsa, manipis na tinapay na pinahiran ng langis ng olibo, at tinapay na mula sa magandang klase ng harina na hinaluan ng langis ng olibo.
13 He must bring loaves of leavened bread with his thanksgiving sacrifice of peace offerings. Maliban dito, magdadala rin siya ng handog na tinapay na may pampaalsa bilang handog pangkapayapaan
14 From it he must give one of each as a contribution to our Father; it belongs to the priest who spatters the blood of the peace offerings. Mag-aalay siya mula sa bawat uri ng tinapay na ito bilang kaloob sa Panginoon. At ang mga tinapay na ito na iaalay ay para sa paring nagwiwisik ng dugo ng hayop na handog pangkapayapaan doon sa altar.
15 The meat of his thanksgiving peace offerings must be eaten the day it's offered; none of it may remain until morning. Ang karne ng handog pangkapayapaan bilang pasasalamat ay dapat kainin ng taong nag-alay nito at ng sambahayan niya at ng mga pari sa araw ding iyon, at dapat walang matira kinaumagahan.
16 "If his offering is a vow or voluntary sacrifice, it must be eaten the day he offers it; what remains may be eaten the next day. “ ‘Ngunit kung ang kanyang handog pangkapayapaan ay inialay niya bilang handog para tuparin ang isang panata o handog na kusang-loob, ang karne ay makakain sa araw ng paghahandog at ang matitira ay maaari pa ring kainin kinabukasan.
17 But any sacrifice flesh remaining on the third day must be burned in fire. At kung mayroon pa ring matira hanggang sa pangatlong araw, dapat na itong sunugin.
18 If any of his peace offering's meat is eaten on the third day, it won't be accepted, it won't count for the offerer—it's tainted, and whoever eats it bears his guilt. Kapag may kumain pa nito sa pangatlong araw, hindi na tatanggapin ng Panginoon ang handog na ito at magiging walang kabuluhan ang handog niya. Ang handog na ito ay ituturing na kasuklam-suklam at magiging pananagutan pa ng sinumang kumain nito.
19 "Flesh that touches anything unclean must not be eaten—burn that flesh in fire. But other flesh: anyone clean may eat it. “ ‘Kapag ang karne ay hindi sinasadyang nadikit sa anumang bagay na itinuturing na marumi, hindi na iyon dapat kainin, kundi susunugin na lang. Tungkol sa mga karneng maaaring kainin, itoʼy maaaring kainin ng sinumang itinuturing na malinis ayon sa batas.
20 Anyone who eats meat of our Father's peace offering while unclean will be cut off from his people. Ngunit ang sinumang itinuturing na marumi at kakain ng karneng handog pangkapayapaan para sa Panginoon ay ititiwalag ng kanyang kababayan.
21 Whoever touches anything unclean—human impurity, an unclean animal, or any unclean, detestable thing—then eats meat from our Father's peace offering, that person will be cut off from his people." Ang sinumang nakahipo ng mga bagay na itinuturing na marumi, katulad ng dumi o sakit ng taong nakakahawa, hayop na itinuturing na marumi, o anumang bagay na kasuklam-suklam at pagkatapos ay kumain ng karne na inihandog sa Panginoon ay huwag na ninyong ituring na kababayan.’ ”
22 Our Father spoke to Moses: Sinabi ng Panginoon kay Moises,
23 "Tell the people of Israel: Do not eat any fat from ox, sheep, or goat. “Sabihin mo ito sa mga Israelita: ‘Huwag kayong kakain ng taba ng baka, tupa o kambing.
24 Fat from a carcass or animal mauled by a predator may serve any purpose, but never eat it. Ang taba ng hayop na namatay o pinatay ng ibang hayop ay maaari ninyong gamitin sa anumang nais ninyo, pero huwag ninyong kakainin.
25 Anyone who eats fat from an animal offered to me by fire will be cut off from his people. Ang sinumang kakain ng taba ng hayop na maaaring ihandog sa Panginoon ay huwag na ninyong ituring na kababayan.
26 You must not eat any blood at all, from bird or animal, wherever you live. At saan man kayo tumira, huwag kayong kakain ng dugo ng hayop o ibon.
27 Anyone who eats any blood will be cut off from his people." Ang sinumang kakain ng dugo ay itiwalag na ninyo sa sambayanan.’ ”
28 Our Father spoke to Moses: Sinabi pa ng Panginoon kay Moises,
29 "Speak to the Israelites: Whoever presents his peace offering to me must bring his offering to me from that sacrifice. “Sabihin ito sa mga Israelita: ‘Ang sinumang mag-aalay ng handog pangkapayapaan ay dapat magbukod ng bahagi ng handog na iyon para sa Panginoon na ibibigay sa mga pari.
30 With his hands he must bring my food offerings; the fat with the breast he must bring, to wave the breast as a wave offering before me. At ang bahaging iyon ng handog na pagkain ay dadalhin mismo ng maghahandog sa altar upang ialay sa Panginoon; ang taba at pitso ng hayop, at itataas niya ang pitso sa presensya ng Panginoon bilang handog na itinataas.
31 The priest burns the fat on the altar; the breast belongs to Aaron and his sons. Pagkatapos, susunugin ng paring namumuno ng seremonya ang taba sa altar, pero ang pitso ay para kay Aaron at sa kanyang angkan.
32-33 You are to give the right thigh to the priest as a contribution from your peace offerings. Ang kanang hita ng hayop na inihandog bilang handog pangkapayapaan ay ibibigay sa paring naghahandog ng dugo at taba nito.
33 Whichever son of Aaron offers the peace offering's blood and fat gets the right thigh as his portion. Not in this edition
34 For I have taken the breast of the wave offering and thigh of the contribution from Israel's peace offerings, and given them to Aaron the priest and his sons as a permanent share from Israel." Sapagkat ibinigay ng Panginoon ang pitso at paa ng inyong handog sa paring si Aaron at sa kanyang mga angkan. Ito ang bahaging para sa kanila magpakailanman.’ ”
35 This is Aaron and his sons' portion from our Father's food offerings, from the day they were presented to serve our Father as priests. Iyon ang bahagi ng mga handog sa pamamagitan ng apoy para sa Panginoon na ibinigay kay Aaron at sa kanyang mga angkan mula sa araw na silaʼy itinalagang maglingkod sa Panginoon bilang mga pari.
36 Our Father commanded this be given them from the Israelites, the day he anointed them—a permanent share for all their generations. Nang araw na inordinahan sila, nag-utos ang Panginoon sa mga Israelita na dapat nilang ibigay ang bahaging iyon ng mga pari na para sa kanila magpakailanman, at dapat nila itong sundin hanggang sa susunod pang mga henerasyon.
37 This is the law for burnt offerings, grain offerings, sin offerings, guilt offerings, ordination offerings, and peace offerings, Iyon ang mga tuntunin para sa handog na sinusunog, handog na butil, handog para sa kasalanan, handog bilang kabayaran ng pagkakasala, handog para sa pagtatalaga at handog pangkapayapaan.
38 which our Father commanded Moses on Mount Sinai, the day he commanded the people of Israel to bring their offerings to our Father in the Wilderness of Sinai. Ang mga tuntuning ito ay ibinigay ng Panginoon kay Moises doon sa ilang sa Bundok ng Sinai, noong nag-utos ang Panginoon sa mga Israelita na maghandog sa kanya.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]