Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Leviticus 8 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Our Father spoke to Moses: Sinabi ng Panginoon kay Moises,
2-3 "Take Aaron and his sons with him, the garments, the anointing oil, the bull of the sin offering, the two rams, and the basket of yeast-free bread, “Papuntahin mo si Aaron at ang mga anak niyang lalaki roon sa pintuan ng Toldang Tipanan, at tipunin mo ang lahat ng Israelita doon. Sabihin mo sa mga pari na dalhin nila ang kanilang mga damit pampari, ang langis ng olibo na pamahid, ang toro na handog para sa kasalanan, ang dalawang lalaking tupa, at ang basket na may tinapay na walang pampaalsa.”
3 and assemble the whole congregation at the entrance of the tent of meeting." Not in this edition
4 Moses did as our Father commanded him; the assembly gathered at the entrance of the tent of meeting. Sinunod ni Moises ang iniutos sa kanya ng Panginoon, at nagtipon ang mga Israelita sa may pintuan ng Toldang Tipanan.
5 And Moses said to the congregation, "This is what our Father has commanded to be done." Sinabi ni Moises sa kanila, “Ito ang iniutos ng Panginoon na dapat nating gawin!”
6 Then Moses brought Aaron and his sons forward and washed them with water. Dinala niya sa gitna si Aaron at ang mga anak nitong lalaki at silaʼy pinaliguan.
7 He put the tunic on Aaron, tied the sash around him, dressed him in the robe, put the ephod on him, tied the ephod's skillfully woven band around him, and fastened it to him. Ipinasuot niya kay Aaron ang damit bilang punong pari: ang damit-panloob, ang sinturon, ang damit-panlabas, at ang espesyal na damit at binigkisang mabuti ng hinabing sinturon na maganda ang pagkakagawa.
8 He placed the breastpiece on him, and in the breastpiece he put the Urim and the Thummim. Ipinasuot din ni Moises sa kanya ang pektoral at doon inilagay ang Urim at Tumim.
9 He set the turban on Aaron's head, and on its front he set the gold plate, the holy crown, as our Father commanded Moses. At ipinasuot din niya ang turban sa ulo ni Aaron at sa harap ng turban ay ikinabit ang gintong sagisag ng pagtatalaga kay Aaron para sa Panginoon. Ginawang lahat ito ni Moises ayon sa iniutos sa kanya ng Panginoon.
10 Then Moses took the anointing oil and anointed the tabernacle and everything in it, and consecrated them. Pagkatapos, kinuha ni Moises ang langis ng olibo at winisikan ang Tolda at ang lahat ng nasa loob bilang pagtatalaga ng lahat ng ito para sa Panginoon.
11 He sprinkled some of it on the altar seven times, anointing the altar, all its utensils, and the basin with its stand, to dedicate them. Winisikan din niya ng langis ng olibo ang altar ng pitong beses at ang lahat ng kagamitan na naroon, pati ang planggana at ang patungan nito upang ihandog ang mga ito sa Panginoon.
12 He poured some anointing oil on Aaron's head and anointed him to dedicate him. Pagkatapos, binuhusan niya ng langis ng olibo ang ulo ni Aaron bilang pagtatalaga sa kanya sa Panginoon.
13 Then Moses brought Aaron's sons forward, dressed them in tunics, tied on sashes, and put caps on their heads, as our Father had commanded Moses. At pinalapit niya sa gitna ang mga anak ni Aaron at ipinasuot sa kanila ang kasuotan nila na pampari at nilagyan ng sinturon. Ipinasuot din sa kanila ang kanilang mga turban. Ginawa ito ni Moises ayon sa iniutos sa kanya ng Panginoon.
14 He brought the bull of the sin offering, and Aaron and his sons laid their hands on its head. Pagkatapos nitoʼy ipinakuha ni Moises ang toro na handog para sa kasalanan. At ipinatong ni Aaron at ng mga anak niya ang kanilang mga kamay sa ulo ng toro.
15 Moses slaughtered it, took the blood, and with his finger applied it to the altar's horns all around, purifying the altar. He poured the rest of the blood at the altar's base and dedicated the altar, making atonement for it. Pagkatapos, pinatay ni Moises ang toro at kumuha siya ng dugo. Inilubog niya ang kanyang daliri sa dugo at pinahiran niya ang parang sungay sa mga sulok ng altar para luminis ito. At ang natirang dugo ay ibinuhos niya sa ilalim ng altar. Sa ganitong paraan niya itinalaga ang altar para sa Panginoon upang maging karapat-dapat na lugar na pinaghahandugan ng mga pantubos sa kasalanan.
16 He took all the fat on the inner organs, the liver's lobe, and the two kidneys with their fat, and burned it on the altar. Kinuha rin ni Moises ang lahat ng taba ng lamang-loob ng baka, ang maliit na bahagi ng atay, ang mga bato pati ang taba nito, at sinunog niya ang lahat ng ito roon sa altar.
17 But the bull—hide, flesh, and waste—he burned outside the camp, as our Father commanded Moses. Ang mga natirang bahagi ng baka, tulad ng laman, balat at lamang-loob ay sinunog niya sa labas ng kampo. Ginawa ito ni Moises ayon sa iniutos ng Panginoon.
18 He brought the ram for the burnt offering; Aaron and his sons laid their hands on its head. Pagkatapos, ipinakuha ni Moises ang lalaking tupa bilang handog na sinusunog. Ipinatong ni Aaron at ng mga anak niyang lalaki ang kanilang mga kamay sa ulo ng tupa.
19 Moses slaughtered it and threw the blood against the sides of the altar. At pinatay ni Moises ang tupa at iwinisik ang dugo sa paligid ng altar.
20-21 He cut the ram into pieces and burned the head, the pieces, and the fat. Kinatay niya ang tupa at hinugasan ang mga lamang-loob at paa, at saka sinunog lahat doon sa altar pati na ang ulo at taba bilang handog na sinusunog. Itoʼy handog na pagkaing nakalulugod ang samyo sa Panginoon. Ginawa ito ni Moises ayon sa utos sa kanya ng Panginoon.
21 He washed the inner organs and legs in water, then burned the whole ram on the altar—a burnt offering, a pleasing aroma, a food offering to our Father, as our Father commanded Moses. Not in this edition
22 He brought the second ram, the ram of ordination, and Aaron and his sons laid their hands on its head. Ipinakuha rin ni Moises ang pangalawang lalaking tupa. Ito ang handog para sa pagtatalaga. Ipinatong ni Aaron at ng mga anak niyang lalaki ang mga kamay nila sa ulo ng tupa.
23 Moses slaughtered it, took some of its blood, and put it on Aaron's right earlobe, right thumb, and right big toe. At kinatay ni Moises ang tupa, kumuha siya ng dugo nito at ipinahid sa ibabang bahagi ng kanang tainga ni Aaron at sa kanang hinlalaki ng kamay at paa niya.
24 Moses brought Aaron's sons near and put blood on their right earlobes, thumbs, and big toes, then splashed the rest against the altar's sides. Pinapunta rin ni Moises sa gitna ang mga anak ni Aaron at pinahiran din niya ng dugo sa ibabang bahagi ng kanang tainga nila, at ang kanang hinlalaki ng kanilang kamay at paa. Pagkatapos, iwinisik niya ang natirang dugo sa palibot ng altar.
25 He took the fat, the fat tail, all the fat on the intestines, the liver's long lobe, the two kidneys with their fat, and the right thigh. Kinuha rin niya ang mga taba, ang matabang buntot, ang lahat ng taba sa lamang-loob, ang maliit na bahagi ng atay, ang mga bato pati ang taba nito, at ang kanang hita.
26-27 From the basket of unleavened bread before our Father, he took one cake, one oiled cake, and one wafer, and put them on the fat and the right thigh. Pagkatapos, kumuha rin si Moises ng tinapay mula sa basket na inihandog sa Panginoon – isang makapal na tinapay na walang pampaalsa, isang tinapay na may halong langis ng olibo at isang tinapay na manipis. Pinahawakan niya ang lahat ng ito kay Aaron at sa mga anak niya pati na ang lahat ng taba at ang kanang hita ng tupa. At itinaas nila ito sa presensya ng Panginoon bilang handog na itinataas.
27 He put all these in Aaron's and his sons' hands, and waved them as a wave offering before our Father. Not in this edition
28 Moses took them from their hands and burned them on the altar with the burnt offering—an ordination offering, a pleasing aroma, a food offering to our Father. Pagkatapos, kinuha iyon ni Moises sa kanila at sinunog sa altar kasama ng handog na sinusunog. Iyon ang handog bilang pagtatalaga sa kanila. Itoʼy handog na pagkaing nakalulugod ang samyo sa Panginoon.
29 Moses took the breast and waved it as a wave offering before our Father—Moses's portion from the ram of ordination, as our Father commanded him. Kinuha rin ni Moises ang pitso ng tupa at itinaas sa presensya ng Panginoon bilang handog na itinataas. Ito ang bahagi niya sa tupang handog ng pagtatalaga. Ang lahat ng itoʼy ginawa ni Moises ayon sa iniutos sa kanya ng Panginoon.
30 Moses took some anointing oil and some blood from the altar and sprinkled it on Aaron and his garments, on his sons and their garments. So he consecrated Aaron and his garments, and his sons and their garments with him. Pagkatapos, kumuha si Moises ng banal na langis ng olibo at ng dugo mula sa altar at winisikan niya si Aaron at ang mga anak niya pati na ang kanilang mga damit. Sa ganitong paraan niya sila inihandog pati ang kanilang mga damit sa Panginoon.
31 Moses told Aaron and his sons, "Boil the meat at the tent of meeting's entrance, eat it there with the bread from the ordination-offering basket, as I commanded: Aaron and his sons will eat it. At sinabi ni Moises kay Aaron at sa mga anak niyang lalaki, “Lutuin ninyo ang karne malapit sa pintuan ng Toldang Tipanan, at ayon sa iniutos ko sa inyo kainin ninyo ito kasama ang mga tinapay na nasa basket na handog para sa pagtatalaga.
32 Whatever is left of the meat and the bread, burn it with fire. Ang matitirang karne at tinapay ay susunugin ninyo.
33 Do not leave the Tent of Meeting's entrance for seven days, until your ordination days end, for it takes seven days to ordain you. Huwag kayong aalis dito sa loob ng pitong araw hanggaʼt hindi natatapos ang pagtatalaga sa inyo.
34 What has been done today, our Father has commanded to be done to make atonement for you. Ang Panginoon ang nag-utos sa atin na gawin natin ang ating ginagawa ngayon, para matubos kayo sa inyong mga kasalanan.
35 Stay at the tent of meeting's entrance day and night, seven days, doing what our Father requires, so you do not die—this is what I was commanded." Kinakailangang manatili kayo rito araw at gabi sa loob ng pitong araw, at gawin ninyo ang ipinapagawa sa inyo ng Panginoon para hindi kayo mamatay, dahil ito ang iniutos sa akin ng Panginoon na dapat ninyong gawin.”
36 So Aaron and his sons did everything our Father had commanded through Moses. Kaya sinunod ni Aaron at ng mga anak niya ang lahat ng iniutos ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]