Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Leviticus 9 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 On the eighth day Moses called Aaron and his sons and the elders of Israel. Nang ikawalong araw, pagkatapos ng pagtatalaga, ipinatawag ni Moises si Aaron, ang mga anak niyang lalaki at ang mga tagapamahala ng Israel.
2 He told Aaron, "Take a bull calf for yourself as a sin offering, a ram as a burnt offering, both without defect, and offer them before our Father. Sinabi ni Moises kay Aaron, “Kumuha ka ng isang batang toro, at isang lalaking tupa na parehong walang kapintasan, at ihandog sa Panginoon. Ang baka ay handog para sa kasalanan, at ang tupa ay handog na sinusunog.
3 Tell the Israelites: Take a male goat for a sin offering, and a yearling calf and lamb, without defect, for a burnt offering. Sabihin mo sa mga Israelita na magdala sila ng lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan. At magdala rin sila ng toro at tupa na kapwa isang taon at walang kapintasan, at ihandog bilang handog na sinusunog.
4 An ox and a ram for a peace offering, to sacrifice before our Father, plus a grain offering mixed with oil—for today our Father will appear to you." Kumuha rin sila ng isang toro at lalaking tupa bilang handog pangkapayapaan. Ihahandog nila ito kasama ng handog na butil na may halong langis ng olibo, dahil magpapakita ang Panginoon sa inyo sa araw na ito.”
5 They brought what Moses commanded to the tent of meeting's entrance; the whole assembly drew near and stood before our Father. Kaya dinala nila roon sa harap ng Toldang Tipanan ang lahat ng dadalhin ayon sa sinabi ni Moises sa kanila. At silang lahat ay nagtipon doon sa presensya ng Panginoon.
6 Moses said, "Do what our Father commanded, so the glory of our Father will appear to you." Sinabi ni Moises sa kanila, “Inuutusan kayo ng Panginoon na gawin ninyo ang paghahandog na ito para ipakita niya sa inyo ang kanyang kapangyarihan.”
7 Moses told Aaron, "Come to the altar. Offer your sin offering and burnt offering, atone for yourself and the people. Offer the people's offering and atone for them, as our Father commanded." Pagkatapos, sinabi niya kay Aaron, “Lumapit ka sa altar at ialay mo ang iyong handog para sa kasalanan at handog na sinusunog para matubos ka at ang sambahayan mo sa inyong mga kasalanan. At ialay mo rin ang handog ng mga tao para sila rin ay matubos sa kanilang mga kasalanan ayon sa iniutos ng Panginoon.”
8 So Aaron approached the altar and slaughtered the sin-offering calf, which was for himself. Kaya lumapit si Aaron sa altar at kinatay niya ang handog na batang toro bilang handog para sa kasalanan.
9 Aaron's sons brought him the blood; he dipped his finger in it, put it on the altar's horns, and poured the rest at its base. Ang dugo nitoʼy dinala sa kanya ng kanyang mga anak, at inilubog niya ang kanyang daliri sa dugo at iwinisik sa parang sungay sa mga sulok ng altar, at ang natirang dugo ay ibinuhos niya sa ilalim ng altar.
10 But he burned the sin offering's fat, kidneys, and liver lobe on the altar, as our Father commanded Moses. Sinunog niya sa altar ang mga taba at ang mga bato, pati na ang maliit na bahagi ng atay mula sa handog para sa kasalanan ayon sa utos ng Panginoon kay Moises.
11 He burned the flesh and the skin with fire outside the camp. Ang karne at ang balat ay sinunog niya sa labas ng kampo.
12 He killed the burnt offering. Aaron's sons handed him the blood, and he splashed it against the altar's sides. Pagkatapos, pinatay din ni Aaron ang mga hayop na para sa handog na sinusunog. Ang dugo ay dinala ng kanyang mga anak sa kanya at iwinisik niya sa palibot ng altar.
13 They handed him the burnt offering in pieces, with the head, and he burned them on the altar. Dinala rin sa kanya ng mga anak niya ang hiniwa-hiwang mga karne ng handog na hayop, pati ang ulo, at sinunog niya ang mga ito sa altar.
14 He washed the intestines and legs, burning them on the altar with the burnt offering. Hinugasan niya ang lamang-loob, at mga paa, at sinunog niya ang mga ito sa altar pati na ang iba pang parte ng handog na hayop.
15 Then he brought the people's offering: took their sin-offering goat, slaughtered it, and offered it for sin, like the first. Pagkatapos, dinala niya sa gitna ang mga handog na para sa mga tao. Pinatay niya ang kambing na handog para sa kasalanan ng mga tao katulad ng kanyang ginawa sa una niyang handog na inialay para maging malinis siya sa kanyang mga kasalanan.
16 He presented the burnt offering and offered it as prescribed. Pagkatapos, dinala rin niya sa gitna ang hayop para sa handog na sinusunog, at inihandog niya ayon sa paraan ng paghahandog nito.
17 He brought the grain offering, took a handful, and burned it on the altar, besides the morning burnt offering. Dinala rin niya sa gitna ang handog na mga butil. Dumakot siya ng isang dakot na butil at sinunog sa altar kasama ng handog na sinusunog tuwing umaga.
18 He slaughtered the ox and the ram, the people's peace offering sacrifice, and Aaron's sons brought him the blood, which he threw against the altar's sides. Pinatay din ni Aaron ang baka at ang lalaking tupa para sa mga tao na kanilang handog pangkapayapaan. Ang dugo ay dinala sa kanya ng kanyang mga anak at iwinisik niya sa palibot ng altar.
19 But the fat of the ox and ram: the fat tail, fat covering, kidneys, and long liver lobe, Ang taba ng mga ito – ang matabang buntot, ang mga taba sa lamang-loob, ang mga bato, pati na ang maliit na bahagi ng atay
20 they placed the fat portions on the breasts, and he burned the fat portions on the altar. ay ipinatong ng mga anak ni Aaron sa pitso ng mga handog na hayop. At sinunog ni Aaron ang mga taba sa altar.
21 But Aaron waved the breasts and the right thigh as a wave offering before our Father, as Moses had commanded. Ayon din sa utos ni Moises, itinaas ni Aaron ang pitso at ang kanang hita ng hayop sa presensya ng Panginoon bilang handog na itinataas.
22 Aaron raised his hands toward the people and blessed them, then came down from making the sin, burnt, and peace offerings. Pagkatapos maihandog ni Aaron ang handog para sa kasalanan, itinaas niya ang kanyang mga kamay sa mga tao at silaʼy binasbasan niya, at pagkatapos, bumaba siya mula sa altar.
23-24 Moses and Aaron entered the tent of meeting, came out, and blessed the people; the glory of our Father appeared to all the people. Pagkatapos nitoʼy pumasok sina Aaron at Moises sa loob ng Toldang Tipanan. Paglabas nila, muli nilang binasbasan ang mga tao. At ipinakita ng Panginoon sa mga tao ang kanyang kaluwalhatian sa pamamagitan ng apoy na sumunog sa mga handog na nasa altar. Nang itoʼy makita ng mga tao, nagsigawan sila sa tuwa at nagpatirapa.
24 Fire came from our Father's presence and consumed the burnt offering and fat on the altar. All the people saw it, shouted for joy, and fell facedown. Not in this edition
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]