Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Leviticus 20 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Our Father spoke to Moses: Sinabi ng Panginoon kay Moises,
2 "Tell the Israelites: Any Israelite, or foreigner living in Israel, who gives any of his children to Molech must surely be put to death—the people of the land are to stone him with stones. “Sabihin mo sa mga Israelita: ‘Ang sinuman sa inyo o sinuman sa mga dayuhang naninirahan kasama ninyo na maghahandog ng kanyang anak sa diyos-diyosang si Molec ay dapat batuhin ng taong-bayan hanggang sa mamatay.
3 I myself will set my face against that man and cut him off from among his people, for giving any of his children to Molech, making my sanctuary unclean and desecrating my holy name. Kasusuklaman ko ang taong iyon at ititiwalag ko siya sa inyong sambayanan. Sapagkat dahil sa paghahandog niya ng kanyang anak kay Molec, dinungisan niya ang aking santuwaryo at nilapastangan niya ang aking banal na pangalan.
4 If the people of the land turn a blind eye when that man gives any of his offspring to Molech, and do not put him to death, At kung hahayaan lamang ng taumbayan ang taong iyon na ihandog ang isa sa kanyang mga anak kay Molec at hindi nila ito papatayin,
5 I will set my face against that man and his family, and cut him off—with all who follow him in prostitution to Molech—from among their people. ako mismo ang uusig sa kanya, at sa sambahayan niya, at sa lahat ng sumusunod sa kanya sa paghahandog kay Molec. Pagtataksil ito sa akin kayaʼt ititiwalag ko sila sa sambayanan.’ ”
6 "Whoever turns to mediums or spiritists, prostituting themselves after them, I will set my face against that person and cut them off from among their people. “ ‘Kasusuklaman ko ang sinumang sumasangguni at sumusunod sa mga espiritistang kumakausap sa mga kaluluwa ng patay at sa mga manghuhula. Pinagtaksilan niya ako sa pagsunod sa mga ito kayaʼt ititiwalag ko siya sa sambayanan.
7 "Set yourselves apart, therefore, and be holy, for I am your Father. “ ‘Italaga ninyo ang inyong sarili para sa akin at magpakabanal kayo dahil ako ang Panginoon na inyong Diyos.
8 Keep my statutes and do them. I am your Father who makes you holy. Sundin ninyo ang aking mga tuntunin dahil ako ang Panginoon na nagtalaga sa inyo para maging bayan ko.
9 "Whoever curses his father or his mother must be put to death; he has cursed his father or his mother—his blood is on him. “ ‘Ang sinumang lumapastangan sa kanyang ama o ina ay papatayin. Mananagot siya sa paglapastangan niya sa kanila.
10 "If a man commits adultery with another man's wife—his neighbor's wife—both adulterer and adulterous woman must surely be put to death. “ ‘Kung ang isang lalaki ay sumiping sa asawa ng iba, siya at ang babae ay dapat patayin.
11 "A man who sleeps with his father's wife has exposed his father's nakedness; both must be put to death; their blood is on them. “ ‘Kung ang isang lalaki ay sumiping sa asawa ng kanyang ama, nilalapastangan niya ang kanyang ama. Kaya siya at ang babae ay dapat patayin. Sila ang responsable sa sinapit nilang kamatayan.
12 "If a man sleeps with his daughter-in-law, both must be put to death; they have done a perversion; their blood is on them. “ ‘Kung ang isang amaʼy sumiping sa kanyang manugang na babae, siya at ang babae ay dapat patayin, dahil masama ang kanilang ginawa. Sila ang responsable sa sinapit nilang kamatayan.
13 "If a man lies with a male as with a woman, both have done a detestable thing; they must surely be put to death; their blood is on them. “ ‘Kung ang isang lalaki ay sumiping sa kapwa lalaki, pareho silang dapat patayin dahil pareho silang gumawa ng kasuklam-suklam. Sila ang responsable sa sinapit nilang kamatayan.
14 "If a man takes a woman and her mother, that is evil; burn him and them with fire, so no evil remains among you. “ ‘Kung ang isang lalaki ay sumiping sa mag-ina, silang tatlo ay dapat sunugin dahil masama ang kanilang ginawa. Ang kasamaang ito ay dapat mawala sa inyo.
15 "If a man has sex with an animal, he must be put to death, and you must kill the animal. “ ‘Kung ang isang lalaki ay sumiping sa hayop, patayin siya pati na ang hayop.
16 "If a woman approaches any animal to mate with it, kill the woman and the animal; both must be put to death; their blood is on them. “ ‘Kung ang isang babae ay sumiping sa hayop, patayin siya patayin pati na ang hayop. Sila ang responsable sa kanilang kamatayan.
17 "If a man marries his sister, his father's or mother's daughter, and they have sexual relations, it is a disgrace; they must be cut off before their people. He has exposed his sister; he bears his guilt. “ ‘Kung ang isang lalaki ay magpakasal sa kapatid niyang babae at sumiping dito, maging itoʼy kapatid niya sa ama o sa ina, inilalagay niya ang kanyang kapatid sa kahihiyan kaya dapat siyang managot. At dahil masama ang ginawa nila, huwag na silang ituring na kababayan ninyo.
18 "If a man sleeps with a woman during her period, he exposes her flow, and she uncovers its source; both are cut off from their people. “ ‘Kung ang lalaki ay sumiping sa babaeng may buwanang dalaw dahil gusto rin ng babae, silang dalawa ay huwag na ninyong ituring na kababayan.
19 "Do not have sex with your mother's or father's sister—that disrespects a close relative; they will bear their guilt. “ ‘Kung ang isang lalaki ay sumiping sa kanyang tiyahin, inilalagay niya sa kahihiyan ang kanyang tiyahin. Silang dalawa ay dapat managot sa kanilang ginawa.
20 A man who sleeps with his uncle's wife disrespects his uncle; they will bear their sin and die childless. “ ‘Kung ang isang lalaki ay sumiping sa asawa ng kanyang tiyuhin, inilalagay niya ang kanyang tiyuhin sa kahihiyan. Silang dalawa ay dapat managot at mamatay na walang anak.
21 "If a man marries his brother's wife, it is impurity; he exposed his brother's nakedness; they will be childless. “ ‘Kung ang isang lalaki ay sumiping sa asawa ng kanyang kapatid, inilalagay niya ang kanyang kapatid sa kahihiyan. At dahil masama ang ginawa nila, mamamatay silang dalawa na walang anak.
22 "Keep all my statutes and all my rules, and do them, so the land I'm bringing you to live in won't vomit you out. “ ‘Sundin ninyo ang lahat ng tuntunin at utos upang hindi kayo paalisin sa lupaing pagdadalhan ko sa inyo para roon kayo manirahan.
23 You must not adopt the customs of the nation I am driving out before you, because they did all these things, and I detested them. Ang mga taong paaalisin ko sa lupaing iyon ay gumagawa ng mga kasamaang ito, at dahil dooʼy itinatakwil ko sila. Kaya huwag ninyong gagayahin ang ginagawa nila.
24 I have told you: you will inherit their land; I myself will give it to you to possess, a land flowing with milk and honey. I am your Father, who set you apart from the peoples. At ayon na rin sa aking sinabi sa inyo, magiging inyo ang kanilang lupain. Ibibigay ko sa inyo ang lupaing iyon na maganda at sagana sa ani para maging pag-aari ninyo. Ako ang Panginoon na inyong Diyos na humirang sa inyo mula sa mga tao.
25 "So distinguish clean animals from unclean, and unclean birds from clean. Do not make yourselves detestable by any animal, bird, or thing crawling on the ground that I have set apart for you as unclean. “ ‘Dapat ninyong malaman kung aling mga hayop at mga ibon ang malinis o marumi. Huwag ninyong dudungisan ang inyong sarili sa pamamagitan ng pagkain ng mga maruming hayop na ipinagbawal ko.
26 Be holy to me, for I, your Father, am holy, and I have set you apart from the peoples to be mine. Kayoʼy magpakabanal dahil ako, ang Panginoon ay banal. At kayoʼy hinirang ko mula sa ibang mga bansa para maging akin.
27 "A man or woman who is a medium or spiritist must be put to death—stoned; their blood is on them." “ ‘Kung mayroong espiritista sa inyo na nakikipag-usap sa mga kaluluwa ng patay, kailangang batuhin ninyo siya hanggang sa mamatay. Siya ang responsable sa kanyang kamatayan.’ ”
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]