Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Leviticus 21 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Our Father said to Moses: "Tell the priests, Aaron's sons: No one may make himself unclean for the dead among his people, Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Sabihin mo sa mga paring mula sa angkan ni Aaron: ‘Huwag ninyong dudungisan ang inyong sarili sa pamamagitan ng paglapit o paghipo sa bangkay ng tao,
2 except for his closest relatives—his mother, his father, his son, his daughter, his brother, maliban na lamang kung ang namatay ay malapít ninyong kamag-anak gaya ng inyong ina, ama, anak, kapatid na lalaki,
3 or his virgin sister, close to him, still unmarried—for her he may become unclean. o dalagang kapatid at walang inaasahan kundi kayo.
4 He must not make himself unclean as a leader among his people and desecrate himself. Huwag din ninyong dungisan ang inyong sarili sa inyong pagpunta sa libing ng kamag-anak ng inyong asawa.
5 They must not shave their heads bald, shave off their beard edges, or gash their bodies. “ ‘Huwag ninyong aahitin ang inyong buhok o puputulan ang inyong balbas o susugatan ang inyong katawan.
6 They must be holy to their Father and not desecrate his name; they present our Father's food offerings, his bread, so they must be holy. Italaga ninyo ang inyong sarili para akin na inyong Diyos, at huwag ninyong lapastanganin ang aking pangalan. Maging banal dapat kayo, sapagkat kayo ang nag-aalay ng mga handog na pagkain para sa akin na inyong Panginoon na inyong Diyos.
7 They must not marry a prostitute, one made unclean, or one divorced from her husband; the priest is holy to his Father. “ ‘Huwag kayong mag-asawa ng babaeng marumi dahil nagbebenta siya ng panandaliang aliw, o ng babaeng hiwalay sa asawa, dahil kayoʼy hinirang para maglingkod sa akin na inyong Diyos.
8 Treat him as holy—he offers your Father's bread. He is to be holy to you, for I, your Father who makes you holy, your Father who sets you apart, am holy. Kinakailangang kayo ay ituring na banal ng inyong kapwa Israelita dahil kayo ang nag-aalay ng mga handog para sa akin na inyong Diyos. Dapat nila kayong ituring na banal dahil ako, ang Panginoon, ay banal at ginawa kong banal ang aking mga tao.
9 A priest's daughter who desecrates herself by prostitution desecrates her father; she is to be burned with fire. “ ‘Kung kayoʼy may anak na babae na nagdudulot ng kahihiyan dahil sa pagbebenta niya ng panandaliang aliw, siyaʼy ituturing na marumi, dapat siyang sunugin.
10 The high priest, greatest among his brothers, with anointing oil poured on his head and ordained to wear the garments, must not let his hair hang loose or tear his clothes. “ ‘Kung ang punong pari, na binuhusan ng langis sa ulo at pinili para siya ang magsuot ng kasuotan ng pari ay namatayan ng kamag-anak, hindi niya dapat guluhin ang kanyang buhok ni punitin ang kanyang damit bilang tanda ng pagluluksa.
11 He must not go near a corpse or make himself unclean, even for his father or mother. Hindi rin siya dapat pumunta sa lugar na may patay. Kailangang iwasan niyang maging marumi kahit pa ang namatay ay kanyang ama o ina.
12 He must not leave the sanctuary or desecrate his Father's sanctuary; his anointing oil has dedicated him. I am your Father. Hindi siya dapat umalis sa santuwaryo ng kanyang Diyos para sumama sa libing, dahil kung gagawin niya iyon ay magiging marumi ang santuwaryo. Sapagkat siya ay itinalaga bilang punong pari sa pamamagitan ng pagpapahid sa kanya ng langis ng olibo. Ako ang Panginoon.
13-14 He is to marry only a virgin. “ ‘Kung ang punong pari ay mag-aasawa, dapat Israelitang katulad niya at isang birhen. Huwag siyang mag-aasawa ng biyuda, o ng babaeng hiwalay sa asawa, o ng isang maruming babae,
14 He may not marry a widow, divorced woman, or woman made unclean by prostitution—only a virgin from his own people. Not in this edition
15 So he won't desecrate his offspring among his people, for I, your Father, make him holy—his Father who sets him apart." nang sa gayoʼy hindi niya malagay sa kahihiyan ang kanyang magiging mga anak sa harapan ng kanyang angkan. Ako ang Panginoon na humirang sa kanya.’ ”
16 And our Father said to Moses: Sinabi ng Panginoon kay Moises,
17 "Speak to Aaron: no descendant of yours, in any generation, who has a defect may approach to offer his Father's food. “Sabihin mo kay Aaron: ‘Hanggang sa susunod pang mga henerasyon, walang sinumang may kapansanan sa iyong angkan ang makakalapit para maghandog ng mga handog na pagkain sa akin, ang Panginoon na kanyang Diyos.
18 No man with a defect may approach: blind, lame, disfigured-faced, or deformed-limbed, Hindi maaari ang bulag, pilay, may kapansanan ang mukha, may kapansanan ang isang bahagi ng katawan,
19 or a man who has a broken foot or a broken hand, bali ang paa o kamay,
20 or a hunchback, a dwarf, an eye defect, festering sores, scabs, or crushed testicles. kuba, unano, may sakit sa mata o sa balat, o baog.
21 No descendant of Aaron the priest with a defect may approach to offer our Father's food offerings; with a defect, he may not approach to offer his Father's bread. Ang sinumang angkan ng paring si Aaron na may kapansanan ay hindi maaaring maghandog ng mga handog na pagkain sa akin na Panginoon, na kanyang Diyos.
22 He may eat the bread of his Father, both the most holy and the holy things. Maaari siyang kumain ng mga pagkaing bahagi ng mga pari sa mga napakabanal na handog sa akin na kanyang Diyos, gayundin sa mga banal na handog.
23 He must not go near the veil or approach the altar, having a defect, so he won't desecrate my holy places—for I, your Father, make them holy, their Father who sets them apart." Ngunit dahil sa kanyang kapansanan, hindi siya maaaring pumasok sa Banal na Lugar o lumapit sa altar dahil madudungisan ang Tolda. Ako ang Panginoon at ibinukod ko kayo para maging banal.’ ”
24 So Moses spoke this to Aaron and his sons and to all the people of Israel. Ang lahat ng ito ay sinabi ni Moises kay Aaron at sa mga anak niyang lalaki at sa lahat ng mga Israelita.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]