Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Leviticus 22 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Then our Father said to Moses, Sinabi ng Panginoon kay Moises,
2 "Tell Aaron and his sons to be careful with the holy offerings Israel's people dedicate to me, so they don't desecrate my holy name. I am your Father. “Sabihin mo kay Aaron at sa mga anak niyang lalaki na igalang nila ang mga handog na itinalaga sa akin ng mga Israelita, upang hindi nila lapastanganin ang banal kong pangalan. Ako ang Panginoon.
3 "Tell them: In every generation, any descendant of yours who is unclean and approaches the holy offerings Israel's people dedicate to me will be cut off from my presence. I am your Father. “Sabihin mo sa kanila: ‘Mula ngayon at sa susunod pang mga henerasyon, kung may itinuturing na marumi sa inyong lahi na lalapit sa mga banal na handog na itinalaga ng mga Israelita sa kanilang Panginoon, hindi na siya makapaglilingkod pa bilang pari. Ako ang Panginoon.
4 "No descendant of Aaron with a skin disease or discharge may eat the holy offerings until clean. Whoever touches something unclean from a corpse, or a man who has a semen emission, “ ‘Kung ang isang lahi ni Aaron ay may malubhang sakit sa balat o may sakit na tulo, hindi siya dapat kumain ng banal na handog hanggang sa siyaʼy maituring na malinis. Magiging marumi rin siya kapag nakahipo siya ng anumang bagay na nadikit sa patay, o ng taong nilabasan ng binhi,
5 or touches any swarming creature that makes him unclean, or a person who makes him unclean, whatever his uncleanness. o nakahipo ng hayop o taong marumi.
6 Whoever touches it is unclean until evening and must not eat the holy offerings unless he has washed his body in water. Ang sinumang makakahipo ng mga ganyan ay magiging marumi hanggang sa paglubog ng araw. Hindi siya maaaring kumain ng banal na handog maliban lamang kung siyaʼy nakaligo na.
7 At sunset he is clean; then he may eat the holy offerings, for it is his food. Kapag lumubog na ang araw, maituturing na siyang malinis at saka pa lang siya makakakain ng mga banal na handog na pagkain niya bilang pari.
8 He must not eat anything dead or torn by wild animals, for that makes him unclean. I am your Father. Hindi kayo dapat kumain ng alinmang karne ng namatay na hayop o pinatay ng kapwa hayop, dahil kapag ginawa ninyo ito, kayoʼy ituturing na marumi. Ako ang Panginoon.
9 Priests must keep my instructions, or bear guilt and die for treating them with contempt. I am your Father, who makes them holy. “ ‘Kaya dapat ninyong sundin ang mga iniuutos kong ito sa inyo para hindi kayo magkasala at mamatay dahil sa paglabag sa mga ito. Ako ang Panginoon at ibinukod ko kayo para maging banal.
10 "No outsider may eat the holy offering; no guest or hired worker of a priest may eat it. “ ‘Kayong mga pari at ang inyong sambahayan lang ang makakakain ng bahagi ng banal na handog na para sa mga pari. Hindi maaaring kumain nito ang inyong mga panauhin o ang inyong mga upahang manggagawa.
11 But if a priest buys a slave with his own money, that slave may eat it; those born in the priest's house may eat his food. Ngunit maaaring kumain ang inyong aliping binili, o ipinanganak sa tahanan ninyo.
12 If a priest's daughter marries a non-priest, she may not eat the holy contributions. Hindi rin maaaring kumain nito ang babaeng anak ng pari na nakapag-asawa ng hindi pari.
13 But if a priest's daughter is widowed or divorced, has no child, and returns to her father's house as in her youth, she may eat her father's food. No outsider may eat it. Ngunit kung siyaʼy biyuda o hiwalay sa kanyang asawa at wala silang anak, at muli siyang tumira sa kanyang ama, siyaʼy maaaring kumain ng pagkaing tinatanggap ng kanyang ama bilang pari. Tandaan ninyong mabuti na kayong mga pari lang at ang inyong sambahayan ang maaaring kumain ng bahagi ng handog na para sa inyo.
14 "Anyone who eats a holy offering by mistake must add a fifth of its value and give it to the priest. “ ‘Ngunit kung sa hindi inaasahang pangyayari ay may taong nakakain na hindi kabilang sa inyong sambahayan, dapat niyang palitan sa pari ang kanyang kinain at dadagdagan pa niya ng dalawampung porsiyento ang halaga noon.
15 Priests must not desecrate the holy offerings Israel's people present to me, “ ‘Kayong mga pari, huwag ninyong dungisan ang mga banal na handog na inihahandog ng mga Israelita sa Panginoon.
16 and bring guilt requiring payment on them by their eating their holy offerings. For I am your Father, who makes them holy." Huwag ninyo itong ipakain sa sinumang hindi kabilang sa inyong sambahayan at nang hindi sila magkasala at managot. Ako ang Panginoon at ibinukod ko kayo para maging banal.’ ”
17 Then our Father said to Moses, Sinabi ng Panginoon kay Moises,
18 "Tell Aaron, his sons, and all Israelites: When any of you—native-born or a foreigner living in Israel—brings a burnt offering to me, to fulfill a vow or as a voluntary gift. “Sabihin mo kay Aaron at sa mga anak niyang lalaki, at sa lahat ng mga Israelita pati na sa mga dayuhang naninirahang kasama nila: ‘Ang sinuman sa inyo, Israelita man o dayuhang nakikipanirahan sa inyo sa lupain ng Israel, na mag-aalay ng handog na sinusunog sa Panginoon para tuparin ang isang panata o handog na kusang-loob,
19 Present a male without defect from cattle, sheep, or goats, so it's accepted for you. ay kailangang maghandog ng lalaking baka o tupa, o kambing na walang kapintasan para ito ay tanggapin.
20 Do not present anything with a defect, because it will not be accepted on your behalf. Huwag kayong maghahandog ng may kapansanan dahil hindi iyon tatanggapin.
21 When anyone brings a peace offering to me from herd or flock to fulfill an extraordinary vow or as a freewill offering, it must be flawless to be accepted—no defect in it. Kung ang handog pangkapayapaan sa Panginoon ay inialay bilang handog para tuparin ang isang panata o handog na kusang-loob, itoʼy kailangang baka, tupa, o kambing na walang kapintasan upang itoʼy maging katanggap-tanggap.
22 Do not offer me anything blind, broken, maimed, wart-covered, scabbed, or oozing. Do not put any of these on the altar as a food offering to me. Huwag kayong maghahandog sa akin ng bulag, may bali, may sugat, o may sakit sa balat. Huwag ninyo itong ialay sa altar bilang handog sa akin sa pamamagitan ng apoy.
23 You may present an ox or sheep that's deformed or stunted as a voluntary offering, but it won't be accepted for a vow. Ngunit maaari kayong mag-alay ng handog na kusang-loob na baka o tupang bansot o may kapansanan ang isang bahagi ng katawan, pero hindi ito maaaring ialay bilang handog para tuparin ang isang panata.
24 Don't offer me an animal with testicles bruised, crushed, torn, or cut. Don't do this in your own land. Huwag kayong maghahandog sa akin ng hayop na kinapon o may kapansanan ang itlog. Huwag ninyong gagawin iyon sa inyong lupain.
25 You must not accept such animals from a foreigner to offer as your Father's food, since they are deformed and defective—they will not be accepted for you." Huwag din kayong bumili ng mga hayop na ganoong uri mula sa ibang lugar at ihandog sa inyong Diyos, dahil hindi iyon tatanggapin.’ ”
26 Then our Father said to Moses, Sinabi ng Panginoon kay Moises,
27 "When a calf, lamb, or goat is born, it stays with its mother seven days; from the eighth day on, it is acceptable as a food offering to me. “Ang bagong ipinanganak na baka, tupa, o kambing ay dapat manatili sa kanyang ina sa loob ng pitong araw. Ngunit mula sa ikawalong araw, maaari na itong ialay bilang handog sa pamamagitan ng apoy.
28 Do not slaughter a cow or a sheep and its young on the same day. Huwag ninyong ihahandog nang sabay sa isang araw ang baka o tupa at ang kanyang anak.
29 "When you sacrifice a thank offering to me, sacrifice it so you'll be accepted. “Kung kayoʼy maghahandog ng handog ng pasasalamat sa Panginoon, sundin ninyo ang tamang paraan sa paghahandog nito para tanggapin ko ito.
30 It must be eaten that same day; leave none of it until morning. I am your Father. At dapat ninyo itong kainin sa araw ding iyon ng paghahandog at huwag kayong magtitira hanggang sa kinabukasan. Ako ang Panginoon.
31 "Keep my commands and follow them. I am your Father. “Sundin ninyo ang aking mga utos. Ako ang Panginoon.
32 Do not desecrate my holy name; I must be honored as holy among the Israelites. I am your Father, who makes you holy, Huwag ninyong lapastanganin ang banal kong pangalan, at akoʼy kilalanin ninyong banal. Ako ang Panginoong nagtalaga sa inyo para maging banal.
33 and who brought you out of Egypt to be your Father. I am your Father." Ako ang naglabas sa inyo sa Ehipto para maging Diyos ninyo. Ako ang Panginoon.”
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]