Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Leviticus 23 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Our Father spoke to Moses, saying: Sinabi ng Panginoon kay Moises,
2 "Speak to the Israelites and tell them: My appointed feasts, which you are to proclaim as holy gatherings—these are my appointed feasts. “Sabihin mo ito sa mga Israelita: ‘Ito ang mga pistang pinili ng Panginoon na dapat ninyong itakda bilang araw ng pagtitipon at pagsamba ninyo sa kanya.
3 "Six days work may be done; the seventh is a sabbath of complete rest, a holy gathering—do no work at all. It is my sabbath, wherever you live. “ ‘May anim na araw kayo para magtrabaho, ngunit sa ikapitong araw ay magpahinga kayo, dahil ito ang Araw ng Pamamahinga. Huwag kayong magtrabaho sa araw na ito, sa halip ay magtipon kayo upang sumamba dahil ito ang araw para magpuri sa Panginoon.
4 "These are my appointed feasts, the holy gatherings that you are to proclaim at their appointed times. “ ‘Ito ang mga natatanging araw na pinili ng Panginoon na dapat magtipon ang mga Israelita para sumamba sa akin.
5 In the first month, on the fourteenth day of the month at twilight, is my Passover. Ang Pista ng Paglampas ng Anghel na ginaganap sa gabi nang ika-14 na araw ng unang buwan.
6 On the fifteenth day of that month is my Feast of Unleavened Bread; eat unleavened bread seven days. At sa ika-15 araw ng buwan ding iyon, magsisimula naman ang Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa. Pitong araw ang pistang ito at sa mga araw na iyon, ang tinapay na kakainin ninyo ay dapat walang pampaalsa.
7 On the first day hold a holy gathering; do no ordinary work. Sa unang araw ng pistang ito, huwag kayong magtatrabaho, sa halip ay magtipon kayo at sumamba sa inyong Panginoon.
8 Present a food offering to me for seven days. The seventh day is a holy gathering—do no ordinary work." Sa loob ng pitong araw, mag-aalay kayo sa kanya ng handog sa pamamagitan ng apoy. At sa ikapitong araw, huwag kayong magtatrabaho sa halip ay magtipon nga kayo at sumamba sa akin na inyong Panginoon.’ ”
9 Our Father spoke to Moses, saying: Sinabi ng Panginoon kay Moises,
10 "Speak to the Israelites and say to them: When you enter the land I am giving you and reap its harvest, bring the priest a sheaf of the first of your harvest. “Sabihin mo ito sa mga Israelita: ‘Kapag naroon na kayo sa lupaing ibibigay sa inyo ng Panginoon at kayoʼy mag-aani, dadalhin ninyo sa pari ang unang bigkis ng bawat ani,
11 He will wave the sheaf before me for your acceptance; the priest will wave it the day after the Sabbath. at kinabukasan ng Araw ng Pamamahinga, itataas niya ito sa Panginoon para tanggapin kayo ng Panginoon sa pamamagitan nito.
12 The day you wave the sheaf, offer me a flawless year-old male lamb as a burnt offering, Sa araw ding iyon, maghahandog din kayo sa Panginoon ng tupa na isang taóng gulang na walang kapintasan bilang handog na sinusunog.
13 with its grain offering—about four quarts of fine flour mixed with oil, a food offering to me, a pleasing aroma—and its drink offering, about a quart of wine. Kasama nito, maghandog din kayo ng apat na kilo ng magandang klaseng harina na hinaluan ng langis ng olibo bilang handog na pagkaing butil sa Panginoon, at isang litrong alak bilang handog na inumin. Mga handog ito sa pamamagitan ng apoy, at nakalulugod ang samyo nito sa Panginoon.
14 Eat no bread, roasted grain, or fresh grain until this day, until you bring your Father's offering. This is a lasting statute for all generations, wherever you live. Hindi kayo dapat kumain ng anuman mula sa inyong bagong ani, ito man ay sariwa o binusa o nilutong tinapay, hanggaʼt hindi niyo pa ito naihahandog sa inyong Diyos. Ang tuntuning ito ay dapat ninyong sundin magpakailanman, kayo at ang susunod pang mga henerasyon, saan man kayo tumira.
15 "Count off seven full weeks from the day after the Sabbath, the day you brought the wave-offering sheaf. “ ‘Pagkatapos ng pitong linggo mula sa araw na kayoʼy naghandog ng mga binigkis na ani bilang handog na itinataas,
16 Count fifty days, until the day after the seventh Sabbath, then bring me a new grain offering. muli kayong magtipon at mag-alay sa Panginoon ng handog na pagkaing butil mula sa mga binigkis ng unang ani ninyo.
17 From your homes, bring two loaves of fine flour, about four quarts, baked with yeast, as a wave offering of firstfruits to me. At sa ika-limampung araw, ang araw pagkatapos ng ikapitong Araw ng Pamamahinga, maghandog kayo dalawang tinapay na gawa sa apat na kilo ng magandang klaseng harina na may pampaalsa. Ihandog ninyo ito bilang handog na itinataas para sa Panginoon, mula sa inyong unang ani.
18 With the bread, present seven flawless year-old lambs, one young bull, and two rams. They are a burnt offering to me, with their grain and drink offerings—a food offering, a pleasing aroma to me. Kasama nito, magdala rin kayo ng pitong lalaking tupa na isang taóng gulang na walang kapansanan, isang batang toro, at dalawang lalaking tupa na walang kapintasan. Ihahandog ninyo ang mga ito bilang handog na sinusunog para sa Panginoon, kasama ng handog na pagkaing butil at handog na inumin. Itoʼy handog na pagkaing nakalulugod ang samyo sa Panginoon.
19 Offer one male goat as a sin offering, and two year-old male lambs as a sacrifice of peace offerings. Maghahandog din kayo ng isang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan, at dalawang tupa na tig-isang taóng gulang bilang handog pangkapayapaan.
20 The priest will wave them, with the bread of firstfruits and two lambs, as a wave offering before me. They are holy to me, for the priest. Itataas ng pari sa presensya ng Panginoon bilang handog na itinataas ang dalawang tupa at ang handog na mula sa unang ani. Itoʼy banal na mga handog sa Panginoon dahil itoʼy bahagi ng mga pari.
21 Proclaim this same day, hold a holy gathering, and do no ordinary work. This is a lasting statute wherever you live, generation after generation. Huwag kayong magtatrabaho sa araw ding iyon, kundi magtipon kayo at sumamba sa Panginoon. Ang tuntuning ito ay dapat ninyong sundin magpakailanman, kayo at ang susunod pang mga henerasyon, saan man kayo tumira.
22 "Don't reap your field's edges bare or gather the gleanings when you harvest your land. Leave them for the poor and the foreigner. I am your Father." “ ‘Kung aani kayo, huwag ninyong uubusin ang mga nasa gilid ng inyong mga bukid, at huwag na ninyong balikan para ipunin ang mga naiwan. Ipaubaya na lang ninyo iyon sa mga dukha at sa mga dayuhan. Ito ang utos ng Panginoon na inyong Diyos.
23-24 Our Father spoke to Moses, saying: “ ‘Sa unang araw ng ikapitong buwan, magpahinga kayo para alalahanin ang Panginoon. Kung marinig ninyo ang tunog ng trumpeta, magtipon kayo para sumamba sa kanya.
24 "Tell the Israelites: on the first day of the seventh month, keep a day of complete rest, a memorial of trumpet blasts, a holy gathering. Not in this edition
25 Do no regular work; present me a food offering." Huwag kayong magtrabaho sa araw na iyon, sa halip mag-alay kayo ng handog sa pamamagitan ng apoy para sa Panginoon.
26-28 Our Father spoke to Moses, saying: “ ‘Ang ikasampung araw ng ikapitong buwan ding iyon ay Araw ng Pagtubos. Huwag kayong magtatrabaho sa araw na iyon kundi magtipon kayo sa pagsamba sa Panginoon na may pag-aayuno at pag-aalay ng handog sa pamamagitan ng apoy. Sapagkat sa araw na iyon gagawin ang seremonya ng pagtubos sa inyong mga kasalanan sa Panginoon na inyong Diyos.
27 "The tenth day of this seventh month is the Day of Atonement—hold a holy gathering, deny yourselves, and bring me a food offering. Not in this edition
28 Do no work on that very day—it's the Day of Atonement, to atone for you before me, your Father. Not in this edition
29 Anyone who does not deny himself on that very day must be cut off from his people. Ang ayaw mag-ayuno sa araw na iyon ay huwag na ninyong ituring na kababayan.
30 Anyone doing any work on that very day, I will destroy that person from among his people. Papatayin ng Panginoon ang sinumang magtatrabaho sa araw na iyon.
31-32 Do no work at all—a lasting statute, generation to generation, wherever you live. Kaya magpahinga kayo at mag-ayuno mula sa paglubog ng araw nang ikasiyam na araw ng buwang iyon hanggang sa susunod na paglubog ng araw. Ang tuntuning ito ay dapat ninyong sundin magpakailanman, kayo at ang susunod pang mga henerasyon, saan man kayo tumira.’ ”
32 This is a sabbath of complete rest for you; deprive yourselves. From evening on the ninth of the month until the next evening, keep your sabbath." Not in this edition
33-34 Our Father spoke to Moses, saying: Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Sabihin mo ito sa mga Israelita: ‘Sa ika-labinlimang araw ng ikapitong buwan, magsisimula ang Pista ng Pagtatayo ng mga Kubol at itoʼy ipagdiriwang ninyo sa loob ng pitong araw.
34 "Tell the Israelites: On this seventh month's fifteenth day, my Feast of Tabernacles begins, lasting seven days. Not in this edition
35 The first day: a holy gathering. Do no ordinary work. Sa unang araw, huwag kayong magtatrabaho, sa halip magtipon kayo at sumamba sa Panginoon.
36 Seven days, present food offerings to me. On the eighth day hold a holy gathering and present a food offering to me—a solemn assembly. Do no ordinary work. Sa loob ng pitong araw, mag-aalay kayo ng handog sa pamamagitan ng apoy para sa Panginoon. Sa ikawalong araw, hindi rin kayo magtatrabaho kundi muli kayong magtipon sa pagsamba sa Panginoon, at maghandog sa kanya. Iyan ang panghuling araw ng inyong pagtitipon.
37 "These are my appointed times, which you are to proclaim as holy gatherings, presenting food offerings to me—burnt offering and grain offering, sacrifice and drink offerings—each on its own day, “ ‘Iyon ang itinakdang espesyal na mga araw na magtitipon kayo para sumamba sa Panginoon at para mag-alay ng mga handog sa pamamagitan ng apoy para sa Panginoon; mga handog na sinusunog, handog na pagkaing butil sa Panginoon, at mga handog na inumin. Ang mga handog na ito ay kinakailangang ihandog ninyo sa itinakdang araw ng paghahandog nito.
38 besides my Sabbaths, besides your gifts, all your vow offerings, and all your voluntary offerings you give me. Ipagdiwang ninyo ang itinakdang mga araw na ito bukod pa sa lingguhang Araw ng Pamamahinga na ginagawa ninyo. At ang mga handog na ito ay dapat ninyong ialay dagdag sa inyong mga kaloob, mga handog para tuparin ang isang panata, at handog na kusang-loob na iniaalay ninyo sa Panginoon.
39 "So on the fifteenth day of the seventh month, once you've gathered the land's produce, celebrate my feast seven days: the first day a complete rest, the eighth day a complete rest. “ ‘Tungkol naman sa Pista ng Pagtatayo ng mga Kubol, ipagdiriwang ninyo ito para parangalan ang Panginoon mula sa ika-labinlimang araw ng ikapitong buwan, pagkatapos ng anihan. Ipagdiwang nʼyo ito sa loob ng pitong araw. Huwag kayong magtatrabaho sa una at sa ikawalong araw.
40 On the first day, take fruit of majestic trees, palm fronds, leafy branches, and willows of the brook, and rejoice before me, your Father, seven days. Sa unang araw, kumuha kayo ng pinakamagandang bunga ng mga punongkahoy, mga dahon ng palma, mga mayayabong na sanga ng puno sa lambak, at kayoʼy masayang magdiwang sa presensya ng Panginoon na inyong Diyos sa loob ng pitong araw.
41-43 Celebrate it as my feast seven days each year, a lasting statute for your generations; celebrate it in the seventh month. Ipagdiwang ninyo ang pistang ito sa ikapitong buwan bawat taon para parangalan ang Panginoon. Sa loob ng pitong araw, lahat kayong mga Israelita ay dapat tumira sa mga kubol para malaman ng inyong mga anak na pinatira ng Panginoon na inyong Diyos ang inyong mga ninuno sa mga kubol nang sila ay inilabas sa Ehipto. Ang tuntuning ito ay dapat ninyong sundin magpakailanman, kayo at ang susunod pang mga henerasyon, saan man kayo tumira.’ ”
42 Live in booths seven days; every native Israelite is to live in booths, Not in this edition
43 so your descendants may know I made the Israelites live in booths when I brought them out of Egypt. I am your Father." Not in this edition
44 So Moses announced to the Israelites the appointed feasts of our Father. Ito ang tungkol sa mga itinakdang pagdiriwang para sa pagsamba sa Panginoon na sinabi ni Moises sa mga Israelita.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]