Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Leviticus 24 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1-4 Our Father spoke to Moses: Sinabi ng Panginoon kay Moises na iutos ito sa mga Israelita: “Magdala kayo ng purong langis ng olibo mula sa pinigang olibo para sa ilaw na nasa labas ng kuwarto kung saan nakalagay ang Kahon ng Kasunduan doon sa Toldang Tipanan, para patuloy itong magningas sa presensya ng Panginoon. Sisindihan ito ni Aaron tuwing takip-silim at patuloy na pagniningasin hanggang sa umaga. Dapat tiyakin na laging nagniningas ang mga ilaw sa patungang ginto nito. Ang tuntuning ito ay dapat ninyong sundin magpakailanman, kayo at ang susunod pang mga henerasyon.
2 "Command the Israelites to bring you pure, crushed olive oil for the light, to keep a lamp burning continually. Not in this edition
3 Outside the testimony's curtain in the tent of meeting, Aaron is to tend it before me from evening to morning, continually—a lasting law for your generations. Not in this edition
4 On the pure lampstand he must tend the lamps before me continually. Not in this edition
5 "Take fine flour and bake twelve loaves, each about four and a half pounds of flour. “Magluto kayo ng labindalawang pirasong tinapay, na ang bawat isa ay gawa sa apat na kilo ng magandang klaseng harina.
6 Arrange them in two rows, six to a row, on the pure table before me. Pagkatapos, ilagay ninyo ito sa mesang ginto sa presensya ng Panginoon. Ihanay ninyo ito ng dalawang hanay, tig-anim ang bawat hanay.
7 Put pure frankincense on each row as the bread's memorial portion, a food offering to me. Lagyan ninyo ng purong insenso ang gilid ng bawat hanay. Ang insenso ang siyang magsisilbing palatandaan na ito ay handog sa Panginoon. Susunugin ito bilang handog sa pamamagitan ng apoy sa halip na ang tinapay.
8 Every Sabbath he must arrange it before me continually, from the Israelites, a lasting covenant. Dapat laging maglagay ng tinapay sa presensya ng Panginoon tuwing Araw ng Pamamahinga. Itoʼy tungkulin ninyong mga Israelita magpakailanman.
9 It belongs to Aaron and his sons, who must eat it in a holy place; it is a most holy portion for him from my food offerings, their permanent share." Ang mga tinapay na itoʼy para kay Aaron at sa kanyang angkan. Kakainin nila ito sa banal na lugar sa bakuran ng santuwaryo, dahil ito ang napakabanal na bahagi ng mga handog sa pamamagitan ng apoy para sa Panginoon, at itoʼy para sa kanila magpakailanman.”
10-11 The son of an Israelite woman, whose father was Egyptian, went out among the Israelites; the Israelite woman's son fought with an Israelite man in the camp. May isang tao noon na ang ama ay isang Ehipsiyo at ang ina ay Israelita. (Ang kanyang ina ay si Shelomit na anak ni Dibri na mula sa lahi ni Dan.) Siyaʼy nakipag-away sa isang Israelita roon sa kampo, at nilapastangan niya ang pangalan ng Panginoon. Kaya dinala nila siya kay Moises,
11 The son of the Israelite woman blasphemed the Name with a curse, and they brought him to Moses. His mother was Shelomith, daughter of Dibri, of the tribe of Dan. Not in this edition
12 They put him in custody until our Father made his will clear to them. at ikinulong nila siya hanggang sa malaman nila kung ano ang kalooban ng Panginoon na gawin sa kanya.
13 Then our Father spoke to Moses: Ngayon, sinabi ng Panginoon kay Moises,
14 "Bring the one who cursed outside the camp. Let all who heard lay their hands on his head, then let the whole congregation stone him. “Dalhin ninyo sa labas ng kampo ang taong iyon na lumapastangan sa akin. At ang lahat ng nakarinig ng kanyang paglapastangan ay magpatong ng kanilang mga kamay sa ulo niya bilang patunay na siyaʼy dapat managot, at pagkatapos, babatuhin siya ng buong sambayanan hanggang mamatay.
15 Tell the Israelites: Whoever curses our Father will bear their sin. At sabihin mo sa mga Israelita na ang sinumang katutubong Israelita o dayuhang naninirahang kasama nila na lalapastangan sa aking pangalan ay mananagot.
16 Whoever blasphemes my name must die—the whole community must stone him. Foreigner and native-born alike: whoever blasphemes the Name must die. Ang sinumang lalapastangan sa aking Pangalan ay babatuhin ng buong sambayanan hanggang sa mamatay siya; katutubo man o dayuhan.
17 "Whoever kills any person must be put to death. “Ang sinumang pumatay ng tao ay dapat ding patayin.
18 Whoever kills an animal must make restitution for it, life for life. At kung hayop na pag-aari ng iba naman ang pinatay ng isang tao ay kinakailangang palitan niya ito ng buháy.
19 If anyone injures their neighbor, the same must be done to them: Kapag sinaktan ng sinuman ang kanyang kapwa, kailangang saktan din siya katulad ng ginawa niya.
20 Fracture for fracture, eye for eye, tooth for tooth: as one injures another, so it is done to him. Kung binali niya ang buto ng iba, babaliin din ang buto niya, kung dinukot niya ang mata ng iba, dudukutin din ang mata niya, at kung binungi niya ang ngipin ng iba, bubungiin din ang ngipin niya.
21 Whoever kills an animal repays for it; whoever kills a person is put to death. Ang sinumang makapatay ng hayop ng iba ay dapat niya itong palitan, ngunit ang makapatay ng tao ay dapat ding patayin.
22 The same law applies to the foreigner and to the native-born alike, for I am your Father." Ang mga utos na itoʼy para sa inyong lahat, katutubong Israelita man o dayuhan. Ako ang Panginoon na inyong Diyos.”
23 Moses told the Israelites; they took the one who had cursed outside the camp and stoned him with stones. The Israelites did as our Father commanded Moses. Pagkatapos itong sabihin ni Moises sa mga Israelita, dinala nila ang taong iyon na lumapastangan sa Diyos doon sa labas ng kampo at binato ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]