Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Leviticus 25 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Our Father spoke to Moses on Mount Sinai, saying: Noong si Moises ay nasa bundok ng Sinai, sinabi sa kanya ng Panginoon,
2 "Speak to the Israelites and say to them: When you enter the land I am giving you, the land is to keep a sabbath rest to me. “Sabihin mo ito sa mga Israelita: ‘Kapag naroon na kayo sa lupaing ibibigay ko sa inyo, pagpapahingahin ninyo ang mga bukirin tuwing ikapitong taon para akong inyong Panginoon ay maparangalan ninyo.
3 For six years sow your field, six years prune your vineyard and gather its fruit. Sa loob ng anim na taon ay makakapagtanim kayo at makakapag-ani,
4 But the seventh year is a sabbath of full rest for the land, a sabbath to me—don't sow your field or prune your vineyard. pero sa ikapitong taon ay dapat ninyong pagpahingahin ang lupa. Ito ay pagpapahinga para sa Panginoon. Huwag ninyong tataniman ang inyong mga bukid at puputulan ng mga sanga ang inyong mga ubas.
5 Don't reap what grows on its own, or gather grapes from your unpruned vine; the land gets a year of complete rest. At huwag din ninyong aanihin ang mga butil o pipitasin ang mga bunga ng mga tanim na kusang tumubo.
6 The land's sabbath will feed you—yourself, your male and female servants, hired hand, and the foreigner living with you, Ngunit maaari kayong kumuha nito para may makain kayo, ang inyong mga alipin, mga manggagawa, mga dayuhang naninirahang kasama ninyo,
7 and for your livestock and the wild animals in your land—all it yields is food. mga alaga nʼyong hayop, at mga hayop sa gubat na nasa inyong lupain.
8 "You are to count seven sabbaths of years, seven times seven years, making forty-nine years in all. “ ‘Bumilang kayo ng pitong tigpipitong taon, suma tutal ay apatnapuʼt siyam na taon.
9 Blow the ram's horn in blasts on the tenth day of the seventh month; on the Day of Atonement, sound it throughout all your land. At sa ikasampung araw ng ikapitong buwan, ang Araw ng Pagtubos, patunugin ninyo ang mga trumpeta sa buong lupain.
10 Make the fiftieth year holy: proclaim freedom in the land for all its residents. It is a jubilee for you—each returns to their property, each to their family. Ang ika-limampung taon ay ituring ninyong natatanging taon dahil iyon ay Taon ng Pagpapalaya at Pagsasauli para sa buong lupain; ang bawat isa sa inyo ay babalik sa inyong sariling lupain at lahi.
11 The fiftieth year is your jubilee: sow nothing, reap no self-grown grain, gather no untended vines. Sa taong ito, na Taon ng Pagpapalaya at Pagsasauli, huwag kayong magtatanim sa inyong mga bukirin at huwag din kayong mag-aani o mamimitas ng mga bunga ng mga ubas na hindi ninyo inalagaan.
12 For it is a jubilee; it is to be holy to you. Eat only what the field produces. Dahil Taon ng Pagpapalaya at Pagsasauli, dapat kayong magngilin; kainin lamang ninyo ang bunga ng mga tanim na kusang tumubo.
13 "In this Year of Jubilee each of you are to return to your own property. “ ‘Sa Taon ng Pagpapalaya at Pagsasauli, lahat ng mga ari-ariang ipinagbili sa inyo ay ibalik ninyo sa may-ari.
14 "If you sell or buy from your neighbor, do not cheat one another. “ ‘Kaya kung kayoʼy magbebenta o bibili ng lupain sa inyong kapwa Israelita, huwag kayong magdadayaan.
15 Buy from your neighbor by the years since the jubilee; he sells to you by the years of harvests. Ang halaga ng lupa ay ibabatay ayon sa dami ng taon ng pamumunga nito bago dumating ang Taon ng Pagpapalaya at Pagsasauli.
16 Raise the price for more years, lower it for fewer, since he's selling you a number of harvests. Kung mahaba pa ang mga taon bago dumating ang Taon ng Pagpapalaya at Pagsasauli, taasan ninyo ang halaga ng lupa, pero kung maigsi na lang, babaan ninyo. Sapagkat ang binibili ninyo ay hindi ang lupang iyon kundi ang dami ng magiging ani nito.
17 You shall not wrong one another, but you are to fear your Father, for I am your Father. Huwag kayong magdadayaan, sa halip ay matakot kayo sa akin, dahil ako ang Panginoon na inyong Diyos.
18-19 "Follow my statutes, keep my rules, and obey them, and you will live securely in the land. “ ‘Sundin ninyo ang mga tuntunin at utos ko para kayoʼy mamuhay ng mapayapa sa lupaing inyong titirhan at hindi kayo mawawalan ng pagkain dahil sa masaganang ani ng lupain.
19 The land will yield its fruit, and you will eat your fill and dwell in it securely. Not in this edition
20 If you ask, 'What will we eat in the seventh year, since we won't sow or gather our produce?' Huwag kayong mababahala sa kung ano ang inyong kakainin sa ikapitong taon na hindi kayo makakapagtanim o makakapag-ani.
21 I will command my blessing on you in the sixth year, yielding crop for three years. Pagpapalain ko ang inyong mga bukid tuwing ikaanim na taon upang maging masagana ang ani para maging sapat para sa tatlong taon.
22 You will plant in the eighth year but still eat old crop; until the ninth year's harvest comes in, you will eat the old. Kaya sa tuwing magtatanim kayo sa ikawalong taon, ang kakainin ninyo ay ang inyong ani pa rin noong ikaanim na taon, at magiging marami pa ang pagkain ninyo hanggang sa dumating ang tag-ani sa ikasiyam na taon.
23 "The land must not be sold permanently, for it is mine; for you are only foreigners and temporary residents with me. “ ‘Huwag ninyong ipagbibili ang inyong lupain na hindi na ninyo matutubos pa, dahil ang lupaing ito ay akin. Pinatitirhan at pinasasakahan ko lang ito sa inyo.
24 Throughout the land you possess, you are to grant a right of redemption for the land. Kaya payagan ninyong matubos pa ng may-ari ang kanyang lupain na ipinagbili sa inyo. Ganyan ang gawin ninyo sa lahat ng lupaing binili ninyo.
25 "If your brother becomes poor and sells part of his land, his nearest redeemer must come redeem what his brother sold. “ ‘Kung maghirap ang inyong kapwa Israelita at napilitan siyang ipagbili ang kanyang lupain, ang pinakamalapít niyang kamag-anak ang tutubos ng lupaing kanyang ipinagbili.
26 If a man has no redeemer but prospers and finds enough to redeem it, Ngunit kung wala siyang kamag-anak na tutubos nito para sa kanya, maaari pa rin niya itong tubusin kapag kaya na niya.
27 he calculates the years since the sale, returns the balance to the buyer, and returns to his property. Kapag nangyari ito, babayaran niya ang bumili ng kanyang lupain ng halagang ayon sa maaani sa lupain hanggang sa dumating ang Taon ng Pagpapalaya at Pagsasauli, at saka pa lang niya maaaring bawiin ang kanyang lupain.
28 But if he lacks means to repay him, what he sold stays with the buyer until Jubilee; it releases then, and he returns to his property. Ngunit kung kulang ang perang pantubos niya, mananatili ang lupain sa bumili hanggang sa dumating ang Taon ng Pagpapalaya at Pagsasauli. At sa taong iyon, ibabalik na sa kanya ang lupain niya nang walang bayad.
29 "If someone sells a house in a walled city, redemption rights last a full year from the sale. For that whole year the seller keeps this right. “ ‘Kung may taong magbenta ng kanyang bahay na nasa napapaderang lungsod, maaari pa rin niya itong tubusin sa loob ng isang taon pagkatapos niyang ipagbili.
30 If not redeemed within a full year, the house in the walled city belongs to its buyer permanently, generation after generation; it isn't released at the jubilee. Ngunit kung hindi niya ito matubos sa loob ng isang taon, ang bahay na iyon ay lubusan nang magiging pag-aari ng bumili at ng mga angkan nito magpakailanman. Hindi na ito maaaring bawiin ng may-ari sa Taon ng Pagpapalaya at Pagsasauli.
31 Houses in villages without walls count as open fields; they may be redeemed and go free at Jubilee. Ngunit ang mga bahay sa mga baryo na walang pader ay ituturing na katulad ng bukid na maaaring matubos o mabawi sa Taon ng Pagpapalaya at Pagsasauli.
32 "The Levites may always redeem the houses in the Levite cities they possess. “ ‘Maaaring tubusin ng mga Levita kahit kailan ang kanilang mga bahay na nasa kanilang bayan.
33 If a Levite doesn't redeem it, the house sold in his city is released at jubilee, for houses in Levite cities are their property among Israel. Kung hindi nila iyon matubos, ibabalik iyon sa kanila sa Taon ng Pagpapalaya at Pagsasauli. Sapagkat ang mga bahay sa kanilang bayan ay para sa kanila dahil bahagi nila ito na ibinigay ng kapwa nila Israelita.
34 But the pasture fields around their cities cannot be sold; they are their permanent possession. Pati ang mga pastulang nasa palibot ng kanilang bayan ay hindi dapat ipagbili, dahil iyon ay pag-aari nila magpakailanman.
35 "If your brother becomes poor and cannot support himself among you, help him like a foreigner or resident, so he may live among you. “ ‘Kung maghirap ang kapwa ninyo Israelita at hindi na niya kayang buhayin ang kanyang sarili, tulungan nʼyo siya katulad ng inyong pagtulong sa isang dayuhan o bisita para patuloy siyang makapamuhay kasama ninyo.
36-37 Charge him no interest or profit, but fear your Father, so your brother may live alongside you. Pahiramin ninyo siya ng pera na walang tubo, at pagbilhan ninyo siya ng pagkain na walang tubo para patuloy siyang naninirahang kasama ninyo. Gawin ninyo ito para ipakita na may takot kayo sa akin na inyong Diyos.
37 You shall not lend him your money at interest or give him your food for profit. Not in this edition
38 I am your Father, who brought you out of Egypt to give you Canaan and be your Father. Ako ang Panginoon na inyong Diyos na naglabas sa inyo sa Ehipto para maibigay ko sa inyo ang lupain ng Canaan upang akoʼy maging Diyos ninyo.
39 "If your brother beside you becomes poor and sells himself to you, don't make him work as a slave. “ ‘Kung sa labis na kahirapan ng inyong kapwa Israelita ay napilitang ipagbili ang sarili upang maging alipin, huwag ninyo siyang pagtrabahuhin katulad ng pangkaraniwang alipin.
40 He will be with you as a hired worker, as a resident, serving with you until Jubilee Year. Ituring ninyo siyang isang upahang manggagawa o isang panauhing nakatira sa inyo. Magtatrabaho siya sa inyo hanggang sa sumapit ang Taon ng Pagpapalaya at Pagsasauli.
41 Then he and his children go free from you, returning to his clan and ancestral property. Sa taong iyon, malaya na siya at ang mga anak niya, at makakabalik na sila sa kanilang mga kamag-anak at mapapasakanilang muli ang mga pag-aari ng kanilang mga ninuno.
42 For they are my servants, whom I brought from Egypt; they must not be sold as slaves are sold. Kayoʼy mga alipin ko, kayoʼy mga Israelitang inilabas ko sa Ehipto. Kaya huwag ninyong ipagbibili ang inyong sarili para maging alipin.
43 You shall not rule over him harshly, but you are to fear your Father. Huwag ninyong pagmamalupitan ang inyong kapwa Israelita na alipin ninyo. Ipakita ninyong kayoʼy may takot sa akin na inyong Diyos.
44 "As for your male and female slaves: you may buy them from the nations around you. “ ‘Kung gusto ninyong kayoʼy may alipin, bumili kayo sa mga bansa sa palibot ninyo.
45 Also buy from the foreign residents among you, and from their families with you, born in your land; they become your property. Maaari rin kayong bumili ng mga dayuhang naninirahang kasama ninyo, o ng kanilang mga anak na ipinanganak sa inyong lugar. At ang mga aliping nabili ninyo sa kanila ay magiging pag-aari na ninyo.
46 You may leave them to your children as inherited property, holding them for life. But over your fellow Israelites you must not rule harshly, one over another. At maaari nʼyo silang ipamana sa inyong mga anak upang maglingkod sa kanila habang silaʼy nabubuhay. Ngunit huwag ninyong pagmalupitan ang inyong kapwa Israelita na alipin ninyo.
47 "If a foreigner or resident among you prospers and your brother becomes poor beside him, selling himself to the foreigner or to a branch of the foreigner's family, “ ‘Kung sa labis na kahirapan ay ipinagbili ng isang Israelita ang kanyang sarili bilang alipin sa isang dayuhang naninirahang kasama ninyo, o sa kamag-anak ng dayuhang iyon,
48 he may be redeemed after he has sold himself. One of his brothers may redeem him. ang Israelitang iyon ay maaari pang tubusin kahit nabili na sila. Maaari siyang tubusin ng kanyang kapatid,
49 His uncle or cousin may redeem him, or a close relative from his clan may redeem him; or if he affords it, he redeems himself. tiyuhin, pinsan, o sinumang malapít niyang kamag-anak. Maaari ring siya mismo ang tumubos ng kanyang sarili kung kaya na niya.
50-52 He and his buyer is to reckon from the year he sold himself to the Jubilee; the price follows the years, like a hired worker's wage. Kukuwentahin niya at ng bumili sa kanya kung ilang taon siyang naglingkod at kung magkano ang katumbas na halaga nito kung babayaran siya katulad ng isang upahang manggagawa. At ang halaga nito ay ibabawas niya sa halagang ibinayad sa kanya noong siya ay binili bilang isang alipin. (Ang halagang iyon ay batay sa dami ng taon mula nang siyaʼy binili hanggang sa Taon ng Pagpapalaya at Pagsasauli.) At kung magkano ang natira, iyon ang babayaran niya para matubos ang kanyang sarili.
51 If many years remain, he refunds a proportionate amount of his purchase price as his redemption payment. Not in this edition
52 If few years remain until Jubilee, he must calculate and refund his redemption price accordingly. Not in this edition
53 He is to be with him as one hired year by year, not ruled over harshly in your sight. Kinakailangang ituring siya ng dayuhang bumili sa kanya na parang isang upahang manggagawa sa panahon ng kanyang paglilingkod at huwag ninyo siyang hayaang pagmalupitan ng taong bumili sa kanya.
54 If he isn't redeemed this way, he and his children go free together in the Jubilee Year. “ ‘Kung hindi siya makakalaya sa ganoong paraan, siya at ang mga anak niya ay palalayain sa Taon ng Pagpapalaya at Pagsasauli,
55 Israel's people are my servants, whom I brought out of Egypt. I am your Father." sapagkat alipin ko kayo, ako ang naglabas sa inyo mula sa Ehipto. Ako ang Panginoon na inyong Diyos.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]