Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Leviticus 19 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Our Father spoke to Moses, saying: Inutusan ng Panginoon si Moises
2 "Speak to the whole community of Israel: You are to be holy, for I, your Father, am holy. na sabihin ito sa lahat ng mamamayan ng Israel: Magpakabanal kayo dahil ako ang Panginoon na inyong Diyos ay banal.
3 "Each of you must respect your mother and father, and keep my Sabbaths. I am your Father. Dapat ninyong igalang ang inyong ina at ama. Sundin ninyo ang ipinapagawa ko sa inyo sa Araw ng Pamamahinga. Ako ang Panginoon na inyong Diyos.
4 "Do not turn to idols or make for yourselves gods of cast metal. I am your Father. Huwag kayong sasamba sa mga diyos-diyosan o gagawa ng mga imahen nila. Ako ang Panginoon na inyong Diyos.
5 "When you sacrifice a peace offering to me, offer it so you will be accepted. Kung mag-aalay kayo ng handog pangkapayapaan sa akin na inyong Panginoon, ialay ninyo ito sa paraang katanggap-tanggap sa akin.
6 Eat it the day you offer it, or the next; anything left to the third day, burn in fire. Kainin ninyo ito sa araw ding iyon o sa kinabukasan. Ngunit kung may matitira pa sa pangatlong araw, sunugin na ninyo ito.
7 If any is eaten on the third day, it is foul and will not be accepted. Kapag sa ikatlong araw ay kinain pa ninyo ito, hindi ko na ito tatanggapin dahil itoʼy karumal-dumal na.
8 Whoever eats it bears their guilt, for they desecrated what is holy to me; that person will be cut off from their people. At ang sinumang kumain nito ay mananagot dahil binalewala niya ang banal na bagay na para sa akin na inyong Panginoon, kaya ang taong iyon ay huwag na ninyong ituring na kababayan.
9 "When you harvest your land, do not reap to the field's edges or gather the gleanings of your harvest. Kung mag-aani kayo, huwag ninyong uubusin ang mga nasa gilid ng inyong bukirin, at huwag na ninyong balikan para pulutin ang mga natira.
10 Do not strip your vineyard bare or gather its fallen grapes. Leave them for the poor and the foreigner. I am your Father. Ganoon din sa inyong ubasan, huwag na ninyong babalikan para kunin ang mga natirang bunga o mga nalaglag. Iwanan ninyo iyon para sa mahihirap at mga dayuhan. Ako ang Panginoon na inyong Diyos.
11 "Do not steal; do not deceive; do not lie to one another. Huwag kayong magnanakaw, o magsisinungaling, o mandadaya ng inyong kapwa.
12 "Don't swear falsely by my name, desecrating your Father's name. I am your Father. Huwag kayong manunumpa ng kasinungalingan sa aking pangalan dahil kapag iyon ay ginawa ninyo iyon nilalapastangan ninyo ang aking pangalan. Ako ang Panginoon.
13 "You shall not oppress your neighbor or rob him. Do not hold a hired worker's wages overnight. Huwag ninyong lalamangan o pagnanakawan ang inyong kapwa. Huwag ninyong ipagpapaliban ang pagbabayad ng suweldo ng taong pinagtatrabaho ninyo.
14 "Do not curse the deaf or place a stumbling block before the blind, but fear your Father. I am your Father. Huwag kayong magsasalita ng masama sa bingi, at huwag ninyong lalagyan ng katitisuran ang dinadaanan ng bulag. Ipakita ninyong kayoʼy may takot sa akin sa pamamagitan ng pagsunod ng mga utos ko. Ako ang Panginoon.
15 "Do not pervert justice in your decisions. Do not favor the poor or defer to the great, but judge your neighbor fairly. Kinakailangang matuwid at walang kinikilingan ang inyong paghatol sa inyong kapwa, mayaman man o dukha.
16 "Don't spread slander among your people, and don't stand idle while your neighbor's life is in danger. I am your Father. Huwag ninyong siraan ang inyong kapwa. Huwag kayong gagawa ng anumang maglalagay sa panganib ng inyong kapwa. Ako ang Panginoon.
17 "Do not hate your brother in your heart; correct your neighbor openly, so you don't bear sin because of him. Huwag ninyong kapopootan ang inyong kapwa. Paalalahanan ninyo siya kung siyaʼy nagkasala upang wala kayong pananagutan.
18 Do not take revenge or hold a grudge against your own people, but love your neighbor as yourself. I am your Father. Huwag kayong gumanti ng masama o magtatanim ng galit sa inyong kapwa, kundi mahalin ninyo siya gaya ng inyong sarili. Ako ang Panginoon.
19 "Keep my decrees. Don't breed your livestock with a different kind. Don't sow your field with two kinds of seed, or wear a garment of two kinds of material. Sundin ninyo ang aking mga utos. Huwag ninyong palalahian ang isang hayop sa ibang uri ng hayop. Huwag kayong magtatanim ng dalawang klaseng binhi sa iisang bukid. Huwag kayong magsusuot ng damit na yari sa dalawang klaseng tela.
20 "If a man sleeps with a slave woman assigned to another man, and she has not been bought back or set free, an inquiry is required. They are not to be put to death, since she was not free. Kung ang isang lalaki ay sumiping sa isang aliping babae na nakatakdang ikasal sa ibang lalaki, pero hindi pa natutubos o napapalaya ang babae, dapat silang parusahan. Ngunit huwag silang patayin dahil hindi pa napapalaya ang nasabing babae.
21-22 He is to bring his guilt offering to me, at the entrance of the tent of meeting—a ram as the guilt offering. Kinakailangang magdala ang lalaki ng lalaking tupa malapit sa may pintuan ng Toldang Tipanan bilang handog na kabayaran ng kanyang pagkakasala sa Panginoon. Sa paghahandog ng pari ng tupang iyon sa aking harapan, ituturing kong malinis ang lalaking iyon sa kanyang kasalanan at patatawarin ko siya.
22 The priest will make atonement for him with the ram of the guilt offering before me, for the sin he committed; and he will be forgiven the sin he committed. Not in this edition
23 "When you enter the land and plant any food tree, treat its fruit as forbidden. For three years it is forbidden to you; do not eat it. Kapag dumating na kayo sa lupaing ibibigay ko sa inyo, huwag ninyong kakainin ang bunga ng mga punongkahoy na inyong itinanim sa loob ng tatlong taon. Ituring ninyong marumi iyon.
24 In the fourth year all its fruit is to be holy, an offering of praise to me. Sa ikaapat na taon, ang lahat ng bunga ay ituturing na banal, ihandog ninyo ito sa akin na inyong Panginoon bilang papuri sa akin kaya huwag ninyo itong kakainin.
25 But the fifth year you may eat its fruit, so it yields more for you. I am your Father. Sa ikalimang taon, makakain na ninyo ang mga bunga ng inyong mga pananim. At kung susundin ninyo ang tuntuning ito, magiging sagana ang bunga ng inyong mga pananim. Ako ang Panginoon na inyong Diyos.
26 "Do not eat anything with the blood in it. Do not practice fortune-telling or interpret omens. Huwag kayong kakain ng karneng may dugo pa. Huwag ninyong gagawin ang ginagawa ng mga manghuhula at mangkukulam.
27 "Do not round off the hair at the sides of your head or damage the edges of your beard. Kung magluluksa kayo, huwag ninyong pagugupitan ang inyong buhok sa palibot ng inyong ulo o magpuputol ng inyong balbas.
28 "Don't cut your body for the dead or tattoo yourselves. I am your Father. At huwag din ninyong susugatan ang inyong katawan. Huwag din kayong magpapatatu. Ako ang Panginoon.
29 "Do not desecrate your daughter by making her a prostitute, or the land will turn to prostitution and fill with depravity. Huwag ninyong ilagay sa kahihiyan ang inyong anak na babae sa pamamagitan ng pagpilit sa kanila na ipagbili ang kanilang sarili para sa panandaliang aliw, dahil ito ang magiging dahilan ng paglaganap ng kasamaan sa inyong bayan.
30 "You are to keep my Sabbaths and revere my sanctuary. I am your Father. Sundin ninyo ang ipinapagawa ko sa inyo sa Araw ng Pamamahinga, at igalang ninyo ang aking santuwaryo. Ako ang Panginoon.
31 "Do not turn to mediums or necromancers; do not seek to be made unclean by them. I am your Father. Huwag kayong sasangguni sa mga espiritistang nakikipag-usap sa kaluluwa ng mga patay, dahil kapag ginawa ninyo ito, ituturing kayo na marumi. Ako ang Panginoon na inyong Diyos.
32 "Stand up before the gray-haired and respect the old. Fear your Father. I am your Father. Igalang ninyo ang matatanda. Igalang nʼyo ako na inyong Diyos, ako ang Panginoon.
33 "When a foreigner lives among you in your land, do not mistreat them. Huwag ninyong aapihin ang mga dayuhang naninirahang kasama ninyo.
34 The foreigner living among you must be to you as a native, and love them as yourself, for you were foreigners in Egypt. I am your Father. Ituring ninyo silang gaya ng inyong mga kababayan at ibigin ninyo sila gaya ng sa inyong sarili, dahil kayo rin noon ay naging mga dayuhan sa Ehipto. Ako ang Panginoon na inyong Diyos.
35 "You are to do no wrong in judgment, in measures of length, weight, or quantity. Huwag kayong mandadaya sa inyong pagtitimbang, pagsukat at pagtatakal.
36-37 Have honest scales, honest weights, an honest grain measure, an honest liquid measure. I am your Father, who brought you out of the land of Egypt. Gamitin ninyo ang tamang timbangan, sukatan, o takalan. Ako ang Panginoon na inyong Diyos na naglabas sa inyo sa Ehipto. Sundin ninyo ang lahat ng tuntunin at utos ko. Ako ang Panginoon.
37 "Keep all my statutes and all my rules, and do them. I am your Father." Not in this edition
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]