Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Genesis 46 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 So Israel set out with all he had, came to Beersheba, and sacrificed to our Father, whom his father Isaac had worshiped. Naglakbay nga si Jacob papunta sa Ehipto, dala ang lahat ng kanyang ari-arian. Pagdating niya sa Beer-seba, naghandog siya sa Diyos ng ama niyang si Isaac.
2 And our Father spoke to Israel in visions of the night, "Jacob, Jacob." He said, "Here I am." Kinagabihan, nakipag-usap ang Diyos sa kanya sa pamamagitan ng isang pangitain. Tinawag ng Diyos si Jacob, at sumagot si Jacob sa kanya.
3 He said, "I am your Father, whom your father worshiped. Do not be afraid to go down to Egypt, for there I will make you a great nation. Pagkatapos, sinabi niya, “Ako ang Diyos, na siyang Diyos ng iyong ama. Huwag kang matakot pumunta sa Ehipto, dahil gagawin ko kayong isang kilalang bansa roon.
4 I myself will go down with you to Egypt, and I will surely bring you back; and Joseph's own hand will close your eyes." Ako mismo ang kasama mo sa pagpunta sa Ehipto at muli kitang ibabalik dito. At kung mamamatay ka na, nandiyan si Jose sa iyong tabi.”
5 Jacob set out from Beersheba. Israel's sons carried their father Jacob, their little ones, and their wives in the wagons Pharaoh had sent for him. Kayaʼt naglakbay si Jacob mula sa Beer-seba, at dinala siya ng kanyang mga anak sa Ehipto. Pinasakay siya, ang kanyang mga apo, ng mga anak niya sa karwaheng ibinigay ng Faraon para sakyan niya.
6 They took their livestock and the goods they had acquired in the land of Canaan, and came to Egypt—Jacob and all his offspring with him. Dinala nila ang kanilang mga alagang hayop at ang mga ari-ariang naipon nila sa Canaan. Kaya pumunta si Jacob at ang kanyang sambahayan sa Ehipto.
7 His sons and grandsons, daughters and granddaughters—all his offspring he brought with him to Egypt. Isinama niya ang lahat ng kanyang mga anak at mga apo, lalaki at babae.
8 These are the names of Israel's sons who came into Egypt—Jacob and his sons: Reuben, Jacob's firstborn. Ito ang mga pangalan ng mga lahi ni Jacob na pumunta sa Ehipto: Si Ruben ang panganay niyang anak.
9 The sons of Reuben: Hanoch, Pallu, Hezron, and Carmi. Ang mga anak na lalaki ni Ruben ay sina Enoc, Falu, Hezron at Carmi.
10 The sons of Simeon: Jemuel, Jamin, Ohad, Jachin, Zohar, and Shaul the son of a Canaanite woman. Ang mga anak na lalaki ni Simeon ay sina Jemuel, Jamin, Ohad, Jaquin, Zohar at si Saul na anak ng isang babaeng taga-Canaan.
11 The sons of Levi: Gershon, Kohath, and Merari. Ang mga lalaking anak ni Levi ay sina Gerson, Kohat at Merari.
12 Judah's sons: Er, Onan, Shelah, Perez, Zerah; but Er and Onan died in Canaan. Perez's sons: Hezron and Hamul. Ang mga anak na lalaki ni Juda ay sina Er, Onan, Shela, Peres at Zera. (Ngunit si Er at Onan ay namatay sa Canaan.) Ang mga anak na lalaki ni Perez ay sina Hezron at Hamul.
13 The sons of Issachar: Tola, Puvah, Iob, and Shimron. Ang mga anak na lalaki ni Isacar ay sina Tola, Pua, Iob at Simron.
14 The sons of Zebulun: Sered, Elon, and Jahleel. Ang mga anak na lalaki ni Zebulun ay sina Sered, Elon at Jahleel.
15 These are Leah's sons, born to Jacob in Paddan-aram, with his daughter Dinah; his sons and daughters numbered thirty-three. Sila ang tatlumpuʼt tatlong anak at apo ni Jacob kay Lea na ipinanganak sa Padan-aram, at kabilang ang anak niyang babae na si Dina.
16 The sons of Gad: Ziphion, Haggi, Shuni, Ezbon, Eri, Arodi, and Areli. Ang mga anak na lalaki ni Gad ay sina Zifion, Hagui, Suni, Ezbon, Eri, Arodi at Areli.
17 Asher's sons: Imnah, Ishvah, Ishvi, Beriah, and their sister Serah. Beriah's sons: Heber and Malchiel. Ang mga anak na lalaki ni Asher ay sina Imna, Isva, Isvi at Berias at ang kapatid nilang babae na si Sera. Ang mga anak ni Beria ay sina Heber at Malquiel.
18 These are the sons of Zilpah, whom Laban gave to his daughter Leah; she bore these to Jacob—sixteen in all. Sila ang labing-anim na anak at apo ni Jacob kay Zilpa na aliping ibinigay ni Laban kay Lea.
19 The sons of Rachel, Jacob's wife: Joseph and Benjamin. Ang mga anak na lalaki ni Jacob kay Raquel ay sina Jose at Benjamin.
20 Manasseh and Ephraim were born to Joseph in Egypt by Asenath, daughter of Potiphera, priest of On. Ang mga anak na lalaki ni Jose kay Asenat na ipinanganak sa Ehipto ay sina Manases at Efraim. (Si Asenat ay anak na babae ni Potifera na pari ng On.)
21 The sons of Benjamin: Bela, Becher, Ashbel, Gera, Naaman, Ehi, Rosh, Muppim, Huppim, and Ard. Ang mga anak na lalaki ni Benjamin ay sina Bela, Bequer, Asbel, Gera, Naaman, Ehi, Ros, Mupim, Hupim at Ard.
22 These are the sons of Rachel who were born to Jacob—fourteen persons in all. Sila ang labing-apat na lalaking anak at apo ni Jacob kay Raquel.
23 The sons of Dan: Hushim. Ang anak na lalaki ni Dan ay si Husim.
24 The sons of Naphtali: Jahzeel, Guni, Jezer, and Shillem. Ang mga anak na lalaki ni Neftali ay sina Jahzeel, Guni, Jeser at Silem.
25 These are Bilhah's sons, whom Laban gave to his daughter Rachel; she bore these to Jacob—seven in all. Sila ang pitong anak at apo ni Jacob kay Bilha na aliping ibinigay ni Laban kay Raquel.
26 Jacob's direct descendants who came to Egypt—excluding his sons' wives—totaled sixty-six. Ang bilang ng lahat ng anak at apo ni Jacob na pumunta sa Ehipto ay animnapuʼt anim. Hindi pa kabilang dito ang mga asawa ng kanyang mga anak.
27 Joseph had two sons born in Egypt. Jacob's household that came to Egypt numbered seventy in all. Kasama ang dalawang anak na lalaki ni Jose na ipinanganak sa Ehipto, pitumpu ang kabuuan ng sambahayan ni Jacob na natipon sa Ehipto.
28 Jacob sent Judah ahead to Joseph to lead the way to Goshen; they reached the land of Goshen. Nang malapit na sila sa Ehipto, inutusan ni Jacob si Juda na maunang pumunta kay Jose upang ituro sa kanila ang daang patungo sa Goshen. At nang makarating na sina Jacob sa Goshen,
29 Joseph readied his chariot and went up to Goshen to meet his father Israel. He appeared to him, fell on his neck, and wept on his neck a long time. sumakay si Jose sa karwahe niya at pumunta sa Goshen para salubungin ang kanyang ama. Nang magkita sila, niyakap ni Jose ang kanyang ama at matagal na umiyak.
30 Israel said to Joseph, "Now let me die, since I've seen your face and you're still alive." Sinabi ni Jacob kay Jose, “Ngayon, handa na akong mamatay dahil nakita kong mismo na buhay ka pa.”
31 Joseph told his brothers and his father's household, "I will go up and tell Pharaoh, and say to him, 'My brothers and my father's household, who were in Canaan, have come to me. At sinabi ni Jose sa mga kapatid niya at sa buong sambahayan ng kanyang ama, “Aalis ako at sasabihin sa Faraon na narito na ang mga kapatid ko at ang buong sambahayan ng aking ama na nakatira sa Canaan.
32 The men are shepherds, for they have been keepers of livestock; they've brought their flocks, herds, and all they have.' Sasabihin ko rin sa kanya na nagpapastol kayo ng mga hayop, at dinala ninyo ang mga hayop ninyo at ang lahat ng ari-arian ninyo.
33 When Pharaoh calls you and says, 'What is your occupation?' Kaya kapag ipinatawag niya kayo at itinanong kung ano ang trabaho ninyo,
34 you will say, 'Your servants have raised livestock from our youth until now, we and our fathers,' so you may settle in Goshen; for every shepherd is detestable to the Egyptians." sabihin nʼyo na nagpapastol kayo ng mga hayop mula pagkabata katulad ng mga magulang ninyo, upang patirahin niya kayo sa Goshen. Sapagkat nasusuklam ang mga Ehipsiyo sa mga nagpapastol ng hayop.”
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]