Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Genesis 45 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Joseph could not control himself before everyone standing by him, so he cried out, "Send everyone away from me!" No one stayed with him when Joseph made himself known to his brothers. Hindi na mapigilan ni Jose ang kanyang sarili, kaya pinalabas niya ang kanyang mga alipin. At nang sila na lamang ang naroon, nagpakilala siya sa kanyang mga kapatid.
2 He wept so loudly that the Egyptians heard it, and Pharaoh's household heard it. Umiyak nang malakas si Jose kaya narinig ito ng mga Ehipsiyo at ng sambahayan ng Faraon.
3 Joseph said to his brothers, "I am Joseph! Is my father still alive?" His brothers could not answer him, for they were terrified at his presence. Sinabi ni Jose sa kanyang mga kapatid, “Ako si Jose! Totoo bang buháy pa ang ating ama?” Ngunit hindi nakasagot sa kanya ang mga kapatid niya dahil natulala sila.
4 Joseph said to his brothers, "Please, come close to me." They came close. He said, "I am your brother Joseph, whom you sold into Egypt. Kaya sinabi ni Jose, “Lumapit kayo sa akin.” Nang lumapit na sila, sinabi niya, “Ako si Jose na kapatid ninyo, ang ipinagbili ninyo upang maging alipin dito sa Ehipto.
5 Now don't be distressed or angry with yourselves for selling me here, since our Father sent me ahead of you to preserve life. Ngayon, huwag kayong mag-alala at huwag ninyong sisihin ang sarili nʼyo dahil ipinagbili nʼyo ako rito, dahil ang Diyos ang siyang nagsugo sa akin dito upang iligtas ang buhay ninyo.
6 Famine has been in the land two years now; five more years remain with no plowing or harvest. Ikalawang taon pa lang ito ng taggutom, at may susunod pang limang taon na walang ani.
7 Our Father sent me ahead of you to preserve a remnant for you on earth, and keep you alive as a great band of survivors. Ngunit sinugo ako rito ng Diyos upang mailigtas kayo at mapanatili ang marami sa inyo rito sa mundo.
8 So now, it wasn't you who sent me here, but our Father—he made me father to Pharaoh, lord of all his household, and ruler over all the land of Egypt. “Kaya, hindi kayo ang nagpadala sa akin dito kundi ang Diyos. Ginawa niya akong tagapayo ng Faraon, tagapamahala ng kanyang sambahayan at ng buong Ehipto.
9 Hurry, go up to my father, tell him: Your son Joseph says: Our Father has made me lord of all Egypt. Come down to me; don't delay. Ngayon, magmadali kayong bumalik sa aking ama at sabihin nʼyo sa kanya na ang anak niyaʼy ginawa ng Diyos na tagapamahala ng buong Ehipto. At sabihin ninyo sa kanya na pinapapunta ko siya rito sa akin sa lalong madaling panahon.
10 You'll live in Goshen, near me—you, your children, your children's children, your flocks, your herds, all you own. Maaari siyang tumira sa lupain ng Goshen kasama ang kanyang mga anak at mga apo, mga hayop, at ang lahat ng ari-arian niya, upang malapit siya sa akin.
11 I will provide for you there—five years of famine remain—so you, your household, and all you own don't fall into poverty. Aalagaan ko siya rito sa Goshen dahil may darating pang limang taon na taggutom. Ayaw kong magutom siya at ang kanyang sambahayan, pati ang kanyang mga hayop.”
12 Your eyes see, and my brother Benjamin's eyes see, that it is my own mouth speaking to you. Nagpatuloy si Jose sa pagsasalita, “Ngayong alam nʼyo na, maging ng kapatid kong si Benjamin, na talagang ako si Jose na nakikipag-usap sa inyo.
13 Tell my father all my honor in Egypt, and all you have seen. Hurry and bring my father down here. Sabihin nʼyo sa aking ama ang tungkol sa karangalang nakamit ko rito sa Ehipto at ang lahat ng nakita ninyo. At dalhin nʼyo siya agad dito sa akin.”
14 Then he threw his arms around his brother Benjamin and wept, and Benjamin wept on his neck." Pagkatapos, niyakap ni Jose ang kanyang kapatid na si Benjamin, umiiyak siya habang nakayakap kay Jose.
15 He kissed all his brothers and wept over them. After that his brothers talked with him. Pagkatapos, pinaghahagkan ni Jose ang lahat ng kapatid niya at patuloy siyang umiiyak sa kanila. Pagkatapos noon ay nakipag-usap sa kanya ang mga kapatid niya.
16 News reached Pharaoh's house: "Joseph's brothers have come." It pleased Pharaoh and his officials. Nang makarating ang balita sa palasyo ng Faraon na dumating ang mga kapatid ni Jose, natuwa ang Faraon at ang kanyang mga opisyal.
17 Pharaoh said to Joseph, "Say to your brothers: do this—load your animals, go, return to the land of Canaan. Sinabi ng Faraon kay Jose, “Sabihin mo sa mga kapatid mo na kargahan nila ng pagkain ang mga hayop nila at bumalik sa lupain ng Canaan.
18 Take your father and your households and come to me. I will give you the best of Egypt's land, and you will eat the richness of the land. Pagkatapos, dalhin nila rito ang kanilang ama at ang kani-kanilang pamilya, dahil ibibigay ko sa kanila ang pinakamagandang lupain sa Ehipto at matitikman nila ang pinakamagandang ani nito.
19 You are commanded: tell them, 'Do this—take wagons from Egypt for your children and wives, bring your father, and come. “Sabihin mo rin sa kanila na magdala sila ng mga karwahe mula rito sa Ehipto upang masakyan ng mga asawaʼt anak nila. At dalhin nila rito ang inyong ama.
20 Don't worry about your belongings—the best of all Egypt's land is yours.'" Huwag na silang manghinayang sa mga ari-arian nilang maiiwan dahil ang magagandang bagay sa buong Ehipto ay magiging sa kanila.”
21 The sons of Israel did so; Joseph gave them wagons per Pharaoh's order, and gave them provisions for the road. Ginawa ito ng mga anak ni Jacob. At ayon sa utos ng Faraon, binigyan ni Jose ang mga kapatid niya ng mga karwahe at pinabaunan ng pagkain sa kanilang paglalakbay.
22 He gave each a change of clothes, but Benjamin 300 pieces of silver and five changes of clothes. Binigyan din niya ang bawat isa sa kanila ng damit; ngunit ang ibinigay niya kay Benjamin ay limang damit at 300 pirasong pilak.
23 He sent his father ten donkeys loaded with Egypt's best, and ten female donkeys loaded with grain, bread, and food for his journey. Pinadalhan din niya ang kanyang ama ng sampung asnong may mga kargang pinakamagandang ani mula sa Ehipto, at sampung babaeng asno na may mga kargang trigo, tinapay at mga baon ng kanyang ama sa paglalakbay.
24 He sent his brothers off; as they left, he said, "Don't quarrel on the way." Nang pinaalis na niya ang kanyang mga kapatid, sinabi niyang huwag silang mag-aaway sa daan.
25 So they left Egypt and came to their father Jacob in Canaan. Kaya umalis sila sa Ehipto at bumalik sa kanilang ama sa Canaan.
26 They told him, "Joseph is still alive—ruler over all Egypt!" But his heart went numb; he didn't believe them. Pagdating nila roon, sinabi nila sa kanilang ama, “Buháy pa si Jose! Sa katunayan, siya ang tagapamahala ng buong Ehipto.” Natulala si Jacob; hindi siya makapaniwala.
27 But when they told him all Joseph's words to them, and he saw the wagons Joseph sent to carry him, their father Jacob's spirit revived. Ngunit nang sinabi nila sa kanya ang lahat ng sinabi ni Jose sa kanila, at nang makita niya ang mga karwaheng ipinadala ni Jose para sa pagpunta niya sa Ehipto, bigla siyang lumakas.
28 Israel said, "Enough! Joseph my son is still alive. I will go and see him before I die." Sinabi ni Jacob, “Naniniwala na ako! Ang anak kong si Jose ay buháy pa. Pupuntahan ko siya bago ako mamatay.”
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]