Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Genesis 44 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Then he told his house steward: "Fill the men's sacks with food, as much as they can carry, and put each man's silver at his sack's opening. Samantala, inutusan ni Jose ang tagapamahalang alipin sa kanyang bahay. Sinabi niya, “Punuin ninyo ng pagkain ang mga sako ng magkakapatid ayon sa kanilang makakaya, at ilagay sa mga sako nila ang perang ibinayad nila.
2 Put my cup, the silver cup, in the mouth of the youngest's sack, with his grain money." He did as Joseph said. Ilagay ninyo ang aking kopang pilak sa sako ng bunso kasama ng perang ibinayad niya sa pagkain.” Ginawa ng tagapamahalang alipin niya ang sinabi ni Jose.
3 As soon as the morning was light, the men were sent away with their donkeys. Kinabukasan, maagang-maagang umalis ang magkakapatid na sakay ng kanilang mga asno.
4 They had left the city, not yet far off, when Joseph told his steward, "Chase down the men. When you catch them, ask, 'Why have you repaid evil for good? Hindi pa sila nakakalayo sa lungsod nang sabihin ni Jose sa kanyang tagapamahalang alipin, “Bilis, habulin mo ang mga taong iyon! At kung maabutan mo silaʼy sabihin mo sa kanila, ‘Bakit masama ang iginanti ninyo sa mabuting ipinakita namin sa inyo?
5 Isn't this the cup my lord drinks from and uses for fortune-telling? What you've done is evil.'" Bakit kinuha ninyo ang kopa na iniinuman ng aking amo at ginagamit niya sa panghuhula? Masama ang ginawa ninyong ito.’ ”
6 When he overtook them, he spoke these words to them. Naabutan ng tagapamahalang alipin ang magkakapatid at sinabi niya ito sa kanila.
7 They said, "Why does my lord say such things? Your servants would never do such a thing. Sinabi nila sa tagapamahalang alipin, “Bakit po ninyo nasabi iyan, panginoon ko? Malayong gagawin naming mga lingkod mo ang bagay na iyan.
8 Look, we brought back to you from Canaan the silver we found in our sacks' openings. How could we steal silver or gold from your master's house? Alam nʼyo rin na mula sa Canaan ay dinala namin pabalik sa inyo ang perang nakita namin sa aming mga sako. Kaya bakit magnanakaw pa kami ng pilak o ginto sa bahay ng amo ninyo?
9 Whichever of your servants it's found with will die, and we'll become my lord's slaves too." Kapag nakita nʼyo ang kopa na iyan sa isa sa amin, patayin nʼyo siya at magiging alipin nʼyo kami.”
10 He said, "Good—let it be as you say. Whoever has it will be my slave; the rest of you are innocent." Sinabi ng tagapamahalang alipin, “Sige, Kapag nakita ko ang kopa sa isa sa inyo ay magiging alipin ko siya, at ang matitira sa inyoʼy walang pananagutan.”
11 Then each man quickly lowered his sack to the ground, and each man opened his sack. Kaya nagmamadaling ibinaba ng bawat isa ang mga sako nila at binuksan ito.
12 He searched, starting with the oldest, ending with the youngest—the cup was found in Benjamin's sack. Agad na hinanap ng tagapamahalang alipin ang kopa sa mga sako, magmula sa panganay hanggang sa bunso, at ang kopa ay nakita sa sako ni Benjamin.
13 Then they tore their clothes, and every man loaded his donkey, and they returned to the city. Nang makita ito ng magkakapatid, pinunit nila ang kanilang mga damit dahil sa matinding kalungkutan. Muli nilang isinakay sa asno ang mga sako nila at bumalik sa lungsod.
14 When Judah and his brothers reached Joseph's house, he was still there, and they fell to the ground before him. Nang dumating si Juda at ang mga kapatid niya sa Ehipto, naroon pa rin si Jose sa bahay niya. Pumasok sila sa bahay at nagpatirapa sa harapan ni Jose.
15 Joseph said to them, "What have you done? Don't you know a man like me surely tells fortunes?" Sinabi ni Jose sa kanila, “Ano ba itong ginawa ninyo? Hindi nʼyo ba alam na marunong akong manghula? Kaya wala kayong maitatago sa akin.”
16 Judah said, "What can we say to my lord? What can we speak? How can we clear ourselves? Our Father has found your servants' guilt. Look—we are my lord's slaves, both we and the one in whose hand the cup was found." Sinabi ni Juda, “Ano pa ba ang puwede naming ikakatwiran pa sa inyo, ginoo? Hindi na po namin masasabi na hindi kami nagkasala. Ang Diyos ang siyang naghayag ng aming kasalanan. Ngayon, lahat po kami ay alipin na ninyo, kami at ang isa na nakitaan ng kopa.”
17 But he said, "I could never do this. Only the man in whose hand the cup was found will be my slave. The rest of you, go back to your father in peace." Ngunit sinabi ni Jose, “Hindi ko magagawa iyan. Kung kanino lang nakita ang kopa siya lang ang magiging alipin ko. At makakauwi na kayo sa inyong ama nang matiwasay.”
18 Then Judah stepped forward and said, "Please, my lord, let your servant speak a word to you. Don't be angry with your servant, for you are like Pharaoh himself. Lumapit si Juda kay Jose at sinabi, “Hinihiling ko sa inyo, panginoon ko, kung maari ay pakinggan nʼyo ako. Huwag sana kayong magalit sa akin, kayo na gaya ng Faraon.
19 My lord asked his servants, saying, 'Do you have a father or a brother?' Tinanong nʼyo kami noon kung mayroon pa kaming ama at kapatid,
20 We said to my lord, 'We have an old father, and a young son born late in life. His brother is dead; he alone is left of his mother's children, and his father loves him.' at sinagot po namin na may ama pa kami na matanda na, at may bunso kaming kapatid na ipinanganak sa kanyang katandaan. Sinabi po namin na patay na ang kapatid niya at siya na lang ang naiwan sa kanilang magkakapatid na buo, at mahal na mahal po siya ng aming ama.
21 Then you told your servants, 'Bring him down to me so I can see him myself.' “Sinabi rin po namin na dadalhin namin siya sa inyo upang makita nʼyo rin siya.
22 We told my lord, 'The boy can't leave his father, because if he does, his father will die.' Sinabi namin sa inyo na hindi maaaring iwanan ng bunsong kapatid namin ang aming ama, dahil baka ang pag-alis ng kanyang anak ang siyang ikamatay niya.
23 You told your servants, 'If your youngest brother doesn't come down with you, you won't see my face again.' Ngunit sinabi nʼyo po sa amin na huwag kaming magpapakita sa inyo kung hindi namin kasama ang aming bunsong kapatid.
24 When we went back to my father, your servant, we told him what you had said. Ang lahat ng itoʼy sinabi namin sa aming ama noong umuwi kami.
25 And when our father said, 'Go again, buy us a little food,' “Hindi nagtagal, sinabi ng aming ama na muli kaming bumalik dito at bumili ng pagkain.
26 we said, 'We can't go down. If our youngest brother comes with us, then we will go. For we can't see the man's face unless our youngest brother is with us.' Ngunit sinabi po namin sa kanya na makakaalis lang kami kung kasama namin ang aming bunsong kapatid, dahil hindi kami maaaring magpakita sa inyo kung hindi namin kasama ang bunso namin.
27 Then your servant my father said to us, 'You know that my wife bore me two sons. “Ito ang isinagot niya sa amin, ‘Alam nʼyo naman na dalawa lang ang anak ko sa asawa kong si Raquel.
28 One left me, and I said, "Surely torn to pieces"; I haven't seen him since. Ang isaʼy wala na; maaaring niluray-luray siya ng mababangis na hayop. At hanggang ngayoʼy hindi ko pa siya nakikita.
29 If you take this one too from me, and harm meets him, you'll bring my gray head down to the grave in grief. Kung kukunin nʼyo pa ang isang ito na naiwan sa akin, at kung may mangyari sa kanya, baka mamatay ako dahil sa sobrang paghihirap ng aking kalooban.’
30 So when I come to your servant, my father, and the boy isn't with us, his life is bound to the boy's life, “Kaya, ang buhay po ng aming ama ay nakasalalay sa buhay ng kanyang anak. Kung uuwi kami na hindi namin siya kasama,
31 when he sees the boy is gone, he'll die, and your servants will bring your servant our father down to the grave in sorrow.' tiyak na mamamatay sa kalungkutan ang aming ama na matanda na.
32 For your servant guaranteed the boy to my father, saying, 'If I don't bring him back to you, I'll bear the guilt before my father all my life.' Itinaya ko ang aking buhay para sa kanyang anak. Sinabi ko po sa aking ama na kung hindi ko maibabalik sa kanya ang kanyang anak, ako ang dapat sisihin habambuhay.
33 So please, let your servant stay as my lord's slave instead of the boy, and let the boy return with his brothers. “Kaya panginoon, ako na lang po ang magpapaiwan dito bilang alipin ninyo sa halip na ang kanyang anak, at payagan nʼyo na lang po siyang makauwi kasama ng mga kapatid niya.
34 How can I return to my father without the boy? I could not bear to see the disaster that would strike my father." Hindi po ako puwedeng umuwi nang hindi kasama ang anak niya. Hindi ko po kayang tiisin na makita ang masamang mangyayari sa aming ama.”
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]