Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Genesis 43 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Now the famine was severe in the land. Lumala ang taggutom sa Canaan.
2 When they'd eaten the grain brought from Egypt, their father said, "Go back and buy us a little food." Naubos na ng pamilya ni Jacob ang pagkaing binili nila sa Ehipto. Kaya inutusan ni Jacob ang mga anak niya, “Bumalik kayo roon sa Ehipto at bumili ng kahit kaunting pagkain.”
3 But Judah told him, "The man firmly warned us: 'You won't see my face without your brother.' Ngunit sumagot si Juda sa kanya, “Binalaan po kami ng gobernador na huwag na po kaming magpapakita sa kanya kung hindi po namin kasama ang aming bunsong kapatid.
4 If you send our brother with us, we will go down and buy you food. Kung pasasamahin po ninyo siya sa amin babalik kami roon upang bumili ng pagkain.
5 But if you won't send him, we won't go, for the man said, 'You won't see my face without your brother.'" Ngunit kung hindi po, hindi po kami pupunta dahil nga sa sinabi niya na huwag daw kaming magpapakita sa kanya kung hindi namin kasama ang aming bunsong kapatid.”
6 Israel said, "Why did you harm me by telling the man you had another brother?" Sinabi ni Jacob, “Bakit binigyan nʼyo ako ng malaking problema? Bakit ipinagtapat nʼyo pa sa gobernador na may isa pa kayong kapatid?”
7 They said, "The man questioned us closely about ourselves and our family: 'Is your father still alive? Do you have another brother?' We answered accordingly. How could we know he'd say, 'Bring your brother down'?" Sumagot sila, “Kasi po lagi niya kaming tinatanong tungkol sa pamilya natin. Nagtanong siya kung buháy pa ba ang aming ama at kung may iba pa po kaming kapatid. Kaya sinagot po namin siya. Hindi po namin inaasahan na sasabihin niya sa amin na dalhin namin sa kanya ang kapatid namin.”
8 Judah said to his father Israel, "Send the boy with me; let's go, so we may live and not die—we, you, and our children. Kaya sinabi ni Juda sa kanilang ama, “Ama, pumayag na po kayo na isama namin si Benjamin upang makaalis na po kami agad upang hindi po tayo mamatay lahat sa gutom.
9 I pledge myself for him—demand him from me. If I don't bring him back and set him before you, I'll bear the blame before you forever. Igagarantiya ko po ang buhay ko para kay Benjamin. Singilin po ninyo ako kung anuman ang mangyari sa kanya. Kung hindi po siya makakabalik sa inyo nang buháy, sisihin po ninyo ako habambuhay.
10 For if we had not delayed, surely by now we would have returned twice." Kung hindi po tayo nagsayang ng panahon, dalawang beses na sana kaming nakabalik.”
11 Israel their father said to them, "If it must be so, do this: put the land's best products in your bags, and take the man a gift—a little balm, a little honey, spices, myrrh, pistachios, almonds. Sinabi ng kanilang ama, “Kung ganoon ang makakabuti, sige payag na ako. Magdala kayo sa mga sisidlan ninyo ng pinakamagandang produkto rito sa ating lugar upang iregalo sa gobernador: kaunting balsamo at kaunting pulot-pukyutan, mga sangkap ng gamot at pabango, mga pistasyo at almendra.
12 Take double the money, and bring back what was returned in your sacks' mouths—perhaps an oversight. Doblehin ninyo ang dala ninyong pera dahil dapat ninyong ibalik ang perang ibinalik sa mga sako ninyo. Baka nagkamali lang sila noon.
13 Take your brother also, and go back to the man. Isama ninyo ang kapatid ninyong si Benjamin at bumalik kayo agad sa gobernador.
14 May El Shaddai—our Father Almighty—grant you mercy before the man, so he releases your other brother and Benjamin. And as for me, if I'm bereaved of my children, I'm bereaved." Nawaʼy hipuin ng Diyos na Makapangyarihan ang puso ng gobernador upang mahabag siya sa inyo at ibalik niya sa inyo sina Simeon at Benjamin. Ngunit kung hindi sila makabalik, tatanggapin ko na lang nang maluwag sa kalooban ko.”
15 The men took the gift, twice the silver, and Benjamin, went down to Egypt, and stood before Joseph. Kaya nagdala ang magkakapatid ng mga regalo at dinoble rin nila ang dala nilang pera. Pagkatapos, umalis sila papuntang Ehipto kasama si Benjamin, at nakipagkita kay Jose.
16 Seeing Benjamin with them, Joseph told his house steward, "Bring the men into the house, slaughter an animal, and prepare it—they'll eat with me at noon." Pagkakita ni Jose na kasama nila si Benjamin, inutusan niya ang tagapamahalang alipin, “Dalhin mo ang mga taong ito sa bahay. Magkatay ka ng hayop at magluto, dahil magtatanghalian sila kasama ko.”
17 The man did as Joseph said, and he brought the men into Joseph's house. Sinunod ng tagapamahalang alipin ang utos sa kanya. Kaya dinala niya ang magkakapatid sa bahay ni Jose.
18 The men were afraid because they were brought into Joseph's house. They said, "It's because of the money returned in our sacks the first time, that we're brought in—to attack us, fall on us, seize us as slaves, and take our donkeys." Natakot ang magkakapatid nang dinala sila sa bahay ni Jose dahil inisip nila, “Baka dinala tayo rito dahil sa perang ibinalik sa mga sako natin noong una nating pagparito. Baka dakpin nila tayo, at kunin ang mga asno natin at gawin tayong mga alipin.”
19 So they approached the steward of Joseph's house and spoke to him at the door, Kaya nakipag-usap sila sa tagapamahalang alipin habang nasa pintuan pa lang sila ng bahay.
20 and said, "Please, sir, we indeed came down the first time to buy food. Sinabi nila, “Ginoo, sandali lang po, may sasabihin lang po kami sa inyo. Pumunta po kami rito noon upang bumili ng pagkain.
21 At the lodge, when we opened our sacks, each man's silver was there in full weight, in his sack's mouth. We've brought it back with us. Nang papauwi na po kami, nagpalipas kami ng gabi sa isang lugar. At doon namin binuksan ang mga sako namin at nakita po namin sa loob ang perang ibinayad namin. Narito, ibinabalik na po namin.
22 We also brought more money to buy food, but don't know who put it in our sacks." Nagdala pa po kami ng karagdagang pera upang bumili ng pagkain. Hindi po namin alam kung sino ang naglagay ng pera sa mga sako namin.”
23 He said, "Peace to you, don't fear. Your Father and the God of your father gave you treasure in your sacks; your payment reached me." Then he brought Simeon out to them. Sumagot ang tagapamahalang alipin, “Walang anuman iyon, huwag kayong matakot. Ang inyong Diyos, na Diyos din ng inyong ama, ang siya sigurong naglagay ng perang iyon sa mga sako ninyo. Natanggap ko ang bayad nʼyo noon.” Pagkatapos, dinala niya si Simeon sa kanila.
24 The man brought them into Joseph's house and gave them water, and they washed their feet; and he fed their donkeys. Pinapasok ng tagapamahalang alipin ang magkakapatid sa bahay ni Jose at binigyan ng tubig upang makapaghugas sila ng kanilang mga paa. Binigyan din niya ng pagkain ang kanilang mga asno.
25 So they readied the gift for Joseph's noon arrival, since they'd heard they would eat there. Inihanda ng magkakapatid ang mga regalo nila kay Jose habang hinihintay nila ang pag-uwi nito. Sapagkat sinabihan sila na doon magtanghalian sa bahay ni Jose.
26 When Joseph came home, they brought him the gift in their hands and bowed to him, to the ground. Pagdating ni Jose, nagpatirapa sila sa kanyang harapan at ibinigay nila ang kanilang mga regalo.
27 He asked how they were, then said, "Is your father—the old man you mentioned—well? Is he still alive?" Kinumusta sila ni Jose. Pagkatapos, nagtanong din siya, “Kumusta ang ama ninyong matanda na, na binanggit nʼyo noon sa akin? Buháy pa ba siya?”
28 They said, "Your servant our father is well, still alive." They bowed and prostrated themselves. Sumagot sila, “Buháy pa po si ama at mabuti pa naman po siya.” Pagkatapos, nagpatirapa silang muli sa kanyang harapan.
29 He looked up, saw his brother Benjamin, his mother's son, and asked, "Is this your youngest brother you told me about?" Then he said, "May our Father be gracious to you, my son." Pagkakita ni Jose kay Benjamin na kapatid niyang buo, sinabi niya, “Ito ba ang bunsong kapatid ninyo na ikinuwento nʼyo noon sa akin?” Sinabi niya agad kay Benjamin, “Nawaʼy pagpalain ka ng Diyos.”
30 Joseph hurried out, moved with compassion toward his brother, seeking a place to weep; he went into his room and wept there. Pagkatapos, mabilis na lumabas si Jose dahil naiiyak na siya sa pangungulila sa kapatid niya. Pumasok siya sa kanyang silid at doon umiyak.
31 Then he washed his face and came out; and he composed himself and said, "Serve the meal." Pagkatapos, naghilamos siya at bumalik sa kanila na pinipigil ang kanyang nararamdaman. At nag-utos siya na ihanda na ang pagkain.
32 They served him alone, his brothers alone, Egyptians eating with him alone—Egyptians can't eat bread with Hebrews, detestable to them. Iba ang mesa na kinainan ni Jose, iba rin ang kinainan ng kanyang mga kapatid, at iba rin ang sa mga Ehipsiyong doon din nananghalian. Sapagkat hindi kumakain ang mga Ehipsiyo na kasama ang mga Hebreo sa isang mesa, dahil kasuklam-suklam iyon para sa kanila.
33 They sat before him: the firstborn by his birthright, the youngest by his youth—the men were astonished at one another. Nakaharap kay Jose ang mesang inuupuan ng kanyang mga kapatid. Nagtitinginan ang magkakapatid dahil nagtaka sila na magkakasunod ang pagkakaupo nila sa mesa mula sa panganay hanggang sa bunso.
34 He sent portions to them from his table, Benjamin's portion five times the others'. They drank and celebrated with him. Hinainan sila ng pagkain na galing sa mesa ni Jose ngunit ang ibinigay kay Benjamin na pagkain ay limang beses ang dami kaysa sa iba. Nagsikain sila at nagsiinom kasama si Jose.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]