Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Genesis 47 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Joseph came and told Pharaoh, "My father and my brothers, with their flocks, herds, and all they own, have come from Canaan. They are now in Goshen." Pagkatapos, pumunta nga si Jose sa Faraon. Sinabi ni Jose sa hari, “Dumating na po ang aking ama at mga kapatid galing sa Canaan, at dala po nila ang mga hayop nila at ang lahat ng kanilang ari-arian. Naroon po sila ngayon sa Goshen.”
2 From among his brothers he took five men and presented them to Pharaoh. Isinama ni Jose ang lima sa kanyang mga kapatid at ipinakilala niya agad sa Faraon.
3 Pharaoh asked Joseph's brothers, "What is your work?" They told Pharaoh, "Your servants tend sheep, we and our fathers alike." Tinanong sila ng Faraon, “Ano ang trabaho ninyo?” Sumagot sila, “Mga pastol po kami ng hayop, katulad ng mga magulang namin.
4 They said to Pharaoh, "We came to live in this land as foreigners, since there's no pasture for your servants' flocks—the famine is severe in Canaan. Now please let your servants settle in Goshen." Pumunta kami rito upang pansamantalang manirahan dahil matindi po ang taggutom sa Canaan, at wala na kaming mapagpastulan ng mga hayop namin. Hinihiling po namin sa inyo na kung maaari ay payagan nʼyo kaming manirahan sa Goshen.”
5 Pharaoh said to Joseph, "Your father and your brothers have come to you. Sinabi ng Faraon kay Jose, “Ngayong dumating na ang iyong ama at mga kapatid,
6 Egypt lies before you. Settle your father and brothers in the best of the land—let them live in Goshen. If you know capable men among them, put them in charge of my livestock." nakabukas ang Ehipto para sa pamilya ninyo. Patirahin mo sila sa Goshen na isa sa magagandang lupain sa Ehipto. At kung may mapipili ka sa kanila na mapagkakatiwalaan, gawin silang tagapagbantay ng mga hayop ko.”
7 Then Joseph brought his father Jacob in and presented him to Pharaoh, and Jacob blessed Pharaoh. Dinala ni Jose ang kanyang ama sa Faraon at ipinakilala. Pagkatapos, binasbasan ni Jacob ang Faraon.
8 Pharaoh asked Jacob, "How many years have you lived?" Tinanong siya ng Faraon, “Ilang taon ka na?”
9 Jacob answered Pharaoh, "My years as a wanderer are 130. Few and hard, they haven't reached my fathers' years of wandering." Sumagot siya, “130 taon. Maikli at mahirap po ang naging buhay ko rito sa lupa. Hindi ito umabot sa kahabaan ng buhay ng aking mga ninuno.”
10 Then Jacob blessed Pharaoh and went out from his presence. Pagkatapos, muli niyang binasbasan ang Faraon, at umalis siya sa harapan ng Faraon.
11 So Joseph settled his father and brothers, giving them land in Egypt's best territory, the region of Rameses, as Pharaoh had ordered. Ayon sa utos ng Faraon, inilagay ni Jose sa ayos ang kanyang ama at mga kapatid sa Ehipto; ibinigay niya sa kanila ang lugar ng Rameses, na isa sa pinakamagandang lupain sa Ehipto.
12 Joseph fed his father, his brothers, and all his father's household, by the number of their children. Sinustentuhan ni Jose ng pagkain ang kanyang ama, mga kapatid at ang buong sambahayan ng kanyang ama ayon sa dami ng kanilang mga anak.
13 No food remained in all the land, for the famine was very severe, and the land of Egypt and land of Canaan wasted from the famine. Ngayon, malala na ang taggutom kaya wala nang pagkain kahit saan. Nanghina na ang mga tao sa Ehipto at sa Canaan dahil sa gutom.
14 Joseph gathered all the silver found in the land of Egypt and the land of Canaan for the grain they were buying, and Joseph brought the silver into Pharaoh's house. Tinipon ni Jose ang lahat ng perang ibinayad ng mga taga-Ehipto at taga-Canaan na bumili ng pagkain, at dinala ito sa palasyo ng Faraon.
15 When the silver ran out in the land of Egypt and land of Canaan, all the Egyptians came to Joseph, saying, "Give us food! Why should we die before you? Since silver is gone." Dumating ang panahon na naubos na ang perang pambili ng mga taga-Ehipto at ng mga taga-Canaan. Pumunta ang mga taga-Ehipto kay Jose at sinabi, “Wala na po kaming pera. Kung maaari bigyan na lang ninyo kami ng pagkain dahil mamamatay na kami sa gutom.”
16 Joseph answered, "Turn over your livestock; I'll give you food in exchange for your livestock, since your silver's gone." Sinabi ni Jose, “Kung wala na talaga kayong pera, dalhin nʼyo rito ang mga hayop ninyo at iyon ang ibayad ninyo sa pagkain ninyo.”
17 They brought their livestock to Joseph, and he gave them bread for the horses, flocks, herds, and donkeys. He provided them bread that year for all their livestock. Kaya dinala nila kay Jose ang kanilang mga kabayo, tupa, baka at asno, at ipinalit ito sa pagkain. Sa loob ng isang taon, sinustentuhan sila ni Jose ng pagkain kapalit ng kanilang mga hayop.
18 That year ended, and they came to him the second year and said, "We can't hide from my lord that our silver is gone and the livestock belong to my lord; nothing is left for my lord but our bodies and our land. Pagkalipas ng isang taon, pumunta na naman ang mga tao kay Jose at nagsabi, “Hindi po maitatago sa inyo na wala na kaming pera at ang mga hayop namin ay nariyan na sa inyo. Wala na pong naiwan sa amin, maliban sa aming sarili at mga lupain.
19 Why die before your eyes—we and our land? Buy us and our land for food; we and our land will serve Pharaoh. Give us seed to live, not die, and keep the land from turning desolate." Kaya tulungan nʼyo po kami upang hindi kami mamatay at hindi mapabayaan ang mga lupain namin. Payag po kami na maging alipin na lang ng hari at mapasakanya ang mga lupain namin upang may makain lang kami. Bigyan nʼyo po kami agad ng mga binhi na maitatanim upang hindi kami mamatay at hindi namin mapabayaan ang mga lupain namin.”
20 So Joseph bought all Egypt's land for Pharaoh, because each Egyptian sold his field—the famine was too severe for them. The land became Pharaoh's. Kaya si Jose, binili niya ang lahat ng lupain sa buong Ehipto para sa Faraon. Ibinenta ng bawat Ehipsiyo ang kanyang lupa sa kanya dahil matindi na ang taggutom. Kaya ang buong lupain ay naging pag-aari ng Faraon.
21 He moved the people into the cities, from one end of Egypt to the other. Ginawa ni Jose na mga alipin ng Faraon ang mga tao sa buong Ehipto.
22 Only he did not buy the priests' land, since Pharaoh gave them a fixed portion they lived on; so they did not sell their land. Ang mga lupain lang ng mga pari ang hindi nabili ni Jose. Hindi nila kailangang ipagbili ang mga lupain nila dahil sinusustentuhan sila ng Faraon ng pagkain at ng mga pangangailangan nila.
23 Joseph told the people, "Look, I have bought you and your land for Pharaoh today. Here's seed—sow the land. Sinabi ni Jose sa mga tao, “Ngayon na nabili ko na kayo pati ang mga lupain ninyo para sa Faraon, heto ang binhi upang makapagtanim kayo.
24 At harvest, give Pharaoh a fifth; keep four parts as seed for the field and food for you, your households, and your children." Kapag aani kayo, ibigay ninyo sa Faraon ang dalawampung porsiyento ng inyong ani. At sa inyo na ang matitira, upang may maitanim kayo at may makain ang buong sambahayan ninyo.”
25 They said, "You saved our lives. May we find favor in my lord's eyes, and we will be Pharaoh's slaves." Sinabi ng mga tao, “Ginoo, napakabuti po ninyong amo sa amin; iniligtas nʼyo ang buhay namin. Pumapayag po kami na maging alipin ng Faraon.”
26 So Joseph made it law in Egypt—still in force today—that a fifth goes to Pharaoh. Only the priests' land did not become Pharaoh's. Kaya ginawa ni Jose ang kautusan sa lupain ng Ehipto na ang dalawampung porsiyento ng ani ay para sa Faraon. Ang kautusang ito ay nagpapatuloy pa hanggang ngayon. Ang mga lupain lang ng mga pari ang hindi naging pag-aari ng Faraon.
27 Israel lived in Egypt's land, in Goshen's land. They gained property there, and were fruitful and multiplied greatly. Tumira ang mga Israelita sa Goshen na sakop ng Ehipto. Nagkaroon sila roon ng lupain at dumami pa ang lahi nila.
28 Jacob lived in Egypt seventeen years; his life totaled 147 years. Tumira si Jacob sa Ehipto sa loob ng labingpitong taon, nabuhay siya hanggang 147 taon.
29 When Israel's time to die drew near, he called his son Joseph and said, "If I have found favor with you, please put your hand under my thigh and show me faithful love and loyalty. Please don't bury me in Egypt, Nang maramdaman niyang malapit na siyang mamatay, tinawag niya si Jose at sinabi, “Kung maaari, ilagay mo ang kamay mo sa pagitan ng dalawang hita ko at manumpa ka na ipagpapatuloy mo ang pagpapakita ng iyong kagandahang-loob sa akin. Huwag mo akong ilibing dito sa Ehipto.
30 but let me lie with my fathers. Carry me out of Egypt and bury me in their tomb." Joseph said, "I will do as you say." Kapag namatay na ako, ilabas mo ako sa Ehipto, at ilibing mo ako sa libingan ng aking mga ninuno.” Sumagot si Jose, “Gagawin ko po ang sinasabi ninyo.”
31 Jacob said, "Swear to me." Joseph swore to him. Then Israel bowed at the head of his bed. Sinabi ni Jacob, “Sumumpa ka sa akin.” Kaya sumumpa si Jose sa kanya. Yumuko si Jacob sa kanyang higaan.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]