Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Genesis 48 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 After this, Joseph was told, "Look, your father is sick." So he took his two sons, Manasseh and Ephraim. Hindi nagtagal, may nagbalita kay Jose na may sakit ang kanyang ama. Kaya dinalaw ni Jose ang kanyang ama at isinama niya ang dalawang anak niyang sina Manases at Efraim.
2 Jacob was told, "Look, your son Joseph has come to you." Israel mustered his strength and sat up on the bed. Nang masabihan si Jacob na dumating ang anak niyang si Jose, nagpalakas siya at sinikap na makaupo sa kanyang higaan.
3 Jacob told Joseph, "El Shaddai—our Father Almighty—appeared to me at Luz in the land of Canaan and blessed me. Sinabi ni Jacob kay Jose, “Noong naroon pa ako sa Luz, sa lupain ng Canaan, nagpakita sa akin ang Diyos na Makapangyarihan at binasbasan niya ako.
4 He said to me, 'I will make you fruitful, multiply you, and make you into a group of peoples; I will give this land to your offspring after you as an everlasting possession.' Sinabi niya, ‘Pararamihin ko ang iyong lahi at magiging ama ka ng maraming tao. Ibibigay ko ang lupaing ito ng Canaan sa mga lahi mo at magiging inyo na ito magpakailanman.’
5 Now, your two sons born to you in Egypt before I came to you here are mine. Ephraim and Manasseh will be mine, like Reuben and Simeon. “Ang dalawa mong anak na sina Efraim at Manases, na ipinanganak dito sa Ehipto bago ako dumating ay ituturing kong mga anak ko kagaya nina Ruben at Simeon.
6 But children you father after them are yours; they'll be called under their brothers' names in their inheritance. Ngunit mananatiling iyo ang susunod mong mga anak at makakatanggap sila ng mana galing kina Efraim at Manases.
7 As for me, when I came from Paddan, Rachel died beside me in the land of Canaan, on the way, still some distance from Ephrath; I buried her there on the way to Ephrath" (that is, Bethlehem). Gagawin ko ito alang-alang sa iyong ina. Pabalik na kami noon galing sa Padan. Namatay siya sa lupain ng Canaan, noong malapit na kami sa Efrata. Kaya kalakip ng matinding kalungkutan, inilibing ko na lang siya sa tabi ng daan na papunta sa Efrata.” (Ang Efrata ang tinatawag ngayon na Bethlehem.)
8 When Israel saw Joseph's sons, he said, "Who are these?" Nang makita ni Israel ang mga anak na lalaki ni Jose, nagtanong siya, “Sino sila?”
9 Joseph said to his father, "These are my sons, whom our Father gave me here." He said, "Please bring them to me, so I may bless them." Sumagot si Jose, “Sila po ang mga anak ko na ibinigay sa akin ng Diyos dito sa Ehipto.” Kaya sinabi ni Israel, “Dalhin mo sila rito sa akin upang mabasbasan ko sila.”
10 Israel's eyes were dim with age—he couldn't see well. So Joseph brought them close to him, and he kissed and embraced them. Halos hindi na makakita si Israel dahil sa katandaan, kaya dinala ni Jose ang mga anak niya papalapit kay Israel. Niyakap sila ni Israel at hinalikan.
11 Israel told Joseph, "I never expected to see your face—now our Father has even let me see your offspring." Sinabi ni Israel kay Jose, “Hindi na talaga ako umaasa na makikita pa kita, ngunit ngayon ipinahintulot ng Diyos na hindi lang ikaw ang makita ko kundi pati ang mga anak mo.”
12 Then Joseph took them from between his father's knees and bowed with his face to the ground. Kinuha agad ni Jose ang mga anak niya sa kandungan ni Israel at nagpatirapa.
13 Joseph took both—Ephraim in his right hand, toward Israel's left, Manasseh in his left, toward Israel's right—and brought them near him. Pagkatapos, inilapit niya ang mga anak niya sa lolo ng mga ito. Si Efraim ay nasa kanan ni Jose, na nasa kaliwa ni Israel at si Manases ay nasa kaliwa ni Jose na nasa kanan ni Israel.
14 Israel reached out his right hand and put it on Ephraim's head—the younger—then his left hand on Manasseh's head, crossing his hands—for Manasseh was the firstborn. Ngunit ipinatong ni Israel ang kanyang kanang kamay sa ulo ni Efraim na siyang nakababata, at ipinatong ang kanyang kaliwang kamay sa ulo ni Manases na siya namang nakatatanda.
15 Then he blessed Joseph and said, "Our Father, before whom my fathers Abraham and Isaac walked—our Father who has been my shepherd all my life long to this day, Pagkatapos, binasbasan niya ang mga ito na sinasabi, “Nawaʼy pagpalain ang mga batang ito ng Diyos na pinaglingkuran ng aking mga ninuno na sina Abraham at Isaac, na siya ring Diyos na nagbabantay sa akin simula nang ipinanganak ako hanggang ngayon.
16 the Messenger who has redeemed me from all evil—bless the boys. May my name live on in them, and the names of my fathers Abraham and Isaac; and may they grow into a multitude in the midst of the earth." At nawaʼy pagpalain din sila ng Anghel na nagligtas sa akin sa lahat ng kapahamakan. Nawaʼy maalala ako at ang aking mga ninunong sina Abraham at Isaac sa pamamagitan nila. At nawaʼy dumami pa sila sa mundo.”
17 Joseph saw his father's right hand on Ephraim's head; it upset him, so he grasped his father's hand to move it from Ephraim's head to Manasseh's head. Nang makita ni Jose na ipinatong ng kanyang ama ang kanang kamay nito sa ulo ni Efraim, hindi niya ito ikinatuwa. Hinawakan niya ang kamay ng kanyang ama upang ilipat kay Manases,
18 Joseph said to his father, "No, my father, for this is the firstborn—put your right hand on his head." At sinabi, “Ama, hindi po iyan. Ito po ang panganay; ipatong po ninyo ang kanang kamay ninyo sa ulo niya.”
19 But his father refused and said, "I know, my son, I know. He too will become a people, he too will be great. Yet his younger brother will be greater than him, and his descendants will become many nations." Ngunit sumagot ang kanyang ama, “Oo, alam ko anak. Ang mga lahi ni Manases ay magiging kilala ring mga bansa. Ngunit mas magiging kilala ang mga lahi ng nakababata niyang kapatid at magiging mas marami ang lahi nito.”
20 That day he blessed them, saying, "Israel will bless through you, saying, 'May our Father make you like Ephraim and like Manasseh.'" And he put Ephraim before Manasseh. At sa araw na iyon, binasbasan niya ang mga ito at sinabi, “Gagamitin ng mga Israelita ang pangalan mo sa pagbabasbas. Sasabihin nila, ‘Nawaʼy pagpalain ka ng Diyos kagaya nina Efraim at Manases.’ ” Sa paraang iyon, ginawa niya si Efraim na nakahihigit kay Manases.
21 Israel said to Joseph, "Look, I am about to die, but our Father will be with you and bring you back to your fathers' land. Kaya sinabi ni Israel kay Jose, “Malapit na akong mamatay, ngunit huwag kayong mag-aalala sapagkat sasamahan kayo ng Diyos at pababalikin kayo sa lupain ng inyong ninuno.
22 And to you, rather than to your brothers, I have given one mountain slope that I took from the hand of the Amorites with my sword and with my bow." At ikaw ang magmamana ng Shekem, at hindi ang mga kapatid mo. Ang lupain na iyon na napasaakin dahil sa pakikipaglaban ko sa mga Amoreo sa pamamagitan ng espada at pana.”
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]