Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Genesis 49 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Jacob called his sons and said, "Gather, so I can tell you what will happen to you in the days ahead. Pagkatapos, tinawag ni Jacob ang mga anak niyang lalaki, at sinabi, “Lumapit kayo rito at sasabihin ko sa inyo kung ano ang mangyayari sa inyo sa darating na panahon.
2 Assemble and listen, sons of Jacob; listen to Israel your father. Lumapit kayo, mga anak ni Jacob; makinig kayo sa inyong amang si Israel.
3 Reuben, you are my firstborn, my might and the firstfruits of my strength, excelling in dignity and excelling in power. “Ikaw, Ruben, na aking panganay, ang aking lakas at bunga ng aking pagkalalaki. Nangunguna ka sa karangalan at nangunguna rin sa kapangyarihan.
4 Unstable as water, you will not excel, because you went up to your father's bed; then you defiled it—he went up to my couch. Maligalig kang gaya ng tubig at hindi ka mapigilan kaya hindi na ikaw ang nasa unahan. Sapagkat dinumihan mo ang aking higaan at ang aking dangal ay iyong dinungisan.
5 Simeon and Levi are brothers; weapons of violence are their swords. “Sina Simeon at Levi ay magkakampi, ang mga espada nilaʼy sandata ng kalupitan.
6 May I never enter their council; may my honor not be joined to their assembly. For in their anger they killed men, and in their willfulness they hamstrung oxen. Hindi ako sasáma ni dadalo sa pagtitipon nila sapagkat sa kanilang galit ay pumapatay sila ng mga tao at pinipilayan nila ang mga toro kapag gusto nila.
7 Cursed be their anger, for it is fierce, and their wrath, for it is cruel! I will divide them throughout Jacob and scatter them throughout Israel. Sinusumpa ko ang kanilang galit, dahil itoʼy malupit, at ang kanilang poot, dahil itoʼy mabagsik. Ikakalat ko sila sa angkan ni Jacob, at magkakawatak-watak sila sa buong Israel.
8 Judah, your brothers will praise you; your hand will be on the neck of your enemies; your father's sons will bow down before you. “Ikaw Juda, pupurihin ka ng iyong mga kapatid. Ang iyong mga kaaway ay hahawakan mo sa leeg. Ang mga anak ng iyong amaʼy yuyuko saʼyo.
9 Judah is a lion's cub; from the prey, my son, you have come back. He stooped down; he crouched as a lion and as a lioness—who dares rouse him? Juda, aking anak, katulad ka ng isang batang leon na katatapos lang lumapa ng kanyang pagkain. Katulad si Juda ng leong gumagapang at humihiga, gaya ng babaeng leon na walang nagtatangkang gumambala.
10 The scepter will not depart from Judah, nor the ruler's staff from between his feet, until he comes to whom it belongs, and to him will be the obedience of the peoples. Ang setro ng hari ay hindi mawawala kay Juda; at ang tungkod ng pamamahala ay mananatili sa lahi niya hanggang sa dumating ang karapat-dapat mamuno at susunod sa kanya ang lahat ng bansa.
11 Binding his foal to the vine and his donkey's colt to the choice vine, he has washed his garments in wine and his robes in the blood of grapes. Itatali niya ang kanyang asno at guya sa pinakamagandang puno ng ubas, at lalabhan niya sa alak ang kanyang mga damit
12 His eyes are darker than wine, and his teeth whiter than milk. Mas mapula pa kaysa sa alak ang kanyang mga mata at mas maputi kaysa sa gatas ang mga ngipin niya.
13 Zebulun will dwell at the shore of the sea; he will become a haven for ships, and his border will be at Sidon. “Si Zebulun ay maninirahan sa tabi ng dagat. Magiging daungan siya ng mga sasakyang pandagat. Ang lupain niya ay aabot hanggang Sidon.
14 Issachar is a strong donkey, crouching between the sheepfolds. “Si Isacar ay katulad ng malakas na asno na nakahiga sa kulungan ng mga tupa.
15 He saw that a resting place was good and that the land was pleasant, so he bent his shoulder to the load and became a servant at forced labor. Nang makita niyang masagana at mainam ang kanyang lupain titiisin na lang niyang magpaalipin, kahit pa siyaʼy sapilitang pagtatrabahuhin.
16 Dan will judge his people as one of the tribes of Israel. “Si Dan ang magdadala ng katarungan sa kanyang bayan bilang isa sa mga angkan ni Israel.
17 Dan will be a serpent in the road, a viper by the path, that bites the horse's heels so that his rider falls backward. Siyaʼy magiging isang ahas sa tabi ng daan, isang mabagsik na ulupong na nasa daanan, na tumutuklaw sa paa ng kabayong dumaraan upang mahulog ang ditoʼy nakasakay.
18 I wait for your salvation, my Father. “O Panginoon, naghihintay po ako sa inyong pagliligtas.
19 Gad—raiders will raid him, but he will raid at their heels. “Si Gad ay lulusubin ng grupo ng mga tulisan, ngunit gaganti siyaʼt lulusubin din sila.
20 Asher's food will be rich, and he will yield royal delicacies. “Si Asher ay magiging sagana sa pagkain, at magbibigay ng mga pagkaing angkop sa hari.
21 Naphtali is a doe let loose that bears beautiful fawns. “Si Neftali ay tulad ng pinakawalang usa na manganganak ng mga supling na magaganda.
22 Joseph is a fruitful branch, a fruitful branch by a spring; his branches run over the wall. “Si Jose ay tulad ng mabungang sanga, tulad ng mabungang baging sa tabi ng bukal na gumagapang paakyat sa pader.
23 The archers bitterly attacked him, shot at him, and harassed him severely. Kaiinisan siya ng mga mamamana. Sa kanilang galit siyaʼy papanain nila.
24 Yet his bow remained unmoved; his arms were made agile by the hands of the Mighty One of Jacob—our Father—from there comes the Shepherd, the Stone of Israel. Ngunit matatag pa rin ang kanyang pana, nanatiling matibay ang kamay niya, dahil sa tulong ng Makapangyarihang Diyos ni Jacob, ang Pastol at ang Batong kanlungan ng Israel.
25 By the God of your father who will help you, by El Shaddai—the Almighty, our Father—who will bless you with blessings of heaven above, blessings of the deep that crouches beneath, blessings of the breasts and of the womb. Ang Diyos ng iyong ama ang siyang tutulong sa iyo. Ang Diyos na Makapangyarihan ang magpapala sa iyo ng ulan mula sa langit at tubig mula sa kailaliman ng lupa. Pagpapalain ka rin niya ng maraming anak at hayop.
26 The blessings of your father are mighty beyond the blessings of my ancestors, reaching to the riches of the everlasting hills. May they be on the head of Joseph, and on the brow of him who was set apart from his brothers. Ang pagpapala ng iyong ama ay higit pa sa pagpapala ng mga bundok noong sinauna, o sa mga yamang mula sa burol na matatanda na. Nawaʼy manatili itong lahat sa ulo ni Jose na siyang nakahihigit sa magkakapatid.
27 Benjamin is a ravenous wolf, in the morning devouring the prey and at evening dividing the spoil." “Si Benjamin ay tulad ng isang lobong gutom na gutom; sa umagaʼy nilalapa ang kanyang nahuli at sa gabi namaʼy ang mga nasamsam ay pinaghahatian.”
28 All these are the twelve tribes of Israel; this is what their father said as he blessed them, each with the blessing fitting him. Sila ang labindalawang anak ni Jacob na pinanggalingan ng mga lahi ng Israel. At iyon ang huling habilin ni Jacob sa bawat isa sa kanila. Biniyayaan niya ang bawat isa ng basbas na angkop sa kanila.
29 He commanded them: "I am being gathered to my people. Bury me with my fathers in the cave in Ephron the Hittite's field, Pagkatapos, binilinan ni Jacob ang mga anak niya. Sinabi niya, “Ngayon, sandali na lang at makakasama ko na sa kabilang buhay ang aking mga ninuno. Ilibing nʼyo ako sa libingan ng aking mga magulang, doon sa kuweba na nasa bukid ni Efron na Heteo.
30 in the cave in the field at Machpelah, east of Mamre in Canaan, which Abraham bought along with the field from Ephron the Hittite as a burial place. Ang kuwebang iyon ay nasa bukid ng Macpela, sa silangan ng Mamre na sakop ng Canaan. Binili ng lolo kong si Abraham ang bukid na iyon kay Efron na Heteo upang gawing libingan.
31 There they buried Abraham and Sarah his wife; there they buried Isaac and Rebekah his wife; and there I buried Leah, Doon siya inilibing pati ang lola kong si Sara at ang mga magulang kong sina Isaac at Rebeca, at doon ko rin inilibing si Lea.
32 the field and the cave that is in it were bought from the Hittites. Ang bukid at ang kuweba nito ay binili sa mga Heteo.”
33 Jacob finished commanding his sons, drew his feet into the bed, breathed his last, and was gathered to his people." Pagkatapos magbilin ni Jacob sa kanyang mga anak, siya ay nahiga at nalagutan ng hininga. At isinama siya sa kanyang mga ninuno na sumakabilang buhay na.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]