Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Exodus 2 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Now a man from the house of Levi went and married a daughter of Levi. May isang tao mula sa lahi ni Levi na nakapag-asawa ng isang babae na galing din sa lahi ni Levi.
2 The woman conceived and bore a son; seeing he was healthy, she hid him three months. Hindi nagtagal, nagbuntis ang babae at nanganak ng isang lalaki. Nang makita niyang malusog ang sanggol, itinago niya ito sa loob ng tatlong buwan.
3 Unable to hide him longer, she got a papyrus basket, coated it with tar and pitch, put the child in, and set it among the reeds on the Nile's bank. Ngunit nang hindi na niya maitago ang sanggol, kumuha siya ng basket na gawa sa halamang papyrus at pinahiran ng alkitran. Pagkatapos, inilagay niya ang sanggol sa basket at pinalutang sa tubig sa tabi ng matataas na damo sa pampang ng Ilog Nilo.
4 His sister stood at a distance to see what would happen to him. Nakatayo naman sa di-kalayuan ang kapatid na babae ng sanggol upang tingnan kung ano ang mangyayari rito.
5 Pharaoh's daughter went down to bathe at the Nile, her maids walking along the Nile. She saw the basket among the reeds, sent her maid to get it. Ngayon, lumusong ang anak na babae ng Faraon sa Ilog Nilo upang maligo. Habang naliligo ang prinsesa, ang mga utusang babae naman niya ay naglalakad-lakad sa pampang. Nakita ng prinsesa ang basket sa matataas na damo kaya ipinakuha niya ito sa isa sa kanyang mga utusan.
6 She opened it, saw the child—a baby boy, crying. Her heart went out to him, and she said, "This is one of the Hebrew children." Binuksan niya ang basket at nakita ang umiiyak na sanggol, kaya naawa siya rito. Sinabi niya, “Isa ito sa mga sanggol ng mga Hebreo.”
7 His sister asked Pharaoh's daughter, "Should I call a Hebrew woman to nurse the child for you?" Pagkatapos, lumapit ang kapatid na babae ng sanggol sa prinsesa at nagtanong, “Gusto nʼyo po bang ikuha ko kayo ng isang babaeng Hebreo na magpapasuso at mag-aalaga sa sanggol para sa inyo?”
8 "Yes, go," Pharaoh's daughter answered. So the girl went and called the child's mother. Sumagot ang prinsesa, “Sige.” Kaya umalis ang kapatid ng sanggol at pinuntahan ang kanilang ina at dinala sa prinsesa.
9 Pharaoh's daughter told her, "Take this child and nurse him for me; I'll pay your wages." The woman took the child and nursed him. Sinabi ng prinsesa sa ina ng bata, “Dalhin mo ang sanggol na ito at pasusuhin para sa akin. Alagaan mo siya at babayaran kita.” Kaya kinuha niya ang sanggol at inalagaan.
10 The boy grew; she brought him to Pharaoh's daughter, who adopted him, naming him Moses: "Because I drew him from the water." Nang lumaki na ang sanggol, dinala siya ng kanyang ina sa prinsesa at itinuring siya ng prinsesa bilang tunay niyang anak. Pinangalanan ng prinsesa ang bata na Moises, dahil sinabi niya, “Kinuha ko siya sa tubig.”
11 In those days Moses grew up, went out to his people, saw their burdens, and saw an Egyptian striking a Hebrew, one of his relatives. Isang araw, nang binata na si Moises, pumunta siya sa mga kadugo niya at nakita niya kung paano sila pinapahirapan. Nakita niya ang isang Ehipsiyo na hinahagupit ang isang Hebreo na kadugo niya.
12 He glanced around and, seeing no one, killed the Egyptian and hid him in the sand. Luminga-linga si Moises sa paligid kung may nakatingin. At nang wala siyang nakita, pinatay niya ang Ehipsiyo at ibinaon ang bangkay sa buhangin.
13 Next day he went out, saw two Hebrews fighting, and asked the offender, "Why hit your companion?" Kinabukasan, bumalik siya at may nakita siyang dalawang Hebreong nag-aaway. Tinanong niya ang may kasalanan, “Bakit mo hinahagupit ang kapwa mo Hebreo?”
14 He said, "Who made you ruler and judge over us? Are you thinking of killing me as you killed the Egyptian?" Moses was afraid and thought, "Indeed, the matter is known." Sumagot ang lalaki, “Sino ang nagtalaga saʼyong maging pinuno at hukom namin? Papatayin mo rin ba ako tulad ng ginawa mo sa Ehipsiyo kahapon?” Natakot si Moises at sinabi sa kanyang sarili, “May nakakaalam pala ng ginawa ko.”
15 Pharaoh heard and sought to kill Moses; he fled from Pharaoh, settled in the land of Midian, and sat by a well. Nang malaman ng Faraon ang ginawa ni Moises, tinangka niya itong patayin, pero tumakas si Moises papuntang Midian para doon manirahan. Pagdating niya sa Midian, naupo siya sa gilid ng balon.
16 Midian's priest had seven daughters; they came to draw water and fill the troughs to water their father's flock. Ngayon, dumating naman ang pitong anak na babae ng pari ng Midian upang umigib at painumin ang mga alagang hayop ng kanilang ama.
17 When the shepherds came and drove them away, Moses got up, rescued them, and watered their flock. May dumating doon na mga pastol at pinapaalis nila ang mga babae at ang kanilang mga hayop, pero tinulungan ni Moises ang mga babaeng anak ng pari at pinainom pa niya ang mga alaga nilang hayop.
18 When they returned to their father Reuel, he asked, "Why have you come back so early today?" Pag-uwi ng mga babae sa ama nilang si Reuel, tinanong niya sila, “Bakit parang napaaga ang pag-uwi nʼyo?”
19 They said, "An Egyptian saved us from the shepherds, even drew us water and watered the flock." Sumagot sila, “May isang Ehipsiyo po na tumulong sa amin laban sa mga pastol. Ipinag-igib niya kami ng tubig at pinainom ang aming mga hayop.”
20 "Where is he?" he asked his daughters. "Why did you leave the man? Call him to eat." Nagtanong ang kanilang ama, “Nasaan na siya? Bakit ninyo siya iniwan? Tawagin ninyo siya at anyayahang kumain.”
21 Moses agreed to stay with the man, who gave his daughter Zipporah to Moses in marriage. Tinanggap ni Moises ang paanyaya, at pumayag siyang doon na tumira sa bahay ni Reuel. Nang magtagal, ipinakasal ni Reuel ang anak niyang si Zipora kay Moises.
22 She bore a son; Moses named him Gershom, saying, "I have been a foreigner in a foreign land." Nabuntis si Zipora at nanganak ng isang lalaki, at pinangalanan ito ni Moises na Gerson, dahil sinabi niya, “Dayuhan ako sa lupaing ito.”
23 Long after, Egypt's king died. Israel's sons groaned from slavery, cried out; their cry rose to our Father from slavery. Pagkalipas ng maraming taon, namatay ang hari ng Ehipto. Ngunit patuloy pa rin ang paghihirap ng mga Israelita sa kanilang pagkaalipin. Humingi sila ng tulong at umabot sa Diyos ang kanilang hinaing.
24 Our Father heard their groaning, and he remembered his covenant with Abraham, with Isaac, and with Jacob. Narinig ng Diyos ang kanilang hinaing, at inalala niya ang kanyang kasunduan kina Abraham, Isaac, at Jacob.
25 Our Father looked on the Israelites, and he understood. Nakita ng Diyos ang kalagayan nila at naawa ang Diyos sa kanila.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]