Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Exodus 3 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Moses was shepherding the flock of his father-in-law Jethro, priest of Midian. He led the flock to the far side of the wilderness and came to Horeb, the mountain of our Father. Isang araw, inaalagaan ni Moises ang kawan ng biyenan niyang si Jetro na pari ng Midian. Dinala niya ang kawang ito sa malayong bahagi ng ilang at nakarating siya sa Horeb, ang bundok ng Diyos.
2 There the messenger of our Father appeared to him in a fire flaming from within a bush. Moses looked: the bush was blazing but not consumed. Nagpakita sa kanya roon ang anghel ng Panginoon sa anyo ng naglalagablab na apoy sa isang mababang punongkahoy. Nakita ni Moises na naglalagablab ang punongkahoy pero hindi naman nasusunog.
3 Moses said, "Let me go over and see this extraordinary sight—why the bush isn't burning up." Sinabi niya, “Nakapagtataka! Bakit kaya hindi iyon nasusunog? Malapitan nga at nang makita ko.”
4 When our Father saw he had turned aside to look, he called to him from within the bush, "Moses, Moses!" Moses said, "Here I am." Nang makita ng Panginoon na papalapit si Moises upang tumingin, tinawag siya ng Diyos mula sa gitna ng mababang punongkahoy, “Moises, Moises!” Sumagot si Moises, “Narito po ako.”
5 He said, "Don't come closer. Take your sandals off your feet, for the ground you're standing on is holy." Sinabi ng Diyos, “Huwag ka nang lumapit pa. Tanggalin mo ang iyong sandalyas, dahil banal ang lugar na kinatatayuan mo.
6 He said, "I am your Father, the God of Abraham, of Isaac, and of Jacob." Moses hid his face, for he was afraid to look at our Father. Ako ang Diyos ng iyong mga ninuno, ang Diyos ni Abraham, Diyos ni Isaac, at Diyos ni Jacob.” Nang marinig ito ni Moises, tinakpan niya ang kanyang mukha, dahil natatakot siyang tumingin sa Diyos.
7 Then our Father said, "I have truly seen my people's suffering in Egypt, heard their cry under their slave drivers, for I know their hardships. Pagkatapos, sinabi ng Panginoon, “Nakita ko ang paghihirap ng aking mga mamamayan sa Ehipto. Narinig ko ang paghingi nila ng tulong dahil sa sobrang pagmamalupit ng mga namamahala sa kanila, at naaawa ako sa kanila dahil sa kanilang mga pagdurusa.
8 So I've come down to rescue them from Egypt's grip and bring them up from that land to a good, spacious land—a land flowing with milk and honey—to the place of the Canaanites, Hittites, Amorites, Perizzites, Hivites, and Jebusites. Kaya bumaba ako upang iligtas sila sa kamay ng mga Ehipsiyo, at upang dalhin sila sa mayaman, malawak at masaganang lupain na tinitirhan ngayon ng mga Cananeo, Heteo, Amoreo, Perezeo, Heveo at mga Jebuseo.
9 Now the cry of Israel's people has reached me, and I've seen the oppression the Egyptians oppress them with. Narinig ko ang paghingi ng tulong ng mga Israelita, at nakita ko kung paano sila inalipin ng mga Ehipsiyo.
10 Now go—I'm sending you to Pharaoh, to bring my people, Israel's sons, out of Egypt." Kaya ipapadala kita sa Faraon upang palayain ang aking mga mamamayang Israelita sa Ehipto.”
11 Moses said to our Father, "Who am I to go to Pharaoh and bring the Israelites out of Egypt?" Ngunit sinabi ni Moises sa Diyos, “Sino po ba ako upang pumunta sa Faraon at ilabas ang mga Israelita mula sa Ehipto?”
12 He said, "I will surely be with you. This is your sign that I have sent you: when you bring the people out of Egypt, you will worship your Father on this mountain." Sinabi ng Diyos, “Sasamahan kita, at ito ang tanda na ako ang nagpadala sa iyo: Kapag nailabas mo na ang mga Israelita sa Ehipto, sasambahin ninyo ako sa bundok na ito.”
13 Then Moses said to our Father, "If I go to Israel's people and tell them, 'The God of your fathers sent me to you,' and they ask me, 'What is his name?'—what do I tell them?" Sinabi ni Moises sa Diyos, “Kung sakali pong pumunta ako ngayon sa mga Israelita at sabihin ko sa kanila na ang Diyos ng kanilang mga ninuno ang nagpadala sa akin upang iligtas sila, at magtanong sila sa akin, ‘Ano ang pangalan niya?’ Ano po ang isasagot ko sa kanila?”
14 Our Father told Moses, "I AM WHO I AM." Then he said, "Tell the Israelites: 'I AM has sent me to you.'" Sumagot ang Diyos kay Moises, “Ako ay Ako. Ito ang isagot mo sa kanila: ‘Ako ay Ako ang nagpadala sa akin.’ ”
15 Our Father also told Moses, "Tell the Israelites: 'Your Father—the God of Abraham, Isaac, and Jacob—has sent me to you.' This is my name forever, and how I am remembered in every generation. Sinabi pa ng Diyos kay Moises, “Sabihin mo ito sa mga Israelita: ‘Ang Panginoon, ang Diyos ng inyong mga ninuno na sina Abraham, Isaac, at Jacob, ang nagpadala sa akin sa inyo.’ Ito ang aking pangalang magpakailanman na itatawag sa akin ng lahat ng mga salinlahi.
16 Go, gather Israel's elders and tell them: your Father—the God of Abraham, Isaac, and Jacob—appeared to me and said: I have surely watched over you, and seen what is done to you in Egypt, “Ngayon humayo ka at tipunin ang mga pinuno ng Israel at sabihin mo sa kanila, ‘Ang Panginoon, ang Diyos ng inyong mga ninuno na sina Abraham, Isaac, at Jacob ay nagpakita sa akin, at nagsabi na: Binabantayan ko kayo, at nakita ko ang ginagawa ng mga Ehipsiyo sa inyo.
17 I have promised to bring you up out of Egypt's misery to the land of the Canaanites, the Hittites, the Amorites, the Perizzites, the Hivites, and the Jebusites—a land flowing with milk and honey. Nangako ako na palalabasin ko kayo sa Ehipto kung saan naghihirap kayo, at dadalhin sa maganda at masaganang lupain: ang lupain ng mga Cananeo, Heteo, Amoreo, Perezeo, Heveo at mga Jebuseo.’
18 They will listen to you. You and Israel's elders must go to Egypt's king and tell him, 'the Father of the Hebrews has met us. Now please let us travel three days into the wilderness to sacrifice to our Father.' “Pakikinggan ka ng mga pinuno ng Israel. At pagkatapos, pumunta kayo ng mga pinuno ng Israel sa hari ng Ehipto, at sabihin sa kanya, ‘Nagpakita sa amin ang Panginoon, ang Diyos ng mga Hebreo. Kaya kung maaari, payagan nʼyo kaming umalis nang tatlong araw papunta sa disyerto upang maghandog sa Panginoon naming Diyos.’
19 But I know Egypt's king won't let you go unless by a mighty hand. Ngunit alam kong hindi kayo papayagan ng hari ng Ehipto maliban na lang kung mapipilitan siya.
20 I will reach out my hand and strike Egypt with all the wonders I do there; then he will release you. Kaya parurusahan ko ang mga Ehipsiyo sa pamamagitan ng mga kababalaghang gagawin ko sa kanila. At pagkatapos noon, papayagan na niya kayong umalis.
21 I will make the Egyptians favor this people, so when you leave, you won't go empty-handed. “Magiging mabuti sa inyo ang mga Ehipsiyo, at pababaunan pa nila kayo sa pag-alis ninyo.
22 Each woman must ask her neighbor and the woman living in her house for silver and gold items and clothing, and dress your sons and daughters with them. So you will plunder the Egyptians." Ang mga babaeng lahi ni Israel ay manghihingi ng mga alahas na pilak at ginto at mga damit sa mga kapitbahay nilang Ehipsiyo at sa mga babaeng bisita nito. At ipapasuot ninyo ang mga bagay na ito sa inyong mga anak. Sa pamamagitan nito, masasamsam ninyo ang mga ari-arian ng mga Ehipsiyo.”
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]